Ikatlong Kabanata
“Take care of yourself, Carmina. Bye.” Ibinaba ni Enrico ang tawag pagkatapos magsalita.
Hindi na siya nakasagot pa. Bagama't mabilis nitong ibinaba ang tawag, narinig pa rin ni Carmina ang malambing na boses ni Rebecca. Sa dalawang taong anibersaryo nila ng kanyang asawa, nakikipag-candlelight dinner ito kasama ang ibang mga babae.
Talagang bumalik na si Rebecca sa buhay ni Enrico!
Kahit na ayaw niyang maniwala, ito ang katotohanan na dapat niyang tanggapin na kahit kailan ay hindi mapapasakaniya ang puso ni Enrico kahit siya pa ang pinakasalan nito.
She was defeated in an instant. Kung sabagay, in the first place ay wala naman talaga siyang laban dito.
Dalawang taon na ang nakalipas at ngayon ay tuluyan na siyang natalo sa kompetisyon ni Rebecca. Kahit na malayo ito at kahit siya ang kasama, kailanman ay hindi niya nabihag ang puso ni Enrico. Kaya paano niya aasahan na pipiliin siya ni Enrico?
Dahil lang sa buntis siya? At magkakaroon na sila ng anak?
Sa sandaling ito, natutuwa si Carmina hindi niya nabanggit ang tungkol sa bagay na ito kay Enrico, kung hindi ay talagang mararamdaman niya na pinapahiya niya lang ang kanyang sarili.
Hindi niya ikukulong si Enrico sa kanilang kasal dahil lang sa dinadala niya ang magiging anak nilang dalawa. Napatahimik ng husto si Carmina. Ngayong nakapagdesisyon na siya, pinili niyang tanggapin ito nang mahinahon.
Pagkatapos maligo ay humiga siya sa kama. Ilang oras siyang nakatulala sa kisame at nag-iisip ng mga bagay-bagay. Nang malapit na siyang makatulog ay bigla siyang nakatanggap ng tawag.
“Hello, Carmina.”
Kunot niyang tiningnan ang pangalan ng caller, “Sebastian…”
Si Sebastian ang bestfriend ni Enrico, ang kauna-unahang tumutol sa pagpapakasal nilang dalawa.
“Ah, hi Sebastian. Bakit napatawag ka? May nangyari ba?” Mahinanon ngunit mapagtatanto mo sa boses ang pag aalala nito.
“Listen, I'm sorry to bother you, but I thought you should know that Enrico is drunk and uncontrollable at this moment. Kailangan mong pumunta rito. We're at a usual local bar and things are getting a bit out of hand. You need to come here immediately and take him home.” Dire diretsong litanya ni Sebastian na para bang hinahabol ng kabayo sa pagsasalita.
“Anong ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong ni Carmina. “Is he okay?”
Rinig na rinig niya ang malalim na buntong hininga ng kausap.
“He's not hurt, but he's making a scene and we're worried about his safety and the safety of others here. Sinubukan naming kausapin siya, pero hindi siya nakikinig,” pagrereklamo nito.
“Why did he go out drinking with you again?” pagalit na tanong niya.
“Uh, hindi ko alam, Carmina. Basta gusto ko lang siguruhin na ligtas siyang makauwi kaya tinawagan kita.” Seryoso nitong sagot, iritado.
Si Sebastian at carmina ay parang aso at pusa. Umpisa pa lang ay hindi na sila magkasundong dalawa.
Saglit na natahimik si Carmina.
“Didn't he spend a good night with Rebecca?” mapit niyang tanong.
“Hindi ko rin alam, Carmina. Bigla na lang siyang sumulpot sa bar at nag-order ng mga inumin.”
What?! Hindi siya pwedeng magkamali! Rinig na rinig niya ang boses ni Rebecca kanina sa kabilang linya. It was her… ang kinababaliwan ng kaniyang asawa.
“Hindi ko kaya lumabas ngayon, Sebastian. Hindi ba pwedeng ibang tao na lang ang maghatid sa kanya pauwi?” pagdadahilan niya.
“Nagpa-book na kami ng taxi para isakay siya pauwi, pero alam namin na hindi niya kayang sumakay mag-isa. Kailangan ko ng tulong mo, Carmina.” Desisyon nitong lintaya.
