Ang pamilya ni Abigail ay tila biglang natauhan, at sa ilang minutong pag-uusap ng mga ito.
Pumayag ang mga ito sa gusto ng lalaki. Si Abigail ay hindi makapaniwala. Lalo at ang kanyang mga magulang, nang makilala nito ang lalaking bigla na lang siyang inayang pakasalan. "Abigail, para hindi mapahiya ang pamilya natin. Ikakasal ka kay Oliver Rosenthal." Buo ang desisyon na sabi ng kanyang ama, ang kanyang ina ay pinanlakihan siya ng mga mata. Wala siyang laban at magagawa sa kung ano ang gusto ng mga ito, subalit bakit biglang nag-iba ang sitwasyon. Agad na inayos ng lahat ang buong kapilya, ang pari ay agad na kinausap ng mga magulang ni Abigail. At sa napakabilis na pangyayari, kinasal siya sa isang lalaking ni hindi niya kilala. Dahil wala siyang laban sa kanyang pamilya, kung magmamatigas siya dadagdagan lang niya ang kasalanan sa mga ito. Wala siyang laban, at tanging ito na lang ang pagpipilian niya. Ang lalaking magiging asawa niya sa mga sandaling ito ay napakagwapo, tila ito isang prisipe na hindi bagay ang tulad niya. Nanliit bg husto si Abigail, dahil tila hindi siya bagay sa lalaking ito. "You are so beautiful, don't ruin your day for this moment." Bulong ni Oliver kay Abigail. Natigilan ang dalaga at bahagyang tinignan ang lalaki na nasa tabi niya. "Sa-salamat,..." Bulong ni Abigail na hindi alam ang sasabihin. Natapos ang seremonya, ang ilang bisita na halos kaibigan ng kanyang pamilya na hindi umalis at syempre ang pamilya ni Abigail ang tanging naging saksi sa kanilang kasal. Matapos nito ay sandaling nag-usap ang kanyang mga magulang at si Oliver. Ang kuya ni Abigail na si Aaron ay napailing na lang sa kanya. "It was like a shotgun marriage. Biruin mo may instant groom ka at hindi siya basta-bastang tao." Sabi ni Aaron, agad itong pinalo sa braso ni Aria at nag-aalalang tinitigan siya. "Abigail, i am so sorry. Kung may kakayahan lang ako na pigilan ang lahat." Sabi ni Aria sa kanya, pero umiling lang si Abigail "Okay lang po ate, don't worry about me. Siguro ito na rin ang tanging magagawa ko para hindi nila pagtawanan ang pamilya natin." Sabi ni Abigail sa kapatid kaya niyakap na lang siya nito. Nang makabalik si Oliver at ang kanyang mga magulang ay agad siyang nilapitan ng lalaki at niyakap siya nito sa baywang at nagulat si Abigail dahil sa ginawa nito. "Sasama ka na sa asawa mo, malapit lang dito ang bahay niya. Magpakabait ka, Mr. Rosenthal a good man hija." Sabi sa kanya ng ama niya na tila nagustuhan agad si Oliver. Kinabahan man si Abigail, pero tumango na lang siya sa kanyang ama. Ang kanyang ina naman ay sinabihan siya ng katakot-takot na bilin. Gustong umiyak ni Abigail pero pinigilan niya ang sarili na huwag umiyak. Mamaya na lang siya iiyak, kapag wala na ang lahat at mag-isa na lang siya. Nakapagbihis na si Abigail, dala ang kanyang bag na naglalaman ng kanyang ilang gamit ay bumaba siya ng hotel kung saan sila tumuloy ng kanyang pamilya. Ang kanyang asawa ay naghihintay sa kanya sa lobby, may kausap ito tungkol sa trabaho. Agad na tinignan ng lalaki ang babae na papalapit sa kanya at saka kinuha ang bitbit nitong bag. "Kaya ko naman, pero salamat." Bulong ni Abigail dito, tinignan lang siya ng lalaki at nginitian. "It's okay, just for my wife." Sabi nito sa kanya