Share

BACK TO MAGJI

*Yueno*

Sinuklay ko pa ng isang beses ang buhok bago ko marinig ang mahinang pagkatok sa pinto. Agad naman akong napalingon doon at natagpuan ang pinakagwapong bampira na nakilala ko. Nakasandal pa ito sa hamba ng pinto habang walang kiming hinahagod ang mga mata nitong punong-puno na naman ng pagnanasa sa kabuuan ko. Kung hindi ko lang ito mahal ay baka naibalibag ko na rito ang salaming nasa harap ko. 

Tulad ng nakasanayan ay pormang assassin pa rin ito. Pulos itim ang suot. Ngunit sa kabila noon ay nangingibabaw ang matikas nitong pangangatawan na sinamahan pa ng tangkad nitong kung hindi ako nagkakamali ay aabot na ng six feet. At ang mga pulang mata na iyon. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na darating ang araw na titingin sa akin ang mga iyon na puno ng pagmamahal. Hindi yata ako kahit kailan makakahuma sa kagwapuhan ng isang ito. 

&nbs

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status