“Mabuti at kahit hindi tayo natuloy may maganda naman mangyayari sa ‘tin,” sabi ni Vince.
“Ngayon na nga lang din uli ako nakalabas,” nangingiting sagot ko.
Sumabay kami sa bus na naghahatid palabas at papasok sa Carolus Rex. Mayroong sampung bus ang nagpaparoo’t parito lamang palabas at paloob.
Nag-aya ng date si Vince at pinagbigyan ko naman. Alam kong hindi ko siya dapat palaging binabalewala. Kung tutuusin ay may nararamdaman naman na talaga ‘ko kay Vince, siguro mas mararamdaman ko lang iyong malaking damdamin para sa kanya kapag natapos ko na ang paghihiganti ko. Sa ngayon, gusto ko muna na kahit sa ganito kasimpleng bagay maibigay ko sa kanya.
Nanood kami ng sine, ito ang unang beses na nakapasok ako sinehan.
Malaki ang screen at maganda ang kuwento dahil action and fantasy, siya ‘yong namili.
Nag-uusap kami kung minsan tungkol sa pinapanood namin, nakikitawa sa mga nakakatawang sc
“Maayos ka lang ba?”Ilang ulit na ‘yong itinatanong sa ‘kin ni Arisa.Magulo pa rin ang aming silid. Pinakiusapan ko muna siyang ‘wag munang ipagsabi ang nangyari.Mula sa pagkakaupo ay marahan akong nahiga sa ‘king kama. Nag-aalala ang hitsura ni Arisa.“May nangyari ba sa ‘yo? Nasaktan ka ba?” ulit niya.“Wala, may gumugulo lang sa ‘kin ngayon,” mahinang sagot ko.“Kailangan ko pa ring iparating ang nangyari sa silid natin—““Naiintindihan ko.”“Nakita mo ba ang gumawa nito? Sa tingin mo ba ay bampira?”“Hindi ko alam, hindi ko alam kung totoo rin ang nakita ko, naguguluhan ako.”Hindi ko na siya pinansin.Tinalikuran ko na siya at nagtalukbong.Ang dibdib ko parang binibiyak. Alam kong baka halusinasyon lamang ang tungkol sa Young Master. Hindi ko pa rin talaga tanggap ang
Nang makarating ang kabilang grupo ay nakita nilang marami na ang nakabagsak. Nakipaglaban din sila sa mga nasa labas na mga bampira. Una nilang kinuha ang mga sugatan dahil ang utos ay bumalik na rin sila kaagad.“Mayro’n pa sa loob, hindi sila ma-contact dalawa pero baka buhay pa. Bilisan ninyo!” Utos ng isang lalaking kapitan.Kaagad na sumunod ang tatlo sa kabilang grupo.“Kailangan nating bumalik,” sabi ni Taurus, ang kapitan sa kabilang grupo.“Salamat,” ani Rosse ang kapitan nina Anastacia. “Naroon pa ang dalawa sa ‘min sa loob,” nahihirapan man ay pilit ‘yong sinabi ni Rosse.“Nagpapunta na kami, dalian natin muna dahil iyong dugo ninyo ang nagbibigay sa kanila nang mas malakas na paraan nang paglaban. Ang hitsura ng mga bampira ay mukhang hayok na hayok na,” ani Taurus.Pumayag naman si Rosse. Hindi niya alam kung ilan ang bumagsak sa k
Nagising si Anastacia na ang unang bumungad sa kanya ang nag-aalalang hitsura ni Vince.“Anne,” tawag nito sa kanya.Nasa kulay puting silid siya.Nakasaklay si Vince at maayos na ang hitsura nito, mukhang nabigyang lunas na ang mga sugat nito.Babangon sana si Anastacia pero hindi niya magawa, parang nakapabigat nang buo niyang katawan. Hindi rin niya maalala kung ano ang nangyari at bakit siya humantong doon.“Anne, kumusta?” tanong ni Vince.Tiningnan ni Anastacia si Vince. “M-masakit ang buo kong katawan, blurred din ang alaala ko pa.”“Kung gano’n, hindi mo naaalala ‘yong huling nangyari?”Napailing si Anastacia. “Babalik din ‘to, baka dahil kagigising ko lang.”“Ilang araw ka ring walang malay. Iyong iba sa ‘tin nakaligtas pero iyong iba,” umiling siya.Nabigla si Anastacia at nalungkot din.&
“Alam ko na kung nasaan siya.”Kaagad namang sumigla ang hitsura ni Kaya nang sabihin ‘yon ni Calix sa kanya.Nasa lugar sila ng New World pero hinahanap nila sa daigdig ng mga tao si Anastacia. Sa kubo na ‘yon sila naninirahang dalawa, isa ‘yon sa isla na malapit sa Freed Market.“Nasaan siya?”“Isa na siyang Vampire Hunter.”Nabigla naman si Kaya sa narinig.“V-Vampire Hunter? S-si Anastacia?!” Gulat na gulat ‘to.“Hindi rin ako makapaniwala,” nangiti nang alanganin si Calix. “Mas magugulat ka pa kung nasaang grupo siya.”“Nasaan?”“Carolus Rex,” anito.Nanlaki ang mata ni Kaya.“S-sigurado ka ba? Baka kamukha lang ‘yon ni Anastacia.”“Sigurado ako,” ani Calix.Naupo sila sa sofa.“Nakita ko siya sa hospital mismo, isa lamang &lsqu
