Share

Chapter three

Penulis: LanaCross
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-22 22:37:58

Hindi makapaniwala si Abigail, kahapon lang ay kinasal siya pero hindi sa kanyang nakatakda na groom.

Kundi sa isang estrangherong lalaki.

At ngayon kasama niya itong kumakain ng agahan, walang gana si Abigail pero kailangan niyang humarap sa lalaki.

Nakakahiya dito kung hindi siya agad bababa.

"Ayos ka lang ba? Hindi mo ba gusto ang pagkain?" Magkasunod na tanong ni Oliver kaya napatingin siya dito.

"Ha? Okay lang masarap naman ang pagkain." Agad na sagot niya dito.

"Akala ko ay hindi, magpapaluto ako ng ibang putahe kung gusto mo." Sabi nito na ikinagulat niya.

"Nakatulog ka ba ng mahimbing kagabi o hindi." Tanong nito kaya napatingin dito si Abigail.

"Hindi, ito ang totoo pero okay na ako." Tapat na sabi ni Abigail dito.

Si Oliver ay pinagmasdan ang asawa nito at nagpatuloy sa pagkain.

Habang kumakain ang mag-asawa ng tahimik, ang matandang mayordoma at kasama nitong isang babae sa kusina ay nakasilip sa hapagkainan.

"Paanong nagkaroon ng asawa si Mr. Rosenthal? Napakabilis ng pangyayari at inuwi niya ito agad dito!" Galit na sabi ng babae kaya napatingin dito ang mayordoma.

Sa ugali at kilos ng dalawang tao na ito ay pareho silang desperado.

Matagal nang nagtatrabaho sa pamilyang Rosenthal ang matandang babae na si Bing.

Ngunit ang natira na lang dito sa lumang mansyon ay ang bunso sa tatlong magkakapatid na Rosenthal.

Nasa Austria na ang dalawa pa nitong kapatid, at hindi ito makapaniwala na nag-asawa na si Oliver Rosenthal.

-

Kalat na sa internet ang hindi natuloy na kasal ng bunsong anak ng mga Navarro kay James Castro.

Ngunit ikinasal si Abigail sa isang di kilalang lalaki, at kalaunan ay nakilala nila bilang napakayaman na negosyante at may dugo rin itong banyaga.

Hinagis ni Hazel ang telepono nito nang malaman na natuloy pa rin ang kasal ng dati nitong kaibigan.

"James! Tignan mo ang ginawa nila. Ipinakasal pa rin nila si Abigail sa ibang lalaki. Kakaiba talaga ang pamilya nila!" Sigaw ng babae sa lalaking abala sa pagtatrabaho mula sa laptop nito.

"So? Ang mahalaga hindi natuloy ang kasal namin diba? Ano ang ikinapuputok ng butsi mo?" Tnong ng lalaki na balewala ang balita tungkol sa kasal ng dati nitong nobya.

Dahil sa inis ay nag-martsa paalis ang babae at napatigil sa ginagawa nito ang lalaki.

Kumuha ito ng sigarilyo at nagsindi, saka kinuha ang telepono at tinignan ang social media.

Si Abigail Navarro ay kasintahan niya ng halos isang dekada, dahil sa pamilya nila.

Ipinagkasundo siya ng mga magulang niya sa babae, at kahapon ay ang araw sana ng kasal nila.

Pero hindi siya pumunta, kasama niya buong magdamag si Hazel, ang matalik na kaibigan ni Abigail.

Kung tutuusin ay gusto rin naman niya ito, dangan nga lang ay ni minsan hindi man lang niya ito nagawang halikan o kapag nagpapakita siya ng motibo dito ay tumatangi ito.

Kaya naibaling niya ang pagtingin sa kaibigan nito.

Ang babae ay maganda kung mag-aayos, subalit hindi. Manang ito manamit at kung kumilos ay tila isang babaeng mayumi.

Pero napamura siya dahil sa napangasawa nito sa napakabilis na pangyayari.

Si Oliver Rosenthal, isang bilyonaryong bachelor at isa sa mga key investor ng kanilang kumpanya.

