Share

Chapter 52

“Masakit pa rin ang ulo mo?” tanong ni Anastacia nang makainom ‘to ng tubig.

Iniabot nito ang baso muli sa kanya.

“Biglaan lang sumakit.”

Alam ni King na dahil ‘yon sa pagpasok ng alaala sa kanya.

Ang ulo niya parang sasabog at ngayon nga na tumigil ang pagkirot no’n nang husto, may nananatili namang tial panaka-nakang pagkirot pa rin.

Napakarami niyang naalala, malinaw ‘yon kani-kanina lamang. Pero hindi lahat ng alaalang nakita niya ay napanatili niya dahil sa bilis nang pangyayari.

Pumunta si Anastacia sa likuran ni King.

Hinawakan niya ang braso nito at minasahe.

“Huwag ka munang gumalaw, noon, kapag may nararamdaman ka ay gumiginhawa ang pakiramdam mo kapag namamasahe ka.”

Pinakikinggan lang ‘to ni King, ngayon niya napatunayang may malaking papel nga ang babaeng kasama sa kanyang nakaraan. Ibig sabihin, malaking bahagi

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status