Abigail is unlucky when it comes to family. She is an orphan. Her family abandoned her when she was just five years old. When she was eight years old, she was adopted by a family, and since then she has done anything to please them. When she was about to get married, her groom left her for her best friend. To her surprise, there was a man who took the position of her new groom. Then, she got married to a man whom she had never met before. But when she finally got to know him, is this her new luck in life or another unlucky beginning of her now married life?
View MoreAraw ng kasal ni Abigail, pero tila may nararamdaman na siyang kakaiba mula pa man kahapon.
Ni hindi siya tinawagan ni James, at wala man lang itong paramdam sa kanya. "Napakaganda ng bride, pero tila malungkot." Napatingin si Abigail sa bakla na nag-aayos sa kanya. Habang ang ina nitong si Criselda ay inaayusan rin ng isa pa na make-up artist. Ito ang araw na pinakahinihintay ng pamilya ni Abigail, ang maikasal siya sa panganay na anak ng mga Castro. Isang mayamang angkan sa Bulacan, at may ari ng ekta-ektaryang taniman ng palay sa lalawigan. Matagal nang ipinagkasundo ng pamilya Navarro at Castro ang mga anak nila. Kaya naman nang tumuntong ng dalawang put limang taong gulang si Abigail ay ito na rin ang araw ng kanilang kasal. Si James Castro ay hindi lang ilang beses na nagpakita ng motibo na maikasal agad sila. Wala naman siyang magawa pa dahil ito na rin ang kagustuhan ng kanyang pamilya. "Abigail, ano ka ba parang nasa lamay yang mukha mo." Saway naman sa kanya ng kanyang ate na si Aria. Pumasok ito dito sa loob ng silid na nakabihis na at napakaganda sa suot na royal blue dress. Ito ang kanyang maid of honor, agad nitong binati ang ina na agad na nakangiti at pinuri ang kanyang ate. Napahinga na lang ng malalim si Abigail at saka pinanatag ang sarili. Ayaw niyang makapagsalita ang kanyang ina ng masama, ito ang iniingatan niya sa mga sandaling ito. Tumayo si Abigail at napatingin sa kanyang sarili sa salamin at hindi makapaniwala. Napakaganda niya nga talaga, parang hindi niya nakilala ang sarili dahil nag-iba ang kanyang itsura. Mula sa isang nerd at manang manamit na babae ay ito ang kinalabasan ng make-over niya. "Look at you hija, my apo is really pretty. Bakit kasi hindian lang nag-aayos sa sarili mo." Ito ang bungad ng kanyang abuela na pumasok na rin dito at nakangiti siyang pinagmasdan. Ang pamilya Navarro ay kilalang elegante at may magandang lahi, ngunit naiiba talaga sa mga ito si Abigail. Hindi siya totoong Navarro, alam niya oyon dahil ampon lang siya ng kanyang mga magulang. Kung maganda siya, lalong higit si Aria Navarro na isang sikat na modelo at beauty queen sa bansa. Samantala ang kanyang ina ay dari rin na beauty queen at may-ari ng isang sikat na beauty products. Ang pamilya Navarro ay may-ari ng ilang bakery shop sa Manila at nag-eexpand pa ito. Ang kanyang ama ay isang sikat na baker, at ang kanyang nakatatandang kapatid ay isang chef. At si Abigail ay isa ring baker, at kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa kanilang main branch sa Manila. "Don't be nervous, Abi. Just relax in an hour you will be a Mrs. Castro." Sabi sa kanya ng kanyang ate kaya tumango lang siya at napangiti dito. "Siguruduhin mo lang na hindi ka gagawa ng kahit na anong ikapapahiya namin." Sabi ng kanyang ina na seryosong nakatingin sa kanya. "Ano ka ba Criselda, tigilan