Share

Ika-siyam na kabanata: Our House.

LANCE was driving our way home. Three days lang naman ang honeymoon namin sa resthouse nila. Well, if that will be called as honeymoon kasi wala namang romantic thingy na nangyari 'no. I was busy scrolling to my cellphone, checking my emails. And gosh! There were many of it in my folder, even in spam!

I don't know if I can get it all done this day. Nanghihina kong tinigilan ang pagkalikot sa cellphone ko. Isinandal ko na lang ang aking ulo sa likuran.

"Are you okay?" Lance asked me. Ni-hindi ko siya sinulyapan nang magtanong siya sa akin.

"Yah. Puwede mo ba akong gisingin kapag nakauwi na tayo?" tanong ko sa kaniya.

"Sure, you take a nap. Mahaba-haba pa ang biyahe natin," aniya na ikinagaan ng aking loob.

I put down my cellphone and closed my eyes. I tried clearing my head so I can relax and take a fast nap. But after a minute or two I get up and angrily grab my hair and scolded myself.

I can't do it, maraming sumasagi sa isipan ko, like going back to my bakeshop as soon as possible. Answer the emails and talk to our supplier regarding the late deliveries of cake flours

"Hey, what's happening?" Puno nang pagkataranta ang boses ni Lance. Itinigil niya ang kotse't hinarap ako.

"Something wrong with the baby?" he asked.

Tinapunan ko siya nang tingin habang nakasabunot pa rin ang kamay ko sa aking ulo. Bahagya kong sinulyapan ang sarili sa rearview mirror.

Mukha akong timang sa hitsura ko! Inayos ko ang aking sarili ngumiti sa kaniya.

"Oo okay lang ako, pero puwede mo ba akong ihatid sa bakeshop? Marami pala akong kailangang asikasuhin do'n," sabi ko sa kaniya.

"Just let Nanci do it, she's your assistant. Don't push yourself to work. You don't even need to do it, I'll support your financial needs." Muling ni-start na niya ang engine ng sasakyan at muling ibinalik ang atensiyon sa daan.

"Hindi ko kailangan ng pera galing sa 'yo Lance. I have my own bank account, may savings din ako 'no. But that bakeshop is my life, my true love." Hindi na ako nag-aksaya pa nang maraming oras para ipaliwanag sa kaniya ang bagay na 'yon. Siguradong hindi rin naman niya maiintindihan. Hindi na rin kami nagka-usap pa, nanatili na lamang akong tahimik sa biyahe. Gano'n rin ang kaniyang ginawa. Ibinaling ko rin ang paningin ko sa labas ng bintana. Just thinking kung paano ko pagkakasyahin ang oras ko sa mga naiwan kong trabaho bago naganap ang kasal namin ni Lance.

Napa-ayos lang naman ako nang pagkakaupo nang tumunog ang telepono ni Lance. Sinulyapan ko rin ng palihim kung sino ang tumatawag ka sa kaniya, baka 'yong Jeyn na naman.

"Ang mama mo?"

"Mom mo na rin siya, you should watch your tongue, baka mabuko ka ni mom. Napakatalas ng pakiramdam no'n." Pagtatama niya sa akin. Well, hindi lang kasi ako sanay na gano'n ang itawag sa mom niya which is already my mom, too.

Sinagot ni Lance ang tawag, magiliw ang bungad niya rito at gayundin ang nasa kabilang linya, medyo maingay lang sa side nila. Nakikinig lang ako sa pag-u-usap nila, nakaloudspeaker naman kasi 'yon kaya hindi talaga maiiwasang pumasok sa tainga ko ang pinag-u-usapan nila.

Pinapaderetso nila kami sa bahay nila at doon daw kami mag-dinner mamaya. Pero umalma si Lance, didiretso na raw kami sa bahay namin mismo at marami rin siyang kailangang asikasuhin sa pagbabalik sa opisina niya. Nangako na lang siya rito na sa mga susunod na araw na lang magkaroon ng salo-salo.

Nag-hi rin ako sa kanila at nangamusta bago tuluyang ibaba ni Lance ang tawag. Tinitigan ko siya, may gusto kasi sana akong itanong pero nakakahiya ata.

"Ahm. Lance?" Sa wakas ay nahanap ko rin ang boses ko.

"Yes?"

"Itatanong ko lang, s-saan tayo uuwi? Hindi sa b-bahay n-niyo?" Nabanggit niya kasi na hindi nga kami uuwi ro'n. So saan? Sa condo ko o sa condo niya?

"To our house, why? Do you have any place to go?" Ang sungit naman nang sagot niyang 'yon sa akin.

"O-our house?" Ulit ko.

"Oo nga, ba't ba ang kulit mo? Newly weds couple should go to their own houses."

Napatango-tango ako. At saan naman kaya 'yon? Tanong ko sa aking sarili.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status