ログインYSABELLE POV
Mabigat ang ulo ko paggising. Puti ang kisame, at lalong sumakit ang mga mata ko nang tamaan ng sikat ng araw na pumapasok mula sa malaking bintana. Sandali akong natulala. Hindi ko amoy ang usok ng jeep o ang pritong isda ni Aling Marta sa labas ng bintana namin.
Dahan-dahan akong umupo, pero napaungol ako sa biglaang kirot. Masakit at may kakaibang hapdi sa pagitan ng mga hita ko, pakiramdam na hinding-hindi pamilyar sa akin at nagpaalala kung gaano kabangis ang nangyari kagabi. Ramdam ko rin ang hapdi sa mga labi ko at ang matinding bigat sa buong katawan. Doon lang bumalik ang lahat.
Napatingin ako sa tabi ko. Bakante na ang kama, pero gulo-gulo ang unan at may bakas pa ng amoy ng pabango niya. Si Lucian. Kinabahan ako bigla. Tumingin ako sa paligid at nakitang nakabukas na ang malalaking bakal na shutter sa bintana. Umaga na. Wala na ang lockdown ng building.
Kahit medyo hirap humakbang dahil sa sakit sa katawan, hindi na ako nag-isip. Mabilis kong hinanap ang tsinelas ko, inayos ang nagusot kong jacket, at binuhat ang insulated bag ng restaurant. Ni hindi na ako lumingon sa banyo kung nandoon ba siya o wala. Pilit kong binilisan ang lakad palabas ng pinto kahit may kaunting kirot sa bawat hakbang. Sumakay ako sa elevator na gumagana na ngayon, at hindi huminga hanggang sa makarating ako sa basement parking kung saan naiwan ang motor ko.
Nanginginig ang mga kamay ko habang isinusuot ang helmet. Masakit pa rin ang upo ko sa motorsiklo, pero ang tanging nasa isip ko lang, kailangan kong lumayo. Kung nalaman ng mga bodyguard niya ang nangyari, baka isipin nilang espiya ako o magnanakaw.
Pero hindi pa pala doon nagtatapos ang kamalasan ng araw na 'to.
Pagdating ko sa tapat ng inuupahan naming bahay sa Pasay, nakita ko agad ang tatlong malalaking balikbayan box sa kalsada. Ngumilo ako nang bahagya nang maibaba ko ang paa ko sa semento; ramdam ko pa rin talaga ang latay ng kagabi. Nakatambak sa kalsada ang mga lumang kumot, lutuan ni Nanay, at ilang pirasong damit namin. Si Nanay, nakaupo sa isang plastic na upuan sa tabi ng gilid ng daan, payat ang mga bisig at hawak ang isang basong tubig habang pinapaypayan ang sarili gamit ang lumang karton.
"Nay?" Patakbo akong lumapit at ipinarada ang motor sa tabi. "Ano 'to? Bakit nasa labas ang mga gamit natin?"
Tumingin si Nanay sa akin, mapula ang mga mata na halatang galing sa iyak. Lumingon siya sa pinto ng apartment kung saan nakatayo si Aling Susan, ang may-ari, na may hawak na makapal na clipboard at nakataas ang kilay.
"Ysa, napaaga ang dating ng mga tauhan ng pautang kaninang madaling araw," mahina ang boses ni Nanay, parang paos. "Kinuha nila 'yung natitirang pera sa tindahan. Tapos si Susan... hindi na raw makapaghintay sa tatlong buwang backlog natin."
Humarap ako kay Aling Susan. "Aling Susan, pakiusap naman po. Kagagaling ko lang sa raket. May makukuha akong sahod at tip ngayon. Kahit pambayad lang muna sa kalahati ng isang buwan—"
"Ysa, ilang beses mo na 'yang sinabi sa akin noong isang buwan pa," putol ni Aling Susan, sabay paypay sa sarili. "Negosyo 'to, hindi charity. May bago nang uupa diyan, nagbayad na ng advance at deposit. Ipasok niyo na 'yang mga kahon niyo sa tricycle at humanap na kayo ng malilipatan. Pasensya na."
*Blag.*
Isinarado niya ang pinto ng gate nang malakas.
Napalunok ako. Tumingin ako sa mga kahon, tapos kay Nanay na dahan-dahan at pilit na tumayo. Hinawakan niya ang braso ko. Malamig ang mga kamay niya.
"Saan tayo pupunta ngayon, Ysa?" tanong niya, nagtatanong pero walang panunumbat sa boses. 'Yun ang mas masakit.
"Sa tita mo muna sa Batangas, Nay," pilit kong pinatatag ang boses ko, kahit na ang totoo ay parang guguho na ang tuhod ko sa pagod, gutom, at sa hapdi ng katawan ko. "May bakanteng kwarto roon sa lumang bahay nila. Doon muna tayo habang nag-iipon ako ulit."