Mukha talagang pera ang mga Navarro. Dahil agad nila siyang napalitan ng bagong groom sa kasal ng anak nito.

At dahil dito ay tila pinagsisihan niya ang lahat, pero ayaw niya itong sabihin kahit kanino. Lalo na kay Hazel.

-

Si Oliver ay nakaupo sa lanai katabi lang si Abigail.

Nakatanaw ito sa labas ay nililipad ng mabining hangin ang nakaluhay nitong buhok.

Nagpa-background check siya sa babae. Hindi pala ito totoong anak ng mga Navarro.

Inampon ito ng pamilya, at nalaman niya na ilang taon rin ito sa bahay-ampunan at iniwan ng totoo nitong mga magulang.

Isa itong impleyado ng pag-aaring bakery ng pamilya nito at isa ring patry chef.

Ibig sabihin masarap itong gumawa ng tinapay at mga cakes.

"Nakausap mo pa ba ang ex-fiance mo?" Tanong niya sa babae na natigilan at napayuko bigla.

Biglang nagbago ang buska ng mukha nito, malungkot at puno ng sakit.

"I am sorry, i should not ask you that." Bigla niyang bawi.

Si Abigail ay napatingin sa lalaki na nakatingin pala sa kanya.

"Ayos lang, wala naman kaming dapat na pag-usapan pa. Masakit lang na pinahiya niya kami sa harap ng maraming tao, at hindi ako makapaniwal na ang bestfriend ko pa ang naging kalaguyo niya." Puno ng pait na tura ni Abigail.

Si Oliver ay napailing na lang at napatawa ng mahina, iniisip niya na dapat lang at tama na hindi nito pinakasalan ang lalaking iyon.

"Bweno, may passport ka ba? I will book a ticket for our honeymoon." Sabi niya dito na bahagyang nagulat sa sinabi niya.

Ang puso ni Abigail ay bumilis at napatingin siya sa asawa niya.

Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, honeymoon?

"May passport ako. Pero nasa bahay iyon at magpapaalam nga pala ako na kung pwede ay umuwi ako para kunin ang ilan sa mga gamit ko." Sabi ni Abigail dito kaya napatingin sa kanya si Oliver.

"Okay, pasasamahan kita kay Tristan bukas. At magkita tayo sa condo ko." Sabi ni Oliver sa kanya kaya agad siyang napatango dito.

Ang lugar pala na kinalalagyan nila ay Cavite, at malapit ito sa resort na kung saan ginanap ang kasal nila.

Nasa Manila ang bahay nila at ilang oras rin ang byahe mula doon.

At nakapagsabi na rin siya sa kanila na uuwi siya bukax upang kunin ang ilan sa mga gamit niya.

"By the way, don't take your old clothes. We will go to the mall to buy you a new clothes tomorrow." Sabi ni Oliver kay Abigail kaya napatingin siya dito.

"Pero okay naman ang mga damit ko." Sabi niya sa mahinang boses.

"No, we will buy a new one for you. Take your other things but don't take all your clothes." May pinalidad na sabi nito sa kanya.

Wala nang nagawa si Abigail kundi ang muling tumango dito.

So kinabukasan ay maaga silang umalis sa mansyon at bumyahe paluwas ng Manila.

Nang makarating sila sa subdivision nila ay napatingin si Abigail kay Oliver na abala sa kung ano ang binabasa sa cellphone nito.

"Bababa na ako, baka matagalan nga lang ako." Sabi niya dito.

"Okay, heres my phone. Call me when you done. Ipapasundo kita kay Tristan." Sabi sa kanya nito kaya tumango lang siya at saka na lumabas ng kotse.

Napatanaw na lang si Abigail sa papalayong kotse ng asawa niya at saka na nag-doorbell sa gate.

Ilang sandali lang ay bumukas na ang gate nila at tumambad sa kanya si Manang Rosa.

Ang kanilang mayordoma sa mahabang panahon.

Umiiyak siya nitong niyakap kaya napaiyak na rin siya.

"Hindi ako makapaniwala na naikasal ka sa ibang lalaki hija, hindi ko alam ang lungkot at sakit na dinaranas mo." Umiiyak na sabi ng matandang babae sa kanya.

