Share

NARROW ESCAPE

"Kamusta na siya?" Bungad ko kay Ada nang makabalik ako galing kay Elyxald. Makalipas ang ilang araw mula ng maging maayos ang lagay ni Yue ay agad akong nagpunta kay Elyxald. Mahirap kung hihintayin ko pang magkamalay si Yueno. Kung matatagalan pa bago magpakita dito ay siguradong makakahalata ito sa kung anong nangyayari. Alam kong hindi magtatagal ay makakarating sa kanya ang balitang nawawala ang Dovana. Hindi niya ako dapat mapaghinalaan. 

Naging maingat din ako sa pagbalik dito. Sinigurado ko munang hindi ako nasundan at dahil sa may kalayuan ang gubat na ito ay inabot pa ako ng ilang araw bago makarating. Tama si Ada. Masyado ngang malayo ang lugar na ito. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung paano nalaman ni Ada ay lugar na ito.

Bago ako umalis ay iniwan ko si Ada rito. Naglagay din

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status