“Sige, subukan kong ipasundo siya sa driver. Anong pangalan ng bar?”
“Ang pangalan ng bar ay Imperial Night Club. I-tetext ko sa iyo ang address para madaling mong makita.”
“Sige. Pakiaabangan ang driver nang makarating dyan sa lalong madaling pana—”
Agad pinatay ni Sebastian ang tawag.
Nanlaki ang mata niya dahil sa bilis magbaba ng telepono ni Sebastian kahit hindi pa siya tapos sa kaniyang sasabihin.
Maya-maya ay sumubok si Carmina na tawagan si Sebastian ulit, ngunit hindi ito makontak dahil patay na ang telepono.
'Sana ay okay lang si Enrico. Sa tingin ko ay kailangan kong pumunta sa bar para malaman ang kalagayan niya,' aniya sa sarili.
She doesn’t have a choice but to go there by herself.
Bumangon si Carmina sa kama at nagpalit ng damit. Saglit siyang sumulyap sa salamin, namumula pa ang kaniyang mga mata kaya naglagay siya ng concealer panandalian saka nagpahatid sa driver upang ihatid siya sa club na madalas puntahan ni Enrico.
Pagdating niya roon ay sobrang tahimik sa loob.
Bakit siya nandito? Hindi niya maintindihan.
Lasing na lasing si Enrico, natutulog na ito sa sofa. Naka-crossed ang kanyang mga paa, magulo ang kurbata pero ang hitsura nito ay walang kupas sa kagwapuhan. He looks so perfect even though he’s wasted right now.
Pagkalapit na pagkalapit ni Carmina ay nasusuka siya sa kakaibang amoy ng asawa. Naisip niya na baka early morning sickness ito lalo na at alas dos na ng madaling araw.
Pagkatapos niyang pigilan ang sarili sa pagsusuka ay tumingin siya kay Sebastian na nakataas ang kilay.
"Bakit lasing na lasing si Enrico? Hindi ba kasama niya si Rebecca?" Prangkang tanong niya kay Sebastian.
Tumingin sa kanya si Sebastian, walang kahihiyang nanunuya.
"Alam mo na kasama niya si Rebecca?" naiirita nitong tanong sa kaniya. "Pinapayagan mo ang asawa mo na magpalipas ng gabi sa ibang babae at hinayaan mo lang siya?” sumbat nito.
Naikuyom ng mahigpit ni Carmina ang kanyang mga kamay, huminga ng malalim, at saka dahan-dahang tumingin kay Sebastian.
“We have already negotiated to get a divorce. At kahit na wala pa ang divorce certificate ay malaya na siya, at wala akong karapatang kontrolin siya na manatili sa tabi ko kung ibang babae ang hanap at gusto niya,” malumanay niyang sagot.
“The hell are you talking about, Carmina? Are you kidding me? Naririnig mo ba 'yang mga sinasabi mo?” Tumingin sa kanya si Sebastian ng may panunuya. “Nasobrahan ka naman ata sa pagiging mabait, Carmina, at pati ang asawa mo ay kayang-kaya mong ipamigay sa iba.”
She can’t control herself kaya napalakas ang boses niya, “Anong gusto mong gawin ko? Kontrolin siya siya at tali sa bewang ko?!”
"Carmina, may konsensya ka pa ba? Alam ko kung paano ka trinato ng tama ni Enrico at kung paano ka n'ya pinahalagahan sa loob ng dalawang taon na kasal kayo. Sinabi lang niya na gusto niya ng divorce, ibibigay mo agad? Hindi ka man lang tumutol? Hindi mo man lang ba siya ipaglalaban?” galit na bwelta si Sebastian.
Tumingin si Carmina sa kanya na may pagtataka. “Kung hindi mali ang pagkakaalala ko, noong pinakasalan ko siya ay tinutulan mo ito nang husto. Ngayong iiwan ko siya, hindi ba dapat ikaw ang maging pinakamasaya? Bakit parang mas galit ka pa kaysa sa akin na asawa?”
“Hindi mo ba mahal ang asawa mo?” Diretsong tanong ni Sebastian habang malalim ang tingin sa mga mata ni Carmina.
