The constant knock on the door and the ringing of my phone woke me up. I open my eyes lazily and look at my phone. Cohen's calling. This is the first time I've had a good night's sleep in a long time, but it was disrupted by him.
I get up on the bed, irritably. When I looked around, I noticed my clothes on the floor. What happened last night flashes in my mind.
I move my gaze around the room. Someone has fled, but she will not be able to hide from me. I can't stop smiling.
I put on my boxers and opened the door. This is Cohen. He hung up on the call, which I didn't even bother answering, and put his phone in his pocket.
"Bro, it's already nine o'clock in the morning. Remember, you need to go back to Manila to meet with a new investor," he said as he entered my room. He looked at me after noticing my unkempt bed and my clothes, which were still strewn across the floor. "Oh, you seemed to have partied with someone last night."
He gave me a sly grin, but I just smirked.
"Where is she now? Already gone? Did she run away? ” He has a lot of questions.
As an answer, I shrugged and went to the bathroom to freshen up before returning to Manila.
I'm experiencing back pain, and I checked in the mirror to see what's causing it. I noticed a few long scratches. It’s her fingernails that cause it. The girl from the night before.
"I need you to find her," I explained before starting my car.
Cohen gave me a nod.
REBECCA“Ninang!” masayang saad ni Cupid nang makita nito si Margarita sa sala ng bahay namin pagka-uwi namin galing mall.
Tila inip na inip na si Margarita sa pagkakaupo nito, pero umaliwalas ang mukha nang makita kami.
“Kupido, the baby wearing a diaper,” ganting bungad naman ni Margarita habang nakangiti na ng todo at nakabukas ang dalawang kamay upang salubungin ng yakap ang biglang napahintong si Cupid.
“Ninang, hindi na ako nagda-diaper. Big boy na ako 'di ba?” nakasimangot na saad ni Cupid.
“She is just messing with you, Cupid,” singit ni Eros. Lumapit ito kay Margarita upang humalik sa pisngi nito bago seryosong naupo sa sofa.
Naupo naman ako sa pang-isahang sofa at inilapag sa center table ang dala kong paper bag.
Masakit pa rin ang ulo ko dahil sa hangover ko kagabi, pero hindi ko pwedeng ipahalata lalo na sa kambal. Kaya tinitiis ko na lang. Mas mag-aalala sila, isa pa tatanuningin nila ulit ako about last night.
Pasimple kong hinihilot ang sintido ko habang nanonood lang sa kanila. Hindi talaga ako sanay uminom, pero mukhang naparami ang nainom ko kagabi na pati nangyari ay hindi ko na maalaala.
“Eros don't buking-buking ninang, okay?” Nakalabing muling bumaling si Margarita kay Cupid nang hindi man lang ito tinapunan ng tingin ni Eros. Tutok na ang huli sa hawak nitong libro. “Yes, big boy kana pero ikaw pa rin ang cute baby boy ni Ninang.” Niyakap ito ni Margarita at pinanggigilan. Tumatawa naman si Cupid habang pilit namang kumawala sa yakap ng ninang nito.
“She is saying something ironic, Cupid. Don't be fooled by her,” seryosong singit ulit ni Eros. Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya ngunit tila wala itong pakialam sa paligid at muling nagbuklat ng bagong libro na binili namin kanina.
“I am not. I just play along with ninang para hindi siya sad. Kasi ’di ba dapat kahit hindi funny we should laugh to elders joke as a sign of respect?” inosenteng saad ni Cupid habang nakatingin sa kapatid nito.
Nanlaki naman ang mata ni Margarita sa sinabi ni Cupid. Tila hindi ito makapaniwala sa mga binitiwang salita ng kambal. Minsan talaga hindi ko mapigilan ang bibig ng anak ko. Medyo nagiging matalas ito kapag masyado siyang nagiging honest.
Lumapit si Cupid kay Eros at naupo sa katabi nito.
Bumaling sa akin si Margarita habang itinuturo pa ang sarili. “Did they just mock me?”
May pagka-exaggerated pa ang expression nito, kaya bahagya akong natawa.
“Nope. They are just too smart,” balewalang saad ko.
“Naloloka ako sa kambal mo. ’Yong isa matabil ang dila samantalang ’yong isa masyadong matalas. Sure ka bang anim na taon pa lang ang mga iyan?”
Nagkibit balikat lang ako bilang sagot.
“Hindi sa’yo nagmana si Eros at Cupid. Talino pa lang nila halatang-halata na.”