saka na siya inalalayan na makapasok sa sasakyan nito. Isang lalaki na nasa driver seat ang napatingin sa kanya, binati siya nito at sa pagkakaalala niya ay tanging ito lang ang kasama ni Oliver kanina. Naging instant bestman ito ng lalaki at pinakilala ito bilang personal na sekretaryo sa kanya. "We are going home, Abigail." Sabi sa kanya ni Oliver kaya napatingin siya sa lalaki at bahagya lang na tumango. Isang napakalaking mansyon ang hinintuan ng sasakyan na sinasakyan ng mag-asawang Oliver at Abigail. “Nandito na tayo.“ Sabi ng lalaki na tila pagod na pagod, kaya agad nang lumabas ng kotse si Abigail. Sinukbit niya ang bag na dala niya at mangha niyang nilibot ang paningin sa malawak na garden ng mansyon. Ang bag na naglalaman ng gamit niya ay bitbit ni Oliver, at agad na may lumapit sa kanila na isangatandang babae. "Manang Bing, ito si Abigail Navarro. Siya ang babaeng pinakasalan ko at mula ngayon dito na siya titira, at kung paano mo ako pinagsisilbihan ay ganon rin ang gawin mo sa kanya." Ito ang buo at maawtoridad na sabi ng lalaki dito. Ang mukha ng matandang babae ay nakitaan ni Abigail ng pagkabigla, ngunit agad rin itong magalang na yumuko kay Oliver. "Masusunod, Mr. Rosenthal." Sabi nito saka napatingin sa babaeng nasa tabi ng amo. Tila bata pa ito at napakaganda, pero ang nakakagulat ay inuwi ito ng amo bilang asawa. "Ikaw na muna bahala sa kanya, iakyat mo na siya sa taas. May meeting ako at babalik kinabukasan." Sabi ng lalaki na ikinagulat ni Abigail. Gusto niyang may sabihin sa lalaki, pero hindi niya alam kung paano ito sasabihin. "Babalik ako bukas, Abigail. Don't be afraid this house is yours now." Bulong ni Oliver sa kanyang asawa, saka niya ito hinalikan sa noo sa pagkagulat ni Abigail. Nang makaalis si Oliver at si Tristan. Hindi napigilan ng lalaki ang magtanong sa amo. "Sugurado ka ba talaga na iwan siya sa unang gabi ng kasal niyo?" Tanong nito sa lalaki sa likod at nakatingala sa kisame ng sasakyan. "May mga dapat akong asikasuhin at hindi ko iyon gagawin bukas, dadalhin ko si Abigail sa Viena." Sabi ng lalaki kaya napatango na lang ito. Kanina ay dumalo sila sa isang birthday party, single pa ito. Pero ilang oras lang ay nagpakasal na ito. Napailing na lang si Tristan, talaga ngang ang mga lalaking Rosenthal ay pare-pareho ng ugali. Kapag may ginusto silang bagay ay agad na nakukuha, pero nang maalala niya nag inosenteng dalaga ay napailing na lang siya. Sana ay ito na ang babaeng magpapabago sa ugali nitong amo niya. - Samantala si Abigail ay nakasunod paakyat sa taas sa matandang babae. Wala itong imik at ilang salita lang ang sinabi nito bago sila umakyat. "Ang buong second floor ay inoukupa ni Mr. Rosenthal. May dalawang kwarto dito at nakakonek sa bawat isa. Isa sa mga ito ang magiging silid mo." Seryoso na sabi ng matandang babae kaya agad na tumango si Abigail. "Salamat po." Mahinang sabi ni Abigail dito, tinignan lang siya ng matanda at binuksan ang silid. Isang simpleng silid lang ito, may malaking kama sa gitna at napakalaki kumpara sa kwarto niya sa bahay nila. "Magpahinga ka na, kung may kailangan ka pa ay may telepono na kumukonekta sa kusina." Sabi ulit nito kaya tumango ulit si Abigail. "Aalis na ako." Sabi nito saka tumalikod at sinara ang