Share

Chapter 4

Mabilis na lumipas ang oras dahil nang sumapit ang hapon ay naggayak na si mommy pauwi dahil madaling araw daw ang flight nila.

“Oh, paano ’yan, pag-uwi na namin ulit kita mabibisita but we can talk through video call. If naiinip ka rito at gusto mo ng trabaho pwede ka pumunta sa company natin para may pagkaabalahan ka, your Tita Lalaine will assist you dahil siya muna ang mag-manage ng company natin. Or you can also go to your husband company, siya ang iniwanan ng parents niya to manage” saad niya. Napatitig ako sa kanya nang marinig ko ang pangalan ni Tita Lalaine, alam ko na masama rin loob niya sa akin. Hays!

“Mom, Tita Lalaine is mad at me?” mahinahon kong tanong. Ngumiti si mom at hinaplos ang buhok ko. 

“Hmm. No, nagtatampo lang ’yon pero I'm sure magiging okay rin kayo. Don’t overthink too much, baka ma-stress ka. Basta, tandaan mo that everything will be okay, alright?” aniya. Tumango ako. 

“Okay, mauuna na ako. Sana magustuhan mo ang mga librong binili ko para sa ’yo,” wika niya. 

“Of course, mom! I love it! Thanks,” I said. Ngumiti na lang si mommy at iniwanan ako ng halik sa noo bago tuluyang maglakad palabas ng bahay. 

Nang makalayo na ang sasakyan ni mommy, napaisip ako sa mga sinabi niya, pero hindi ko pa kaya humarap kay Tita Lalaine dahil sa ginawa ko. At kung kay Luke naman, sa tingin ko hindi niya ako gugustuhing makasama. 

Napabuntong-hininga na lang ako. Isinarado ko na ang pinto at napatingin ako sa paligid ng bahay. Doon ko na-realize na malungkot pala kapag mag-isa tapos wala pa si Lai. Siya na lang iyong kaibigan kong totoo pero wala naman siya. Naisip kong i-text siya kaya kinuha ko ang cellphone ko at nag-message sa kanya. 

| ’Cous, I hope you’re here. | 

Nang mai-send ko iyon, ipinatong ko muna sa mesa at pumasok sa kwarto. Maliligo na lang ako para mamaya magpapahinga na lang ako. 

Kinagabihan, iyong natira na lang ng tanghali ang kinain ko, hindi na ako nagluto dahil hindi naman kakain dito si Luke. Kasalukuyan akong nanonood ng drama sa TV nang bumukas ang pinto at iniluwa si Luke, naamoy ko rin sa kanya ang mamahaling alak. Tiningnan niya ako ngunit agad din iniiwas ang tingin. Naglakad siya papuntang kwarto pero dahil sa kalasingan ay muntik na siyang matumba. Naging mabilis ang kilos ko at naalalayan agad siya pero tinabig niya ako. 

“Lasing ka, Luke, aalalayan lang kita,” saad ko. 

“I don't need you. I don't like you!” singhal niya. Napapikit ako sa pagsigaw niya pero nagmatigas ako, hinawakan ko ulit siya.

“Ihahatid lang kita at—” 

“I said, I don't need you!” Tinabig niya ako ng mas malakas kaya napaupo ako. “Don’t touch me if you don't want to get hurt. Sino ka ba? Ahh, I know you,” saad niya at ngumisi sa akin.

“You’re my wife—oh, scratch that, my delusional wife. Ikaw ang sumira sa pangarap ko. I don’t know you, even your name and I hate it. You ruined my life. Dahil natali ako sa babaeng hindi ko kailan piniling makapiling,” sambit niya at tuluyan nang naglakad paalis. Naiwan akong mag-isa habang nakaupo sa sahig. Nangilid ang luha ko hanggang sa tuluyan na itong bumagsak. 