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. “Sinasabi mo bang hindi ako matalino?”
Bahagya itong ngumiti tapos ay nag-peace sign sa akin. “Matalino ka naman pero genius naman ang mga anak mo. Ang hirap utuin, lalo na si Eros parang fifty years old kung mag-isip.”
Because Eros is his exact copy, while Cupid is our combination.
Hindi na lang ako umimik at iniabot sa kan’ya ang hawak kong paper bag. Laman noon ang bagay na matagal na nitong gustong bilhin ngunit nagtitipid ito, kaya hanggang ngayon hindi pa rin nito nabibili.
“Wow, best friend boss ka talaga,” kumikinang ang mga matang saad nito habang hawak-hawak ang bag na binili niya para dito. “Ang mahal nito. Salamat!”
“Alam kong matagal mo ng gusto 'yan kaso nagtitipid ka ng husto.”
Sa kabila ng dami ng raket nito minsan kinakapos pa rin ito, kaya madalas hindi nabibili ang gusto. Minsan nga pakiramdam ko nakakalimutan na nito ang sarili dahil busy itong buhayin ang pamilya nito.
“The best ka talaga.” Binigyan pa ako nito ng dalawang thumbs up habang nakangiti ng todo.
Kumindat lang naman ako dito at tumayo sa kinauupuan ko upang magtungo sa kusina upang uminom. Nanunuyo kasi ang lalamunan ko.
Sumunod naman sa akin si Margarita habang naiwan ang kambal sa sala na may mga sarili ng mundo. Si Eros na nagbabasa ng animal book nito habang nanonood naman ng cartoon si Cupid habang yakap-yakap ang bagong laruan nito.
“Oh.” Binigay sa akin ni Margarita ang susi ng kotse ko.
“Salamat.”
“Sa parking lot ng mismong bar na pinuntahan natin kagabi ko nahanap ang kotse mo. Bakit mo ba kasi naiwan? Anong nangyari? Malaking palaisipan sa akin ang lahat,” puno ng kuryosidad na tanong nito habang sinusundan ako ng tingin.
“Mahabang kwento.” Inilapag ko ang basong pinag-inuman ko.
“Willing akong makinig kahit gaano pa kahaba 'yang kwento mo. Kulang na lang tubuan ako ng ugat sa pagkakaupo ko sa sala, ang tagal kong naghintay sa inyo para masagap ang tsismis mo,” may halong birong saad nito.
Kumuha ito ng mansanas na nasa center ng dining table at marahas na kumagat.
“Now explain. I need an explanation. I need an acc—”
“Umayos ka. H’wag kang overreacting d’yan,” putol ko sa drama niya.
“Wow, ako pa ang oa ngayon. Hoy, alam mo bang kinabahan ako nang malaman ko na hindi ka pala nakauwi kagabi. Akala ko iniwan mo na ako kagabi kasi kahit saang sulok ng bar hindi kita makita. Mas sumakit ang ulo ko sa kakahanap ko sayo kaysa sa mga alak na nainom ko. Ano bang nangyari? Bakit bigla kang nawala? Saan ka nagpunta? Ano hindi ka magsasalita? Hindi ka ba magpapaliwanag man lang?” walang prenong saad nito. Bahagya pa nitong niyugyog ang balikat ko.
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa balikat ko. Lalong sumasakit ang ulo ko sa dami niyang tanong pero hindi ko naman siya masisi dahil unang beses itong nangyari.
“Paano ako magsasalita? Hindi mo naman ako binigyan ng pagkakataong ibuka ang bibig ko. Isa-isa lang pwede?”
Umupo ako, mabilis naman itong sumunod sa akin at naupo rin sa tabi ko.
“Kasi naman sa mahigit anim na taon nating pagkakakilala ngayon lang ito nangyari.”
“Dahil kagabi lang naman tayo nagbar,” pamimilosopo ko.
Pinanlakihan naman ako ng mata nito. “H'wag kang pilosopo. Kilala kita, ikaw 'yong tipong aligaga lagi umuwi dahil naghihintay sayo ang kambal. Kagabi nga gusto mo hanggang eleven lang tayo. Pangalawa, hindi mo iiwan ang kotse mo ng basta-basta na lang. Kaya sigurado ako, something happened,” paliwanag nito at nagdududa akong tiningnan kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.