She almost had a heart attack when she saw Sebastian standing there, waiting for her to answer. Nakahalukipkip ito at madilim ang mga mata. Napahawak tuloy siya sa dibdib sa gulat.
“Wala kang karapatang tanungin ako ng ganyan, Sebastian.” iritado niya nang sinabi.
Nakita ni Sebastian ang bahagyang takot at pighati na dumaan sa mga mata ni Carmina.
“Hindi kita gusto noon para sa kaniya, ngunit dahil kasal na kayong dalawa at wala na kaming magagawa, dapat mong pahalagahan ito at huwag ituring ang kasal bilang isang maliit na bagay lamang. And...” Huminto si Sebastian, at nag-iwas nang tingin. "You are more suitable for him than Rebecca, Carmina.” makahulugang bulong nito ngunit sapat na para marinig niya ng malinaw.
'Anong pinagsasabi nitong lalaking 'to? Mas mukha pa siyang may tama kesa kay Enrico, ah.'
Niyakap ni Carmina ang kanyang baywang ng mahigpit, at ang kanyang ulo ay idiniin sa kanyang likod.Naramdaman ang temperatura, na para bang biglang nag init ang buong paligid nila at mas lalong nanigas ang katawan ni Enrico.Matapos igalaw ang kanyang mga daliri, sa wakas ay ibinuka niya ang kanyang bibig: "Okay."Isang malambot na pantig.Bagama't napakasimple nito, napakasaya at nasisiyahan na si Carmina.Pag-uwi niya, nilagyan ni Enrico ng isang garapon ng mainit na tubig si Carmina at ibinilin na magbabad dito ng mabuti.Malakas ang ulan ngayon, at ilang oras na silang basang-basa sa ulan, kung hindi nila naaalis ang lamig sa kanilang katawan ay baka sipunin o kaya naman ay lagnatin silang dalawa mamaya kaya minabuti na nilang agaran upang ito ay maiwasan.Ilang minuto muna silang nagpahinga bago maligo.Pagkatapos maligo, mas uminit ang pakiramdam ni Carmina.May bahid din ng dugo ang mukha niya, at hindi na ito kasing putla ng dati.Habang naliligo si Enrico, agad niyang ininom
Makalipas ang isang araw, libing na ni Lolo.Ang punerarya ay mabigat at nakapanlulumo, at maraming tao ang dumating upang magdalamhati.Lumuhod si Carmina sa harap ng mourning hall, tahimik lang na nakatingin sa litrato ni lolo.Sinabi ni lolo na ayaw niyang umiiyak siya.Sinunod niya ang bilin sa kaniya ng kaniyang Lolo na ito at talagang hindi siya umiyak. Pinigilan niya, pinipigilan niya.Noong araw ng libing, umulan ng malakas.Talagang umulan ng malakas.Si Carmina ay nakasuot ng itim na damit na may puting bulaklak na naka-ipit sa kanyang dibdib. May hawak siyang itim na payong at nakatayo sa karamihan ng taoSa pamamagitan ng malaking tabing ng ulan, tila nakita niya si lolo na nakangiti sa kanya. At parang sinasabi nito na, “Carmina, hija, huwag kang umiyak. Gusto ni Lolo na nakikita kang ngumingiti, Carmina naming na ang ngiti ang pinakamaganda at pinakabagay sa kaniya.”Kaya naman, nanindigan si Carmina. Hindi siya umiyak.Mabilis ang panahon. Parang noong nakaraan lamang a
“Kaya mo bang ipangako?” Inulit muli ni Lolo Dante ang kaniyang tanong kay Enrico.Agad na tumango si Enrico, “Yes, Lolo. I promise you.”"Okay." Tuwang-tuwa ang matanda at masayang ngumiti: "Kung gayon ay makatitiyak si lolo. Go and call Carmina in.”Dahan-dahang tumayo si Enrico at lumabas ng ward upang papasukin si Carmina.Maya maya lamang ay pumasok na si Enrico at kasunod nito si Carmina. Sa pintuan, desperadong pinunasan niya ang kanyang mga luha. Alam niyang gustong makita siya ni lolo na tumatawa, at ayaw siyang makita na umiiyak.Kaya kailangan niyang magpigil, hindi siya maiiyak, hindi siya dapat umiyak.Nakita niya mula sa pintuan ang nakapikit na mga mata ng kanilang Lolo Dante, ngunit napakapayapa ng mukha nito. Kailangan niyang pakalmahin ang kaniyang sarili at huwag ipakita sa matanda ang nararamdaman nitong kalungkutan.Matapos tuluyang maisaayos ang kanyang kalooban, ngumiti si Carmina ng pilit, lumakad papunta sa gilid ng matanda at hinawakan ang kamay nito.“Lolo,
