Share

Chapter 3

last update Terakhir Diperbarui: 2021-06-23 08:07:15

"Diana, c'mon join us," aya sa akin ni Lynjel na nage-enjoy sa malaasul na dagat kasama sina Fiyonah, Celestine, Kevin at Clifford. Napatingin naman ako sa kalangitan at kahit alas-singko na ng hapon ay mataas parin ang sikat ng araw.

      

"Diana," tawag muli sa'kin ni Lynjel kaya naman isinuot ko na ang hawak-hawak kong life vest at tumungo sa kinaroroonan nila. Malalim ang dagat kaya kailangan naming magsuot ng life vest kahit na marunong kaming lumangoy. It's for our safety.

            

"The water is refreshing," wika ni Celestine at Tama nga siya dahil napakapresko ang tubig at sakto lang ang lamig nito.

Ngayon pala ay pangatlo at huling araw at gabi na namin dito sa isla kaya susulitin na namin ang pag-stay namin dito. Nung mga nakaraang araw ay nag-island hopping kami at namasyal pa sa ibang bahagi ng isla. Nagpunta kami sa Manidad Island or also known as Crocodile Island na kapitbahay lang ng Palaui Island at syempre nag hiking din kami.

            

Inilubog ko ang aking sarili at agad din na iniahon ang sarili at napalinga-linga ako sa paligid hanggang sa naagaw ng pansin ko ang lalaking papalapit sa kinaroroonan namin. Nakasuot ito ng beach short at sa pangtaas ay walang saplot kaya kitang-kita ang magandang hubog ng kanyang katawan. May towel din na nakalagay sa kanyang balikat at may suot pa na sun glass. 

"Luhh baka matunaw 'yan." Bulong sa akin ni Celestine at hindi ko mawari kung bakit pakiramdam ko ay uminit ang aking magkabilang pisngi at napailing-iling akong umiwas ng tingin sa lalaking nagngangalang allen. Yep, si Allen yung tinutukoy ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang ako kung makapag-react. Something is going on with me, but I can't figure it out.

            

Nagpatuloy na lang ako sa paglangoy hanggang sa makaramdam ako ng konting pagod kaya huminto ako at mabuti nalang may naapakan akong malaking bato kung saan napagpasyahan kong manatili muna.

            

"Ahon muna ako," wika ni Celestine at lumangoy na patungo sa dalampasigan.

            

"Tara na, magluluto pa tayo ng barbeque," wika naman ni Lynjel at ramdam kong lumangoy na rin siya paalis sa kinaroroonan namin.

            

"Diana, hindi ka pa ba aahon?" tanong sakin ni Kevin at umiling.

        

Umalis na ang mga kasama ko habang ako ay naiwan muna at nakatanaw sa dagat hanggang sa naramdaman kong may tao sa aking likuran kaya naman nilingon ko. At napagtantong si Allen lang pala ngunit sa 'di inaasahan ay nadulas ako sa batong inaapakan ko pero mabuti nalang ay mabilis akong napahawak kay Allen kaya hindi ako natumba nang tuluyan. Napatitig naman ako sa kanya dahil sa maamo nitong mukha at mapupungay na mga mata. Bakit ba lagi akong napapatitig sa lalaking 'to? May magnet ba ang kanyang mga mata? Nakatitig din ito sa akin at naramdaman ko ang kanyang mga kamay na pumulupot sa aking bewang samantalang ang aking mga kamay naman ay nakahawak sa kanyang mga bisig. Pakiramdam ko na naman ay biglang uminit ang paligid. Paligid? Hayst ano ba naman itong pinagsasabi ko.       

"Mag-iingat ka sa susunod," wika at napatango na lang ako bago umayos ng tayo. At nanatili muna kaming dalawa sa dagat ng ilang minuto at lumangoy-langoy hanggang sa napagdesisyonan na naming umahon dahil hapon na.

                                   ~~~

            

"Cheers," wika ni Celestine at sinenyasan kami na magcheers.

    

"Cheers," wika naming lahat at pinag-uuntog ang mga hawak namin na beer. Nasa Siwangag Cove kami ngayon at heto nag-iinuman. This is my very first time to experience this kind of vacation. Kapag kase nagbabakasyon kami ay halos lahat mamahalin kumpara ngayon na simple lamang. Mas prefer ko nga yung ganito. Simpleng kain lang ng barbeque at inom ng beers habang nakapalibot sa bonfire kasama ang mga kaibigan. 