Isang buwan ang lumipas nang mabilis.
Ang Batangas ay tahimik, malayo sa ingay ng Maynila, pero hindi naging tahimik ang sistema ko. Noong una, inisip ko lang na dahil 'to sa pagod sa paglilipat ng mga gamit at sa pabago-bagong panahon. Pero nitong mga nakaraang linggo, tuwing umaga na lang bago ako pumunta sa palengke para tumulong sa pagtitinda ng gulay, palagi akong nakatambay sa banyo ng tita ko, sumusuka ng purong tubig.
"Ysa? Okay ka lang ba diyan sa loob?" katok ni Nanay mula sa labas. "Kanina ka pa dighay nang dighay. Kumain ka na ba ng almusal?"
"O-Opo, Nay. Medyo sumakit lang ang tyan ko," sagot ko habang nagbabanlaw ng bibig sa harap ng lumang salamin.
Tinitigan ko ang sarili ko. Medyo namumutla ako, at may kakaibang bigat sa ibabang bahagi ng tiyan ko na hindi ko maipaliwanag. Kinabahan ako. May isang hinala na pilit kong itinatakwil sa isip ko simula pa noong nakaraang linggo.
Kinahapunan, palihim akong pumunta sa maliit na botika sa tapat ng munisipyo. Bumili ako ng dalawang pirasong pregnancy test kit, 'yung pinakamura. Pag-uwi sa bahay, dinala ko agad 'yun sa banyo at sinunod ang instructions.
Umupo ako sa sahig ng banyo, nakasandal ang likod sa pader habang hinihintay ang limang minuto. Naririnig ko ang tilaok ng manok sa labas at ang ingay ng mga pinsan ko sa sala.
Tumingin ako sa maliit na plastic na hawak ko.
Dalawang pulang linya. Malinaw. Kahit 'yung isa pa, dalawang linya pa rin ang lumabas.
Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang anumang tunog na lalabas sa akin. Buntis ako. At hindi ko kailangang mag-isip kung sino ang ama. Isang gabi lang ang nangyari sa buong buhay ko, at 'yun ay sa penthouse ni Lucian De Castro.
Naalala ko ang mukha niya—ang malamig, ruthless na tingin niya, ang mga bodyguard na nakapaligid sa kumpanya niya, at ang balita sa TV noong isang araw tungkol sa sunod-sunod na kaso na isinasampa niya sa mga kalaban niya sa negosyo. Napakayaman niyang tao. Kung malalaman niyang buntis ang isang delivery rider na tulad ko, ano ang gagawin niya? Iisipin ba niyang pineperahan ko siya? O kukunin niya ang bata sa akin dahil mayaman siya at wala akong kakayahan?
Niyakap ko ang mga tuhod ko, dahan-daging humihinga para pakalmahin ang sarili ko.
"Ysa? Nandiyan ka ba sa loob?" boses muli ni Nanay, kasunod ang marahang katok sa pinto. "May tumatawag sa 'yo sa labas, 'yung kapitbahay natin, nagtatanong kung pwedeng magpahatid ng paninda sa bayan mamaya gamit ang motor mo."
Ibinulsa ko nang mabilis ang dalawang test kit sa short ko, inayos ang buhok, at binuksan ang pinto. Pilit akong ngumiti kay Nanay habang nilalagpasan ko siya.
"Sige, Nay," sabi ko, diretso ang lakad palabas ng kusina papunta sa bakuran. "Sabihin mo parating na ako."