I can't believe na sa kanya ko mararanasan ang ganito. For the first time in my entire life, nasaktan ako at iyon ay nanggaling sa taong pinili ko. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak para kahit paano’y mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. 

Kinabukasan, naisip kong lumabas at mag-relax para kahit paano’y makahinga ako. Hindi na kami nag-abot ni Luke kaninang umaga dahil maaga siyang umalis at mabuti na rin ’yon sapagkat hindi ko rin alam kung paano siya haharapin after what happened. 

Namasyal ako sa park, naupo ako sa isa sa mga benches doon habang may hawak na ice cream na nasa cup at hindi ko mapigilang mapangiti dahil ang daming vendors. May ilang couple rin na nagdi-date, may nagkukwentuhan, at may nagtatakbuhang maliliit na bata. 

Napatigil ako sa pagkain ng ice cream nang mapalingon sa isang restaurant na nasa tapat nitong park dahil naroon si Luke, kumakain at may kasamang ibang babae. Mabilis akong nagtago sa halamanan dahil baka nakita ako. Hindi ngumingiti si Luke pero kapansin-pansin ang pakikipag-usap niya sa babae habang nakahawak ang isang kamay ng babae sa hita niya. It's look like they're dating. And the way he looks that girl is...what I want him to do with me. Bakit sa iba ang lambing niya?

Imbes na mag-enjoy, sumama lang ang loob ko kaya umuwi na lang ako. Bagsak ang balikat at nakayuko akong naglakad paalis sa lugar na iyon. Kaya naman hindi ko napansin ang dinadaanan ko at may nabunggo na ako. Nabitawan ko ang ice cream na hawak ko, habang natapon naman ang kape na hawak ng nabunggo ko. 

“Oh, sh*t! Pasensya na, miss, hindi ko sinasadya,” sambit niya at naglahad ng panyo sa akin. Hindi ko namalayan na natapunan pala ang damit ko ng kape. Tinanggap ko na parang wala lang ang panyo at pinunasan ang damit ko, saka ko ibinalik sa kanya. Aalis na sana ulit ako pero may humawak sa kamay ko. Napapitlag ako roon at napailing saka tumingin sa humawak ng kamay ko.

“Miss, are you okay?” tanong niya. Napatingin ako sa kanya at sa semento kung saan nagkalat ang kape at ice cream. Doon lang ako natauhan na nabunggo ko pala siya.

“Oh my! Sorry, hindi ko sinasadya,” sambit ko at hindi ko mawari ang gagawin ko. “Papalitan ko na lang ang kape—” 

“Hindi na, pero hindi mo pala alam na tinanggap mo ang panyo ko? Nakatulala ka the whole time?” tanong niya. Napakurap-kurap ako sa sinabi niya, talaga ba? Hindi ko na namalayan. Ganoon ba ako kaapektado sa nakita ko?

“Ahh, siguro, may iniisip lang ako kanina. Pasensya ka na ulit,” sambit ko. 

“No worries. I’m Jared, by the way, you are?” Inilahad niya ang kamay niya at masaya akong tinanggap iyon dahil magiging magkaibigan kami. “I’m Erich.” Ngumiti ako at nag-shake hands kami. 

“Anyway, alis na ako. Nice meeting you, Red,” sambit ko at tinalikuran ko na siya. Mahirap nang magtagal doon dahil baka makita ako ni Luke at isipin niyang sinusundan ko siya. 

Sa paglalakad ko ay nag-vibrate ang cellphone ko. Text message galing kay Lai. 

| I’m here. Magkita tayo sa favorite spot natin. My treat. May ipapakita rin ako sa ’yo.| 

Pagbasa ko sa text niya. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, ano naman kaya ang ipapakita niya sa akin. Nagkibitbalikat na lang ako at tumingin sa kalsada. Malapit lang naman dito ang favorite namin na café kaya pumara na ako ng trysicle para magpahatid doon. Finally, magkikita na ulit kami ng pinsan ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status