"Let's drink more." Sigaw ni Lynjel kaya naman yung mga taong naglalakad sa tabing dagat ay napapatingin sa aming kinaroroonan. Halatang may tama na si Lynjel dahil kanina pa kami umiinom dito. Well, konti pa lang ang na iinom ko kaya hindi pa ako lasing kumpara sa kanila. Nagsasayaw na sila at may pakanta-kanta pa silang nalalaman. Ako naman ay nakatingin lang sa kanila at napapatawa na lang sa mga pinaggagawa nila. Napadako naman ang aking tingin sa pwesto ni Allen at nakatingin lang din ito sa aming mga kasama. Halata din na wala pa itong tama.

Huminga ako ng malalim at tahimik na umalis patungo sa dalampasigan gamit ang flashlight ng aking cellphone dahil walang kuryente dito. Mabuti nalang may mga power bank kami para sa mga cellphone namin. 

Pagdating ko sa dalampasigan ay umupo ako at tumingala sa kalangitan habang pinapakinggan ang isa sa mga paborito kong kanta. Ay heto nga ako, nakatingala sa kalangitan at pinagmamasdan ang mga bituin. Nang may biglang magsalita mula sa aking likuran ngunit hindi ko na kinailangang lingunin dahil alam ko na kung sino base sa boses niya.

"Ang lalim yata ng iniisip mo."

            

"Allen," wika ko at tumabi naman ito sa akin. May hawak pa itong dalawang bote ng beer.

            

"You want?" tanong nito at iniabot sa akin ang isang beer. Kinuha ko naman ito at lumagok ng kaunti.

            

"So, anong iniisip mo kanina?" tanong ulit ni Allen. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

            

"Wala." 

            

"Talaga?" paninigurado nito.

"Oo nga," wika ko at tumango-tango pa ako. At namayani ang katahimikan sa aming dalawa pero ako na ang nagpasya na putulin iyon.

            

"Ang sarap pala ng ganito. Sana ganito nalang palagi," wika ko at huminga ng malalim.

            

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" 

            

"Yung pakiramdam mo na wala kang problema. Yung lahat ay masaya lang. Walang iniindang sakit at hinaharap na mga pagsubok. Yung malaya ka na gawin ang gusto mo ng walang pumipigil at humahadlang sayo," wika ko at lumagok muli ng alak. Tila naguguluhan naman si Allen dahil sa mga pinagsasabi ko. Paano nga ba niya maiintindihan? Eh wala naman siyang alam sa nangyayari sa buhay ko.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong nito habang nakatingin sa akin samantalang ako  naman ay nakatingin sa kawalan.

            

"Alam mo para akong nakakulong sa isang hawla. Kung makakaalis man ako doon ay siguradong maibabalik at maibabalik pa rin ako doon. Sa totoo lang, hindi ako malayang gawin ang gusto ko. Kontrolado ng mga magulang ko ang buhay ko. Para akong isang utusan na lahat ng sasabihin sakin ay iyon ang gagawin ko. Gustuhin ko mang hindi sundin ang lahat ng gusto nila ay wala akong magagawa."

            

"Bakit? Anong dahilan?"

"Nang dahil sa isang aksidenteng hindi ko naman sinasadya at hindi ginusto. Isang aksidenteng na naging kabayaran ang buhay ko. Isang aksidenteng hanggang ngayon ay pinagbabayaran at pinagsisihan kong nangyari," I said as my voice broke and tears started to run down my face. Then, I was suddenly stunned when he wipes out the tears on my cheeks. Mas lumapit sa akin si Allen at hinagod ang aking likod.

        

"I never had an idea that you're living a life like that," wika nito at isinandal ang ulo ko sa kanyang matipunong dibdib.

            

"You see this?" tanong ko at ipinakita ang aking kamay na kung saan ang isang darili ko ay may suot na singsing. Singsing na laging magpapaalala sa akin na matatali ako sa taong hindi ko naman mahal.

            

"You're—" Hindi ko na siya pinatapos pa at agad akong nagsalita.

            

"I'm already engaged," wika ko at tahimik lang siya.

            

"5 months from now ikakasal na ako sa taong hindi ko naman mahal. How I wish na sana dumating yung araw na malaya akong magmahal ng kung sino man," wika ko at tahimik pa rin si Allen.

