Dumating ako sa café at nakita ko si Lai sa bandang dulo, sa part na natatakpan siya ng mga halaman. Nakaupo siya habang nagi-scroll sa phone niya at nakakunot pa ang noo. Nakangiti lang akong pinagmamasdan siya dahil na-miss ko talaga siya. Nang mag-angat siya ng tingin at magtagpo ang mga tingin namin, sumenyas siyang lumapit ako kaya kumaway ako at naglakad palapit sa kanya. Uupo na sana ako dahil mukhang importante ang sasabihin niya pero hinila niya ang braso ko at niyakap ako ng mahigpit.
“I missed you, Gaile. I am really, really, re—” Mabilis akong humiwalay sa yakap para takpan ang bibig niya.
“It’s okay, huwag natin ’yan pag-usapan. Sinabi ko naman sa ’yo na wala kang kasalanan. I missed you. All I want is to be with you like before,“ sambit ko. Tumango lang siya.
Bago kami magkuwentuhan, nag-order muna kami.
“How are you? Saan ka nag-stay ngayon? ” tanong ko.
“Sa Cavite ako pansamantalang nagi-stay, sa isang old friend. Okay lang ako, balak ko sana mag-out of town last week pa kaso hindi ako makaalis knowing na hindi pa tayo nag-uusap,” sambit niya sa mahinang tono. Naging malungkot din ang ekspresyon niya.
“Ohh...aalis ka pala, I thought uuwi ka na sa inyo para madalaw mo ako. Ang lungkot sa bahay na tinitirahan namin ni Luke,” saad ko. Hindi agad siya sumagot dahil dumating na ang order namin, hinintay muna namin umalis ang crew bago siya magpatuloy. Nagsimula na rin kami kumain habang nag-uusap.
“I’m sorry, gusto ko man umuwi hindi ko pa kaya. Galit sina mommy and daddy sa ginawa ko, baka itakwil ako no’n kapag umuwi ako.”
“Hindi naman siguro, subukan mo muna. Maiintindihan ka naman nila,” suhestiyon ko. Ngumiti siya at umiling. “You’re really a good daughter, Gaile. And I am not like you, pasaway ako ever since, sakit sa ulo ng parents ko at ang ginawa kong pagtakas sa kasal nang hindi nila alam, sa tingin ko’y sobra na. And I understand them if they mad at me, pero hindi ko pa kayang humarap sa kanila para humingi ng tawad,” saad niya. Tumango-tango ako kahit tila labag sa loob ko ang desisyon niya.
Isa pa, this is her wanted, freedom. Iyong walang nagko-control sa buhay niya, dahil ganoon siya. Ayaw ng serious relationship, gusto niya mag-enjoy. Tama siya, magkaiba nga kami.
“Sige, pero ano ba iyong text mo sa akin kanina?” tanong ko. Tila nagulat siya sa tanong ko dahil bahagyang nanlaki ang mga mata niya pero agad din nakabawi.
“Ahh, it's about your husband. I saw him with another girl,” aniya. Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Ngumiti lang ako sa kanya.
“Alam mo? My goodness! Is he cheated?” tanong niya. Umiling ako.
“H-hindi, baka business lang pinag-uusapan nila nung girl. Alam mo naman na si Luke ang magmamana ng business nila,” sagot ko. Kumain ako ng cupcake habang umiiwas ng tingin.
“She’s not a business partner, her name is April, a childhood friend of your husband.” Really? I didn't know that he has a girl friend.
“Wala naman palang mali, childhood friend lang pala. Isa pa, hindi naman ako mahal ni Luke kaya wala rin ako karapatan na pakealaman ’yon,” saad ko.
“Meron dahil asawa ka niya!” Medyo tumaas ang boses niya kaya napatingin ang ibang kumakain sa amin. Nag-sorry naman siya agad at halos bumulong na lang. “Asawa ka niya kaya huwag siyang magloloko—” Pinutol ko agad ang sinasabi niya.