mo nga yang ugali mo. Araw ng kasal ng anak mo pero hindi mo sinasantabi yang ugali mo." Saway ng abuela ni Abigail kaya gusto niya yumakap dito pero dahil sa gown niya na inayos ng mabuti ng kanyang stylist ay lihim na lang siyang nagpasalamat dito. Isang katok ang gumambala sa kanila matapos ng ilang sandali. Ang coordinator ng kanyang kasal ay tila wala sa sarili. "Miss Navarro, yong isa po sa mga bridesmaid niyo ay wala pa." Bulong nito sa kanya kaya napakunot noo siya. Si Hazel, ang kanyang bestfriend. Kinabahan siya dahil dapat kahapon pa ito nandito pero hangang ngayon ay hindi pa rin pala ito dumadating. "I will call her." Sabi ni Abigail sa babae kaya napatango ito at agad nang lumabas ulit. "What happen to Hazel?" Tanong ni Aria sa kanya, kaya napatingin siya sa kapatid at napahinga ng malalim. Mas kinabahan na siya at tila hindi na siya makapag-isip ng tama. "Ano ba ang kawalan ng babaeng iyon kung hindi siya makadalo sa kasal mo?" Masungit na tanong Cordelia kay Abigail kaya napatingin siya dito. "Mom, please." Sabi ni Aria sa ina na agad na napailing at saka muling tinignan ang sarili sa salamin. Sa mga sandaling iyon, walang kamalay-malay si Abigail kung ano ang magaganap ngayong araw na ito. Subalit hindi pinanghinaan ng loob ang dalaga at nanatiling positibo. Nang dumating ang oras ng kasal ni Abigail, nauna na ang kanyang pamilya sa pagsasagawaan ng kasal nito. Pero ang groom ay hindi dumating sa tamang oras, ang kanyang mga magulang, ang mga magulang ni James Castro ay nakikitaan na rin ng panic. Samantala si Abigail ay agad na nasiraan ng loob, at nang makatangap siya ng mensahe. Dito niya nabitawan ang kanyang telepono, ang kapatid niya na si Aria ay napatigil at agad na nag-alala sa kanya. Ang ilang salita, kalakip ng litrato ay ang halos mawalan siya ng hininga sa rebelasyon na iyon. Si Aria ay pinulot ang telepono ni Abigail, at nakita ang mensahe mula kay Hazel at ang nakapagpagulat dito ay ang litrato nito kasama si James Castro. Sa bilis ng pangyayari, halos magwala ang ina ni Abigail. Ang ina ni James ay sumama ang pakiramdam at nagkagulo sa kapilya. May nagbulong-bulungan, atay nakiusyoso rin. "Hindi na matutuloy ang kasal ko ate." Bulong ni Abigail, habang nakayuko ang dalaga at pigil ang hindi mapaiyak. Anong sakit at kahihiyahan ang nararamdaman nito sa mga sandaling iyon. Ang kanyang kaibigan, tinuring na kapatid at binigay ang kanyang buong tiwala. Ay ang nagpadala ng mensahe sa kanya. Kasama nito ay ang litrato ng matutulog niyang nobyo, habang sinabi ng babae na magkasama ang dalawa at hindi na matutuloy ang kasal nila ng lalaking kasama nito. "Pinahiya niy tayo! I can't believe ito!" Sigaw ni Cordelia, ito ang pinaka-maingay sa lahat. Samantala sa kabilang bahagi ng lugar, may isang lalaking nakatingin sa loob ng kapilyanh iyon. Ang narinig nito ay hindi natuloy ang kasal ngagandang bride. Agad niyang pinatay ang kanyang sigarilyo at saka nakapamulsa na pumasok sa loob. Naririnig nito ang masakit na sinasabi ng isang babae sa harap ng bride na nakayuko at tila isang batang babae na pinapagalitan. "I will marry her." Bigla niyang sabat dito, nagulat ang ilan sa mga ito. "I'm sorry but, who are you?" Tanong ng isang lalaki na marahil ay ama ng bride. "Me? I am Oliver Rosenthal. If your daughter had no groom. I will be her groom instead." Sabi niya dito. Sa gulat na nakikita sa mga mukha ng tao dito ay tila