            

"Ikaw anong kwento mo sa buhay?" tanong ko at napatingala sa kanya. Nakasandal kase ako sa kanya.

            

"Ako? Ulila na ako ng tuluyan," saad niya at hindi ko iyon inaasahan na ulila na siya.

            

"Oh I'm sorry," wika ko pero umiling lang siya.

            

"Sabi sa'kin ng nanay ko ay hindi raw kami taga-rito.  Pinatapon lang daw kami ng aking ama dito nung pinagbubuntis pa lamang ako ni mama. Kahit kailan hindi siya nagpakita sa amin ni mama hanggang ngayon at sa larawan ko lamang siya nakita.  At alam mo, malaki ang galit ko sa kanya kaya wala din akong balak hanapin siya. Dahil pinabayaan niya kami ni mama kaya habang lumalaki ako ay nagtrabaho kami ng nanay ko sa kung sino-sinong mga tao rito para lang mabuhay. Naranasan nga namin noon na hindi kumain sa loob ng dalawang araw. Makalipas lang ang isang buwan ay pumanaw na si mama dahil sa may sakit siya sa puso. Mabuti nalang mabait yung kapitbahay namin kaya siya ang tumulong sa akin. Siya rin ang dahilan kung bakit nagta-trabaho ako sa pamilya nina Celestine. Nakapagtapos ako ng pag-aaral pero nakakalungkot lang na pumanaw na rin siya kaya ang kasama ko na lang sa buhay ay ang itinuturing kong pinsan na apo ng matandang kumupkop sa akin. Na katulad kong ulila na rin sa kanyang mga magulang," wika ni Allen. Hindi ko inaasahan na mahirap din pala ang pinagdaanan niya sa buhay. Nakakaantig ng puso ang kanyang kwento kaya hindi ko mapigilan ang sarili na maiyak.

          

"Ayaw mo ba talaga siyang makita? Paano kung magkatagpo kayo?" tanong ko sa kanya.

            

"Ayoko siyang makita at wala akong balak hanapin siya. Pero kung dumating man ang panahon na magkrus ang landas namin ay hindi ko alam kung anong gagawin ko," wika nito at kahit ganoon ay puno ng pagdaramdam ang bawat pagbigkas niya ng mga salita. Ramdam ko na nasasaktan siya kaya naman wala sa wisyong niyakap ko siya. Hindi ko nga alam kung bakit ko iyon ginawa dahil kusa ko na lang 'yong ginawa. Gusto ko na sanang kumawala agad pero hindi ko mawari kung bakit hindi ko kaya at mayamaya'y naramdaman ko naman na niyakap niya ako pabalik. Isinandal nito ang kanyang ulo sa aking balikat at para naman akong naestatwa dahil sa yakapang nagaganap. At habang magkayakap kami ay magaan ang aking  pakiramdam na tila ba ligtas ako sa kanyang mga bisig.

            

Nanatili kaming magkayakap ng ilang minuto hanggang sa napagdesisyonan na namin na bumalik sa kinaroroonan nina Celestine kaya kumalas na kami sa pagkakayakap. Tumayo si Allen at inilahad ang kanyang kamay na siya namang aking tinanggap. Pinagpagan muna namin ang damit namin dahil sa buhangin at naglakad na kami paalis sa dalampasigan.

            

Nang makarating kami sa kinaroroonan ng aming mga kasama ay nadatnan namin silang nakahilata sa buhangin at knock out na sila. Kaya napailing-iling nalang kami ni Allen pero wala kaming choice kundi isa-isahin silang ihatid sa kanilang tent sa Punta Verde Nature Village dahil hindi namin sila pwedeng iwan na lang dito.

                                  ~~~

            

Kinabukasan ay maaga kaming gumising para ayusin ang aming mga gamit dahil mamaya lang ay aalis na kami rito sa isla. Siguradong mamimiss ko ang lugar na ito dahil hindi lang sa taglay nitong tanawin kundi pati na rin ang mga taong naninirahan dito na napakabait at syempre ang mga alala na binuo namin rito. Kung may pagkakataon muli akong makabalik rito ay gusto kong manatili rito ng mas matagal pa at sana nga ay magawa ko pang makabalik sa islang ito.

