Share

Chapter 6

Nanatili pa ako ng ilang minuto sa labas bago nagpasyang pumasok sa loob. Madilim na sala ang dinatnan ko ng pumasok ako at tanging sa kusina lang may liwanag. Nagpakawala ako ng buntong-hininga, hindi ko inaasahan na ganito pala kalungkot ang magiging buhay ko kapag nag-asawa ako. 

Akala ko noong bata ako, kapag pinili mong pakasalan ang taong mahal mo’y magiging masaya ka pero hindi pala. Dumiretso na ako  sa kwarto ko at saka kinuha ang phone, dead batt na pala kaya isinaksak ko na lang. Bukas ko na lang siguro i-message si mom. 

Pabagsak akong humiga sa kama at tumitig sa kisame hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Naalimpungatan lang ako dahil sa malakas na tunog ng alarm clock. Pakiramdam ko inaantok pa ako pero bumangon na ako at naupo sa kama, hinugot ko ang cellphone at agad binuksan. Saktong nag-ring at nakita kong si mommy iyon. 

“Hello, mommy.”

“[Hello, anak, hindi ba sinabi sa ’yo ni Luke na tumawag kami?]” 

“Sinabi po, dead batt po phone ko kagabi kaya hindi na po ako nakatawag. Maaga rin po kasi ako nakatulog kagabi, sorry, mom.”

“[Oh, okay, it's okay. Tumawag lang ako kasi parang na-miss kita kagabi kaya ako napatawag.]” 

“Ganoon ba po, akala ko po may problema na. Miss ko rin po kayo,” sagot ko. Pakiramdam ko gumanda ang araw ko dahil doon, pero napakunot ang noo ko na tila may naririnig akong ibang boses sa sala. 

“[Siya, sige, I have to go. Mag-ingat ka riyan.]”

“Okay po, mom. Kayo rin po, pakikumusta na lang po kay dad,” saad ko pero mas focus ang tenga ko sa nangyayari sa sala. 

“[Okay, bye.]” 

“Bye.” 

Ibinaba ko na ang tawag at nag-ayos ng sarili bago lumabas ng kwarto. Mabilis akong nagtungo sa sala at isang babae ang nadatnan ko roon. Wala si Luke at tanging siya lang ang nandon. Nakasuot siya ng red fitted dress, medyo curly ang buhok. Nakatalikod siya sa banda ko kaya hindi ko makita ang mukha niya. Mas lumapit pa ako at nagtungo sa tapat niya para makita siya. 

“Hi!” I greeted with a smile. Nang makita niya ako ay tumayo at ngumiti. Doon ko nakita ang mukha niya, maganda siya sa suot niyang red fitted dress, matangos ang ilong, red ang lipstick sa labi at pink ang kaniyang cheeks. She's really pretty. 

“Oh, hello! I am April Joyce Samaniego, you must be maid here, right?” maarteng tanong niya. Ngumisi pa siya. 

“I am not a maid here. I’m—”

“April, let's go!” Sabay kaming napalingon nang magsalita si Luke. Kilala niya—oh, great, ito iyong babae kasama niya sa resto. Bakit ba hindi ko kaagad siya namukhaan.

“Wait, who's she? I thought you're alone here,” maarteng wika nito at lumapit kay Luke saka kumapit sa braso nito. Tiningnan ko rin siya at inabangan ang sasabihin niya, kung paano niya ako ipapakilala sa babaeng ito para mapahiya siya. “She’s my personal maid. Let's go, don't mind her,” wika ni Luke at hinila na ang babaeng iyon. Lumingon pa sa akin ang April na iyon at nginisian ako 

Naiwan akong nakatulala mag-isa. I can't believe na masasabi niyang maid ako. Bakit, ganoon? Hindi naman ako pangit pero bakit parang ayaw na ayaw niya sa akin? I never imagined na sa gantong edad, may magsasabing maid ako. Yes, walang masama sa pagiging maid pero I am his wife not his maid. Pinahid ko ang luha ko at mabilis na nagmadaling bumalik sa loob ng kwarto. Nakita ko ang cellphone ko at akmang pipinduntin na ang call para tawagan si Lai ngunit hindi ko ginawa. 

