Share

Chapter 3

Author: Joyanglicious
last update Huling Na-update: 2025-07-21 15:36:32

Lumipas ang ilang taon.

Sa wakas, college student na si Tatiana Angeles.

Nakuha niya ang kursong Business Administration—hindi lang dahil iyon ang gusto ng Daddy niya, kundi dahil nais din niyang mas maintindihan ang mundo kung saan gumagalaw si Alec Dela Vega. Kung noon ay pangarap lamang ang makasunod sa yapak ng mga Dela Vega, ngayon ay unti-unti na niyang nilalapitan ang mundong iyon.

Pero higit sa lahat—kahit hindi niya inaamin sa iba—ang bawat hakbang na ginagawa niya ay laging may halong pag-asa na balang araw, mas mapapalapit pa siya sa lalaking minahal niya ng tahimik sa napakahabang panahon.

“College life, here we go!” sigaw ni Arian habang magkakapit-balikat silang naglalakad papasok sa university gates.

Masayang-masaya silang dalawa, at mahahalata ang excitement sa kanilang mga mukha. Tila, matagala nang hinintay na tumuntong sila sa college.

“Hindi ako makapaniwala na ito na ‘yon,” sabi ni Tatiana. “Tapos na tayo sa high school phase ng ‘daydream about Alec every lunch break’.”

“Teka, hindi pa ba tapos ‘yan?” tukso ni Arian. “College na tayo, baka naman may bagong crush na d’yan?”

Tumawa si Tatiana. “Wala pa ring tatalo kay Alec. Iba ‘yon.”

“Totoo ‘yan,” sabay tawa rin ni Arian. “Pero seriously, proud ako sa’yo. Ginamit mo ‘yung inspirasyon mo para mas galingan mo pa sa academics. Kaya ayan, same school pa rin tayo kahit ibang department.”

“Hayaan mo, baka naman bigla na lang akong sumikat kapag nalaman nilang kilala ko si Alec Dela Vega,” biro ni Tatiana.

“Kilala?” taas-kilay ni Arian. “Tatiana, one dance lang ‘yun three years ago.”

Napailing si Arian habang nakatingin kay Tatiana, hindi makapaniwala rito.

“Isa lang, pero unforgettable,” sagot ni Tatiana, sabay turo sa dibdib. “Hindi mo alam kung gaano ‘yun kahalaga sa puso ko.”

Isang hapon, habang naglalakad siya palabas ng library, isang pamilyar na sasakyan ang tumigil sa tapat ng building. Pormal at makintab na itim na sasakyan. Bago pa siya makalakad paalis, bumukas ang pinto—at bumaba ang isang lalaking hindi kailanman lumalabas sa panaginip niya.

Alec.

Naka-casual ito—white long sleeves na bahagyang pinasadahan ng hangin, dark jeans, at shades na nakasabit sa kwelyo. Kaagad siyang napahinto.

Bakit siya nandito?

“Tatiana?” tawag nito nang mapansin siya.

Nanlaki ang mata ni Tatiana. “Alec?” halos bulong niya.

Lumapit si Alec, bitbit ang isang brown envelope. “May meeting ako sa dean’s office. Partnership talk.”

“Ay… welcome po sa university namin,” bungisngis niyang sagot.

“Po?” tanong ni Alec, bahagyang nakangiti.

Namula siya. “I mean—welcome ka po… ikaw… welcome ka dito.”

“Salamat,” tugon nito, bago ibinalik ang tingin sa envelope. “Hindi ko inakalang dito ka pala nag-aaral.”

“Ah, oo. First year. BA Business Admin.”

Tumango si Alec. “Good. That suits you.”

Napatingin siya rito.

“Nagpapansin ba siya? O talagang… pinapansin niya ako?” ani Tatiana sa sarili.

“By the way,” dagdag pa ni Alec. “Good to see you again.”

