Share

Kabanata 2 - Pait

Ikalawang Kabanata

May matinding kirot sa puso ni Carmina.

Ikinuyom niya ng mahigpit ang kanyang mga kamao at mahinahong ibinuka ang bibig para magsalita.

“Hindi na mahalaga kung sino ang lalaking tinutukoy ko dahil mayroon na siyang ibang gusto at malapit na rin siyang magpakasal muli.” Tila isang mapait na pagkain ang mga salitang kaniyang binitawan na nagdulot ng agam-agam sa kaniyang puso.

Ang sagot ni Carmina ay medyo ikinagulat ni Enrico. "Ikakasal MULI? He was married?" May diin sa salitang muli ang pagkakabigkas ni Enrico dahil hindi siya makapaniwala.

After two years of being married to Carmina, ay hindi pa niya nagawang talunin ang isang lalaking may asawa na pero minamahal pa rin nito? May kirot na naramdaman si Enrico na bigla rin naman niyang ipinagtaka. Pinigilan niya ang nararamdaman dahil wala siyang karapatang magalit, at mas lalong wala siyang karapatang masaktan.

Bahagyang tumango si Carmina. "Well, napilitan siya noon na pakasalan ang taong hindi niya naman mahal para maging asawa niya. Ngayong bumalik na ang babaeng totoo niyang mahal, ay pinaplano nilang na magpakasal pag naaprubahan ang kanilang divorce."

Walang kaalam alam si Enrico kung sino ang tinutukoy ni Carmina. Nang marinig niya ito ay agad siyang nakaramdam ng galit at hindi na nga niya napigilan ang sarili na magbigay komento.

"Then, he's a scumbag.” He gritted his teeth. “At the same moment, he played and hurt both of your hearts. Ang ganyang klase ng lalaki ay hindi karapat-dapat na magustuhan at mahalin. I am sure na mas magiging masaya ka kung magmamahal ka ng lalaking ikaw lang ang palaging mamahalin at pipiliin. Sa susunod ay pag-isipan mong mabutik ung tama bang mahalin mo ang isang tao." Seryosong litanya ni Enrico habang malalim ang titig sa mga mata ni Carmina.

“I genuinely, deeply, desperately wish… that with just one wish, I could stop loving someone...” Tumango si Carmina at mapait na ngumiti. Tumingin si Carmina kay Enrico “...but I can’t.”

Nagtagal ang tingin nito sa kaniya. He looked shocked, then pissed, then mad.

Ngunit ano ang gagawin niya kung ang puso niya ay ayaw sumuko? Hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang sinubukan na kalimutan at alisin si Enrico sa kaniyang puso pero parati siyang bigo. Hanggang sa hindi niya na napansin na sampung taon na niya itong minamahal. Sampung taon na siyang nagtitiis at hinihiling na sana… sana mahalin siya nito pabalik. Kung kaya niya lang alisin ang isang tao sa puso niya, matagal na niya itong binago. Ang ilang pag-ibig, kapag nag-ugat at umusbong kailanman ay hindi na ito mabubunot. Lubos siyang nahulog sa kabuuan ni Enrico.

Enrico, sampung taon na kitang minahal, alam mo ba? Ang taong mahal ko ay hindi ibang tao, kundi ikaw… ikaw lang at wala ng iba pa.’ Naikuyom ni Carmina ang kanyang mga kamay, palihim na paulit-ulit itong sinasabi sa kanyang puso.

Mas lalong nairita si Enrico kaya hindi maiwasan na sumimangot. Tumingin siya kay Carmina.

"Carmina," biglang tawag nito sa kanya.

"Hmm?"

Saglit na natigilan si Enrico ng may mapagtanto siya. Pakiramdam niya ay siya ang tinutukoy nito pero saglit lamang na dumaan iyon sa kaniyang isipin sapagkat napakaimposible nito, kaya ipinagsawalang bahala niya na lamang. Hindi niya alam kung paano ito haharapin kung ang lalaking tinutukoy ni Carmina ay siya mismo. Naalala niya na noong ikasal sila, sinabi ni Carmina na walong taon niya ng mahal ang taong iyon. Pero noong mga panahong iyon, apat na taon pa lang silang magkakilala, kaya tiyak na hindi siya ang tinutukoy ng asawa.

Muling umiling si Enrico. Pumikit ito nang mariin at tinalikuran siya bago ibinalik sa kaniya ang galit na titig. Should she be insulted? Was he so pissed at what she just said?

“Nothing,” he said with a hint of dismissal.

  

Natulala talaga si Carmina sa ikinikilos nito. Pagkaalis ni Enrico, nagmamadaling pumunta si Carmina sa basurahan para hanapin ang pregnancy test. Pagkakuha niya ay lalong naging hindi komportable ang katawan, parang mas lalo siyang nahihirapan na huminga, napahiga siya sa kama, at nakatulog sa antok ng mahabang oras hanggang sa tumunog ang telepono.

Kinuha niya ito saka inilagay sa tenga, “Hello?”