pinto. Pumunta dito si Abigail at ni-lock ito, sanay kasi siyang maglock ng pinto. At pagkatapos ay nilibot ang paningin sa buong silid. Napahiga si Abigail sa kama at agad na napapikit. Sa napakabilis na pangyayari ay kasal na siya, ngunit hindi sa nobyo niya kundi sa ibang lalaki. Tahimik siyang umiyak dahil kanina pa niya ito pinipigilan at binuhos niya lahat ng sakit sa kanyang dibdib. At dito siya nakatulog. Sa kalagitnan ng gabi ay may lalaking pinaamasdan ang dalaga. Tuyo ang luha nito at namumula ang pisngi, isang patunay na matagal itong umiyak sa gabing ito.Nagising si Abigail na masakit ang ulo at nanunuyo ang kanyang lalamunan.Kahit nahihilo pa siya ay bumangon siya upang kumuha ng tubig, sa medyo nakabukas niyang mga mata ay mayroon siyang nakita na isang pitsel ng tubig sa sidetable at gamot at may notes rin na nakalagay.Kinuha niya ito at agad na binasa, Oliver said drink the medicine for her hangover.Napangiti siya at inalala ang nangyari kahapon o kagabi.Pero habang umiinom siya ng tubig ay may isang alaala siyang nakita sa kanyang isipan.Naghahalikan sila ni Oliver at nakayakap siya sa leeg nito.Tila ba sila magkasintahan na puno ng pananabik sa isa't isa.Agad na napahawak sa kanyang bibig si Abigail at namula ng husto ang pisngi.Muli siyang humiga sa kama at kinuha ang unan at saka napahiyaw dito.Hindi iyon panaginip, alam niya iyo kaya bigla niyang nahawakan ang kanyang mga labi.Lasing siya at sigurado siya na iisipin ni Oliver na hindi na niya iyon maaalala pa.Pero naalala pa rin niya ang parteng iyon, at sigurado n
Nagbihis muna si Abigail bago muling bumaba sa sala, naisipan niya na pumunta sa library. Sabi ng asawa niya ay pwede siyang magbasa ng mga libro na koleksyon nito. Pero dahil wala siya sa sarili ay sa wine cellar siya pumunta, may nakita siyang bukas nang whiskey kaya kinuha niya ito. Hindi na niya inalam kung malakas ba ang alcohol content nito o ano, basta kumuha siya ng wine glass at saka nagsalin dito. May koleksyon rin kasi ng mga alak si Oliver at tila mamahalin lahat ng mga alak dito. Umupo siya sofa habang nakatitig sa baso ng alak at saka ito tinunga. Unang inom niya at kakaibang init agad ang dumulas sa kanyang lalamunan, mapait at kakaiba ang lasa. Gusto niyang maduwal o iluwa ito pero pikit mata na lang niya itong nilunok. Umiinom naman siya paminsan-minsan pero hindi ganito katapang, beer lang ang kasi pinakamatapang niyang iniinom. Hazel taught her how to drink when they were college, nang maalala niya ang babae ay lalong sumama ang loob niya. Ang ilang beses
Si Abigail ay lumuwas ng Manila mag-isa pero nagpaalam naman siya kay Oliver.Magka-canvas siya ng mga gamit sa kanyang ipapataya na cafe.At naisipan niya na pumunta sa manufacturing na ang may-ari ay kaibigan ng kanyang ama.Tumawag na siya sa may-ari na pupunta siya at hinihintay siya nito.Naging maayos ang usapan nila ng mismong may-ari, ang mag-asawa ay natuwa sa sinabi niya na magtatayo siya ng sariling cafe.Ang negosyo ng mga ito ay pagawaan ng mga upuan, lamesa at kung ano-ano pang mga kagamitan.Kapag naayos na niya ang lahat ay saka niya muling kokontakin ang mga ito.Tatlong oras rin siya sa Valenzuela kung nasaan ang kumpanya ng mga ito at bumyahe na siya papunta ng Manila.May kikitain rin siya na isang tao na pwede niyang mahingan ng advice sa pagpapagawa ng cafe.Sa isang mall sila nagkita at naging maayos naman ang kanilang pag-uusap."Balita ko ay kinasal ka na?" Tanong ni Lorraine, ito ang anak ng kaibigan ng kanyang ama.Dito siya nakipagkita at isa rin itong inte
