Share

BLOODLUST

Parang lalong ginatungan ang nagliliyab na galit na nararamdaman ko nang makita ko nang malapitan ang estado ni Yueno. Mistula itong lantang gulay na nakahiga sa harap ko at hirap na hirap kumilos. Lumuhod ako sa harap niya at inabot ang pisngi nito saka mabilis na hinagod ng tingin ang kabuuan nito. Isang tingin ko pa lamang dito ay masasabi ko ng marami itong natamong sugat. Nagngalit ang mga ngipin ko. 

Hindi naman inaalis ni Yueno ang tingin sa akin na animo ay hindi makapaniwalang naroroon ako. Ang mga matang iyon na ilang araw ko nang pinanabikang makita. Maging ang maamo nitong mukha na ni sa hinagap ay hindi ko ninais na madatnan sa ganitong sitwasyon. Puno ng galos, hindi lang ang mukha nito, pati na rin ang buong katawan. Duguan naman ang ulo nito na siyang pinagmumulan ng mabangong amoy. Napalunok pa ako nang matuon ang tingin ko sa nagkalat na dugo sa semento. Wal

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status