Share

Chapter 2

"Goodmorning," wika ko habang nag-iinat sa balkonahe at dinadama ang sikat ng araw. Ngayong araw ay pupunta kami ng Palaui Island at ito ang unang magiging pasyal namin dito sa Cagayan.  I just hope that this vacation will be unforgettable.

Nanatili ako sa balkonahe ng ilang minuto pa hanggang sa paalis na sana ako ng mahagip ng aking mata ang isang lalaki na naglalakad papasok sa bahay nina Celestine. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto kung sino iyon. He's the guy from yesterday. What is he doing here? Is he related with my cousin? Maybe? Well it's none of my business anymore.

May buhat-buhat itong karton. Bigla siyang huminto sa paglalakad at napadako ang kanyang tingin sa kinaroroonan ko kaya mas mabilis pa sa alas kwatrong pagtalikod ko. Ewan ko ba kung bakit ko iyon ginawa. Pakiramdam ko pinagtataguan ko ito eh wala naman akong ginawang masama sa kanya. Kaya huminga ako ng malalim at bumalik sa pagkakapwesto ko kanina. Well, wala naman talaga pero may kasalanan ako sa kanya dahil sa nagawa ko sa kanya kahapon.

Tumingin ulit ako sa kinaroroonan niya kanina at biglang bumilis ang tibok ng puso ko na tila ba may mga nagkakarerang kabayo sa aking dibdib ng magtagpo ang aming mga mata. Hindi pa pala ito umalis sa kinaroroonan niya kanina.

Hindi ako umiwas ng tingin at nakipagtitigan sa kanya pero pakiramdam ko nanlalambot ang aking mga tuhod sa paraan ng pagtitig niya. Na para akong natutunaw kaya naman ako na ang unang umiwas ng tingin pero nasilayan ko pa ang munting ngiti na pinakawalan niya bago ako umiwas at umalis na rin ito. Tila may kakaiba din akong nararamdaman at ngayon ko lamang ito naramdaman. 

"Diana," wika ni Celestine kaya umalis na ako ng balkonahe at pinagbuksan ito ng pinto.

"Why?" Bungad kong tanong sa kanya.

"Halika na. Ihanda na natin yung mga gamit natin," wika niya at tumango naman ako kaya kinuha ko na ang 'di kalakihan kong maleta. 

Pagkarating namin sa living room ay nadatnan namin ang dalawang babae na nakaupo sa couch at nag-uusap.

"Oh Celestine," wika ng isa nang mapansin nila ang aming pagdating.

"Guys she's Diana, my cousin, and Diana this is Fiyonah and Lynjel, my friends. Sila ang makakasama natin," wika ni celestine.

"Nice to meet you," wika namin sa isa't-isa at nakipagshake-hands.

"Mabuti pa ilagay na natin itong mga gamit natin sa sasakyan ng makaalis na tayo," wika ni Celestine na siyang sinang-ayunan namin kaya agad kaming lumabas ng bahay at inayos ang aming mga gamit.

Mayamaya'y may dumating na tatlong lalaki at heto na naman ang puso ko na nagsisimula na naman sa pagtibok ng mabilis. I'm not sure why it feels like the world comes to a halt when our gazes meet, and the way he stares at me sends shivers down to my spine. And I was taken aback when I saw him for the second time. I don't even know him, yet I got strange feelings. Strange feelings, or should I say unidentified feelings?

"Miss?" Napaigtad naman ako ng may biglang sumundot sa aking tagiliran. Napatingin naman ako kay Celestine at sinenyasan ako.

"Miss?" wika ng isang lalaki sa akin at nakalahad ang isang kamay.

"Y–yes?" wika ko at nautal pa ako. At hindi naman nakaligtas sa aking pandinig ang mumunting tawa nito.

"Ako nga pala si Kevin Arellano," wika ni Kevin at agad ko namang tinanggap ang nakalahad nitong kamay.

"Diana Leigh Castañeda." 

"Clifford Castillo, Lynjel's boyfriend," wika naman nung isa pang lalaki.

"I'm Allen Corpuz. It's nice to see you again, miss, " pakilala naman nung lalaking nagiging dahilan kung bakit tila gustong kumawala ang aking puso. Inilahad din nito ang isa niyang kamay. So, his name is Allen. Abnormal ba ang puso ko? Kase naman ang bilis ng tibok nito. Nakatingin lang ako sa kanya at napan na yung awra niya nung una kaming nagkita ay ibang-iba sa ngayon. He look intimidating when I first saw him but for what I'm seeing right now, it's the opposite.

"Y–Yeah. Diana Leigh Castañeda nga pala," saad ko at tinanggap ang kanyang kamay nang mapagtanto kong napatitig na ako sa kanya. At sa pagsalikop ng aming mga kamay ay may mga milyon-milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa aking katawan. Bakas naman sa mukha ng aming mga kasama ang kuryosidad.

"Uhm nagkita na kayo? Or should I say na magkakilala na kayo?" tanong ni Celestine.

"We saw each other yesterday," wika ko at napatango naman sila.

