Ang pamilya ni Abigail ay tila biglang natauhan, at sa ilang minutong pag-uusap ng mga ito. Pumayag ang mga ito sa gusto ng lalaki. Si Abigail ay hindi makapaniwala. Lalo at ang kanyang mga magulang, nang makilala nito ang lalaking bigla na lang siyang inayang pakasalan. "Abigail, para hindi mapahiya ang pamilya natin. Ikakasal ka kay Oliver Rosenthal." Buo ang desisyon na sabi ng kanyang ama, ang kanyang ina ay pinanlakihan siya ng mga mata. Wala siyang laban at magagawa sa kung ano ang gusto ng mga ito, subalit bakit biglang nag-iba ang sitwasyon. Agad na inayos ng lahat ang buong kapilya, ang pari ay agad na kinausap ng mga magulang ni Abigail. At sa napakabilis na pangyayari, kinasal siya sa isang lalaking ni hindi niya kilala. Dahil wala siyang laban sa kanyang pamilya, kung magmamatigas siya dadagdagan lang niya ang kasalanan sa mga ito. Wala siyang laban, at tanging ito na lang ang pagpipilian niya. Ang lalaking magiging asawa niya sa mga sandaling ito ay napakagwapo,
Terakhir Diperbarui : 2025-05-22 Baca selengkapnya