She's right, something happened. May nangyari na hindi dapat. Ang malala pa nito, hindi ko maalaala ang eksantong nangyari. Nangangapa ako. Ang mga marka sa dibdib ko at nararamdaman ko lang ang palatandaan ko sa naganap kagabi, pero maliban doon wala na akong alam sa mga naganap.
Pinukpok ni Margarita ang lamesa nang hindi ako magsalita.
“Nanahimik ka. Ano ba kasing nangyari? Pakiramdam ko kasi ako ang may kasalanan kung bakit hindi ka nakauwi kagabi dahil ako ang nagyaya sayong lumabas tayo. Wala namang nangyaring masama sayo ’di ba?”
Tiningnan ko lang muna ito. Hindi ko kasi alam kung saan ko sisimulan i-kwento ang lahat. Lalo na at hindi ko naman maalaala ang buong pangyayari.
“Huwag mo akong tingnan lang. Wala namang nangyari masama kagabi, ’di ba? ’Di ba?”
Balak na naman nitong hawakan ang balikat ko upang yugyogin, pero umiwas ako. Sumasakit ang ulo ko lalo sa ginagawa niya.
“Walang nangyaring masama,” pag-a-assure ko dito. Nakahinga naman ito ng maluwag sa sinabi ko. ”Walang nangyaring masama sa akin, pero may nangyari.”
Nanlaki ang mata nito sa sinabi ko.
“Rebecca?! H'wag mo akong binibitin. May nangyari bang masama or something kakaiba? Ano?” Aligaga na ito sa kinauupuan.
“Something happened.”
“And?”
Napabuga ako ng hangin. “And that should not happen.”
Napatampal ito sa noo. “Goodness, Rebecca. Magkwento ka ng buo. H'wag putol-putol. Nakakaloka ka, maryosep.”
“One-night stand,” mabilis na saad ko kulang na lang ay hindi bumuka ang bibig ko.
Lumuwa ang mata nito sa sinabi ko. Napatakip pa ito ng kamay sa bibig nito.
Tumili ito ng walang boses na lumalabas sa bibig nito. Para nga itong baliw na bahagya pang nangisay sa kinakaupuan nito. Kulang na lang magtatalon ito sa tuwa.
“OMG?!” Hindi na ako nakaiwas nang muli nitong hinawakan ang balikat ko at niyugyog ng malakas. “Finally, after more than six years, nadiligan kana ulit. Tagtuyot is over. The flower will bloom again.”
Napasimangot ako sa sinabi nito. Akala ko ba concern siya sa akin, pero bakit mukhang nadiwang pa siya sa nalaman niya.
Pinagsaklop nito ang mga kamay at tumingin pa sa itaas. Kumikislap ang mata nito at tila kinikilig pa sa narinig. Masaya siya sa katangahan ko.
“Iyan talaga ang reaksyon mo? Akala ko ba nag-aalala ka sa akin kanina bakit mukhang masaya ka pa sa nangyari sa'kin? Kaibigan ba talaga kita?” panunumbat ko.
Kapag naalala kong may nagawa na naman akong pagkakamali kagabi kinakain ng guilt ang puso ko. Tinakasan ko ang unang pagkakamaling nagawa ko, pero instead na makalimot nadagdagan pa ito.
“S'yempre kaibigan mo ako, maliban sa boss din kita. Kaya nga masaya ako na may dayuhang sumakop sa iyong bataan kagabi. Pero mukhang may problema. Maliit ba? Hindi ba magaling? Nabitin ka ba? Ano?”
Tumirik ang mata ko sa mga tanong niya. Napabuntong hininga rin ako ng malakas.
Mas sumasakit ang ulo ko sa mga tanong ni Margarita.
“Margarita, nakipag-one-night stand ako. Isang bagay na hindi dapat nangyari,” may diin ang bawat salitang binitiwan ko. Nais kong ipa-intindi sa kanya na hindi ako masaya sa nangyari.
“Pero nangyari na. Saka single ka naman kaya siguro wala namang masama sa nangyari. Minsan talaga nagkakamali tayo pero kung wala naman tayong inaapakang ibang tao wala tayong dapat ipag-alala. Alam kong conservative ka pero nangyari na, eh. Wala ka nang magagawa kundi kalimutan na lang.” Bigla itong nag-seryoso.
Tama ito nangyari na, pero ang kalimutan ang nangyari parang imposible yata. Napaka-imposible.
Kulang na lang walang lumabas na boses ng magsalita ako, “Margarita, I had a one-night stand with the father of my twins.”