            

"Bakit bigla ka na lang nawala kagabi Diana, pati na rin ikaw Allen?" biglang tanong ni Fiyonah habang kumakain kami kaya nagkatinginan kami ni Allen at ang mga kasama namin ay naghihintay ng sagot.

            

"Uhm naglakad-lakad lang ako sa dalampasigan," wika ko at halatang kumbinsido naman sila sa aking sinabi.

            

"Ikaw Allen?"

            

"Maaga akong natulog pero nagising lang din noong nagpatulong si Diana sa akin para ihatid kayo sa mga tent niyo," wika naman ni Allen at napatango-tango nalang sila. Hindi ko alam kung bakit hindi namin sinabi ang totoo na magkasama kami kagabi at nag-drama sa isa't-isa pero mas mabuti na nga na hindi nila iyon alam.

            

Makalipas ang ilang minuto pagkatapos naming kumain ay napagdesisyonan naming kumuha ng litrato bago kami umuwi.

            

"Tara na," wika ni Clifford at naglakad patungo sa bangka habang buhat-buhat ang kanyang bag.

            

"Let me help you," wika sa akin Allen na siyang agad ko namang tinanggihan.

            

"Huwag na kaya ko naman," wika ko pero sadyang makulit siya at biglang binuhat ang kinalalagyan ng aking gamit kaya hindi na ako nakatutol pa. Bigla namang may sumundot sa aking tagiliran at si Celestine lang pala na may nakakalokong ngiti sa mga labi.

            

"Oyy anu yun ha?" 

            

"Nothing. He's just helping me and we're friends," wika ko pero napailing-iling ito at hindi parin nawala ang nakakaloko nitong ngiti.

            

"Weh?"

            

"Oo nga. Ang kulit mo din eh noh." 

           

"Oh sige. Sabi mo eh, pero paalala lang insan ha. Kapag tumibok ang puso wala ka ng magagawa kundi sundin ito. Baka mamaya paggising mo mahal mo na yung tao."

            

"Mahal agad? Eh tinulungan niya lang naman ako. Huwag ka nga mag-isip ng kung ano-ano d'yan."

            

"Yes. Hindi naman iyon impossible. What I mean is baka ma-fall ka agad."

            

"Pero impossibleng mangyari iyon Celestine. At saka masyadong mabilis para sabihin na mahal mo na ang isang taong kakakilala mo pa lang," wika ko. Nagkibit balikat lang ito at naglakad na patungo sa bangka na siyang agad ko namang sinundan.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Tragic Romance   Chapter 26

    "You look gorgeous," puri ko sa aking pinsan nang pumasok ako sa kanyang kwarto. She's all dressed up for her wedding which will happen in just an hour. Ngayon na kase ang araw ng kanyang kasal at kahapon pa kami dumating dito sa Cagayan dahil dito siya ikakasal. Akala ko'y sa Manila pero hindi naman pala."Thank you cuz," wika naman niya habang may malawak na ngiting nakapaskil sa kanyang labi."Anyways, congratulations to you and to your husband to be. I'm so happy for you because you've finally found your the one," wika ko at tumabi sa kanya na nakaupo sa dulo ng kanyang kama."Me too and I hope that you'll gonna get back to the man whom you trully love. He's going to be present in my wedding. Are you even ready to see him again?" Isang segundong katahimikan ang namayani sa aming dalawa ni Celestine bago ako umiling at magsalita."Is there even a chance for us to get back together agai

  • The Tragic Romance   Chapter 25

    "Wake me up later," wika sa akin ng katabi ko dito sa airplane na nagngangalang Eric."Okay," sagot ko naman at siya naman ay ipinikit na ang mga mata. At ilang minuto lamang ay rinig na rinig ko na ang munting mga hilik niya.Dahil sa tulog na si Eric ay inilabas ko sa aking bag ang aking journal book at ballpen. Napatingin naman ako saglit sa labas ng bintana at napabuntong hininga bago magsulat sa aking journal book. It's been my routine to write a letter for Allen on this book because I still haven't forgot him and will never be. Hinding-hindi ko siya kakalimutan dahil hanggang ngayon ay siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Siya pa rin ang mahal ko kahit na tatlong taon na nakakalipas mula nang iwan ko siya at ikasal kay Eric. At mag-migrate dito sa US pagkatapos nang kasal namin noon kahit na hindi ko gusto pero ngayon ay pauwi na ulit kami ng Pilipinas dahil sa nalalapit na kasal ni Celestine. I want to be present on my cousin's weddi