“Asawa sa papel, Lai. Alam natin pareho ’yon. Siguro, ito rin ang consequences ng ginawa ko,” aniko. Hindi na siya umimik at tumingin lang sa amin na may lungkot sa kanyang mata kaya ngumiti ako.
“Let’s not talk about it. We missed each other so dapat mag-bonding tayo, lalo pa at sinabi mong aalis ka, ’di ba?” suhestiyon ko. Ayaw niyang sumagot dahil nangangamba pa rin siya kaya nag-puppy eyes na ako. Bumuntong-hininga na lang siya at tumayo.
“Okay,” sagot niya.
Kaya naman nagpatuloy na kami sa pagkain para makapag-bonding ng matagal. Isinantabi ko muna ang sinabi niya tungkol kay Luke. Ang tanging gusto ko lang, makasama ang pinsan ko.
Nag-ikot kami sa mall, nanood ng sine, kumain ng ice cream, naglaro fun games ng mall at kung anu-ano pa. Nagpasya kaming umuwi ng alasingko ng hapon. Pagod na pagod man pero sobrang saya naman. Dahil may dala siyang kotse, nagprisinta siyang ihatid ako. Pero malayo pa man sa bahay, tumigil na ang kotse.
“Oh, paano ba ’yan? Hanggang dito na lang muna tayo. Salamat sa bonding. Hihintayin kita kung kailan ka babalik dito,” sabi ko at yumakap na sa kanya. Sinuklian naman niya ang yakap ko.
“Oo at papasalubungan kita. Tatawag din ako sa ’yo palagi para kumustahin ka. Lalo na kapag may problema ka, huwag kang magdalawang-isip na tawagan ako at lilipad agad ako pabalik dito para damayan,” sambit niya kaya napangiti ako. Humiwalay na ako sa yakap.
“Opo, sige at bababa na ako. Mag-ingat ka sa pagda-drive, ah.” B****o na ako at bumaba ng sasakyan. Kumaway pa ako sa kanya habang papalayo ang kotse niya.
Nang tuluyan nang makalayo ang sasakyan niya, nagpakawala ako ng buntong-hininga. Nagsimula na akong maglakad pero napatigil din agad nang may sasakyan na tumigil sa tapat ko. At bumaba ang sakay nito, na naka-blue coat matching with white long sleeve inside na tinernuhan ng kanyang black hair flat cut. At nang magtagpo ang mga mata namin, seryoso at madilim ang kanyang mga tingin na nagpagulat sa akin.
‘Ano ang ginagawa ng lalaking ito rito?’ Hindi ko na mapigilang magtanong sa sarili ko. Tumaas ang kanyang kilay at pinagkrus ang braso sa kanyang dibdib.
“Get in. Huwag kang umasang pagbubuksan kita,” singhal niya at nagmartsa papasok sa loob ng sasakyan. Bumaba lang ba siya para sungitan lang ako? At bakit niya ako pinapasakay?
Imbes na mabaliw katatanong sa sarili ko, sumakay na lang ako. Pinaandar agad niya ang sasakyan paliko para umuwi. Ano kaya nakain ng lalaking ’to at sinundo ako?
“Anyway, may friend ka pa lang girl. April, right? Hindi mo nakukuwento sa akin.” Pagbubukas ko ng topic pero hindi siya sumagot hanggang sa makauwi kami.
Pagdating sa bahay. Nauna siyang bumaba kaya sumunod agad ako para magpasalamat.
“Salamat—”
“It is not what you think. Ginawa ko lang ’yon dahil tumatawag ang parents mo, sinabi kong naliligo ka lang. Hindi ka raw nila ma-contact kaya lumabas ako para hanapin ka. I hate lying and being a lier, kung ikaw lang ang magiging dahilan. So, next time kung aalis ka man, make it sure that your phone is on, so they don't need to me bother me,” saad niya at naunang maglakad papasok pero tumigil siya sa bukana ng pinto pero hindi siya humarap.