Mabango ang kusina dahil sa pinakukuluan kong sabaw ng baka. Pangatlong araw ko na ito sa mansion, at unti-unti ko nang nakukuha ang saktong timpla na hindi magpapasumpong ng acid reflux ni Lucian. Ayon kay Mang Nestor, nasa study room si Lucian ngayon dahil may mahalagang online conference kasama ang mga foreign partners mula sa London at New York. Strict ang utos: bawal ang anumang ingay sa ikalawang palapag.Pinunasan ko ang noo ko gamit ang likod ng aking kamay at kinuha ang sandok. Ibababa ko na sana ang apoy ng kalan nang makarinig ako ng mahinang kalasgas sa likod ng pinto ng kusina."Mommy."Nabitawan ko ang sandok at muntik nang mapasigaw. Paglingon ko, nakatayo roon si Neo. Suot niya ang paborito niyang kupasing denim shorts at hawak ang kaniyang laruang robot na gawa sa mga lumang turnilyo at plastic. Ang tita ko, wala sa likod niya."Neo?!" Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ang magkabila niyang balikat. Mabilis kong tiningnan ang pinto baka may makakita sa amin. "Anon
YSABELLE POVNaka-uniporme ng kulay abong polo ang mayordomo. Mang Nestor daw ang pangalan niya. Naglakad siya nang dahan-dahan papunta sa dulo ng silid kung saan may isang malaking lamesa. Nakatalikod ang upuan doon, nakaharap sa malawak na bintana na kita ang buong skyline ng lungsod."Sir, nandito na po 'yung aplikante para sa Chef position," mahinang sabi ni Mang Nestor.Hindi gumalaw ang upuan. May ilang segundong katahimikan bago ito dahan-dahang humarap sa amin.Si Lucian.Limang taon. Mas lalo siyang mukhang mailap ngayon. Ang buhok niya ay maayos pa ring nakahawi, pero may kaunting pagod sa ilalim ng mga mata niya. May hawak siyang tablet, at ang tablet na 'yun ang unang tiningnan niya bago ang mukha ko. Noong mag-angat siya ng tingin, parang tumigil ang paghinga ko. Humigpit ang kapit ko sa strap ng luma kong bag.Tinitigan niya ako. Matagal. Mula sa buhok kong nakatali, sa suot kong simpleng blusa, hanggang sa sapatos ko. Inasahan kong magbabago ang mukha niya, na baka tuma
YSABELLE POVLimang taon. Mabilis na matagal. Lumaki si Neo na walang kalarong iba kundi ang mga lumang de-bateryang laruan na napupulot ko sa ukay-ukay at 'yung sirang tablet na nireguhan ng tita ko. Pero nitong nakaraang buwan, nagbago ang lahat nang makatanggap kami ng sulat mula sa St. Jude International Academy. Isang elite preschool sa Maynila. Full scholar si Neo dahil sa pambihirang score niya sa online assessment test na hinuha ko pa noong una ay tsamba lang.Kaya heto kami ngayon, nakatira sa isang maliit na kwarto sa dulo ng isang luma at masikip na apartment sa Sampaloc. Maingay, amoy usok, pero malapit sa bago niyang eskwelahan."Mommy, nahanap ko na 'yung error sa operating system ng kalan natin," wika ni Neo habang nakaupo sa sahig, may hawak na maliit na screwdriver. Limang taong gulang pa lang siya pero kung magsalita, akala mo matandang engineer.Natawa ako habang nag-aayos ng mga nilabhan naming damit. Lumapit ako at ginulo ang buhok niya. "Neo, analog 'yang kalan n
YSABELLE POVMabigat ang ulo ko paggising. Puti ang kisame, at lalong sumakit ang mga mata ko nang tamaan ng sikat ng araw na pumapasok mula sa malaking bintana. Sandali akong natulala. Hindi ko amoy ang usok ng jeep o ang pritong isda ni Aling Marta sa labas ng bintana namin.Dahan-dahan akong umupo, pero napaungol ako sa biglaang kirot. Masakit at may kakaibang hapdi sa pagitan ng mga hita ko, pakiramdam na hinding-hindi pamilyar sa akin at nagpaalala kung gaano kabangis ang nangyari kagabi. Ramdam ko rin ang hapdi sa mga labi ko at ang matinding bigat sa buong katawan. Doon lang bumalik ang lahat.Napatingin ako sa tabi ko. Bakante na ang kama, pero gulo-gulo ang unan at may bakas pa ng amoy ng pabango niya. Si Lucian. Kinabahan ako bigla. Tumingin ako sa paligid at nakitang nakabukas na ang malalaking bakal na shutter sa bintana. Umaga na. Wala na ang lockdown ng building.Kahit medyo hirap humakbang dahil sa sakit sa katawan, hindi na ako nag-isip. Mabilis kong hinanap ang tsinel
YSABELLE POVGabi na pero malagkit pa rin ang hangin sa labas ng subdivision. Naka-park ang lumang motorsiklo ko sa tapat ng guard house habang tinatali ko nang maayos ang insulated bag sa likod. Pangatlong raket ko na ito ngayong araw. Pagkatapos sa talyer kaninong umaga at pag-aasikaso sa mga paninda ni Nanay kaninang hapon, ito naman—delivery rider para sa isang high-end gourmet restaurant.Tumunog ang luma kong cellphone. Si Maya, ang shift manager sa kusina."Ysabelle, nakuha mo na ba 'yung huling order? Yung para sa penthouse sa may Bonifacio Heights?" halatang nagmamadali ang boses niya sa kabilang linya."Oo, hawak ko na. Paalis na nga ako," sagot ko habang ipinapasok ang phone sa bulsa ng jacket ko. "Sigurado ba kayong tama 'to? Parang ang bigat naman para sa isang set ng truffle pasta at steak.""Dalian mo na lang diyan, Ysa. Importante 'yung customer na 'yan. Doble ang tip kapag naihatid mo on time. Sige na, ibababa ko na 'to."Hindi ko na nagawang magtanong pa. Inayos ko a







