ログインMabango ang kusina dahil sa pinakukuluan kong sabaw ng baka. Pangatlong araw ko na ito sa mansion, at unti-unti ko nang nakukuha ang saktong timpla na hindi magpapasumpong ng acid reflux ni Lucian. Ayon kay Mang Nestor, nasa study room si Lucian ngayon dahil may mahalagang online conference kasama ang mga foreign partners mula sa London at New York. Strict ang utos: bawal ang anumang ingay sa ikalawang palapag.
Pinunasan ko ang noo ko gamit ang likod ng aking kamay at kinuha ang sandok. Ibababa ko na sana ang apoy ng kalan nang makarinig ako ng mahinang kalasgas sa likod ng pinto ng kusina.
"Mommy."
Nabitawan ko ang sandok at muntik nang mapasigaw. Paglingon ko, nakatayo roon si Neo. Suot niya ang paborito niyang kupasing denim shorts at hawak ang kaniyang laruang robot na gawa sa mga lumang turnilyo at plastic. Ang tita ko, wala sa likod niya.
"Neo?!" Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ang magkabila niyang balikat. Mabilis kong tiningnan ang pinto baka may makakita sa amin. "Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok? Nasaan ang Tita mo?"
"Nakatulog si Tita sa sala ng apartment natin," seryosong sagot ng anak ko, walang bakas ng takot sa mukha. "Sumabay ako sa delivery van ng grocery kanina. Binigyan ko ng upgrade ang access gate system ng mansion niyo gamit ang tablet ko kaya bumukas ang maliit na pinto."
Napa-facepalm ako. Ang utak ng batang ito, minsan talaga ay nakakatakot.
"Bawal ka rito, Neo. Sobrang higpit ng boss ko. Kapag nalaman niyang may bata rito, matatanggal si Mommy sa trabaho. Masisira ang plano nating mag-ipon para sa pag-aaral mo," pabulong ngunit madiin kong sabi. Pinagpapawisan ako ng malamig habang nakatingin sa dulo ng pasilyo.
Tumingin si Neo sa akin, tapos sa kumukulong sabaw. "Gusto ko lang makita kung anong klaseng tao ang nagpapatrabaho sa 'yo nang ganito katagal, Mommy. Sabi mo gabi ka na uuwi."
"Neo, pakiusap. Pumasok ka muna sa kwarto ko sa loob ng kusina. Huwag kang lalabas, ha? Tatawagan ko si Tita para sunduin ka—"
Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko, tumunog ang buzzer sa gilid ng counter. Sign 'un mula sa intercom. Boses ni Mang Nestor ang lumabas. *"Ysa, pakihatid naman ng tsaa at kaunting biskwit sa study room ni Sir Lucian ngayon na. May inaayos lang ako sa baba."*
"O-Opo, Mang Nestor. Sandali lang po," sagot ko habang nakatingin kay Neo.
Humarap ako sa anak ko, pinantayan ko ang tingin niya. "Neo, makinig ka kay Mommy. Maupo ka lang sa kama ko sa loob. Isang minuto lang 'to, ibibigay ko lang ang tsaa tapos itatabi na kita rito, okay?"
Tumango si Neo. "Okay, Mommy."
Pumasok siya sa kwarto ko at isinarado ang pinto. Huminga ako nang malalim, mabilis na nagtimpla ng tsaa, inilagay sa tray kasama ang crackers, at naglakad paakyat sa ikalawang palapag gamit ang hagdan ng mga serbidor.
Pagdating ko sa tapat ng study room, bahagyang nakabukas ang pinto. Naririnig ko ang malalim at seryosong boses ni Lucian na nagsasalita sa Ingles.
"...the quarterly projections for the Asian market must be finalized by Friday. We cannot afford any delays regarding the logistics integration," wika ni Lucian.
Kumatok ako nang mahina gamit ang siko ko habang hawak ang tray. Nang walang sumagot, dahan-dahan kong itinulak ang pinto gamit ang balikat ko at pumasok. Nakita ko si Lucian na nakaupo sa harap ng kaniyang malaking computer screen. May suot siyang wireless earphone, at sa screen ay may mga mukha ng iba't ibang banyaga na seryosong nakikinig sa kaniya.
Ibinaba ko ang tray sa gilid ng coffee table na malapit sa pinto, malayo sa lamesa niya para hindi ako makaabala.