Si Enrico ang tumatawag, "Natutulog ka pa rin?" he asked. Ang boses ni Enrico ay kasing banayad ng dati na nagpagising sa kaniya ng tuluyan.

"Ah… kakagising ko lang." Dahil kakagising lang ay mababa ang tono niya saka humikab.

"Malapit na magtanghali,” anito. “Bumangon ka na at magtanghalian. Naibigay ko na ang regalo mo kay Antonio, he'll give it you later."

Pagkatapos matulog, sinadya ni Carmina na kalimutan ang maraming bagay.

"Regalo? Anong regalo?" naguguluhan niyang tanong.

Pumangalumbaba siya at hinintay ang isasagot ni Enrico.

"Regalo ko para sa ikalawang anibersaryo ng ating kasal. Kahit na kaninang umaga ay naghain ako sa'yo ng divorce papers and since it is not yet settled, I will and I shall remember to fulfill my duty and obligations to you as your husband. Does it answer your question, Carmina?" 

Napatampal na lang sa noo si Carmina. Isa sa ugaling pinakagusto niya at pinaka-ayaw sa lalaki. Palaging napakaamo at maalalahanin na parang perpekto at walang kapintasan, walang anumang mga bahid. Paano hindi niya mamahalin ang lalaking ito? Only one bad thing is he does not do it because he love her. Kagaya ng sabi ni Enrico, duty and obligation niya ito bilang asawa ni Carmina.

Habang siya ay hindi makasagot, ang boses ni Enrico ay muling nagpaantig sa kaniyang puso.

"But still, gusto ko pa ring humingi ng paumanhin sa iyo, Carmina. I planned to give you a gift that will make you the happiest, but something came up, so I gave you another one.”

Tumango si Carmina, hindi masabi kung ano ang nasa puso niya. “Salamat.” Isang salita lamang na lumabas sa kaniyang bibig.

Malapit nang magdiborsiyo ang dalawa, at ang tinatawag na anniversary gift na ito ay palaging medyo kakaiba.

Pagkatapos niya ibaba ang telepono eksaktong dumating si Antonio kaya bumaba siya sa sala.

Magalang na ibinigay ang regalo sa kaniya kaya inabot niya ito. "Madam, ito na po ang regalong ipinabibigay ni Sir Enrico. Happy second anniversary, Madam!" maligayang bati nito.

Ngumiti siya at tumingin dito, "Maraming salamat."

Ang packaging ng gift box ay katangi-tangi at kakaiba, at ito ay halatang branded sa unang tingin pa lang. Kahit alam niyang hindi iyon ang regalong inaasahan niya, binuksan pa rin ito ni Carmina gamit ang sarili niyang mga kamay. Tahimik siyang ngumiti nang makita niya ang ​​​​kwintas na ruby at hikaw. Sinusubukan ni Enrico na bumawi para sa kanya.

Dahil hindi nito maibigay sa kanya ang gusto niyang regalo, bumili siya ng isang buong hanay ng mamahaling alahas sa malaking halaga.

Noong nakaraang buwan, nagpunta sila sa isang auction ng alahas. There was a pair of jasper earrings at the auction, which matched the jade bracelet given to her by her grandfather. It was emerald green, beautiful and gentle. She likes it very much.

Enrico saw the astonishment in her eyes, and took the initiative.

“Do you like it?”

Napalingon siya kay Enrico at umiling. “Maganda siya pero hindi ko yata kaya, masyadong mahal.”

“Pwede kong bilhin para sa’yo kung gusto mo,” anito.

Umiling siyang muli, “Hindi na kailangan. Hindi rin naman ako mahilig sa mga alahas…”

After all, they were married by just contract, and she was embarrassed to spend too much money of Enrico. Hindi niya ugali at hindi siya pinalaking gahaman ng kaniyang mga magulang.

"It won't be long before our second wedding anniversary, so please accept this gift from me in celebration of the occasion. If you are concern about your little embarrassment, you can just return it or keep it."

Laking gulat niya sa sinabi ni Enrico. Kaya inaasahan niya na ito ang matatanggap niya ngayon pero nagkamali siya. It is not wise for her to have such high expectations.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, kapag nabanggit ang diborsyo, maging ang mga regalong ibinigay ni Enrico sa kaniya ay hindi niya kayang magdiwang. Tila nararamdaman din ng Diyos na walang kapalaran sa pagitan nilang dalawa, at oras na para maghiwalay sila. Kahit ang tadhana ay namamagitan na rin sa pagsasama nilang dalawa.

Speaking of gift, buong puso nga pala siyang naghanda ng regalo para sa kaniyang asawa, pero at the end alam niyang hindi nito magugustuhan.

Agad na kinuha ni Carmina ang cellphone para tawagan sana si Enrico nang huminto siya at sinulyapan si Antonio.

“Antonio, pabalik ka na rin ba sa kompanya?”

“Oho, madam.”

Dali-daling pumunta si Carmina sa kusina upang kunin ang self-made cake na kaniyang ni-bake. “Pwede mo bang iabot ang cake na ginawa ko para kay Enrico?”