ito nakarinig ng nakakatawang bagay. Subalit agad siyang umupo sa harap ng babaeng nagulat rin. Kinuha niya ang kamay nito at agad itong dinala sa kanyang labi. Si Abigail, ay nagulat sa gwapong lalaki na nakaluhod sa harap niya sa mga sandaling ito. Hiningi nito ang kamay niya sa harap ng kanyang pamilya, sa napakabilis na pangyayari ay hindi siya halos makahinga sa sobrang emosyon. "Ikaw si Oliver Rosenthal, ang may ari ng Rosenthal Group of Companies." Ito ang gulat na tanong ng tiyuhin ni Abigail. At ang mukha ng kanyang ina ay buglang napatitig sa lalaking, inakala nilang nasisiraan ng ulo. "So, can I marry her? I promise to be a good husband to her, unlike the bastard who left her for another woman." Sabi ulit ng lalaki. Si Oliver ay pursigido sa gusto nito. At ngayon, buo na ang kanyang desisyon.Nagising si Abigail na masakit ang ulo at nanunuyo ang kanyang lalamunan.Kahit nahihilo pa siya ay bumangon siya upang kumuha ng tubig, sa medyo nakabukas niyang mga mata ay mayroon siyang nakita na isang pitsel ng tubig sa sidetable at gamot at may notes rin na nakalagay.Kinuha niya ito at agad na binasa, Oliver said drink the medicine for her hangover.Napangiti siya at inalala ang nangyari kahapon o kagabi.Pero habang umiinom siya ng tubig ay may isang alaala siyang nakita sa kanyang isipan.Naghahalikan sila ni Oliver at nakayakap siya sa leeg nito.Tila ba sila magkasintahan na puno ng pananabik sa isa't isa.Agad na napahawak sa kanyang bibig si Abigail at namula ng husto ang pisngi.Muli siyang humiga sa kama at kinuha ang unan at saka napahiyaw dito.Hindi iyon panaginip, alam niya iyo kaya bigla niyang nahawakan ang kanyang mga labi.Lasing siya at sigurado siya na iisipin ni Oliver na hindi na niya iyon maaalala pa.Pero naalala pa rin niya ang parteng iyon, at sigurado n
Nagbihis muna si Abigail bago muling bumaba sa sala, naisipan niya na pumunta sa library. Sabi ng asawa niya ay pwede siyang magbasa ng mga libro na koleksyon nito. Pero dahil wala siya sa sarili ay sa wine cellar siya pumunta, may nakita siyang bukas nang whiskey kaya kinuha niya ito. Hindi na niya inalam kung malakas ba ang alcohol content nito o ano, basta kumuha siya ng wine glass at saka nagsalin dito. May koleksyon rin kasi ng mga alak si Oliver at tila mamahalin lahat ng mga alak dito. Umupo siya sofa habang nakatitig sa baso ng alak at saka ito tinunga. Unang inom niya at kakaibang init agad ang dumulas sa kanyang lalamunan, mapait at kakaiba ang lasa. Gusto niyang maduwal o iluwa ito pero pikit mata na lang niya itong nilunok. Umiinom naman siya paminsan-minsan pero hindi ganito katapang, beer lang ang kasi pinakamatapang niyang iniinom. Hazel taught her how to drink when they were college, nang maalala niya ang babae ay lalong sumama ang loob niya. Ang ilang beses
Si Abigail ay lumuwas ng Manila mag-isa pero nagpaalam naman siya kay Oliver.Magka-canvas siya ng mga gamit sa kanyang ipapataya na cafe.At naisipan niya na pumunta sa manufacturing na ang may-ari ay kaibigan ng kanyang ama.Tumawag na siya sa may-ari na pupunta siya at hinihintay siya nito.Naging maayos ang usapan nila ng mismong may-ari, ang mag-asawa ay natuwa sa sinabi niya na magtatayo siya ng sariling cafe.Ang negosyo ng mga ito ay pagawaan ng mga upuan, lamesa at kung ano-ano pang mga kagamitan.Kapag naayos na niya ang lahat ay saka niya muling kokontakin ang mga ito.Tatlong oras rin siya sa Valenzuela kung nasaan ang kumpanya ng mga ito at bumyahe na siya papunta ng Manila.May kikitain rin siya na isang tao na pwede niyang mahingan ng advice sa pagpapagawa ng cafe.Sa isang mall sila nagkita at naging maayos naman ang kanilang pag-uusap."Balita ko ay kinasal ka na?" Tanong ni Lorraine, ito ang anak ng kaibigan ng kanyang ama.Dito siya nakipagkita at isa rin itong inte
