Share

The Unwanted Daughter's Ruthless Comeback
The Unwanted Daughter's Ruthless Comeback
Author: Lavender Skye

Kabanata 1

Author: Lavender Skye
last update publish date: 2026-04-23 02:36:52

Kabanata 1

“Ang ganda-ganda niyo po, Ma’am! Bagay na bagay sa inyo ang wedding gown!”

Halos paulit-ulit na lumalabas sa bibig ng shop manager habang tinitingnan si Carmelle na nakasuot ng wedding gown. Ang puting gown ay sakto sa kanya, yakap ang manipis niyang baywang, habang bumabagsak ang malambot na tela hanggang sa sahig na parang eksena sa isang fairytale. Kahit minimal lang ang makeup niya, hindi nawala ang natural na ganda ng mukha niya. Mas lalo pa nga itong naging matingkad, parang hindi na kailangan ng kahit anong dagdag.

Sa paligid ng fitting room, ilang staff ang tahimik ding napapatingin sa kanya.

“Ma’am, bagay na bagay po sa inyo. Parang hindi na kailangan ipa-alter,” sabi ng isang assistant habang inayos ang laylayan ng gown.

Ngumiti lang si Carmelle sa mga staff. “Thank you.”

Sandaling katahimikan bago muling nagsalita ang shop manager na tila may iniisip.

“Ma’am Carmelle, bakit po si Sir Anton hindi sumama sa fitting? Usually kasi, magkaiba ang taste ng lalaki at babae sa wedding dress.”

Bahagyang ngumiti si Carmelle, pero hindi umabot sa mata niya ang ngiti. “Busy siya sa company. Hindi siya makaalis. Ayos lang naman sa akin.”

“Ah, okay po.”

Hindi na sana dapat lumalim ang usapan, pero biglang nag-vibrate ang phone niya sa gilid ng upuan. Kinuha niya ito at tiningnan ang caller ID.

“Kim,” mahinang sabi niya bago sinagot ang tawag. “Hello?”

Sa kabilang linya, halatang hingal at emosyonal ang boses ni Kim.

“Girl, I saw Morgana and Anton!”

Sandaling natahimik si Carmelle.

‘Yung kaninang malambo na ekspresyon niya, unti-unting nanigas. Parang may pumitik sa loob niya, pero hindi niya agad ipinahalata.

Ang shop assistants, napatingin sa kanya nang mapansin ang biglang pagbabago ng aura niya.

“Where?” kalmado niyang tanong, pero ramdam na ang lamig.

“Sa hospital. Sa OB-GYN department, Carmelle.”

Doon na bahagyang umangat ang kilay niya. Parang may nakakatawang ideya sa isip niya.

“OB-GYN…” ulit niya. “Interesting place.”

Sa isip niya, alam na agad niya kung anong ibig sabihin ng ganoong eksena. Hindi naman siya ipinanganak kahapon para hindi maintindihan ang ganitong sitwasyon.

Sa kabilang linya, mas lalo pang nag-init si Kim.

“Carmelle, that Morgana is a bitch, and Anton is a jerk! Don’t marry him anymore!” halos sigaw na ni Kim sa kaibigan. “Seriously, you deserve better than this! Maghanap ka na lang ng ibang lalaki!”

Ngunit sa kabila ng galit ng kaibigan niya, nanatiling kalmado si Carmelle.

Kinuha niya ang baso ng tubig sa tabi, dahan-dahang uminom, parang walang nangyayari.

“Bakit ka mas galit pa kaysa sa akin?” tanong ni Carmelle.

Tumahimik sandali si Kim, pero halatang hindi pa rin humuhupa ang emosyon.

“Because this is not normal anymore. Two years ka niyang ginawang priority, Carmelle. Tapos ngayon, ilang araw na lang bago wedding niyo, lalabas siya ulit?”

Dahan-dahang lumamig ang tingin ni Carmelle.

“Choosing this timing… obvious na hindi lang coincidence ‘yan,” dagdag pa ni Kim.

Huminga nang malalim si Carmelle. “I’m hanging up now.”

“Wait, Carmelle, where are you going?”

Sandaling tumigil siya bago sumagot.

“Someone’s selling tea. I’ll go buy it myself.”

Pagkasabi niya no’n, pinatay niya ang tawag.

Natahimik ang buong dressing room.

Nakaharap siya sa salamin, suot pa rin ang wedding gown. Ilang segundo niya itong tinitigan, parang sinusukat hindi lang ang damit kundi pati ang sarili niya.

Pagkatapos, marahan niyang hinawakan ang strapless bodice.

