Napapansin ko na kanina pa mariin ang titig nina Ahnwar at Ahzik kay Ahmed habang nandito kami ngayon sa dagat para sa huling araw na bakasyon namin dito sa beach resort sa Subic, Zambales.Nalaman na kahapon ng dalawang magkapatid ang ginawa ni Leigh sa akin at maging pati na rin ang ginawang pambubugbog ni Ahmed kay Leigh.Ngayon ay may plano yatang magsampa ng kaso ang mga magulang ni Leigh laban kay Ahmed at iyon ang ikinakabahala nina Tita Rica at Tito Trevor pero si Ahmed ay tila wala namang pakialam doon at kung titignan siya ay hindi niya iyon alintana.Hindi ko na magawang makapagtanong kay Ahmed kung bakit kailangan pa niyang bugbugin si Leigh para lang pigilan ang pagtatangka nito sa akin ng masama. Pwede naman niyang awatin ang pinsan niya pero bakit kailangan niya pa itong saktan?Tahimik lang si Ahmed pero hindi ko inaasahan na sobrang nakakatakot pala ito kapag nagagalit. Para siyang si Kuya Hideyo na kapag sumabog na sa galit ay nawawala na rin sa sarili mailabas lang
Chapter 16Adi's POV5 years ago...Kakatapos lang ng klase namin at dumiretso na naman ako dito. Habit ko na sigurong pagmasdan itong gwapo at matangkad na lalakeng nag-iisketch ng drawing habang nasa lilim ito ng puno at abala sa ginagawa niya.Halos araw-araw yata ay nandito siya. Halata rin na halos kaedad ko lang ito at sa isang private school siya nag-aaral base sa suot niyang uniporme sa loob ng suot niyang itim na hoodie jacket.Gwapo sa lahat ang lalakeng ito lalo na ang kulay grey na may halong blue na mga mata niya. Mukha rin siyang foreigner na Arabic o German katulad ni Leigh. Sa tingin ko nga ay mas gwapo pa siya kaysa sa boyfriend ko.Hindi ko siya malapitan dahil nahihiya ako. Sa tingin ko kasi ay sobrang kapal na ng mukha ko kung lalapitan ko pa siya. Hindi ko gaanong makita ang mukha niya dahil nakasuot siya ng itim na hoodie jacket at naka facemask pa pero kahit na ganoon ay alam kong gwapo siya, base na rin sa ganda ng mga mata niya.Habang pinagmamasdan ko pa rin
Adi's POVHanggang ngayon ay hindi pa rin gaanong maiproseso ng utak ko ang mga nalaman ko isang linggo na ang nakakalipas. Kung joke lang sana ito ay dapat tumatawa na ako pero hindi dahil umamin na sa akin mismo si Neymar, ang dating matalik kong kaibigan noon na hindi ko alam na magiging kasabwat pala ni Leigh para sirain ang buhay ko.Kinalimutan ko na ang lahat ng masasaya naming alaala noon ni Neymar. Ngayon ay itinuturing ko na siyang parang hindi ko kilala dahil mas napalapit na siya kay Leigh at alam kong kinalimutan na rin niya ako. Hindi ko alam kung bakit sa isang iglap lang ay biglang nagbago ang pakikitungo niya sa akin at ngayon nga nasusuklam na rin ako sa kanya.Papaano niya ito nagawa sa akin? Ni minsan ba ay hindi niya talaga ako itinuring na kaibigan man lang noon para magawa niya ang bagay na ito?At ang tungkol kay Durhin, kahit anong pilit ko palang kalimutan ang nakaraan ko sa kanya ay maaalala ko pa rin iyon. At ang Durhin na nakilala ko noon limang taon na an
Adi's POVKinabukasan ay maaga kaming nagpunta sa mall ni Ahmed kasama sina Ahnwar at Ahzik para bumili ng mga gamit na kakailanganin namin ni Blair at sa mga gamit sa kwartong tutuluyan namin ni Ahmed.May ilang akong nararamdaman dahil halos lahat ng mga taong nakakakita sa amin dito sa loob ng mall ay napapalingon sa amin.Alam ko na rin kung bakit, masyadong gwapo at matatangkad itong mga lalakeng kasama ko na triplets pa. Imposible talagang walang makakapansin sa kanila dahil hindi sa exaggerated ako pero parang mga tao silang inilabas mula sa isang Greek Gods mythology book. May pagkabanyaga ang mga itsura nila at kakaiba ang kulay ng mga mata nila kaya sino bang iignora sa ganitong klaseng mga lalake?Nagmumukha na rin silang mga matataas na pader sa tabi ko habang naglalakad kami sa loob ng mall at naghahanap ng pwedeng kainan. Sa taas akong 5'7 ay walang wala sa akin ang 6'0 feet pataas na mga height nila.Ewan ko lang talaga sa magkakapatid na ito kung ano ang nagustuhan nil