Aalis na sana ako nang mapansin ko ang isang maliit na anino na gumalaw sa gilid ng bookshelves. Nanigas ang buong katawan ko.
Si Neo.
Hindi ko alam kung paano siya nakasubaybay sa akin paakyat, pero naroon siya ngayon, bitbit ang kaniyang laruang robot. Dire-diretso siyang naglakad papunta sa gitna ng silid, direkta sa likod ng malaking swivel chair ni Lucian.
"Neo..." pabulong kong tawag, parang hihimatayin ako sa takot. Itinaas ko ang kamay ko para isenyas na bumalik siya sa akin, pero hindi siya tumitingin sa akin. Ang mga mata niya ay nakatitig lang sa likod ng ulo ng bilyonaryo.
Naramdaman marahil ni Lucian na may kakaiba. Natigil siya sa pagsasalita sa gitna ng kaniyang sentence. "As for the regional..."
Dahan-dahang lumingon si Lucian.
Nagtagpo ang tingin ng dalawa. Si Lucian, nakakunot ang noo, gulat na gulat na may bata sa loob ng pribado niyang kwarto. Si Neo naman, blangko lang ang mukha, tila sinusuri ang bawat anggulo ng mukha ng lalaking nasa harap niya.
Bago pa man ako makahakbang para hilahin ang anak ko, mabilis na lumapit si Neo sa tabi ng upuan ni Lucian—mismo sa harap ng nakabukas na high-definition web camera na nakatutok para sa Zoom meeting.
"Oh, who is that little guy?" narinig kong tanong ng isang banyagang investor mula sa speaker ng computer.
Hinarangan ni Neo ang camera gamit ang maliit niyang katawan. Tumingin siya nang diretso kay Lucian, itinaas ang kaniyang laruang robot, at sa harap ng buong board of directors, nagsalita siya gamit ang kaniyang seryoso at malamig na boses.
"Mister, bakit mo ninakaw ang mukha ko? At tsaka, bakit mo pinapagod ang Mommy ko sa kusina?"
Katahimikan. Naputol ang boses ng mga tao sa Zoom meeting.
Napahawak si Lucian sa lamesa, dahan-dahang tumayo habang ang mga mata niya ay palipat-lipat mula sa mukha ni Neo papunta sa akin na nakatayo sa may pinto, tuluyan nang nawalan ng kulay ang mukha. Kitang-kita sa screen ng computer at sa silid ang magkamukhang-magkamukha nilang panga, hugis ng mata, at ang parehong matigas na aura.
"Ysabelle," mababa at gumaralgal ang boses ni Lucian habang nakatitig sa akin. "Sino ang batang ito?"
Mabango ang kusina dahil sa pinakukuluan kong sabaw ng baka. Pangatlong araw ko na ito sa mansion, at unti-unti ko nang nakukuha ang saktong timpla na hindi magpapasumpong ng acid reflux ni Lucian. Ayon kay Mang Nestor, nasa study room si Lucian ngayon dahil may mahalagang online conference kasama ang mga foreign partners mula sa London at New York. Strict ang utos: bawal ang anumang ingay sa ikalawang palapag.Pinunasan ko ang noo ko gamit ang likod ng aking kamay at kinuha ang sandok. Ibababa ko na sana ang apoy ng kalan nang makarinig ako ng mahinang kalasgas sa likod ng pinto ng kusina."Mommy."Nabitawan ko ang sandok at muntik nang mapasigaw. Paglingon ko, nakatayo roon si Neo. Suot niya ang paborito niyang kupasing denim shorts at hawak ang kaniyang laruang robot na gawa sa mga lumang turnilyo at plastic. Ang tita ko, wala sa likod niya."Neo?!" Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ang magkabila niyang balikat. Mabilis kong tiningnan ang pinto baka may makakita sa amin. "Anon