Biglang lumaglag ang mga panga nito dahil sa sinabi ko.
2. 1“What?! Paki-ulit nga. Nabingi yata ako.” Kinalikot pa nito ang tenga.“Hindi ko na uulitin,” nakalabing saad ko habang nakayuko.Problemado ako dahil sa nangyari, pero hindi ko maiwasang mag-init ang mukha ko tuwing naalala ko iyon.“Iyong nangyari sa inyo o ’yong sinabi mo?” Muli akong napatingin sa kanya. Malaki ang mga ngisi nito habang malisyosang nakatingin sa akin.“Margarita!” napipikon nang saad ko. “Okay, seryoso na. Ibig mong sabihin ang lalaking nagdala sayo sa paraiso kagabi ay ang tatay ng kambal mo?”“Tinagalog mo lang ang sinabi ko. Saka anong paraiso ang pinagsasabi mo?”Paraiso? Eh, wala nga akong matandaan sa buong pangyayari.“Rebecca, my dear. That's destiny. Akalain mo sa dami-daming lalaki sa mundo sa ama pa ng kambal mo ikaw muling sumuko.”Nag-aalalang napatingin ako sa sala kung nasaan ang kambal dahil sa medyo may kalakasang boses ni Margarita. “Hinaan mo nga ang boses mo, baka marinig ka ng kambal. And it's not destiny but a stupidity. Sa dinami-rami
It's already seven in the evening. Matapos kumain sa bahay nina tita Cordelia ay umuwi na rin agad ako. Wala pang tao sa bahay maliban sa mga katulong na abala sa mga gawain nila.Siguro may dinaluhan na namang event or dinner meeting si Dad, may sariling condo naman na si ate Sophia kaya madalang na siyang umuwi sa mansion habang palagi namang wala si Kuya Lexus. Kaya madalas ako lang talaga ang naiiwan sa bahay kasama ng mga katulong.Dumiretso ako sa kwarto ko at marahas na ibinagsak ang katawan ko sa kama. Humiga ako habang nakasayad ang mga paa sa sahig. Nakakapagod.Pipikit na sana ako nang bigla kong maalaala ang regalo sa akin ni tita Cordelia. Dali-dali kong kinuha ang bag ko.Maliit lang ang kahon, siguro singsing o hikaw ang laman nito. Madalas kasi alahas ang regalong natatanggap ko buhat sa kanya.Binuksan ko ang kahon ngunit hindi alahas ang laman nito kundi susi. Susi ng kotse. Napasuntok ako sa hangin sa sobrang saya. Excited akong bumaba sa kama at tumakbo papuntang g
My father congratulated me. It’s the first time. Sapat na iyon sa’kin. Hindi man siya nakapunta sa graduation ceremony ko, ikinagalak pa rin ng puso ko na binati niya ako.Siguro para sa iba mababaw ang kaligayahan ko, pero iyon ang unang beses na binati ako ni Dad. Kahit birthday ko hindi niya ako binabati. Kahit sa mga naging achievements ko sa school, mula noong bata pa ako, never niya akong binati. Ibig sabihin lang, na-acknowledge niya ang nataggap ko sa pagtatapos ko ngayon kahit na hindi ko naabot ang expectations niya. Kahit na cum laude lang ako at hindi summa cum laude. Sensitive lang siguro akong masyado, kaya nagdamdam ako ng husto kanina. Pinahid ko ang luha ko at tumayo na upang bumalik sa aking kwarto. Magaan na ang pakiramdam ko.Alas otso pa lang naman ng gabi kaya pupuntahan ko muna si Roy. Ang balak ko sana ay bukas ko siya pupuntahan upang yayaing lumabas kami, pero susundin ko na lang ang gusto ni dad na pumasok na agad ako sa kompanya. Papatunayan ko ang sarili k
Sinapo ko ang masakit kong anit at ulo, maging ang kamay ko ay masakit din. Namumula mula pa ito ng tingnan ko pero hindi ko maiwasang mapangiti. Ngayon ko lang natuklasang may marahas pala akong side. Dahil sa unang pagkakataon nagawa kong manakit ng pisikal sa sobrang galit at upang ipagtanggol na rin ang aking sarili. Madalas mahinahon ako pero sa nasaksihan ko nawaglit lahat ng pasensyang inipon ko. Kahit sino naman ang nasa sitwasyon ko magpupuyos sa galit.Inayos ko ang nagulong buhok ko dahil sa pagkakasabunot ni Roy habang sakay ako ng elevator. Hindi ako makapaniwala, nagawa niya akong saktan, physically and emotionally.Roy deserved my punch and kick. Kulang pa nga iyon kumpara sa sakit na naidulot niya sa akin. Inunawa ko siya ng paulit-ulit dahil abala kuno siya sa negosyo ng pamilya niya pero wala akong kaalam-alam na niloloko n’ya lang pala ako. Na iba pala ang pinagkakaabalahan niya. Pinagmukha niya akong tanga.
