Share

MIDNIGHT VISIT

Nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa mga mata kong kakalahati pa lang ang nakabukas. Umaga na pala. Pakiramdam ko kasi ay parang napahaba ang naging tulog ko. Pinakamahaba na kung kumpara nitong nakakaraang araw. Awtomatikong inabot ng kamay ko ang alarm clock sa may bedside table kahit hindi iyon tumutunog. Wala lang. Gusto ko lang tignan ang oras. Hindi na rin kasi ako nagseset ng alarm dahil hindi na ako pumapasok sa trabaho. Masarap sana na hindi ko na kailangang magtrabaho yun nga lang, laging nasa panganib ang buhay ko. 

Hindi na ako nagtaka ng makitang mag-aalas dose na ng tanghali. Tanaw kasi ang tirik na tirik na sikat ng araw mula sa nakabukas na pintuan ng terrace. Nakalimutan ko pala iyong isara kagabi. Pero sa pagkakatanda ko ay isinara ko iyon kagabi dahil nagbukas ako ng aircon. Mabuti na lamang at walang nagtangkang pumasok. 

Agad kong nahigit ang hininga at napabalikwas ng bangon ng maalala ang nangyari kagabi. Si Alaric, nasa kwarto ko kagabi. Totoo nga ba o baka naman parte lamang imahinasyon ko? 

Nilingon ko ang kabilang bahagi ng kama at napatitig sa kung saan ito nakapwesto bago ako tuluyang makatulog kagabi. Malinis iyon at mukhang hindi naman nagalaw ang unan at kumot. Marahil ay parte nga lang ng imahinasyon ko. Napabuga ako ng hangin na hindi ko akalaing pinipigilan ko pala. Hindi ko na naman malaman kung panghihinayang ba o relief ang sanhi noon. 

"Tanghali na, hindi ka pa ba babangon?"

Nanlaki ang mga mata ko pagkadinig ko doon at halos mabali ang leeg sa paghagilap kung saan nanggaling ang nagsalita. Isang lingon pa at natagpuan ko ang pares ng abuhing mga mata na matamang nakatingin sa akin. Hayun siya at prente na namang nakaupo sa single seater sofa malapit sa pintuan. Kung saan malayo sa liwanag na nanggagaling sa malamlam na sikat ng araw na pumapasok kasabay ng malamyos na hangin sa may beranda. 

Hindi ko na naman napigilan ang sarili kong hagurin siya ng tingin. Gwapong-gwapo pa rin kahit sa simpleng kasuotan lang. Casual na casual ito sa suot na white t-shirt na napapaibabawan ng gray na hoodie jacket. Tinernuhan pa ng itim na maong pants at isang pares ng naghuhumiyaw na air jordan white shoes. Kahit simple lang ang porma nya, hindi maikakailang puro branded ang suot niya. Nakakahiya tuloy tumabi. 

"Done checking me out?" tudyo nito na sinamahan pa ng mapanuksong ngiti.

Agad kong naramdaman ang pag-iinit ng mukha ko sa sinabi niya. "Luh! Asa ka," angil ko saka ibinaling sa iba ang tingin. Bigla ay na-conscious ako sa itsura ko. Dahan-dahan kong hinaguran ng tingin ang suot ko saka marahang hinaplos ang mukha para hindi ito makahalata. Baka may bakas pa ng tulo-laway sa pisngi ko, mahirap na. Nakakahiya iyon. 

"Wala namang bakas kaya hindi mo na kailangang punasan."

Nahindik ako nang malingunan ko siya na ilang sentimetro nalang ang layo sa akin. Nakayuko siya habang nakasuksok ang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon. Agad ang kalabog ng dibdib ko na hindi ko malaman kung sa gulat o dahil sa maliit na distansya sa pagitan namin. Dagli akong napaatras kung kaya't hindi ko namalayan na nasa gilid na pala ako ng kama. Dumulas ang kamay kong nakatukod para sana sa suporta at diretchong dumausdos pabagsak sa sahig. Wala na akong nagawa kung hindi ang ipikit ang mata at hintaying maka-face to face ang sahig.