“Another one, mind your own business. Kahit sino pa ang babaeng kasama ko wala kang pakealam. Sa papel lang kita asawa kaya huwag kang umasta na parang may karapatan kang magselos dahil hindi ’yon mangyayari,” wika niya. Tuluyan na rin siyang pumasok sa loob ng bahay.
Naiwan akong mag-isa habang sinusundan ko lang siya ng tingin habang may kung anong sakit ang nararamdaman ko sa dibdib ko. Masyado ba akong umasa na nag-effort siya para sunduin ako? Poor, Erich. He hates you kaya huwag kang mag-expect ng kung ano.
Alam ko naman na sa papel lang kami kasal, pero masakit din pala kung sa kanya mismo manggagaling ang mga salitang ’yon.
PAGKATAPOS kong maglinis ng bahay ay tumambay ako sa garden para magpahangin at hinihintay ko rin ang update ni mommy tungkol sa request ko. Kaya nang mag-vibrate ang cellphone ko agad kong tiningnan iyon. I thought si mommy iyon but it was Tita Lalaine. Text message: Tita LalaErich, I am sorry but we can't accept your request. Ayaw pumayag ni Luke na lumipat ka. Nakaramdam ako ng inis kay Luke. Hindi ko na siya maintindihan. Ako na nga ang lumalayo sa kanya para wala kaming pagtatalo tapos ganito naman ginagawa niya. “Napakahirap intindihin ng lalaking iyon. Okay na kasi ako sa company namin bakit kinuha pa niya ako,” bulong ko sa sarili ko. Muling nag-vibrate ang cellphone ko. Nang tingnan ko iyon it was a text message from unknown number. Napakunot ang noo ko bago iyon basahin.Text message from: Unknown numberPumunta ka rito. I need you in my office. Wala akong secretary.Nang mabasa ko iyon, nalaman ko na kung kanino iyon galing. Napabuntonghininga na lang ako dahil wala na
Pagkatapos ko iayos ang schedule niya for appointments and meeting with the investors ay napatingin ako sa phone ko. May isang text doon kaya sinulyapan ko si Luke at nakita kong abala siya. Kaya kinuha ko ang cellphone at binasa ang text. Messages From: JaredHey! Where are you? Wala na agad sa work mo?Pagbasa ko. Siguro, pinuntahan ako nito sa trabaho o kaya nagtanong kina Jennifer. Speaking of Jennifer, hindi ko na pala sila nakausap mula nung huling pagkikita namin. Babawi na lang siguro ako sa next Saturday.Nagtipa ako ng reply para sa kanya at hindi ko pa man natatapos ang pagta-type, nag-ring ang telepono ng office. Agad kong sinagot dahil baka emergency iyon. “Hello po?”“Oras pa ng trabaho nagce-cellphone ka na? Pumunta ka rito. I need my schedule,” sabi sa kabilang linya. At walang iba kundi si Luke. Hindi na ako umimik at sumunod na lang. Dinala ko ang book kung saan ko isinulat ang schedule niya.“Ano’ng oras ang first meeting ko?” “Ten o’clock with Mr. Carlos,” sagot
Naramdaman ko na may dumamping palad sa pisngi ko. “Whay are you crying, Gaile?” tanong nito na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Agad kong pinahid ang luha ko at doon ko lang napansin na hindi na pala siya kumakanta at nakatingin na lang sa akin. “Gaile, may problema ba?” tanong niya. Napatitig ako sa kanya at kita ko ang pag-aalala niya. Muling nangilid ang luha ko ngunit umiling ako. “Impossibleng wala, alam kong mayroon. Ano ’yon? Tell me,” sambit nito ngunit nanatili akong tahimik. “Is it about Luke?” tanong nito. Natigilan alo kaya napabuntonghininga si Lai. “I knew it.”“I’m sorry, alam ko nasasaktan ka na and this is the consequences ng ginawa natin. Sorry dahil ikaw ang nagsa-suffer,” sambit niya kaya mabilis kong pinahid ang luha ko at umiling. “No, Lai, hindi ba at sinabi kong wala kang kasalanan. Ginusto ko ’to,” saad ko. “Oo nga pero ayokong nakikita kang ganiyan. Sinasaktan ka ba niya? O nasasaktan ka na?” Hindi ako umimik sa tanong niya kaya muli siyang nagsalita.