Humingi ng paumanhin ang matandang mayordoma at ang dalawang kasambahay ni Oliver kay Abigail.At si Abigail naman ay agad na tinangap ang paumanhin ng mga ito, while Oliver is not yet fully convince but he did what his wife said.May tiwala siya dito, at dito nito napagtanto na isang ginto ang kanyang napangasawa.At ang matandang babae naman ay natauhan sa ginawa nito, kung tutuusin ay pwedeng hilingin ni Abigail kay Oliver na paalisin sila.Pero ito pa ang nakiusap kay Oliver na huwag silang paalisin.Nadala na kasi ito, mula pa man noon ay lagi nang bigo sa mga babae si Oliver. Halos lahat ng naging nobya nito ay niloko ang lalaki at pera lang ang habol ng mga ito dito.Isa na dito ang huling naging kasintahan ni Oliver, na alam ng matandang babae ang sakit at kabiguan na dinanas ng kanyang alaga.Kaya nang malaman niya na nag-asawa ng napakabilis ni Oliver at makilala si Abigail ay inakala nito na isa rin lang ang layunin ng babae.Ito ay ang pera nito, ngunit nagkamali pala siy
Pero nag-aalala pa rin si Abigail."Don't think too much, Abigail." Saway sa kanya ni Oliver mayamaya dahil napansin nito ang pag-aalala pa rin niya."Salamat, Oliver." Nasabi na lang ni Abigail habang nakatanaw sa karagatan ang lalaki.The days had past, and Abigail's life turn to different level.Masaya siya na minsan hindi, wala siyang ibang ginagawa sa mga nakalipas na araw.Dalawang linggo na ang matulin na lumipas, pero okay lang sa kanya hindi naman siya naiinip.Lagi lang siyang nasa kwarto niya at nagpipinta, ang pinakagusto niyang gawin mula pa man noon.Hindi niya kasi gusto ang makialam sa kusina o sa loob ng buong bahay na ito.Kahit hindi naman niya ito intensyon ay tila ba laging nakabantay ang mayordoma ng malaking bahay na ito.Bawat kilos niya ay nakatingin ito kapag nasa baba siya, si Oliver kasi ay laging abala sa trabaho.Wala naman kasi siyang magawa, gusto niyang maghalaman pero bawal siyang humawak ng kahit na ano.Minsan gusto na rin niyang kumprontahin ang ma
Napatingin si Abigail sa tumawag sa kanya at nakita na niya ang ate niya."Ate Aria, kumusta ka?" Nakangiti niyang bati dito, saka niya ito niyakap at hinalikan sa pisngi."I saw your husband, and i saw your smile." Sabi nito kaya namula ang pisngi ni Abigail na ikinangiti naman ni Aria.Magakahawak kamay na naglakad pabalik sa mall ang magkapatid, at masayang nagkwentuhan."He gave me his black card ate." Sabi ni Abigail kay Aria habang nandito sila loob ng isang cafe."Really? Nah, black card is something that all women wanted to have you know." Sabi ni Aria na ikinatingin dito ni Abigail."Pero nahihiya pa rin ako sa kanya ate." Bulong ni Abigail."It's okay, he is your legal husband now. All his asset is yours now." Sabi na lang ni Aria, but knowing her sister. She knows that she don't want live like a billionaire's wife."He is a good man, a gentleman and a good provider." Nasabi na lang ni Abigail kaya napangiti na lang si Abigail."Well I am glad that you already found a better
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments