Share

Kabanata 9

Penulis: Lavender Skye
last update Tanggal publikasi: 2026-05-02 20:07:26
Kabanata 9

Nakatayo pa rin si Luisa. Matigas ang tindig niya, at mas matigas ang boses nang magsalita. “You better think this through carefully. Ibabalik ko ang card mo kapag tumigil ka na sa kaka-target kay Morgana.”

Sa totoo lang, wala na rin siyang maisip na ibang paraan para kontrolin si Carmelle. Hindi ito napapasunod sa salita, hindi natitinag sa emosyon, at lalong hindi natatakot sa galit. Kaya pera na lang ang natitirang sandata. At alam ni Luisa kung gaano kalakas ang kapangyarihan niyo
Lavender Skye

Stay tuned. Kung nagustuhan po ninyo ang story, pwede kayong mag-iwan ng mga komento, gem votes, at i-rate po ang mismong libro. Salamat!

| Sukai
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Unwanted Daughter's Ruthless Comeback   Kabanata 10

    Kabanata 10Sa sandaling nabanggit ang pag-cancel ng credit card ni Carmelle, saglit na kumislap ang mata ni Morgana. Hindi iyon halata kung hindi ka sanay tumingin nang mabuti, pero naroon ang bahid ng kasiyahan.Sa loob-loob niya, malinaw ang iniisip.“Carmelle, kahit isang sentimo ng kayamanan ng pamilya Claveria, hindi para sa’yo. Iisa lang ang puwedeng maging tunay na anak sa pamilyang ito.”Pero siyempre, hindi niya iyon ipinakita.Sa halip, bahagya siyang napakunot-noo, kunwari nag-aalala. “If we cancel her card… paano siya mabubuhay? For the past two years, sa family lang siya umaasa. Wala naman siyang trabaho.” Maamo ang boses, pero kalkulado ang bawat salita.Agad sumagot si Jaja, hindi man lang tinago ang pagkainis. “Morgana, don’t speak up for her. This time, kailangan niyang matuto.”Hindi na bago kay Jaja ang pagdepensa ni Morgana kay Carmelle, pero sa pagkakataong ito, hindi niya papayagan. Sobra na para sa kanya ang ginawa ni Carmelle.Sandaling napatingin si Morgana ka

  • The Unwanted Daughter's Ruthless Comeback   Kabanata 9

    Kabanata 9Nakatayo pa rin si Luisa. Matigas ang tindig niya, at mas matigas ang boses nang magsalita. “You better think this through carefully. Ibabalik ko ang card mo kapag tumigil ka na sa kaka-target kay Morgana.”Sa totoo lang, wala na rin siyang maisip na ibang paraan para kontrolin si Carmelle. Hindi ito napapasunod sa salita, hindi natitinag sa emosyon, at lalong hindi natatakot sa galit. Kaya pera na lang ang natitirang sandata. At alam ni Luisa kung gaano kalakas ang kapangyarihan niyon.Hindi na siya naghintay ng sagot. Pagkasabi niya ng mga iyon, mabilis siyang tumalikod at naglakad palabas ng condo. Hindi man lang niya sinulyapan si Carmelle bago isinara ang pinto.Sa isip niya, sapat na iyon. Kapag naputol ang financial support ni Carmelle, mapipilitan din itong yumuko. Wala itong choice. Sa mundong ginagalawan nila, pera ang dugo ng lahat. At kapag naubusan ka niyon, wala ka.“Let’s see kung hanggang saan ka tatagal,” bulong niya sa sarili habang papasok sa elevator.Pag

  • The Unwanted Daughter's Ruthless Comeback   Kabanata 8

    Kabanata 8Pagkasara pa lang ng pinto ng sasakyan, mariing napasandal si Anton sa upuan. Halata sa mukha niya ang inis. Nakakunot ang noo, mahigpit ang pagkakakuyom ng panga, at parang anumang oras ay puwede siyang sumabog.Mula sa rearview mirror, sumulyap si Jessie. Sanay na siya sa ganitong eksena, pero kahit siya, ramdam ang bigat ng mood sa loob ng kotse. “How is it?” tanong niya, medyo maingat ang tono. “Kumalma na ba si Miss Carmelle?”Sa paraan ng pagtatanong niya, malinaw kung ano ang iniisip ng karamihan. Para sa kanila, si Carmelle lang ang gumagawa ng eksena. Siya ang nag-iinarte. Siya ang pilit na gustong paalisin ulit si Morgana.Napahilot si Anton sa sentido niya, halatang nai-stress. “Her anger isn’t that easy to deal with.”Saglit na natahimik si Jessie. Hindi na siya kumontra. Alam niyang totoo iyon.Biglaan kasi ang pagbalik ni Morgana. Walang pasabi, walang warning. Kahit sino naman siguro, magugulat. Pero sa kaso ni Carmelle, hindi lang iyon simpleng gulat.“So… sh