Natigilan si Antonio, at ang mga salita ni Enrico ay tumunog sa kanyang isipan.

Napakamot si Antonio sa batok, “Madam, baka tanggihan ni Sir. Sinabi niya kasi noon sa akin na ayaw niya ng cake o kahit anong matatamis.”

Bahagyang nanlambot si Carmina, humigpit ang kapit niya sa cake na muntik na mabitawan. “G-ganoon ba…”

Sa pagtingin kay Carmina ay hindi nakayanan ni Antonio ang maawa rito. Halatang malungkot ito. Gustohin man niya na dalhin ang cake ay kabilin-bilinan sa kaniya ng Sir Enrico na huwag dadalhan siya ng kahit anong matatamis.

“Pero, Madam, nabanggit sa akin ni Sir na mahilig kayo sa matatamis lalo na sa cake. Kaya mas magiging masaya si Sir kung ikaw na lang kakain nito.” Nakangiting pampalubag loob nitong sambit.

  

Naikuyom ng mahigpit ni Carmina ang kanyang mga palad, halos hindi na makatayo.

Carmina smiled. “Tama ka….”

“Sige ho, madam, at aalis na rin ako.”

Pagkaalis ni Antonio ay dala-dala ni Carmina ang cake pabalik sa kwarto.

Ang nanlalambot na katawan ni Carmina ay dumulas sa kahabaan ng pinto, at ang mga luha ay parang walang tigil na patak ng ulan na tumatama sa sahig sa malalaking patak.

Sobrang sakit ng puso niya.

Alam niya na hindi gusto ni Enrico ang kahit anong matatamis, at hindi rin niya gusto ang mga cake na masyadong matamis. Kaya't siya ang gumawa ng cake na ito nang mag-isa. It is low-fat and low-sugar, with only a faint milky fragrance, and it is really not sweet at all. And there is no cream, only cake embryos. But he didn't even want to try it. How ironic life can be.

Binuksan ni Carmina ang cake at tiningnan ang maingat na iginuhit na ‘Happy 2nd Anniversarry’, ngumiti siya ng pilit.

Kinuha niya ang cake at kinain ito gamit ang kamay. Ibinaba niya ang kanyang ulo, ganap na hindi pinapansin ang kanyang imahe habang kumakain ng desperado at parang baliw. Napakalaki ng cake kaya nasuka siya sa kalahati nito. Pagkatapos magsuka au niyakap niya ang cake at nagsimulang kumain muli.

Umiiyak siya habang kumakain.

Naghalo ang maalat niyang luha sa cake, at hindi niya masabi kung ano iyon, tanging alam niya lang na kailangan niya itong tapusin. Hindi siya nakuntento hanggang sa naubos niya ang buong cake.

Ngunit kaagad niya rin itong isinuka pagkarating niya sa banyo habang namimilipit sa sakit ng tiyan, at nahihilo ang buong katawan. Walang nakakaalam sa mundong ito na allergic siya sa mga itlog maliban sa kanyang ina.

Kaya sa tuwing birthday niya ay palagi lang siyang kumakain ng cream at hindi kumakain ng mga embryo ng cake. Ngunit sa pagkakataong ito, kinain niya ang buong embryo ng cake.

Pagkatapos ng pagsusuka, umiyak siya ng malakas. Para hindi marinig ng mga tao sa labas, pilit niyang tinakpan ang kanyang mga labi para pigilan ang sarili na makagawa ng ingay.

Humarap siya sa salamin.

“This will be the last time, Carmina.”

Sinabi niya sa kanyang sarili na ito na ang huling pagkakataon na siya ay magpapakabaliw at desperado para kay Enrico.

  

Pinaglandas niya ang palad sa kaniyang tiyan.

“Baby, I'm sorry… Mom failed to keep Dad,” aniya habangpatuloy na pumapatak ang luha sa kaniyang mga pisngi. "It's clear that Dad does not love Mom because he has another woman in his life. He love someone else, anak and we can't keep him just because we want to. Despite the fact that mom really wants him to stay, mom can't be too self-centered. I can't be selfish."

Patuloy ang paghaplos niya rito.

"Baby, you too, should be strong. Kaya kang palakihin ng maayos ni mama mag-isa."

Biglang nag-ring ang cell phone niya kaya mabilis niyang pinahid ang kaniyang luha bago sinagot ang tawag. It was Enrico who’s calling.

“H-hello?”

"Natanggap mo na ba ang regalo? Nagustuhan mo ba?" tanong ni Enrico. “Pinili ko ang pula na babagay sa iyong kutis,” anito.

Napangiti si Carmina sa narinig. How can you be like this, Enrico? How can you hurt me like this?

“I like it. Thank you!”

"Anyway, hindi ako makakauwi ngayong gabi,” he was sweet with his words but the thought was lethal.

“Love, have you talked to her? Come on, our candlelight dinner is waiting...” Biglang lumutang ang malumanay na boses ni Rebecca.

Napakurap-kurap siya. Napawi ang ngiti niya sa isang iglap… he’s with Rebecca, ang babaeng pinakamamahal nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status