Ginagawa ni Carmina ang lahat para i-comfort ang kaniyang sarili at saka si Enrico, pero hindi niya magawang aliwin ang kanilang mga isip.Sunod-sunod pa ring bumabagsak ang kanilang mga luha sa damit ni Enrico. At dahil sa rami na rin ng mga luhang kanilang ibinuhos ay mabilis na nabasa ang benda na nasa katawan ni Enrico at nabahiran ang kaniyang sugat.Ang sugat sa likod ni Enrico ay agad na kumalat at ang kulay pulang dugo nito ay tumagos na sa kaniyang puting damit.However, no one has time to take care of it. Ang buong atensyon nila ay nasa kalagayan ngayon ng kanilang Lolo. Hindi na nila matandaan kung gaano katagal na silang naghihintay sa labas ng emergency room hanggang sa mamatay ang ilaw nito at mula sa pinto noon ay lumabas ang doktor.Mabilis na tumakbo ang lahat at dahan-dahang inayos ang kanilang mga sarili. Pinunasan nila ang kanilang mga luha na kanina pang patuloy na tumutulo at pinigilan muna ito saglit.Unang nagsalita si Enrico: “Doc, how is my grandpa?” Kung noo
"Bilisan mo, punta ka sa ospital. Hinimatay raw si Lolo sabi ni Tito Altair, and he’s being rescued just now.” Nanginginig na tapos magsalita si CarminaMatanda na si lolo, at hindi na rin maganda ang kanyang kalusugan.Hindi niya maisip kung makakalabas ng maayos si lolo kapag nakapasok na ito sa emergency room.Natatakot siya.Sobrang takot.Gayunpaman, sa traffic light, nalaman ni Carmina na hindi man lang lumiko si Enrico."Pumunta ka sa ospital, Enrico, saan ka pupunta?" Biglang nagalit si Carmina.Namutla siya sa galit.Hinawakan ni Enrico ang kanyang mga kamay sa manibela, kalmado pa rin at tahimik.Kung ikukumpara sa gulat at kaba ni Carmina, parang hindi naman siya apektado, at palagi siyang kalmado.Bumuntong-hininga siya, "Carmina, don't worry. Sa pagkakaalam ko kay Lolo, he may not be sick."Bakas sa mukha ni Carmina ang sobrang pagtataka. Ngunit bago pa siya makapagreact ay nagpatuloy na sa pagsasalita si Enrico, "Noong bata pa ako, madalas magsinungaling sa akin ang lolo
“Lolo! Tama na po, ang dami na pong dugo sa katawan ni Enrico! Please…tigilan n’yo na po.” Halos mangiyak na rin si Carmina sa sitwasyon nila ngayon habang pinagmamasdan si Enrico.Matapos tumingin ni Lolo Dante kay Carmina, sa wakas ay kumalma ito at parang nanlambot ang kaniyang puso.Ibinaba niya ang kanyang saklay, huminga siya ng malalim: "Ilayo mo siya agad, ayoko muna siyang makita.”"Opo, Lolo." Agad na tumango si Carmina, pagkatapos ay tumingin sa kanyang gilid: "Tito Altair, tulungan n’yo po ako."Pagkalipas ng limang minuto, tinulungan nina Carmina at Altair si Enrico pabalik sa silid."Sobrang masakit ba, Enrico?" Nang magtanong si Carmina, nanginginig ang boses niya. At grabe ang pag-aalala nito.Paanong hindi masakit pagkatapos ng labis na pagdurugo.“Be patient, I--I’ll treat you right away, Enrico.” Pagkatapos magsalita ni Carmina, dali-dali niyang hinanap ang kahon ng gamot.Dahil na rin siguro sa sobrang pagkabalisa, naghanap siya ng ilang lugar bago mahanap ang kaho