  • The Unwanted Daughter's Ruthless Comeback   Kabanata 7

    Kabanata 7Diretso pumasok si Anton sa loob ng condo unit at umupo sa sofa na para bang siya ang may-ari ng lugar. Hindi man lang siya nag-aksaya ng oras para magtanong kung puwede ba. Agad niyang inilabas ang kaha ng sigarilyo mula sa bulsa ng coat niya, sanay sa ideyang kahit saan siya naroon, may karapatan siyang gawin ang gusto niya.Pero bago pa niya masindihan iyon, mabilis na umabot si Carmelle. Walang paalam, walang kahit anong pag-aalinlangan. Inagaw niya ang sigarilyo mula sa kamay ni Anton at diretso itong itinapon sa basurahan sa gilid ng kusina.Napatingin si Anton sa kanya, tila hindi makapaniwala. Unti-unting dumilim ang mukha niya. “What are you doing?”Hindi siya sanay tratuhin nang ganito. Sa buong buhay niya, lalo na noong kasama pa niya si Morgana, wala ni isang beses na may pumigil sa kanya sa kahit anong gusto niyang gawin. Kung gusto niyang manigarilyo, walang kumokontra. Kung gusto niyang umalis, walang nagtatanong.Simple lang ang sagot ni Carmelle, pero matiga

  • The Unwanted Daughter's Ruthless Comeback   Kabanata 6

    Kabanata 6Mula sa mesa ng restaurant, napansin agad ni Kim na hindi tumitigil sa pag-flash ang phone ni Carmelle. Sunod-sunod ang tawag, halos walang pagitan. Sa umpisa, inignore lang nila, pero habang tumatagal, mas lumalala.“Grabe, hindi pa rin tumitigil,” bulong ni Kim habang umiinom ng tubig.Kinuha ulit ni Carmelle ang phone niya, tiningnan ang screen, tapos bahagyang umiling.“Unknown numbers na lahat,” sabi ni Kim habang sumisilip. “Obvious na si Luisa ‘yan. Gumagamit na ng ibang phone, malamang sa maid.”Tahimik lang si Carmelle. Ilang segundo siyang nakatingin sa screen bago niya pinindot ang power button.“Good choice,” sabi ni Kim, medyo iritado pa rin.Pero hindi roon nagtapos ang lahat.Pagdating ng bill, kinuha ni Carmelle ang phone niya para magbayad gamit QR code. Pero biglang may lumabas sa screen.“Your bank card has been disabled. Please choose another payment method.”Natigilan siya.Tumingin si Kim sa screen, kumunot ang noo.“Wait… anong ibig sabihin nito?”Kal

  • The Unwanted Daughter's Ruthless Comeback   Kabanata 5

    Kabanata 5Pagkapasok ni Carmelle sa elevator lobby ng building, agad niyang nakita si Kim na nakaupo sa sofa, naka-cross arms, halatang matagal na siyang naghihintay.Pagkakita sa kanya, mabilis itong tumayo at mahigpit siyang niyakap.“Carm, men are nothing,” agad na sabi ni Kim habang hinihila siya papalapit. “Tomorrow, I’ll introduce you to someone way better looking. Promise.”Kalmado lang si Carmelle.“Okay,” sagot niya lang.Sandaling natigilan si Kim. “Okay?” ulit niya sa isip, hindi makapaniwala.Umatras siya ng kaunti at tiningnan si Carmelle mula ulo hanggang paa, parang chine-check kung tama ba ang narinig niya. Doon lang niya napansin ang ilang patak ng dugo sa beige coat nito.Nanlaki ang mata niya.“Wait. Anong nangyari?” mabilis niyang tanong. “Are you injured? Saan ka nasaktan?”Napatingin si Carmelle sa coat niya, saka napansin ang mantsa ng dugo. Sandali niya itong tinitigan, parang wala lang.“Hindi akin,” sagot niya.“Ha?” napataas ang boses ni Kim. “Sino?”Kumuno

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status