YSABELLE POVNaka-uniporme ng kulay abong polo ang mayordomo. Mang Nestor daw ang pangalan niya. Naglakad siya nang dahan-dahan papunta sa dulo ng silid kung saan may isang malaking lamesa. Nakatalikod ang upuan doon, nakaharap sa malawak na bintana na kita ang buong skyline ng lungsod."Sir, nandito na po 'yung aplikante para sa Chef position," mahinang sabi ni Mang Nestor.Hindi gumalaw ang upuan. May ilang segundong katahimikan bago ito dahan-dahang humarap sa amin.Si Lucian.Limang taon. Mas lalo siyang mukhang mailap ngayon. Ang buhok niya ay maayos pa ring nakahawi, pero may kaunting pagod sa ilalim ng mga mata niya. May hawak siyang tablet, at ang tablet na 'yun ang unang tiningnan niya bago ang mukha ko. Noong mag-angat siya ng tingin, parang tumigil ang paghinga ko. Humigpit ang kapit ko sa strap ng luma kong bag.Tinitigan niya ako. Matagal. Mula sa buhok kong nakatali, sa suot kong simpleng blusa, hanggang sa sapatos ko. Inasahan kong magbabago ang mukha niya, na baka tuma
YSABELLE POVLimang taon. Mabilis na matagal. Lumaki si Neo na walang kalarong iba kundi ang mga lumang de-bateryang laruan na napupulot ko sa ukay-ukay at 'yung sirang tablet na nireguhan ng tita ko. Pero nitong nakaraang buwan, nagbago ang lahat nang makatanggap kami ng sulat mula sa St. Jude International Academy. Isang elite preschool sa Maynila. Full scholar si Neo dahil sa pambihirang score niya sa online assessment test na hinuha ko pa noong una ay tsamba lang.Kaya heto kami ngayon, nakatira sa isang maliit na kwarto sa dulo ng isang luma at masikip na apartment sa Sampaloc. Maingay, amoy usok, pero malapit sa bago niyang eskwelahan."Mommy, nahanap ko na 'yung error sa operating system ng kalan natin," wika ni Neo habang nakaupo sa sahig, may hawak na maliit na screwdriver. Limang taong gulang pa lang siya pero kung magsalita, akala mo matandang engineer.Natawa ako habang nag-aayos ng mga nilabhan naming damit. Lumapit ako at ginulo ang buhok niya. "Neo, analog 'yang kalan n
YSABELLE POVMabigat ang ulo ko paggising. Puti ang kisame, at lalong sumakit ang mga mata ko nang tamaan ng sikat ng araw na pumapasok mula sa malaking bintana. Sandali akong natulala. Hindi ko amoy ang usok ng jeep o ang pritong isda ni Aling Marta sa labas ng bintana namin.Dahan-dahan akong umupo, pero napaungol ako sa biglaang kirot. Masakit at may kakaibang hapdi sa pagitan ng mga hita ko, pakiramdam na hinding-hindi pamilyar sa akin at nagpaalala kung gaano kabangis ang nangyari kagabi. Ramdam ko rin ang hapdi sa mga labi ko at ang matinding bigat sa buong katawan. Doon lang bumalik ang lahat.Napatingin ako sa tabi ko. Bakante na ang kama, pero gulo-gulo ang unan at may bakas pa ng amoy ng pabango niya. Si Lucian. Kinabahan ako bigla. Tumingin ako sa paligid at nakitang nakabukas na ang malalaking bakal na shutter sa bintana. Umaga na. Wala na ang lockdown ng building.Kahit medyo hirap humakbang dahil sa sakit sa katawan, hindi na ako nag-isip. Mabilis kong hinanap ang tsinel
YSABELLE POVGabi na pero malagkit pa rin ang hangin sa labas ng subdivision. Naka-park ang lumang motorsiklo ko sa tapat ng guard house habang tinatali ko nang maayos ang insulated bag sa likod. Pangatlong raket ko na ito ngayong araw. Pagkatapos sa talyer kaninong umaga at pag-aasikaso sa mga paninda ni Nanay kaninang hapon, ito naman—delivery rider para sa isang high-end gourmet restaurant.Tumunog ang luma kong cellphone. Si Maya, ang shift manager sa kusina."Ysabelle, nakuha mo na ba 'yung huling order? Yung para sa penthouse sa may Bonifacio Heights?" halatang nagmamadali ang boses niya sa kabilang linya."Oo, hawak ko na. Paalis na nga ako," sagot ko habang ipinapasok ang phone sa bulsa ng jacket ko. "Sigurado ba kayong tama 'to? Parang ang bigat naman para sa isang set ng truffle pasta at steak.""Dalian mo na lang diyan, Ysa. Importante 'yung customer na 'yan. Doble ang tip kapag naihatid mo on time. Sige na, ibababa ko na 'to."Hindi ko na nagawang magtanong pa. Inayos ko a

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