Isang malakas na tunog ng pagkapunit ang pumunit sa katahimikan ng kwarto.

Hinila niya pababa ang gown, walang pag-aalinlangan, hanggang sa tuluyang mapunit ang buong damit. Bumagsak ito sa sahig na parang basahan na lang.

Nagkatinginan ang mga staff, gulat, pero walang nagsalita. Natatakot sila kay Carmelle.

Kahit sino sa kanila ramdam na hindi ito simpleng tantrum lang.

Hindi na sila nagtanong.

Nagpalit si Carmelle ng sarili niyang damit sa loob ng ilang minuto. Paglabas niya, iba na ang aura niya. Mas malamig. Mas matigas.

At muli, nag-vibrate ang phone niya.

Nakita niya ang pangalan ni Anton sa screen.

Saglit niyang tinitigan bago sinagot.

“Come to the company after you’ve tried on the wedding dress,” malamig na boses nito sa kabilang linya.

Parang walang nangyari. Parang normal lang ang lahat.

For two years, Anton was gentle. Consistent. Careful. Pero ngayon, ibang-iba na.

May kung anong kumirot sa dibdib niya, pero hindi niya pinakita. Hindi siya sumagot. Pinatay niya ang tawag.

•••

Half an hour later.

Pagpasok ni Carmelle sa office ni Anton, nakita niya itong nakatayo sa harap ng floor-to-ceiling window, may kausap sa phone. Nakatagos ang liwanag ng araw sa kanya, ginagawa siyang mas lalo pang imposing tingnan.

Perfect ang profile niya. Clean. Expensive. Controlled.

Pagkalipas ng ilang segundo, ibinaba niya ang phone at umupo sa sofa.

“Come here,” sabi niya kay Carmelle.

Hindi siya umupo agad sa tabi nito. Umupo siya sa opposite sofa, diretso ang tingin.

Napansin agad ni Anton ang distansiya na ginawa niya. Mas lumamig ang ekspresyon niya.

“Where’s the dress?” tanong niya.

Hindi sumagot si Carmelle.

May narinig siyang click ng lighter. Sumunod ang amoy ng sigarilyo at kaunting gasolina sa hangin.

Napangiwi si Carmelle at bahagyang pinaypayan ang sarili.

Alam ni Anton na ayaw niya ng ganoon, pero wala siyang pakialam.

“Morgana is back,” diretsong sabi nito.

Sandaling katahimikan.

“The wedding will have to be postponed.”

Parang inaasahan na ni Carmelle, pero iba pa rin pala kapag narinig mo na mismo.

“So that’s it?” malamig niyang tanong.

“She’s sick,” dagdag ni Anton, parang walang pakialam sa nararamdaman ni Carmelle.

Kumuha siya ng envelope at iniabot kay Carmelle.

“Acceptance letter from Harvard. Go study there first.”

Parang utos iyon.

Hindi niya kinuha ang envelope 

Ngumiti siya nang bahagya, pero may halong panlalamig.

“Send me abroad?” mabagal niyang tanong. “So I’ll make space for her? Para malaya na kayong magsama?”

Nagbago ang ekspresyon ni Anton.

“Isn’t this the school you always wanted? Now you have the chance, Carmelle”

“Anton.”

Putol niya agad.

Isang segundo lang, lumapit siya sa kanya, kinuha ang envelope, at walang sabi-sabing pinunit iyon sa harap niya.

Hanggang naging maliliit na piraso na lang na lumipad sa sahig ng opisina.

May isa pang piraso na dumikit sa kamay niya. Tinanggal niya iyon at ibinato mismo sa mukha ni Anton.

“Don’t look at me like that,” malamig na sabi na sabi ni Anton.

Huminga si Carmelle nang dahan-dahan. “The wedding doesn’t need to be postponed,” sabi niya, diretso ang tingin. “Cancel it.”

Saglit na natigilan si Anton.

Parang hindi niya inaasahan na gano’n ang magiging sagot niya.

Pero si Carmelle, hindi na naghintay.

“Cancel it. Easier that way.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Unwanted Daughter's Ruthless Comeback   Kabanata 165

    Kabanata 165Samantala, kararating lang ni Roco mula sa opisina ni Carmelle at si Charlie ay nakatanggap ng tawag mula kay Crisostomo. Tulad ng dati, hinihingi na naman nito ang singsing.Dahil sa biglaang pagbabago ng ugali ni Charlie kahapon, kumbinsido si Crisostomo na naibigay na nito ang singsing kay Michael."Nasaan ka ngayon?" tanong ni Charlie."Nasa bahay. Ihahatid mo na ba ang ring ko?"Ihahatid?Wala na ang singsing. Hindi na iyon mababawi. Ano'ng gusto nito, maghalungkat siya sa tambak ng basura?"Papunta na ako."Pagkasabi noon, agad niyang ibinaba ang tawag.Makalipas ang kalahating oras, dumating si Charlie sa bahay ni Crisostomo."Nasaan ang ring ko?" bungad agad ni Crisostomo."Sumakay ka sa sasakyan.""Hindi. Nasaan muna ang ring ko?"Sumakay?Ang gusto niya ay ang singsing."Dadalhin kita kung nasaan."Napakunot ang noo ni Crisostomo.Huwag sabihin... ibinigay nga talaga ng gagong ito kay Michael?Sa sobrang inis, marahas niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at sum

  • The Unwanted Daughter's Ruthless Comeback   Kabanata 164

    Kabanata 164Marami pa siyang kailangang ayusin. Kailangan pa niyang mag-isip kung paano ipapaliwanag ang lahat kay Roco. Kaya wala na siyang oras para intindihin pa si Carmelle.Pagkaalis ni Charlie, agad na pumasok si Toni sa opisina."Boss, may nawala ba talaga kay Sir Charlie? O baka gusto ka lang niyang i-scam?"Simula nang mangyari ang insidente kay Luisa, pakiramdam ni Toni lahat ng lumalapit kay Carmelle ay may masamang balak.Napatingin si Carmelle sa kanya."Tingin mo ba lahat ng tao kagaya ni Luisa?"Natigilan si Toni.Nag-aalala lang naman siya.Halos dalawang taon na ang studio nila, pero ngayon lang sunod-sunod ang mga taong pumupunta roon.Kahapon, inilabas si Luisa na halos kaladkarin.Ngayon naman, biglang dumating si Charlie at sinabing may nawawala siyang gamit.Sino ba naman ang hindi magdududa?Mahinang natawa si Carmelle."Totoo namang may nawala siyang singsing. At base sa kalidad no'n, baka halos sampung milyon ang halaga."Napabulunan si Toni.Sunod-sunod ang

  • The Unwanted Daughter's Ruthless Comeback   Kabanata 163

    Kabanata 163Pagkarinig ni Charlie sa sinabi ni Carmelle, lalo siyang inatake ng matinding sakit ng ulo. Pero kahit ganoon, hindi siya puwedeng magalit. Dahil sa totoo lang, wala siyang lakas ng loob. At gaya ng inaasahan niya, agad na lumamig ang boses ni Roco sa kabilang linya nang marinig ang sinabi ni Carmelle."Sabihin mo sa kanya, umalis siya."Napakibot ang labi ni Carmelle at napatingin siya kay Charlie.Samantalang si Charlie naman, pakiramdam niya sasabog na ang ulo niya.Ano bang ibig sabihin ni Roco?Parang ang dating, siya pa ang nang-api kay Carmelle.Akma na sana siyang magsasalita nang marinig niyang sinabi ni Carmelle sa telepono,"Sabi niya, naipadala raw niya sa maling address kaya gusto niyang kunin ulit."Sa wakas.Naipaliwanag din.Napaisip si Charlie.Okay na kaya iyon?Kahapon, dahil lang sa maling box ang naibigay niya, agad siyang nawalan ng chance na makipag-collaborate.Ano naman kaya ang mangyayari ngayon?Habang hinihintay niya ang magiging sagot ni Roco,

  • The Unwanted Daughter's Ruthless Comeback   Kabanata 162

    Kabanata 162Dahil naroon si Roco, paano naman siya magkakalakas ng loob na pulutin pa ang singsing?Para na rin siyang naghahanap ng gulo.Napasinghap si Charlie."Hindi mo man lang ba sinubukang kunin para sa 'kin?"Umiling si Carmelle."Hindi ako naglakas-loob."Kung si Carmelle nga ay hindi naglakas-loob sa harap ni Roco, sino pa ang magkakaroon ng tapang?"Wala bang nakapansin kung sino ang nagpalit ng basurahan?"Halos sampung milyong piso ang halaga ng singsing na iyon.Ganun na lang ba talaga iyon mawawala?Hindi naman isyu sa kanya ang pera, pero hindi naman tumutubo sa puno ang pera niya.Isa pa, hindi rin naman talaga sa kanya ang singsing. Kay Crisostomo iyon."Ako na ang magtatanong."Pagkasabi ni Carmelle, agad niyang pinindot ang intercom at ipinatawag si Toni.Pagkapasok ni Toni at marinig ang tungkol sa basurahan, agad itong sumagot."Ako po ang naglabas ng trash kahapon pagkatapos ng office hours.""Toni, may nakita ka bang maliit na velvet box sa loob ng basurahan?"

  • The Unwanted Daughter's Ruthless Comeback   Kabanata 161

    Kabanata 161Kaswal na inihagis ni Carmelle ang bag niya sa sofa.Pinagmasdan ni Charlie ang natural nitong pagkilos. May malalim na kahulugan ang dumaan sa mga mata niya.Handmade at custom-made ang bag na iyon, pero parang walang halaga kung itapon ni Carmelle kung saan-saan.Bulag ba ang buong pamilya Claveria?Ano ba ang basehan nila para sabihing lumaki si Carmelle sa probinsya?Anong klaseng "probinsyana" ang ganoon kagastos at ganoon kaluwag gumamit ng mamahaling gamit?Naalala niya ang sinabi noon ni Shane."Ang younger sister ni Jaja kakauwi lang galing probinsya. Wala siyang alam at nahihiya pa nga ang pamilya Claveria na isama siya sa mga social events."Pinaniwalaan niya iyon noon.Pero ngayon, pakiramdam niya, bulag lang talaga ang mga taong iyon."Charlie?"Napakunot-noo si Carmelle nang mapansing nakatitig pa rin ito sa bag niya."Charlie, nagustuhan n'yo ba ang bag ko?"Charlie blinked. "Hmm?""Kung gusto n'yo, sa inyo na."Ganito ba talaga siya ka-generous?Isang cust

  • The Unwanted Daughter's Ruthless Comeback   Kabanata 160

    Kabanata 160 Lumipas ang halos isang oras. Pagkababa ni Carmelle ng tawag, tumayo siya at umakyat sa kuwarto para magpalit ng damit. Pero bago siya tuluyang makaalis, may pumasok na mensahe mula sa isang hindi kilalang numero. [Malamang napalitan na ang mga kurtina sa Gardenia Residence.] Base pa lang sa laman ng mensahe, alam na niyang si Morgana iyon. Hindi maintindihan ni Carmelle kung saan pa ito kumukuha ng lakas para magyabang. Halos nasa bingit na nga ito ng kamatayan. Buti na lang at tatlo ang malubhang sakit ni Morgana. Kung hindi, baka siya mismo ang napilitang kumilos laban dito. Hindi alam ni Carmelle na ang tanging pinanghahawakan na lang ni Morgana ngayon ay ang maipagyabang ang sarili sa kanya. Pagkagising kasi nito kaninang umaga at makita ang mga nalagas na buhok sa unan, halos madurog ang puso nito. Napailing si Carmelle bago nag-reply. [Hindi pa naman sigurado, 'di ba? Estimate pa lang naman iyon.] So hanggang ngayon, niloloko pa rin ni Anton si Morgana?

  • The Unwanted Daughter's Ruthless Comeback   Kabanata 3

    Kabanata 3Pagkalabas ni Carmelle sa building ng kumpanya, agad niyang napansin ang eksenang hindi niya inaasahan.Isang itim na sasakyan ang huminto sa tapat ng entrance, at dahan-dahang bumukas ang pinto. Lumabas mula roon si Morgana, nakasuot ng simple pero maayos na outfit, parang may sariling

  • The Unwanted Daughter's Ruthless Comeback   Kabanata 2

    Kabanata 2Nagbago agad ang ekspresyon ni Anton.Halatang hindi niya inaasahan ang sinabi ni Carmelle. Para bang may bumagsak na bagay sa loob ng isip niya, at ilang segundo siyang natigilan bago makapag-react.“Cancel the wedding?” ulit niya, mababa pero halatang pigil ang galit. “Are you serious

  • The Unwanted Daughter's Ruthless Comeback   Kabanata 5

    Kabanata 5Pagkapasok ni Carmelle sa elevator lobby ng building, agad niyang nakita si Kim na nakaupo sa sofa, naka-cross arms, halatang matagal na siyang naghihintay.Pagkakita sa kanya, mabilis itong tumayo at mahigpit siyang niyakap.“Carm, men are nothing,” agad na sabi ni Kim habang hinihila s

  • The Unwanted Daughter's Ruthless Comeback   Kabanata 4

    Kabanata 4Pagkatapos ng magulong eksena sa labas ng kumpanya, unti-unting humupa ang sigawan at gulo, pero ang tensyon sa paligid ay parang hindi pa rin nawawala.Si Jessie ang unang nakabawi. Mabilis niyang hinawakan si Carmelle, pilit siyang inilalayo mula sa eksena, habang si Carmelle naman ay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status