"Kaya ko."
Nagkatinginan na lang kami ng aide dahil sa naging reaksyon n’ya.
Inabala ko na lang muna ang sarili ko sa pagtingin ulit sa buong paligid. Wala namang espesyal dito sadyang kakaiba lang dahil sa kulay nito. Sa paglibot ng mga mata ko ay nahagip ko ang funeral wreth na nasa gilid ng tv nakalagay. Lalapitan ko na sana ‘yon nang bigla akong tawagin ng aide.
"Ahm…Doc, kung ayos lang po maiwan ko po muna s'ya sayo? pinapatawag po kasi ako. Pasensya na po talaga.”
Wala namang kasong tumango ako kaya lumabas na s'ya. Lumapit na din ako do'n sa funeral wreth para basahin ang nakasulat do'n sa ribbon no'n.
It was his name.
Nawala ang atensyon ko do'n nang bigla kong marinig ang mahinang pagmura ng pasyente ko sa likuran ko. Nakita kong nagkalat na sa damit n'ya ang pagkain, malamang ay nahulog ‘yon mula sa kutsara maging ang gilid ng bibig n'ya ay may bakas na din ng pagkain n'ya. Nagmistulan s’yang bata na nag-aaral pa lang humawak at kumain. Hindi ba n'ya naigagalaw ang kanang kamay n'ya?
Agad ko s’yang dinaluhan para tulungan.
"Are you okay, Sir?" nababahala kong tanong pagkalapit ko.
"Damn!" iritado n'ya muling sabi matapos tingnan ang damit na puno na ng mga kanin na nahulog. Sinigang pa man din ang ulam n'ya. Walang pagdadalawang isip n'yang hinalo ang kanin do'n sa mangkok na may sabaw at walang pagaalinlangang binuhat ang mangkok gamit ang kaliwang kamay bago ilagay ‘yon sa bibig upang higupin.
Tila nakaramdam ako nang pagtusok sa aking d****b dahil sa paraan n'ya nang pagkain. Ang hirap n'yang panoorin para s’yang pulubi dahil ang dungis na ng bibig at damit n’ya.
Ngunit kaysa kaawaan s'ya ay nagpalinga-linga ako upang humanap ng wet wipes na ipanglilinis n'ya. Naghanap ako sa drawer n'ya sa sala at sakto namang may nakita ako do'n na alcohol at tissue kaya ‘yon na lang ang kinuha ko.
"Can you help me?" he said.
Mabilis akong lumapit pabalik sa kan'ya dala-dala na ang tissue at alcohol na nakuha ko. Nagtataka naman s’yang napatingin sa dala ko.
"I’ll help you clean your hands, Sir,” sabi ko bago ngumiti.
I gently took his left hand before spraying it with alcohol and started wiping it with tissue. Ramdam ko ang mga titig n'ya sa akin pero hindi ko s'ya nilingon. Hindi rin ako nakarinig ng anumang pagtutol mula sa kan'ya kaya ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko.
Muli akong ngumiti pagkatapos kong linisan ang kamay n'ya. Ngayon ang problema na lang ay ang damit n'ya, sigurado naman akong kaya n'ya na magpalit 'di ba?
"Can you change your clothes, Sir, by yourself?"
"I hope I can," deretso n'yang sagot na ikinataka ko. "As you can see I don't have my right arm and hand that's why I can't."
Halos bumagsak ang panga ko sa sinabi n'ya. Kitang-kita ng dalawa kong mata na may kanang braso at kamay s'ya pero hindi n'ya ginagamit o sadyang hindi n'ya lang talaga magamit ‘yon.
"Okay, I'll help you with that, Sir."
Itinuro n'ya sa ‘kin kung saan nakalagay ang damitan n'ya at do'n na ako kumuha ng pula na tshirt. Ikinagulat ko dahil lahat ng damit n'ya puro itim, puti at pula lang ang kulay. Alam kong normal lang ang pagtulong sa pasyente pero hindi ba't nurse dapat ang gumagawa nito? Nakaramdam na naman ako ng kaba sa d****b.
I slowly took off his clothes and I noticed that his chest, even though he was thin, it was still beautifully shaped.
Bago pa s'ya magkasakit dahil sa lamig ay kaagad ko nang isinuot ang bago n'yang damit.
"Thank you,” he said using a low tone voice.
"It's our job, Sir.”
I gave him a wide smile while he was still looking at me. Seconds later, he blinked and quickly averted his gaze.
"Do you need anything else, Sir?" I asked.
"Yes, please do me a favor."
Dumating na ang gabi at ito ako ngayon tulalang nakatitig sa screen ng laptop ko, I tried to search his case pero nahihirapan akong hanapin. Paulit-ulit ring bumabalik sa isip ko ‘yong nangyari kanina. Hindi ko alam kung bakit pinapahirapan n'ya pa ang sarili n'ya eh ang laki-laki naman ng k'warto n'ya.
I can still see him normal not until sabihin n'yang wala s’yang tiyan, nangangamoy bulok daw s'ya at wala s’yang kanang braso kahit mayro'n. He's more easy to talk to pero parang may mali pa rin talaga sakan'ya na hindi ko maipaliwanag at hindi ko alam kung ano ba talaga ang sakit n'ya.
"Ate tulog na.” Rinig kong boses ni mama habang may dala-dalang isang basong gatas na inilapag n'ya sa study table ko. Hindi ko napansing pumasok na pala s'ya sa k'warto ko.