Sa mga simpleng salitang iyon, parang sumabog ang puso ni Tatiana sa kilig.

Hindi niya alam kung anong meron sa pagitan nila. Hindi niya rin alam kung may halaga ba siya sa mundo ni Alec. Pero isa lang ang malinaw: sa bawat maliit na pagkakataong mapansin siya nito, nabubuhay muli ang matagal na niyang pag-asa.

Mula nang araw na iyon, naging mas aktibo si Tatiana sa mga university events. Tuwing may speaker mula sa business world, umaasa siyang si Alec ang magiging guest. Tuwing may board members na dumarating, palihim siyang nagdarasal na kasama ang pangalan niya.

Minsan, pinagtatawanan siya ni Arian.

“Girl, kilig ka pa rin ‘no?” tukso nito habang nilalapitan niya si Tatiana na nanonood ng presentation ni Alec sa isang symposium.

“Hindi ‘to kilig lang,” bulong niya. “Ito ang araw-araw kong inspirasyon.”

Habang nagsasalita si Alec sa entablado, seryoso ang mukha nito, confident, at malalim ang boses. Ngunit sa gitna ng presentation, nang gumalaw ang mga mata niya para sumulyap sa audience, tumama ito sa mismong kinauupuan ni Tatiana.

At sa isang iglap, bahagya itong ngumiti.

Parang kilala siya. Parang nakita siya talaga.

At iyon na naman—isang sulyap na nagsindi ng liwanag sa buong puso ni Tatiana.

Sa kwarto niya, habang binubuksan ang mga notes mula sa seminar, napahinto siya sa isang pahina. Isang maliit na sketch—hindi sinasadya—ng mata ni Alec. Tila sinasariwa ng kamay niya ang tingin nito sa kanya kanina.

Napahawak siya sa dibdib.

“Tatiana, ilang beses mo nang sinabi sa sarili mong huwag masyadong umasa. Pero bakit ka pa rin umaasa?”

Kausap niya ang sarili habang nakatitig sa kisame. Ngunit kahit anong pigil niya, hindi niya kayang itapon ang pag-asang iyon. Dahil sa puso niya, hindi pa tapos ang kwento nila ni Alec. Maaaring ngayon, puro sweet glimpses pa lang… pero baka balang araw, maging totoo na.

At sana matupad ang mga hinihiling niyang iyon. Sa ngayon, hindi niya nakikita ang sarili na magkagusto sa iba. Tanging si Alec lang talaga ang nagparamdam sa kaniya ng ganito. Hindi niya alam kung hanggang kelan ang damdamin niyang ito para kay Alec, pero masayang-masaya ang puso niya dahil sa nararamdaman niya para sa lalaki. At kahit anong mangyari, hinding-hindi magbabago ang damdamin niyang iyon.

Isang gabi, habang papauwi mula sa org meeting, isang pamilyar na sasakyan ulit ang tumigil malapit sa gate. Bumilis ang tibok ng puso ni Tatiana dahil dun.

Imposible.

Ngunit hindi siya nagkamali.

Bumaba ulit si Alec. Hindi siya ang nilapitan. May kausap itong isang professor. Ngunit bago ito sumakay pabalik, lumingon ito sa paligid—at doon, tumama ang tingin nito sa kanya.

Isang simpleng tango lang. Isang bahagyang pagtaas ng kilay.

Pero para kay Tatiana… sapat na iyon para sabihing:

Hindi mo ako nakakalimutan.

Pagkatapos ng klase, naglakad si Tatiana sa campus habang nakangiti. Walang kakaiba sa itsura niya sa paningin ng iba, pero sa loob niya—may sumisigaw na tuwa. Simpleng ngiti ni Alec kanina sa library habang dumaan ito sa section nila, at bahagyang kumaway sa direksyon niya. Hindi man siya sigurado kung siya nga ang kinawayan, pero para sa puso niyang sabik sa kahit anong koneksyon—iyon ay sapat na.