Nagtanong siya kung na saan ang kanyang abuela pero umuwi na pala ito ng Pangasinan.

Ang magulang naman niya ayaagang umalis, samantala ang kanyang dalawang kapatid ay nagsipasok na sa trabaho.

Umakyat siya sa kwarto niya at agad na nakita ang mga litrato nila ni James.

Sa galit niya ay agad niya iyong pinagtatapon sa basurahan.

Napaupo na lang siya sa sahig at muling umiyak.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Unlucky Wife of the Billionaire    Chapter seventeen

    Wala pang limang minuto mula nang magkausap si Oliver at Abigail ay pumasok si Tristan na may dalang papeles."Review this Oliver, sa tingin ko hindi yan pwedeng makapasok sa project dahil mahina ang mga bakal na nirekomenda ng project engineer." Sabi nito kaya napakunot ng noo si Oliver at saks ito binasa."Sino ang may hawak sa project?" Tanong ni Oliver dito kaya napatingin sa kanya si Tristan at hinanap ang pangalan ng mga may hawak sa proyekto.The in the list is the new employee, and this is Hazel Navarro."Minamadali nila ang pagpirma, pero nakitaan ko kasi ng butas." Sabi ni Tristan kaya napailing na lang si Oliver at saka tinapon sa basurahan ang papeles."Magpatawag ka ng meeting, ipatawag mo na rin ang mga may hawak sa proyektong ito." Seryoso na sabi ni Oliver kaya agad na tumango si Tristan at lumabas na muli ng opisina niya.Hindi pwedeng sirain lang ng kung sino ang proyekto na para sa kanyang asawa.Mukhang nalaman ng babaeng iyon na ang ipapatayo na cafe sa Tagaytay a

  • The Unlucky Wife of the Billionaire    Chapter sixteen

    Dumating si Oliver sa mansyon pasado alas-otso ng gabi at naabutan nila ni Tristan si Owen at Abigail sa sala.Mukhang naging malapit na agad ang asawa niya sa kapatid na madaldal talaga."Oh, speaking of the devil. Hi kuya." Bati ni Owen sa kapatid na hindi maipinta ang mukha."What are you doing here?" Tanong ni Oliver dito imbes na batiin ito.Si Abigail ay nakatingin lang sa magkapatid na nagpapalitan ng salita.Mukhang malapit sa isa't isa ang dalawa, gayonpaman ay tila istrikto masyado itong si Oliver.Nang mapatingin sa kanya ang asawa ay napangiti siya dito nang hindi sinasadya."Hello my wife, hows your day?" Tanong sa kanya ni Oliver kaya namula nang husto ang pisngi ni Abigail.Akmang sasagot si Abigail sa asawa pero narinig nila ang pagsipol ni Owen."Nice try my brother, marunong ka nang makipagusap sa babae." Sabi nito kaya binatukan ito ni Oliver dahilan para mag-alala si Abigail kay Owen."Oliver huwag mo naman saktan ang kapatid mo." Bigla niyang saway sa asawa na nap

  • The Unlucky Wife of the Billionaire    Chapter fifteen

    Nagising si Abigail na masakit ang ulo at nanunuyo ang kanyang lalamunan.Kahit nahihilo pa siya ay bumangon siya upang kumuha ng tubig, sa medyo nakabukas niyang mga mata ay mayroon siyang nakita na isang pitsel ng tubig sa sidetable at gamot at may notes rin na nakalagay.Kinuha niya ito at agad na binasa, Oliver said drink the medicine for her hangover.Napangiti siya at inalala ang nangyari kahapon o kagabi.Pero habang umiinom siya ng tubig ay may isang alaala siyang nakita sa kanyang isipan.Naghahalikan sila ni Oliver at nakayakap siya sa leeg nito.Tila ba sila magkasintahan na puno ng pananabik sa isa't isa.Agad na napahawak sa kanyang bibig si Abigail at namula ng husto ang pisngi.Muli siyang humiga sa kama at kinuha ang unan at saka napahiyaw dito.Hindi iyon panaginip, alam niya iyo kaya bigla niyang nahawakan ang kanyang mga labi.Lasing siya at sigurado siya na iisipin ni Oliver na hindi na niya iyon maaalala pa.Pero naalala pa rin niya ang parteng iyon, at sigurado n