  • The Tragic Romance   Chapter 24

    Alas-diyes na nang gabi pero hindi pa rin ako dinadapuan nang antok kaya andito ako ngayon sa balkonahe ng aking kwarto at nakatingala sa kalangitan na puno ng mga bituin na kanya-kanya sa pagningning. Napayakap naman ako sa aking sarili nang biglang humampas ang malamig na hangin at kasabay naman nito ang pagpikit ng aking mga mata. At nagbalik tanaw sa naging usapan namin ni Celestine noong bumisita sa akin noong mga nakaraang linggo. "I'm glad his operation went well and that he's going to be fine," wika ko at napangiti pero may mga luhang tumakas sa aking mga mata dahil kahit masaya ako para kay Allen ay hindi ko maitatagong nasasaktan ako sapagkat hindi ko na siya makakasama. "But," wika ni Celestine. Napatingin naman ako sa kanya at nakayuko ito. "Ano 'yong sasabihin mo Celestine?" tanong ko at napabuntong hininga naman ito bago nagsalita. At tumingin sa akin ng diretso sa mga mata.

  • The Tragic Romance   Chapter 23

    "I'm so sorry Allen," bulong ko habang mahigpit na nakahawak sa isa niyang kamay at sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang aking mga daliri. Natutulog siya ngayon kaya malamang hindi niya ako naririnig at nakikita akong luhaan dahil marahil ito na ang huling pagkakataon na mahawakan ko siya. Babalik na ako sa mga magulang ko kapalit nang pagsagot nila sa lahat nang magiging gastos para sa operasyon niya. Alam kong hindi magugustuhan ni Allen ang desisyon kong Ito kapag nalaman niya pero wala na akong pagpipilian pa. Masakit para sa akin na gawin ito. Na iwan siya sa ganitong sitwasyon at pagkakataon pero kailangan kong gawin ito dahil para sa kanya rin naman ito."Diana." Mabilis ko namang pinunasan ang aking mga luha nang magising si Allen at nginitian siya."Gising ka na pala. Anyway, Good morning," wika ko at hinaplos ang kanyang pisngi. At sa hindi inaasahan ay nagsituluan na naman ang aking mga luha dahil hindi ko ito mapigilan.

  • The Tragic Romance   Chapter 22

    "Good morning Allen," bati ko sa kanya nang magising ako. Apat na araw na mula nang nangyari ang aksidente at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay."Sana magising ka na. Nami-miss na kita nang sobra. Nandyan ka nga pero hindi naman kita nakakausap kase nga wala ka pang malay. Miss na miss ko nang marinig ang boses mo at lalong-lalo na ang mga paglalambing mo," wika ko habang nakatingin sa kanya at maingat na ipinatong sa kanyang pisngi ang aking kamay. He looks so peaceful."Good morning," rinig kong wika ng isang matanda pagbukas ng pinto ng kwarto kaya naman napatingin ako sa kung sino iyon at napagtantong si manang Kara pala. Siya ay ang dating kasambahay nina Celestine at ngayon ay muling kinuha ni Celestine para magbantay kay Allen kapag papasok ako sa trabaho."Magandang umaga rin po sa inyo manang Kara," bati ko sa matanda at nginitian naman niya ako.Napatingin naman ako sa aking

  • The Tragic Romance   Chapter 21

    "Hang in there Allen," wika ko habang itinatakbo ko siya sa Emergency room kasama ng mga nurse."Allen I'm begging you to hang in there," muli kong wika kasabay ng patuloy na pag-agos ng aking mga luha at hawak-hawak ko ang kanyang mga kamay."Ma'am hanggang dito na lamang po kayo," wika ng isang nurse nang nasa labas na kami ng ER kaya naman tumango ako at hindi na sila sinundan pa sa pagpasok sa loob. Na siyang sinundan naman ng doctor."Cuz," biglang wika nang isang babae mula sa aking likuran at napalingon naman ako sa nagsalita. At bumungad sa aking paningin si Celestine na halata ang pag-aalala sa kanyang mukha."Cuz," wika ko at agad siyang niyakap nang makalapit na ito sa akin. At mas lalong bumuhos ang aking luha habang yakap-yakap siya. I'm glad that she's here."Shhh everything will be fine. Magiging okay din si Allen kaya huwag kang mag-alala. Hindi siya p

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status