Chapter 11Maaga ako bumangon at dumiretso agad sa kusina, nakita kong may malamig na kanin kaya naisipan kong gawing fried rice iyon kaya dinurog ko na. Nagsaing pala si Luke kagabi pero nakakapagtaka at wala si April. Nagkibitbaikat na lang ako at isinalang na ang kawali para magprito ng itlog at hotdog. Tig-isang piraso lang ang lulutuin ko dahil nakaalis na si Luke, kung sakaling nandito siya ipagluluto ko siya kahit pa hindi ako sigurado kung kakainin niya. Sa kalagitnaan ng pag-aalmusal ko, biglang tumunog ang cellphone ko, it was Tita Lalaine. Napakunot ang noo ko bago ito sagutin. “Hello, tita?” “[Hello, Rich, huwag ka muna pumasok today, wala naman ako schedule today kaya pahinga ka muna, okay?]” Nagtaka ako sa sinabi ni tita kaya magtatanong pa sana ako pero narinig kong may sasakyan na pumarada sa tapat ng bahay.“O-okay po,” sagot ko na lang at naputol na ang tawag. Napatingin ako sa sasakyan at nakita kong si mommy iyon. Kumaway siya bago pumasok sa loob, hindi na
“Erich, ready ka na?” Lumapit sa akin sina Jennifer, Maica at Shane. Pareho-pareho silang nakapostura na tila pumutok ang labi sa sobrang pula. At hindi na rin sila naka-office attire, nakapang party dress na. “Kailan kayo nag-change outfit?” imbes ay tanong ko sa kanila. “Kanina bago kami pumunta rito. So, let's go?” sagot ni Shane. “’Yan na ba ang suot mo?” tanong ni Maica at tumango ako. ”Okay lang ’yan, baka gusto lang niya mag-relax. Tara na,” wika ni Jennifer. “Sabagay, wala rin naman sa iyong pretty face na iinom ka sa isang bar,” wika ni Maica. Ngumiti na lang ako sa kanila at thankful dahil naiintindihan nila ako. Sabay-sabay na kaming lumabas ng company building para magtungo sa Twister Bar. Dahil walking distance lang naman ang bar, mabilis kaming nakarating doon at napa-wow ako nang pumasok kami sa loob. Totoo nga ang kuwento nila. Mayroon ngang second floor na para sa gustong mag-inom at sumayaw while sa baba naman ay kantahan. May mini stage at naghanay na mg
“[Hey, saan nagwo-work ang cousin ko?]” bungad na tanong ni Lai nang sagutin ang tawag ko. Kauuwi ko lang ng bahay at nanibago akong hindi ko dinatnan si Luke, maybe he's with that girl again. At maaaring nagde-date sila or something na hindi ko alam—“[Rich, still there?]” Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Lai. Muntik ko nang makalinutan na kausap ko nga pala siya. “Yeah, I’m working mom and dad's company. I'm the secretary of your mom,” sagot ko. “[Si mommy?]”“Yes, nasa out of town kasi sina mommy kaya siya muna binilinan to manage the company,” sambit ko pero natahimik siya. Akala ko hindi na siya magsasalita.“[ How's my mom? Okay lang ba siya? I miss her, Lai.]” Ramdam ko ang lungkot sa boses niya kaya napangiti ako. Hindi dahil malungkot siya kundi ito na ang tamang oras para magkaayos sila. “She’s fine. And you know what, miss ka na rin niya. She feel sorry for what they’ve done to you. Lai, baka ito na rin ang oras para kausapin sila dahil wala naman mangyayari