  • The Unlucky Wife of the Billionaire    Chapter fourteen

    Nagbihis muna si Abigail bago muling bumaba sa sala, naisipan niya na pumunta sa library. Sabi ng asawa niya ay pwede siyang magbasa ng mga libro na koleksyon nito. Pero dahil wala siya sa sarili ay sa wine cellar siya pumunta, may nakita siyang bukas nang whiskey kaya kinuha niya ito. Hindi na niya inalam kung malakas ba ang alcohol content nito o ano, basta kumuha siya ng wine glass at saka nagsalin dito. May koleksyon rin kasi ng mga alak si Oliver at tila mamahalin lahat ng mga alak dito. Umupo siya sofa habang nakatitig sa baso ng alak at saka ito tinunga. Unang inom niya at kakaibang init agad ang dumulas sa kanyang lalamunan, mapait at kakaiba ang lasa. Gusto niyang maduwal o iluwa ito pero pikit mata na lang niya itong nilunok. Umiinom naman siya paminsan-minsan pero hindi ganito katapang, beer lang ang kasi pinakamatapang niyang iniinom. Hazel taught her how to drink when they were college, nang maalala niya ang babae ay lalong sumama ang loob niya. Ang ilang beses

  • The Unlucky Wife of the Billionaire    Chapter thirteen

    Si Abigail ay lumuwas ng Manila mag-isa pero nagpaalam naman siya kay Oliver.Magka-canvas siya ng mga gamit sa kanyang ipapataya na cafe.At naisipan niya na pumunta sa manufacturing na ang may-ari ay kaibigan ng kanyang ama.Tumawag na siya sa may-ari na pupunta siya at hinihintay siya nito.Naging maayos ang usapan nila ng mismong may-ari, ang mag-asawa ay natuwa sa sinabi niya na magtatayo siya ng sariling cafe.Ang negosyo ng mga ito ay pagawaan ng mga upuan, lamesa at kung ano-ano pang mga kagamitan.Kapag naayos na niya ang lahat ay saka niya muling kokontakin ang mga ito.Tatlong oras rin siya sa Valenzuela kung nasaan ang kumpanya ng mga ito at bumyahe na siya papunta ng Manila.May kikitain rin siya na isang tao na pwede niyang mahingan ng advice sa pagpapagawa ng cafe.Sa isang mall sila nagkita at naging maayos naman ang kanilang pag-uusap."Balita ko ay kinasal ka na?" Tanong ni Lorraine, ito ang anak ng kaibigan ng kanyang ama.Dito siya nakipagkita at isa rin itong inte

  • The Unlucky Wife of the Billionaire    Chapter twelve

    Humingi ng paumanhin ang matandang mayordoma at ang dalawang kasambahay ni Oliver kay Abigail.At si Abigail naman ay agad na tinangap ang paumanhin ng mga ito, while Oliver is not yet fully convince but he did what his wife said.May tiwala siya dito, at dito nito napagtanto na isang ginto ang kanyang napangasawa.At ang matandang babae naman ay natauhan sa ginawa nito, kung tutuusin ay pwedeng hilingin ni Abigail kay Oliver na paalisin sila.Pero ito pa ang nakiusap kay Oliver na huwag silang paalisin.Nadala na kasi ito, mula pa man noon ay lagi nang bigo sa mga babae si Oliver. Halos lahat ng naging nobya nito ay niloko ang lalaki at pera lang ang habol ng mga ito dito.Isa na dito ang huling naging kasintahan ni Oliver, na alam ng matandang babae ang sakit at kabiguan na dinanas ng kanyang alaga.Kaya nang malaman niya na nag-asawa ng napakabilis ni Oliver at makilala si Abigail ay inakala nito na isa rin lang ang layunin ng babae.Ito ay ang pera nito, ngunit nagkamali pala siy

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status