Humingi ng paumanhin ang matandang mayordoma at ang dalawang kasambahay ni Oliver kay Abigail.At si Abigail naman ay agad na tinangap ang paumanhin ng mga ito, while Oliver is not yet fully convince but he did what his wife said.May tiwala siya dito, at dito nito napagtanto na isang ginto ang kanyang napangasawa.At ang matandang babae naman ay natauhan sa ginawa nito, kung tutuusin ay pwedeng hilingin ni Abigail kay Oliver na paalisin sila.Pero ito pa ang nakiusap kay Oliver na huwag silang paalisin.Nadala na kasi ito, mula pa man noon ay lagi nang bigo sa mga babae si Oliver. Halos lahat ng naging nobya nito ay niloko ang lalaki at pera lang ang habol ng mga ito dito.Isa na dito ang huling naging kasintahan ni Oliver, na alam ng matandang babae ang sakit at kabiguan na dinanas ng kanyang alaga.Kaya nang malaman niya na nag-asawa ng napakabilis ni Oliver at makilala si Abigail ay inakala nito na isa rin lang ang layunin ng babae.Ito ay ang pera nito, ngunit nagkamali pala siy
Pero nag-aalala pa rin si Abigail."Don't think too much, Abigail." Saway sa kanya ni Oliver mayamaya dahil napansin nito ang pag-aalala pa rin niya."Salamat, Oliver." Nasabi na lang ni Abigail habang nakatanaw sa karagatan ang lalaki.The days had past, and Abigail's life turn to different level.Masaya siya na minsan hindi, wala siyang ibang ginagawa sa mga nakalipas na araw.Dalawang linggo na ang matulin na lumipas, pero okay lang sa kanya hindi naman siya naiinip.Lagi lang siyang nasa kwarto niya at nagpipinta, ang pinakagusto niyang gawin mula pa man noon.Hindi niya kasi gusto ang makialam sa kusina o sa loob ng buong bahay na ito.Kahit hindi naman niya ito intensyon ay tila ba laging nakabantay ang mayordoma ng malaking bahay na ito.Bawat kilos niya ay nakatingin ito kapag nasa baba siya, si Oliver kasi ay laging abala sa trabaho.Wala naman kasi siyang magawa, gusto niyang maghalaman pero bawal siyang humawak ng kahit na ano.Minsan gusto na rin niyang kumprontahin ang ma
Napatingin si Abigail sa tumawag sa kanya at nakita na niya ang ate niya."Ate Aria, kumusta ka?" Nakangiti niyang bati dito, saka niya ito niyakap at hinalikan sa pisngi."I saw your husband, and i saw your smile." Sabi nito kaya namula ang pisngi ni Abigail na ikinangiti naman ni Aria.Magakahawak kamay na naglakad pabalik sa mall ang magkapatid, at masayang nagkwentuhan."He gave me his black card ate." Sabi ni Abigail kay Aria habang nandito sila loob ng isang cafe."Really? Nah, black card is something that all women wanted to have you know." Sabi ni Aria na ikinatingin dito ni Abigail."Pero nahihiya pa rin ako sa kanya ate." Bulong ni Abigail."It's okay, he is your legal husband now. All his asset is yours now." Sabi na lang ni Aria, but knowing her sister. She knows that she don't want live like a billionaire's wife."He is a good man, a gentleman and a good provider." Nasabi na lang ni Abigail kaya napangiti na lang si Abigail."Well I am glad that you already found a better