Adi's POVPagkatapos akong patahanin ni Ahmed mula sa pag-iyak ko ay muli na kaming bumalik sa upuan namin sa sinehan. Napansin ko kaagad na wala na sina Kyrie at Trina sa inuupuan nila na ipinagtaka ko."Nasaan na pala sina Kyrie at Trina?" tanong ko kay Ahmed na nakahawak sa isang kamay ko at pinaupo ako nito sa inuupuan nila kanina ni Trina.Nang tumingin ako saglit sa pwesto nina Ahnwar at Ahzik ay pareho lang silang tahimik habang nakatutok ang mga mata nila sa pinapanood nila. Hindi nila kami magawang tignan man lang ni Ahmed at hindi ko alam kung bakit."I told them to leave. They're ruining our day." sagot ni Ahmed saka nito inabot sa akin ang popcorn at drinks na binili namin kanina bago pumasok dito sa loob ng sinehan.Tinanggap ko naman ito at hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa wakas ay wala na rin sa landas namin ang Trina na iyon- ay teka, bakit ba ako natutuwa kung pinaalis na siya ni Ahmed?"Pero si Kyrie-""Don't mind them. Let's just finish the movie." pagputol ni
Ahmed's POVI have too many questions to ask, too many problems to solve, and I want to punish those two cretins for what they've done to us. They make our lives miserable and clueless.I have no idea what happened five years ago.Para akong nangangapa sa dilim dahil sa mga katanungan sa isipan ko na hindi ko rin masagot-sagot.Bakit hindi ko maalala ang mga nangyari sa amin noon ni Adi? Kailangan ko talagang makausap ulit si Neymar tungkol sa ginawa nila sa amin ni Leigh limang taon na ang nakakalipas.I investigate alone dahil nagdududa na talaga ako sa kakaibang nararamdaman ko kay Adi at pati na rin kay Blair na mahahalata talaga na malaki ang pagkakahawig sa akin o sa mga kapatid ko. My Mom and Dad confronted me about that noong unang beses palang nilang makita si Blair na dinala noon nila Rica at ng mga kapatid ko sa bahay namin sa birthday celebration ni Danielle. Pati sila ay nagduda nang makita nila ang itsura ng bata.Leigh is our cousin at kamukha niya rin si Blair pero hi
Adi's POVNgayon ay kasama ko si Nikolai at nandito ako ngayon sa bahay nila. Hindi pa umuuwi galing sa klase nila sina Eiselle at Cristina at baka raw gabihin pa ng uwi ang mga ito dahil sa project na ginagawa nila sa school nila.Si Nikolai ay day-off ngayon sa pasok nito sa trabaho kaya ngayon ay may libre siyang oras para makausap at makasama ako. Sinabi ko na rin sa kanya ang lahat ng mga kaganapan sa buhay ko at pati na rin na sinagot ko na sina Ahnwar at Ahzik mula sa panliligaw nila sa akin."Ayos lang ba kay Sir Ahmed na jowa mo na 'yung dalawang kapatid niya?" tanong ni Nikolai habang abala kami sa pagkain ng halo-halo na nabili niya sa labas lang ng bahay nila."Ayos lang naman siguro. Hindi niya ako kinakausap tungkol doon saka 'yon nga, may sarili na kaming kwarto ni Blair at doon na lang namin inilagay ang mga furnitures na binili namin sa mall." sabi ko naman habang kumakain rin ng halo-halo.Inamin ko na kay Ahmed na boyfriend ko na sina Ahnwar at Ahzik. Wala siyang na
Adi's POVNgayon ay hindi ko magawang tingnan ng diretso si Ahmed na kanina pa nakatitig sa akin. Masyado akong nai-intimidate sa kanya sa tuwing nakakasama ko siya dahil siya iyong tipo ng lalake na parang ang hirap abutin o pakisamahan hindi gaya nina Ahnwar at Ahzik na madali kong makausap ng kaswal at normal.Maaga pa lang ay dinala na ako ni Ahmed dito sa isang Amusement Park. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang niya akong dinala rito gayong may pasok pa ito sa trabaho niya pero mukhang nagleave siya ng isang araw dahil sina Ahnwar at Ahzik ay maaga ring umalis kanina para pumasok sa trabaho nila.Nasakyan na namin ni Ahmed ang lahat ng rides dito sa Amusement Park at ano pa ba ang aasahan kong iaasal niya? Hindi na talaga bago sa kanya ang pagiging tahimik niyang tao."Did you enjoy here?" biglang tanong ni Ahmed na ngayon lang ulit nagsalita kaya ngumiti at tumango naman ako sa kanya."Mas maganda sana kung kasama rin natin si Blair para mag-enjoy siya dito." sabi ko."It's o