“King, ayos ka na ba?”Nilingon ni King ang kapatid na si Stefan.“Limang araw ka ring nagpahinga,” ani Grim. Nagsabay silang tatlo sa paglalakad.“Maayos na,” pagsisinungaling ni King. Sa totoo ay hindi, mayroon pa ring ‘di siya magandang nararamdaman. Isama pa na ‘yong mga bagong pangyayari sa kanya ay nagsisimula na uling manlabo sa kanyang alaala.Natigil sila sa pag-uusap nang makarating sila sa silid ng kanilang ama. Silid-tanggapan iyon dahil doon ito madalas gumagawa ng gawain nito sa malaking mansion.“Kumusta, mga anak?” masayang-masaya ‘to.Ang isang mata nito sa kaliwa ay walang buhay dahil peke lamang iyon. Nabulag ito noon dahil sa pakikipaglaban daw sa isang Pureblood.“King kumusta na ang nararamdaman mo?” masaya pa rin ang hitsura nito.“Maayos naman, ama. Medyo nagiging mahirap lang sa ‘kin matandaan ang hitsura nang bago
Hindi alam ni King bakit nang magkatitigan sila at magkagulatan kahit hindi naman sila magkakilala ay mas pinili niyang umalis. Mayroon talagang mga tao na bumubuhay ng kanilang sexual drive. Pero hindi naman niya ‘to naaamoy para mas mabuhay iyon, marahil ay nabigla lamang talaga siya.Bumalik siya sa kanilang mansion nang matahimik na ang kanyang pag-iinit. Dahil sa Anastacia na Nathalia pala, kaya buhay na buhay ang init sa kanyang katawan. Sisiguraduhin niyang iinumin niya ang dugo nito hanggang makuha niya ang lahat ng sarap at pagnanasang naipon.Naroon na siya sa kanyang kama, bagong ligo, umiinom nang blood wine at inaalala ang babae sa bilihan ng mga bulaklak. Maraming mga tao ang masasarap ang dugo, malinamnam, at hahanap-hanapin, marahil isa ang babaeng ‘yon sa mayroong masarap na lasa ng dugo.Nakarinig na siya ng mga katok.Bumukas ang pintuan at sumungaw ang isang magandang tagasilbi.“Young Master, maraming sa
Nagsisilbi si Kaya sa hapagkainan. Natuwa sa kanya ang mayordoma ang napakabilis daw niyang kumilos. Tinatanong nito kung mayroon na siyang experience sa pagsisilbi,sumagot siya ng oo at nagsisilbi siya sa isang mayamang pamilya. Pero hindi niya sinabing sa mga bampira.Dahil doon, isa na siya sa nakapaghahain sa labas dahil sa mabilis siyang kumilos at maalam sa pagsasaayos ng mga kubyertos.Madalas na nakahain sa mesa ng mga bampira ay mga expensive kind of meat. Ang ginamit na herbs sa mga ‘yon ay espesyal din at hindi basta-basta nabibili kung saan lamang. Mayroon pang bloodwine ang mga ito na hindi na mawawala sa kahit na anong okasyon—mapasimple man o hindi.Ang nakahain sa mesa ay apat na pinggan, para raw ‘yon sa apat na Young Master.Kompara sa mansion ng Bezarius, mas tahimik ang lugar, para bang kasalanan ang makagawa man lamang kahit kaunting ingay. Ang pagkakatayo nila’y diretso at hindi halos gumagalaw.
"May pupuntahan ka?" tanong ni Vince nang makita si Anastacia na nakabihis."Babalikan ko lang iyong bahay ko. Mag-iiwan lang ako ng sulat, baka sobra nang nag-aalala sa 'kin si Kaya.""Gusto mo bang samahan kita?""Hindi na, hindi naman din ako magtatagal.""Sige, mag-iingat ka." Hinalikan siya nito sa noo.Umalis na si Anastacia. Gusto na niya muli nang komunikasyon kila Kaya. Gusto niya ring humingi ng tulong sa mga ito na mahanap ang kanyang ama, hindi kasi ito matagpuan nang mga pinaghahanap niya. Mukhang napalayo na ito nang husto. Pero kunsabagay, sa haba nang panahon ay tumanda na tin ang kanyang ama, hindi na 'to kamukha nang tanging larawan na mayroon siyang patago pa nito nang magkahiwalay sila.Gusto niya ring maipakilala si Vince, nasisiguro niyang matutuwa ito sa naging pagpili niya. Nang nasa biyahe siya'y nagpahinga siya, natulog, at paminsang nagigising at mangingiti dahil masisilayan niya ang magandang paligid.Ngayo