I was about to hug my pillow ngunit napakunot ang noo ko, matigas na bagay ang nadama ng kanang kamay ko. Kinapa ko itong muli at tuluyan nang nagising ang diwa ko, this is not my pillow. Ramdam ko rin ang init na nagmumula sa bagay na kalapit ko. Kaya napakunot ang noo ko bago ko minulat ang aking mga mata pero muli akong napapikit ng mariin. There is a guy beside me. Hindi ko makita kung sino siya dahil sa kabilang side nakaharap ang mukha niya. Pero ang magising na may katabing lalaki ay tila lalong nagpasakit sa ulo ko. Nang mag-sink in sa akin ang sitwasyon ay mabilis akong napabangon. Ngunit pakislot ako ng maramdam ko ang hapdi sa pagitan ng aking mga hita. And it hit me, the pain between my legs is the proof that I lost my virginity. Napanganga ako ng tingnan ko ang pang-ibabang bahagi ng aking katawan. I am naked. Nang magawi ang mata ko sa kama ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nahawi na ang kumot na nakatakip sa lalaking nakadapa sa kama &nb
I took a deep breathe before I knocked on CEO’s office.“Come in.”“Sir.”We are in the office and he is my boss here not a father that’s why all of us are required to call him sir.The office are wide and spacious. Masyadong minimalist ang design at puro black and white ang kulay ng paligid. Typical dad’s style.Dad is busy scanning documents. Lumapit ako sa may table niya. I remained standing waiting for him to tell something.“You will be under Sophia's supervision. saad nito kasabay ng pagpasok ni ate sophia sa opisina.“Don't worry, sir. Ako na ang bahala sa kanya,” ani ate. “This is the papers yoy are asking.” May inabot na envelop si Ate kay dad.“You may go.”Tumango lang kami at sabay nang lumabas ni ate sa opisina.“Welcome to the real world,” saad ni ate sophia habang naglalakad kami patungo
Naka simpleng high waist skinny jeans and black top pair with five inches heels. I also have small sling bag. Now, I am ready. Michelle already called me that she's near. Pero hanggang ngayon wala pa rin s'ya. “It's already 7 o'clock in the evening” I whispered to my self as I checked my watch. I was about to sit on the sofa when I heard a car beeping outside. I picked up my bag. I sighed deeply before I walk out my room. I saw a familiar red car in front of our gate. Nanginginig ang mga paang lumakad ako papalapit dito. Kaninang umaga pinagpasyahan kong kalimutan ang lahat nang nangyari ng nakaraang gabi nagawa ko naman dahil naging abala ako sa maghapong trabaho ngunit hindi ko inaasahan na babalik agad si Michelle. Now, I realize that I can’t forget what happened but I will do my best to keep it as a secret. I am not yet ready face her dahil sariwang-sariwa pa sa alaala ko ang lahat pero wala na akong choice. “Act normal,” bulong ko sa sarili ko. Sigurado naman ako na walan
My alarm clock keeps ringing but I am too lazy to get up. Sanay na akong magising before six pero ngayon mabigat ang pakirdam ko. Tila gusto ko na lang humilata sa kama maghapon. Antok na antok pa rin ako kahit maaga naman akong natulog kagabi.Ilang araw ko na itong nararamdaman. Lagi akong tinatamad kumilos at masyado akong antukin. Siguro napapagod lang akong masyado sa trabaho. It’s almost two months since I started working and we are always busy in the office. Laging tambak ang trabaho, idagdag pa ang mga extra works na binibigay sa akin ni Dad.“Rebecca, hija?” It's Nanay Belen knocking on the door.Tamad na tamad na bumangon ako sa aking kama at binuksan ang pinto.“Nana...” pupungas-pungas na saad ko.“May sakit ka ba? Mag-a-alas syete na pero hindi ka pa bumabangon,” nag-aalalang tanong nito bago dinama ang aking noo.“Okay lang po ako medyo tinatamad lang talaga akong buma