Lumipas ang ilang sandali pa ay wala akong naramdamang masakit o di kaya ay tunog ng pagbagsak ko sa sahig. Nang idilat ko ang mga mata ay abuhing pares ng mga matang nakatunghay ang bumungad sa akin. Muli na namang kumalabog ang dibdib ko sa kaba.  Buhat pala ako nito. Agad akong nailang sa sitwasyon namin.

Hindi ko na siguro kailangan pang magtaka sa mabilis niyang pagresponde dahil na rin sa kakayahan niya bilang bampira. I wander kung marami pa siyang kakayahan na hindi ko pa nakikita. At kung ano ang kaya niya pang gawin. 

Hinamig ko ang sarili ng hindi ko na matagalan ang pagkailang. 

"Maaari mo na akong ibaba," ani ko sabay lingon sa kung saan. Nag-iinit na naman ng pisngi ko.

Hindi naman ako nagdalawang salita at ibinaba rin niya ako agad. Marahil ay nailang din siya dahil ibinaling din niya sa iba ang tingin. Agad akong dumistansya sa kanya ng sumayad ang paa ko sahig. Napakalakas kasi ng kabog ng dibdib ko simula pa kanina at natatakot akong marinig niya iyon. 

Panandalian kaming sinakop ng katahimikan dahil walang gustong magsalita. Agad kong hinalukay ang isip para magbukas ng mapag-uusapan dahil hindi ko na ito kayang tagalan. Pakiramdam ko ay malulusaw na ang likuran ko dahil malakas ang kutob kong nakatitig na naman siya sa akin. Para akong teenager na hindi makatagal sa titig ng crush niya.

"Hindi ka pa ba aalis? Maliligo na ako," pagtataboy ko sa kanya. 

"Meet me in the kitchen after you shower," maawtoridad na utos nito.

Napataas ang kilay ko at wala sa loob na humarap dito. "Ayokong lumabas ng kwartong ito," pagmamatigas ko. Bakit gusto niya akong palabasin dito? Mabigat pa rin ang loob ko sa pamilya niya at ayokong makadaupang palad ang kahit na sino sa kanila. Bukod sa kaniya.

"Well, let me take you there then," anito saka humakbang palapit sa akin. 

Agad naman akong napaatras sa kaba. Hindi ako takot kay Alaric pero lagi akong kinakabahan kapag nandyan siya. 

"Hindi mo ba maintindihan na ayokong lumabas?" angil ko sa kanya. Tila kami naglalaro ng urong-sulong. Bawat hakbang na ay siya namang atras ko. 

"Nobody's outside. They all went to work. There's nothing to worry about," anito saka namulsa. Mukhang gawi na nito iyon.

"Maski na. Ayoko pa rin," pagmamatigas ko sa kahit anong pilit niya. 

"Then, I'll make," anito saka direretchong lumapit sa akin. Kumabog ng husto ang dibdib kaya wala akong ibang nagawa kundi pumayag. 

"Oo na, sige na. Bababa na ako. Umalis ka na," ani ko bago kumaripas ng takbo at tinungo ang banyo. Nahagip pa ng aking tingin ang ngising tagumpay niya bago ko tuluyang maisara ang pinto ng banyo.

Nagdadalawang-isip pa ako kung bababa ba ako o hindi. Kanina pa ako nakatayo sa may pinto at nakikipagdiskusyon sa sarili kung bababa ba o hindi. Kapag bumaba kasi ako, hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin. Kung hindi naman ay baka bigla na lamang sumulpot si Alaric dito at bitbitin ako pababa. 

Nag-isip pa ako sandali pero ginawa ko pa rin ang huli. Dahan-dahan ko pang binubuksan ang pinto saka unti-unting sinisilip ang labas. Tila ako isang kawatan na naglu-look out pa bago sumugod. Nang wala akong makitang tao ay saka ako tuluyang lumabas. Tahimik nga ang paligid. Mukhang totoo ang sinabi ni Alaric na wala dito ang pamilya niya. Mainam na din iyon, hindi ko kailangang bantayan ang kung ano mang naiisip ko dahil wala si Matilde. 