Isinantabi ko na muna ang nangyari kanina. Naisipan ko na lang lumabas at magtimpla ng hot choco. Pagkatimpla ko, nagtungo ako sa garden para magpahangin, nakita kong may mga dahon nagkalat kaya inilapag ko ang tasa ng hot choco at kumuha walis tingting para maglinis ng tapat. 

Medyo bored pala kapag dito lang ako sa bahay, siguro tama si mommy na mag-work muna sa office para hindi ako palaging mag-isa. Isa pa, mas marami akong matututunan at makikilala sa office kaysa rito. Well, kilala ang business namin as the biggest chocolate factory. Our company name is Francisco's Chocolate, kaya nga hindi na ako lumayo noong nag-college ako at food and pastry na ang kinuha ko. 

Nang matapos ako sa pagwawalis, pumasok na ako sa loob para manood at doon ipagpatuloy ang paghigop ng hot choco at gugugulin ang maghapon na oras.

PAGSAPIT ng dilim, tapos na ako magluto at kumain, nanunuod na lang muna ako. Hindi ko na hinintay si Luke dahil malabo naman na sumabay iyon sa akin, pero hinintay ko siya para kausapin tungkol sa sinabi niya kanina. At hindi nga nagtagal ay dumating siya, medyo magulo ang buhok at ang suot nitong coat. Medyo amoy alak din siya. Tumayo ako at lumapit sa kanya. 

“Luke…” I called him. Tumigil siya at lumingon sa akin.

“What again? I’m tired, please, spare me with your drama, kaya pwede huwag mo akong kausapin,” malamig nitong sambit. Napalunok ako pero isinantabi ko ang kaba ko at hinarap siya.

“Gusto ko lang sabihin sa ’yo na hindi ako maid. Hindi ako nagpakasal para tawagin mo lang na maid. Kung hindi mo ako kayang ipakilala bilang asawa, irespeto mo naman ako. Sana kahit kaibigan na lang—” Napatigil ako sa pagsasalita dahil humalakhak siya.

“Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Really? Hindi ka nagpakasal sa akin para maging maid? Then, why? Why did you marry me? Did I ask you to marry me? No. I never ask you to marry me, kaya huwag mong ipamumukha sa akin na hindi mo ginusto ito. Hindi nga kita kilala pero nakasal tayo, in fact, ako dapat magsabi niyan. Isa pa, sinabi ko sa ’yo mind your own business. I hated you, kaya huwag mong balakin na magpakilala sa iba na asawa ko kung ayaw mong maging maid…” Tumigil siya at tumalikod sa akin. “If I could turn back time, hindi ako papayag magpakasal kay Lai para hindi ikaw ang naging asawa ko. You're my worst nightmare,” dagdag niya at naglakad na patungo sa kanyang kwarto. 

Naiwan akong nakasunod lang ng tingin sa kanya. Pumatak ang luha ko, for the second time, umiiyak na naman ako mag-isa dahil sa kanya. Hanggang kailan ko ’to mararanasan? Hanggang kailan niya ipaparamdam na mali ang desisyon ko. 

Siguro, hayaan ko na lang sila ng babaeng iyon para hindi ako nasasaktan ng ganito. Kahit mahal ko siya hahayaan ko siya sa iba, siguro matatahimik kaming dalawa. Dahil ayaw niya sa akin, hindi niya kayang ipagsabi na asawa ko at ganoon na lang din ang gagawin ko. At ihahanda ko rin ang sarili ko sa posibilidad na maghihiwalay rin kami. 

Pinunasan ko ang mukha ko at bumalik sa pag-upo para ipagpatuloy ang panonood. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status