"By the way, Diana. Sila Kevin at Clifford ay mga kaibigan ko rin same with Allen pero isa siya sa mga katiwala ng aming pamilya," wika ni Celestine at napangiti sa kanila. Mayamaya'y umalis na kami ng bahay nang tapos na kami sa paghahanda para sa outing namin. Bale dalawang sasakyan ang gamit namin. Ako, si Celestine at si Allen ang magkakasama samantalang sina Fiyonah, Lynjel, Kevin at Clifford naman.

Lahat ay tahimik habang nasa biyahe. May kanya-kanyang mundo rin ang bawat isa. Ako ay nakatanaw lang sa labas. Si Celestine naman ay naglalaro sa kanyang cellphone at si Allen naman ay nakatuon ang atensyon sa daan dahil siya ang nagda-drive.

Pagkarating namin sa pier ng San Vicente dito sa Sta. Ana Cagayan ay napalinga-linga ako sa paligid at napansin na marami ditong turista na siguradong patungo rin sa isla. Lumabas ako ng sasakyan at ramdam ang malamig na hangin kahit na mataas na ang sikat ng araw dahil pasado alas-onse na ng tanghali. Inabot na kami ng tanghali dahil malayo ito at kailangan pa naming sumakay daw ng bangka para makarating sa Palaui Island. Akala ko nga kanina nakarating na kami pero hindi pa pala. Dahil sa tanghali na at ramdam na namin ang gutom ay napagdesisyonan naming kumain na muna. May mga dala kaming pagkain pero napagdesisyonan namin na sa karinderya nalang kami kumain kaya nagtungo kami doon sa karinderya.

"Hayyy kailangan pa nating maghintay ng ilang oras bago tayo makapunta sa isla," wika ni Celestine at bumuntong hininga ito.

"Bakit?" tanong ko.

"Halos lahat kase ng mga bangka rito ay narentahan na kaya wala tayong choice kundi maghintay ng mga bangka na galing pa sa isla."

"Eh 'di matatagalan pa talaga tayo dito," wika ni Lynjel na siyang tinanguan naman ni Celestine.

Nang tapos na kaming kumain ay nanatili muna kami sa karinderya hanggang sa mag-aalas tres na pero wala parin kaming pwedeng rentahan na bangka. Para hindi kami mabagot sa paghihintay ay nag-aya sina Fiyonah na maglakad-lakad muna. Lumipas pa ang mga mahigit isang oras at laking pasasalamat namin ng may na rentahan na kaming bangka. Kaya mabilis naming kinuha ang mga gamit namin at inilagay sa bangka. Syempre iniwan namin ang mga sasakyan sa pier at sinigurado rin namin na naka-lock ito.

"Hayy mabuti naman at makakapunta na tayo sa Palaui Island," ani Lynjel.

Nakatingin lang ako sa paligid habang patungo kami sa isla. Malinis at malinaw ang tubig kaya kitang-kita ang mga damong dagat at mga isda. Napakalamig ng paghampas ng hangin kaya naman napayakap ako sa aking sarili. Nakakalula din sa pakiramdam ang bawat mga alon na sinasalubong namin kaya hindi ko maiwasang kabahan minsan pero napakasarap sa pakiramdam.

"Palaui Island here we come," wika ko sa aking isipan at nakangiting nakatanaw sa malawak na dagat. Umabot kami ng 20 minutes na biyahe sa bangka bago nakarating sa Palaui Island. Medyo madilim na nang makarating kami kaya hindi ko masyadong makita ang itsura ng isla. Agad rin kaming nagtungo sa tinatawag nilang Punta Verde Nature Village kung saan doon nagi-stay yung mga pumupunta rito sa isla.

Pagkarating namin doon ay may kinausap si Celestine bago namin sinet-up yung tutulugan namin. Mabuti nalang may dala kaming tent kaya hindi na kami nagrenta pa ng matutulugan. Inayos na rin namin ang mga gamit namin at nagluto na kami ng makakain namin dahil gabi na. Nang tapos na kaming kumain ay nagtungo kami sa palikuran dito para maglinis ng katawan. Walang kuryente dito sa isla kaya naman ang mga dala naming flashlights ang ginamit namin. Nang tapos na kaming maglinis ng katawan ay nag usap-usap pa kami sandali para sa mga gagawin namin dito sa isla.

                                     ~~~

"Yasssss," malakas na wika ni Lynjel at itinaas pa nito ang dalawang kamay. Andito kami ngayon sa Lighthouse dito sa Palaui Island. This is our first day here.

"Nakakapagod," wika ni Celestine at napaupo sa malaking bato.

It is exhausting to climb the over 200 steps lighthouse, but it's worth it. It's as if you've arrived in paradise. From here, you can see the lush hills and meadows. Waves are pounding on the side of the cliff, while, on the other side, is a cove with the lightest and deepest blues. The vista is quite stunning and relaxing.

"So, this is the lighthouse," wika ni Lynjel habang nakatingala sa lighthouse. Sira-sira na ito at luma na pero may taglay pa rin itong ganda.

"Yes ma'am," wika ng kasama naming your guide.

"This is called Cape Engaño or also know as Faro de Cabo Engaño." panimula ng tour guide kaya naman ang atensyon namin ay sa pakikinig sa sinasabi nito tungkol sa lighthouse habang naglibot-libot kami sa paligid. While roaming around, I can't help but be awestruck by the breathtaking view. I often take some breaks to photograph the scenery.

"This is one of the four lights that was built during the Spanish Colonial period to guide inbound ships. The Spaniards called it "Engao" because of the natural beauty of the cape when they first arrived," dagdag ng tour guide at patuloy sa pagbabahagi ng history tungkol sa lighthouse.

Kaya naman pala marami ang turistang nagtutungo dito at hindi na naman iyon nakapagtataka dahil ako ay saksi na kung gaano kaganda ang islang ito. At ang lighthouse na nakatayo rito. Pero nakakapanghinayang lang na hindi na nagagamit ang lighthouse para gabayan ang mga nasa laot. Mula din rito ay kitang-kita ng klaro ang iba't-ibang bahagi ng isla at ang mga bahay ng mga naninirahan dito. At ang tinatawag nilang Siwangag Cove kung saan ito ang unang tatapakan mong parte ng isla.

I remembered the tour guide said, that the Siwangag Cove was used as the home of the Galang Tribe in the television show, "Survivor: Blood vs. Water". The tour guide shared informations about the lighthouse and the other parts of the Island. The cove is a sheltered anchorage covered with mixed pebbles, broken corallines, downy sands and flings of shells that makes it standout due to its white clear view.

Naglibot-libot at inenjoy muna namin ang tanawi at makalipas ang mahigit 30 minutos ay napagdesisyonan na naming bumaba mula sa Cape Engaño Lighthouse. At tumungo sa Punta Verde kung saan doon kami natulog kagabi. Doon ka rin makakabili ng mga merchandise. Ang maganda rito ay lahat ng mga bahay dito at tindahan ay gawa sa mga kahoy. Marami rin ang iba't-ibang klase ng puno rito at sa bawat puno ay nakalagay roon ang pangalan nito.

"Wow this looks nice," wika ni Celestine at ipinakita sa akin ang isang bracelet na gawa sa mga shells.

"Yeah," sagot ko naman. Tumingin-tingin ako sa iba't-ibang klase ng mga merchandise na narito. Dahil magaganda ang mga bracelet ay bumili ako ng isa at t-shirt na may print na 'Palaui Island'.

Nang tapos na akong mamili ng mga merchandise ay bumalik na ako sa aming tent at inilagay doon ang pinamili. Pagkatapos ay napagdesisyonan kong pumunta sa Siwangag Cove. Malamig na hangin ang bumungad sa akin pagkarating ko sa Siwangag Cove.

Mataas ang sikat ng araw kaya hindi muna ako naglakad-lakad at sa silong ng mga puno ako nagpunta. Mula sa kinaroroonan ko ay tahimik lang akong nakatingin sa mga paparating na mga ibang turista, mga taong nage-enjoy sa maasul na dagat at sa mga naglalakad sa tabing dagat. Halos lahat ng mga narito ay galing sa iba't-ibang bansa. Halos karamihan ng nandito ay turista.

Patuloy lang ako sa pagmamasid hanggang sa biglang may tumabi sa akin. Hindi ko ito nilingon dahil kita ko naman sa aking peripheral view kung sino iyon.

"Sorry nga pala sa nangyari nung nakaraan," wika nito kaya tuluyan na akong napalingon sa kanya at heto na naman ang puso ko na ayaw paawat. Pakiramdam ko nga ay naririnig niya ang malakas at mabilis na pagpintig ng puso ko. I think there's something wrong with my heart right now. My heart goes crazy because of this man.

"Baka matunaw ako bigla ha." 

"Ha?" naguguluhan kong tanong dahil sa sinabi nito. Bakit naman siya matutunaw? Bakit ice ba siya o kaya ice cream?

"Grabe ka kase kung makatitig," wika nito at tumawa pa kaya mabilis kong iniiwas ang aking tingin.

"Ano hindi mo ba tatanggapin yung sorry ko?"

"Apology accepted pero sa tingin ko. Ako dapat yung mag-sorry sayo," wika ko at napayuko nalang dahil sa hiya na nararamdaman ko.

"No. It's ok. Kung tutuusin ako naman talaga ang may kasalanan."  

Well, nung una kase naming pagkikita ay may hindi inaasahang nangyari. Nung akala ko'y patay siya, na buhay naman pala ay natakot ako noong hinila niya ako papalapit sa kanya kaya hindi ko sinasadyang tinuhod siya sa maselan nitong parte ng katawan niya.

"So, can we be friends?" tanong nito na ikinabigla ko at ikinalukso ng aking puso. Nakatingin lang ako sa kamay niyang nakalahad at siya naman ay nakatingin lang sa akin. Ibababa na niya sana ang kanyang kamay pero bago pa man niya magawa iyon ay tinanggap ko na ang kanyang kamay.

"Friends" wika ko at nagpalitan kami ng mga ngiti. 

"Ang ganda mo pala kapag nakangiti ka." 

"Luhh pinagsasabi mo," wika ko at nagtawanan lang kami. And with the little conversation we had. I already feel comfortable with him. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status