“Uy, anong ngiti ’yan?” tanong ni Arian habang inaabot ang iced coffee na binili para sa kanya.

“Ha? Wala,” nakangiting iling ni Tatiana, pero alam niyang halata.

“Si Alec na naman?” biro ng kaibigan, sabay upo sa bench sa ilalim ng punong mangga. Isa ito sa paborito nilang tambayan mula senior high pa.

“Bakit mo naman agad iniisip na si Alec?” ani Tatiana sa kaniyang kaibigan.

“Tati,” sabay tingin ni Arian sa kanya, “Mula high school, bawat ngiti mo may tatak na. Kapag si Alec ang dahilan, ibang klaseng kilig. Alam ko na ’yan.”

Napatawa si Tatiana, sabay hithit ng malamig na inumin. “Okay fine. Dumaan siya sa library kanina. Kumaway.”

“Kumaway talaga? Sa’yo ba?” Tanong pa ni Arian.

“Well… hindi ako sure. Pero wala namang ibang kakilala roon sa section namin, eh.” Kumindat siya. “So baka ako nga.”

Napangiti si Arian. “Alam mo, Tati, kung totoo ngang ikaw ‘yung kinawayan niya, aba, ibang level na ‘yan. College na tayo, at kung maalala ko, hindi naman siya basta bumabati ng kung kani-kanino lang.”

“Yun nga eh…” sagot ni Tatiana, sabay tingin sa langit. “Bakit kaya? Minsan naisip ko, baka napapansin niya rin ako kahit papaano.”

Tumango si Arian. “Siguro nga. I mean, who wouldn’t? You’re smart, kind, and beautiful in your own way. Alam mo bang noong welcome party last month, tiningnan ka niya more than once?”

Napalingon si Tatiana. “Totoo?”

“Oo. Nauna siyang dumating, tapos nang pumasok ka, parang automatic siyang napatingin. Akala ko nga sasamahan na kitang kiligin that time.”

Napangiti si Tatiana, sabay kurot kay Arian sa braso. “Ewan ko sa’yo. Masyado mong pinapasaya ‘tong puso ko.”

“Eh kasi gusto kong masaya ka,” malambing na sagot ng kaibigan. Pero may bahagyang pagbabago sa tono ng boses nito na hindi niya agad napansin.

Habang nagkukuwento pa si Tatiana tungkol sa mga huling eksena nila ni Alec—kung paano siya minsang tinulungan nitong buhatin ang notebook niya na nahulog, at kung paanong tila mas madalas na siya nitong binabati—napansin niyang tahimik lang si Arian.

“Uy, bakit parang tahimik ka bigla?” tanong niya.

“Ha? Wala. Nakikinig lang,” sagot ni Arian, sabay bitiw ng ngiting pilit. “Ang saya lang kasi. Nakakatuwa ka kapag kinikilig ka.”

“Bakit parang may something sa tono mo?” kunot-noong tanong ni Tatiana. “Hindi ka ba masaya para sa’kin?”

“Of course, masaya ako,” mabilis na tugon ni Arian, pero iwas ang tingin. “Sobra.”

May saglit na katahimikan. Pareho silang napatingin sa dumaraang mga estudyanteng naglalakad sa pathway, tila umiiwas sa mismong tanong na bitin.

Pero hindi man binigkas, tila may hangin ng pagkakaintindihan.

“Salamat, Arian,” bulong niya habang magkaakbay silang naglakad pauwi.

“Para saan?” tanong ni Arian.

“Sa lahat. Sa pakikinig. Sa pag-intindi sa akin, kahit ang kulit ko pag si Alec ang topic.”

“Sanay na ako,” sagot nito. “Basta kahit anong mangyari, nandito lang ako.”

At sa narinig niya, pinilit ni Tatiana na iwasang mag-isip pa ng malalim.

Dahil sa ngayon… ang puso niya ay na kay Alec pa rin.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Unwanted Wife’s Revenge    Chapter 6

    Sa gabing iyon na inalok siya ni Alec ng kasal, pakiramdam ni Tatiana ay nasa ulap siya—hindi pa rin lubos na makapaniwala. Muling nanariwa sa kanyang isipan ang eksenang tila kinuha mula sa isang pelikula. “Will you marry me, Tatiana Angeles?” tanong ni Alec habang nakaluhod, hawak ang isang eleganteng singsing na may makinang na diamante sa gitna. At bago pa man niya namalayang pumapatak na ang kanyang luha, tumango siya habang tumatawa at umiyak. “Yes… Yes, Alec!” Ang mga salitang iyon ay tila panata mula sa puso niya—isang panatang matagal na niyang pinangarap na sabihin. Isang “oo” na sinabayan ng pagtibok ng kanyang pusong punong-puno ng pag-ibig. Kinabukasan. Pagkagising ni Tatiana ay tila hindi pa rin siya makapaniwala. Nakatitig siya sa singsing sa kanyang daliri, kinikiskis pa nga niya ang mata para lang masiguradong hindi siya nananaginip. “Seryoso ba ‘to?” bulong niya sa sarili habang nakangiti. Nag-ring ang cellphone niya. Tumatawag si Arian. “Hello?” bungad niya.

  • The Unwanted Wife’s Revenge    Chapter 5

    Sa mga sumunod na araw matapos ang biglaang pagkikita nila ni Alec sa café, tila hindi mapawi ang ngiti sa labi ni Tatiana. Parang sinulatan ng langit ang bawat araw niya ng kilig at bagong pag-asa. Habang abala siya sa paggawa ng mga initial design concepts para sa rest house, paminsan-minsan ay natutulala siya, iniisip ang mga sulyap, ngiti, at mga tanong ni Alec noong huling meeting nila. “Arian!” tawag ni Tatiana habang papasok sa kwarto ng matalik na kaibigan. “Whew! Mukhang masaya ang aura mo ngayon, ha,” nakangiting sabi ni Arian habang binubuksan ang isang bag ng snacks. “Hay nako, ‘di ko na alam kung paano ko itatago pa,” pabirong sagot ni Tatiana. “Alec. He’s… being so nice lately. Parang ang sweet niya. Parang… may something.” Napatawa si Arian at agad lumapit, kinurot ng bahagya ang pisngi ni Tatiana. “Sabi ko na nga ba eh. Noon pa lang, may pakiramdam na ako na hindi lang ikaw ang may lihim na pagtingin.” “Baliw ka talaga!” Nahihiyang sagot ni Tatiana, pero hindi mai

  • The Unwanted Wife’s Revenge    Chapter 4

    Ang araw ng graduation ay parang panaginip lang. Ang apat na taon na akala ni Tatiana ay hinding-hindi niya malalampasan, ngayo’y parte na lang ng kanyang nakaraan. Nasa bulwagan pa lang siya, hawak ang diploma, ngunit tila wala siya sa sarili. Ang lahat ay abala sa pagkuha ng litrato, yakapan, at iyakan. Si Arian ay abala rin kasama ang pamilya nito, kaya si Tatiana ay sandaling nanahimik sa isang gilid, hawak ang kanyang bouquet at nakatingin sa dami ng taong nagsasaya. Maya-maya, may malamig ngunit pamilyar na boses ang sumingit sa kanyang tahimik na sandali. “Congratulations, Tatiana.” Muntik na niyang mabitawan ang bulaklak. Paglingon niya—nandoon si Alec. Nakangiti, at sa kamay nito ay may hawak ring maliit na bouquet ng sunflower. Simpleng suot lang—white polo at dark jeans—pero parang model pa rin kung kumilos at ngumiti. “Alec…” mahinang sambit ni Tatiana. “Akala ko… akala ko hindi ka makakarating.” “Of course I would,” sagot nito, sabay abot ng bulaklak. “I told you,

  • The Unwanted Wife’s Revenge    Chapter 3

    Lumipas ang ilang taon. Sa wakas, college student na si Tatiana Angeles. Nakuha niya ang kursong Business Administration—hindi lang dahil iyon ang gusto ng Daddy niya, kundi dahil nais din niyang mas maintindihan ang mundo kung saan gumagalaw si Alec Dela Vega. Kung noon ay pangarap lamang ang makasunod sa yapak ng mga Dela Vega, ngayon ay unti-unti na niyang nilalapitan ang mundong iyon. Pero higit sa lahat—kahit hindi niya inaamin sa iba—ang bawat hakbang na ginagawa niya ay laging may halong pag-asa na balang araw, mas mapapalapit pa siya sa lalaking minahal niya ng tahimik sa napakahabang panahon. “College life, here we go!” sigaw ni Arian habang magkakapit-balikat silang naglalakad papasok sa university gates. Masayang-masaya silang dalawa, at mahahalata ang excitement sa kanilang mga mukha. Tila, matagala nang hinintay na tumuntong sila sa college. “Hindi ako makapaniwala na ito na ‘yon,” sabi ni Tatiana. “Tapos na tayo sa high school phase ng ‘daydream about Alec eve

  • The Unwanted Wife’s Revenge    Chapter 2

    Mabilis na lumipas ang mga buwan. Sa bawat araw na dumadaan, lalong tumitibay ang damdamin ni Tatiana para kay Alec Dela Vega. Matapos ang hapunang iyon, hindi na sila muling nagkita. Ngunit sapat na ang gabing iyon para magkaroon siya ng panibagong sigla. Isang sulyap. Isang pagngiti. Isang simpleng “You’ve changed”—at para kay Tatiana, iyon ay sapat nang patunay na may kaunting puwang siya sa alaala ng binata. Ngunit habang lumalalim ang kanyang nararamdaman, mas dumarami ring hadlang—at mas lumilinaw kung gaano kahirap makalapit sa isang lalaking sinasamba ng napakarami. “Uy, Tati!” tawag ni Arian habang hawak-hawak ang phone. “Trending na naman si Alec. May bagong business collab daw with international partners.” Tumabi si Tatiana sa kanya, tahimik na tiningnan ang litrato ni Alec sa screen. Suot nito ang isang dark grey suit, nakatayo sa podium na para bang siya ang hari ng mundo. May confidence, may tapang, at may gilas. Halos hindi siya kapani-paniwala. “Alam mo, parang hi

  • The Unwanted Wife’s Revenge    Chapter 1

    “Hay… ang gwapo niya talaga…” bulong ni Tatiana habang nakatingin sa larawang hawak-hawak niya. Hawak niya ang isang photo na kuha sa isang charity ball kung saan kasama ng ama ni Alec ang daddy ni Tatiana. Nasa likuran lang si Tatiana noon, pero kitang-kita sa litrato si Alec—naka-itim na tuxedo, matikas ang tindig, at matalim ang mga matang tila hindi marunong ngumiti sa kahit sino. Ngunit sa mga mata ni Tatiana, ito ang mukhang pinakamaginoo, pinakamakisig, at pinakakaibig-ibig na lalaki sa mundo. Napangiti siya habang tinatapik ang pisngi ng larawan gamit ang hintuturo. “Good morning, Alec,” malambing niyang sabi, bago marahang inilapag ang frame sa ibabaw ng kanyang study desk. Walang araw na lumilipas na hindi niya ito binabati, parang ritual na niya iyon mula noong siya’y dose anyos pa lang. Ngayon, disi-sais na siya, at kahit ilang taon na ang lumipas, hindi pa rin kumukupas ang damdamin niya para kay Alec Dela Vega—ang panganay na anak ng business partner ng Daddy niya, at

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status