Malapit na ako sa bukana ng kusina nang mapahinto sa paghakbang. Naroon at tila okupado sa isang malalim na pagtatalo si Lenora at Alaric. Masyado iyong mahina para makarating sa aking pandinig. Kung pagbabasehan ang facial expressions nila, masasabi kong nagtatalo nga sila. 

Ito ang unang pagkakataong nakita ko si Lenora matapos ang nangyari. Hindi ko tuloy alam kung paano siya pakikiharapan. Wala na ang mga galos at latay niya sa katawan. Maski ang mukha niya ay wala na ring bahid ng pagpapahirap. Tila walang nangyari. Noon biglang lumingon sa gawi ko si Lenora. Ngingitian ko sana siya kung hindi lamang ako napatda sa nakita kong blangkong expresyon ng kanyang mukha habang direkta itong nakatitig sa akin. Pakiramdam ko ay naitulos ako sa kinatatayuan ng magsimula siyang maglakad palapit sa akin. Hindi pa rin niya binabawi ang tingin. Wala akong ibang makita roon kundi galit. Malayong-malayo sa gawi niya noon na laging nakabungad ang matamis na ngiti sa mala-anghel nitong mukha. Ngayon ay tila magbubuga na ito ng apoy sa kung paano siya nito hagurin ng tingin. 

Magsasalita na sana ako ng magkatapat kami ngunit walang tinig ang lumabas mula sa aking bibig. Gusto ko sana siyang kausapin. Tanungin kung bakit nag-iba siya pero hindi ko magawa. Naumid ang dila ko. Tuluyan na siyang nakalayo pero nanatili pa rin akong nakatayo roon. Sa kabila ng mga nangyari, marahil ay hindi ko na iyon kailangang ipagtaka. Siguro ay sinisisi niya ako sa nangyaring pagpapahirap sa kanya. Bigla ang paglaganap ng lungkot sa kaibuturan ko. Ilan pa ang kailangang magalit sa akin dahil isinakripisyo nila ang buhay nila?

"Don't mind her," untag ni Alaric. Napansin niya marahil ang nangyari. "She's just in a bad mood."

Humugot ako ng buntong hininga upang ibsan ang kung anong nararamdaman ko saka tumango sa kanya. Iginiya niya ako patungo sa lamesa kung saan nakahain ang maraming pagkain. May liempo, hotdog, omelette, bacon at sinangag. Bigla tuloy akong naglaway at nakaramdam ng gutom. Kung sabagay ay pananghalian na kaya siguro nagwawala na ang tiyan ko. Panandalian kong nakalimutan ang nangyari at naupo na saka nagsimulang kumuha ng pagkain.

Isusubo ko na sana ang isang hotdog nang maalala kong kasama ko nga pala si Alaric at kami lamang dalawa roon. Pasimple ko itong sinulyapan. Nahuli ko ang pilyo nitong ngiti habang nakatunghay sa akin. 

"Hindi ka naman gutom, hindi ba?" nang-iinis na turan nito. Naupo ito sa tabi ko saka itinukod ang magkabilang siko sa lamesa. "Eat. Walang lason yan."

Hindi ko na din siya inintindi kaya ipinagpatuloy ko na ang pagkain. Stress ako ngayon kaya kailangan kong kumain. Nasa ganoon akong estado ng may pumasok sa isip ko. Siguro naman ay hindi siya masamang tanungin sa mga bagay-bagay patungkol sa kanila at sa lahi nila. Kailangan kong subukan.

"Paano nyo nagagawang makisalamuha sa mga tao? Hindi ba kayo naaakit sa dugo?"

Ilang sandali pa bago ito nagsalita. "Naaakit syempre but we keep ourselves well fed before we interact with people. Saka isa pa, alam mo naman na ang tungkol sa truce. If the truce is broken, that will be the end."

"Hindi ba pwedeng magkasundo nalang lahat kahit walang Dovana?" I suddenly blurted out.

"That's impossible," anito saka tila napaisip. "You know that vampires were born bloodsuckers. And to drain blood from prey is our nature. That's the cycle, Yueno. We couldn't change the fact that we are made to be like that."

No. I can't accept that. I need to find a way to break this curse. What if I ask him for help, tutulungan kaya niya ako? Kung subukan ko kaya? Pero paano kung sabihin niya sa pamilya niya. Paano kung hindi sila pumayag at pigilan nila ako?

"This world is dangerous, Yueno. Don't try doing something that might hurt you," anito saka ako mataman na namang tinitigan. Hindi na rin ako umimik at isinantabi ang kung ano mang naiisip. Siguro ay hindi pa panahon para sabihin ko kay Alaric.

Kadiliman ang bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko. Kung sa bagay ay madilim na rin ng makauwi kami ni Alaric galing sa labas. Inaya kasi ako nitong lumabas pagkatapos kong mananghalian. Hindi na rin ako nakatanggi dahil baka bitbitin nga niya ako katulad ng sinasabi niya. Pumayag na rin ako dahil gusto kong makilala pa ito. Gusto kong malaman kung mapapagkatiwalaan ko nga ito. Hindi na ako nag-abala pang buksan ang ilaw. Nagdiretcho ako sa kama at walang ano-anong ibinagsak ang katawan duon. Hindi ko alam kung katawan o isip ko ba ang napagod. Mukhang parehas yata. 

Dinala ako ni Alaric sa isang talon na may kalayuan sa palasyo nila. Laking pagtataka ko ng sabihin niyang hindi magtatangka ang mga rogues na sundan kami. Nang tanungin ko naman siya kung bakit ay hindi na niya ako sinagot. Malakas ang pakiramdam kong mayroon pa silang hindi sinasabi at pinipigilan nilang malaman ko. Hindi nila maitatago iyon ng matagal. Malalaman ko din iyon. Kailangan ko ngayon alamin ay kung saan ako magsisimula. 

Nasa ganoon akong kaisipan ng biglang umihip ang malamig na hanging nanggagaling sa may beranda. Nagsitayuan yata lahat ng balahibo ko sa katawan ng dumampi ang nakakakilabot na lamig noon sa balat ko. Agad akong tumayo upang isara iyon. Kabilugan pala ng buwan ngunit bahagya iyong natatabingan ng ilang mga ulap kung kaya’t bahagyang liwanag lamang ang naipapamahagi nito sa kapaligiran. Akmang isasara ko na ang pinto ng berenda ng nabaling ang atensyon ko sa animo ay pigura ng isang taong nagtatago sa isang puno sa hindi kalayuan. Out of curiosity ay pilit kong inaninaw iyon. Sa pag-iisip na isa lamang iyon sa mga katulong ng mga Cayman ay panatag ang kalooban kong pinagmasdan iyon. Pilit na inaaninaw ang mukha nito sa kadiliman. Maya-maya pa ay unti-unti nahawi ang ulap at nagliwanag ang paligid. Doon ko nabistahang mabuti ang anyo ng lalaki. 

Dagli ang pagragasa ng takot sa kaloob-looban ko ng unti-unti tumingin sa akin ang pulang-pula nitong mga mata. Atubili akong pumasok sa loob nang umakma itong naglakad papunta sa akin. Doon ko nasigurong hindi ito isang tauhan sa palasyo kundi isang rogue. Paano nakapasok ang isang rogue dito?

Halos lumuwa ang mata ko ng bigla na lamang itong humarang sa harap ko bago ko pa man din maisara ang pinto ng beranda. Sisigaw na sana ako nang bigla ko itong naramdaman sa likod ko kasabay ng matulis na bagay sa leeg ko. Nahigit ko ang hininga ng higpitan nito ang mga kamay kong naipinid na pala niya sa likuran ko. 

“Sisigaw ka o papatayin kita?” bulong nito sa tainga ko na siyang nagdala ng kilabot sa buong katawan ko. Kailangan kong mag-isip ng rasyonal. Kailangan kong makahingi ng tulong at makatakas sa lalaking ito. Nakakasiguro akong maririnig ako ni Alaric kapag nagawa kong maisigaw ang pangalan nito. Ang kailangan ko lang ay malibang ang lalaki para makakawala ako.

“Bampira ka, hindi mo kailangan ng patalim para patayin ako,” ani ko. Nagbabaka-sakaling mabaling sa iba ang atensyon niya.

Narinig ko ang mahina nitong pagtawa. Unti-unti din niyang ibinaba ang hawak na patalim. Nakamasid lang naman ang tingin ko sa mga ginagawa niya. Inaabangan ang susunod nitong gagawin. Nang maramdaman kong bahagya na itong nakalayo sa akin ay agad kong kinuha ang pagkakataon para humingi ng tulong. Ngunit bago pa ako makasigaw ay nasa likuran ko na itong at natakpan na ng palad ang bibig ko. 

“I told not to scream,” pabulong na angil nito. “Hindi ako ang kalaban, Yueno.”

Nahigit ko ang hininga ng marinig kong binanggit niya ang pangalan ko. Napansin ko rin ang gwapo at lalaki niyang boses. Nang bitawan ako nito ay agad akong humarap dito ngunit sa ibang direksyon na ito nakaharap. May katangkaran pala ang lalaki. Malamang na hindi sila nagkakalayo ng taas ni Alaric. Nakatalikod ito sa akin habang nagmamasid sa kwarto ko. 

Kung pagmamasdan ang kilos nito ay kakaiba ang lalaking ito kumpara sa mga rogue na umatake sa akin noong nakaraan. Kung hindi ako nagkakamali ay tila assassin ang porma nito. Katulad ng napapanood ko sa telebisyon. Itim ang kulay ng damit nitong humuhulma sa matikas nitong pangangatawan. May mask din itong suot kung kaya't tanging mga mata lamang nito ang nakalitaw. Ang pulahan nitong mga mata na angat na angat sa dilim. Sa bewang nito ay nakasakbit ang samu't saring patalim na marahil ay ginagamit niya sa pagpatay. Kung isa nga itong assassin, sino ang ipinunta niya dito?

"Bakit alam mo ang pangalan ko? Anong kailangan mo sakin?" 

"Wala akong kailangan sayo pero ikaw marahil ang may kailangan sa akin," anito na hindi pa rin humaharap sa akin. Abala ito sa pagbisita sa mga gamit kong nagkalat sa may vanity table. 

Napakunot ang noo ko. "Bakit ko naman kakailanganin ang tulong mo?" panunubok ko.

Nagkibit-balikat pa ito bago sumagot. "Dunno. Breaking the curse of the Dovana, perhaps?"

Nanlaki ang mga mata sa tinuran niya. Paano niyang nalaman iyon? Wala pa akong pinagsasabihan niyon kahit kanino. Maingat din ako sa mga naiisip dahil alam kong nakakabasa si Mathilde ng isip. Hindi kaya nakakabasa rin ng isip ang isang ito? Katulad din ba siya ni Mathilde?

"Sino ka ba talaga?" balik-tanong ko dito.

Napamaang ako ng bigla itong mawala sa paningin ko. Ililingap ko pa sana ang paningin ngunit nagulat ako sa malamig na bagay na dumampi sa aking leeg. Hindi ko naramdaman ang talim noon kaya nagawa ko iyong hawakan. Kwintas ko iyon na nakalimutan kong isuot kanina pagkatapos maligo. Ngayon ay isinuot nya sa akin. Muling kumabog ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. Lalo iyong naghuramentado ng maramdaman kong inilapit nito ang mukha sa may tainga ko at bumulong.

"Better to start checking this family's background and loyalty before anything else."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status