"Opo ma, pagkatapos ko po dito.” Tumango naman si mama at hinalikan ako sa noo bago mag-goodnight.
Sinubukan ko ulit mag-research pero hirap talaga akong tukuyin ang sakit n'ya kaya tuluyan ko nang isinarado ang laptop para makapagpahinga na muna dahil maaga pa ang pasok ko bukas.
Kasalukuyan na akong nakahiga sa kama habang nakatitig sa kisame nang maalala ko na naman ang pabor na hiningi n'ya kanina.
"What I can do for you, Sir?” I asked.
Hindi n'ya ako sinagot sapagkat tumayo lang s'ya sa pagkakaupo at naglakad na papasok sa k'warto n'ya habang ako ay nanatili lang sa labas ng pintuan. Naramdaman n'ya ang hindi ko pagsunod kaya nilingon n'ya ako.
"I know it's too much but I need your help with this."
I just gave him a smile and took a step forward. Tumambad sa 'kin ang isang puting kurtina na nasa gitna ng k'wartong walang kalaman-laman. Siguro ay tinatakpan lang ng kurtina ang pinapahingahan n'ya.
Nagtuloy-tuloy s'ya sa paglalakad hanggang sa makalapit s'ya do'n sa may kurtina.
"Where's the lighter and candle?"
Sandaling nagkasalubong ang kilay ko hanggang sa matauhan ako at kaagad na kinapa ang bulsa ng white coat ko. "It's here."
"Mabuti,” tugon n’ya.
Pumasok s'ya sa loob ng kurtina at makailang segundo bago n'ya tuluyang hawiin ‘yon at do'n na tumambad sa ‘king harapan ang kung anong bagay na tinatakpan no’n.
"Put the candle here and light it up."
Hindi kaagad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil hanggang ngayon hindi pa rin nagsi-sink-in sa utak ko ang nakikita ko.
"Ms.” Tawag n'ya sa akin.
Do'n lang ako natauhan at kaagad na napapikit at napailing-iling. "A-ano po 'yon?"
"Ilagay mo dito sa candlestick ang kandila at sindihan mo."
Gaya ng utos n'ya ay sinunod ko kaagad ‘yon. Lumakad ako palapit sa dalawang candlestick. Kahit naguguluhan ay wala akong nagawa kundi sumunod sa sinabi n’ya. Hindi ko lang lubos maintindihan na bakit kailangan n'ya pa ng gan'to gayong matutulog lang naman s'ya?
Dahil doon ay muling bumalik sa ’kin ang mga sinabi ni Chief bago ako pumunta rito.
"The scent will calm the patient and will put him to sleep.”
Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan lahat nang nakikita ko sa k'wartong ‘to. Gusto ko na s'yang tanungin bakit gan'to ang set-up ng k'warto n'ya, ano bang trip n'ya gayong mukha naman s'yang normal?
"Can you take that?" Sabay turo n'ya sa bangko na nasa hindi kalayuan. Lumapit ako do'n upang kuhain 'yon.
"Kailangan ba talaga na d'yan ka magpapahinga?" nag-aalala at nakakunot kong noo na tanong.
He looked at me with a plain face. After a moment, he took a deep sigh. His face seemed want to say something but he just choose not to speak.
"Yeah, but first, can you help me hold the chair so it won't fall?"
Katulad ng sabi n'ya ay ginawa ko kaagad ‘yon, hinawakan ko ang upuan na s'ya namang tinungtungan n'ya para makaakyat sa tulugan n'ya.
Habang pinapanood ko s'ya sa pag-aayos ng kan'yang higa ay muli na naman akong napaisip kung komportable ba s'ya dito o hindi kasi kahit sino siguro ang tatanungin malamang hindi komportable matulog sa gan'tong sitwasyon.
"Everyone keeps on telling me that I'm alive but I know to myself that I am already dead," wika n'ya na ikinagulat ko.
"But you are still alive, Sir.” Pangungumbinsi ko sa kan'ya. Umiling lang s'ya bago muling nagsalita.
"I'm tired, can you please close the casket?"
Habang dahan-dahan ko nang sinasara ang casket ay nakatingin lang s'ya sa ’kin. Nang matapos ay tiningnan ko rin s'ya sa loob. He mouthed 'thank you' before closing his eyes.
"Goodnight, Sir."
Marahan na akong tumalikod at tahimik nang tinungo ang daan palabas. Ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas sa pintuan ay nilingon ko ulit s'ya pabalik. It feels like I'm on his funeral wake and no one is visiting him but only me. To be honest, it brings me pain seeing his situation and condition like that.
Some people wants to live. Some people wants to die but him? he's still alive but dead inside.
HER POV"When I met him, to be honest nawe-weirduhan ako sa kaniya. He's kinda funny pero 'yong mga jokes niya walang sense hahaha! He likes to ask so many question to the point na parang imbestigador na siya like what's my favorite color, number, music, movies it's like an autograph book na sinasagutan natin noong mga bata pa tayo, ganun siya. And akala ko childish siya dahil sa pagiging ganun niya akala ko late nagdevelop yung utak niya but when I got to know him more deeply, my first impression was untrue. He is really a matured man. He has a lot of words of wisdom. Matututo ka sa kaniya, kung ano 'yong paniniwala niya sobrang hypnotic ng mga sinasabi niya kaya minsan talo eh whenever we had a fight or argument haha! Siguro nga ginayuma niya ako gamit yung mga salita niya kaya kami na ngayon haha!"Nagtawanan ang mga tao, nilingon ko naman siya at ang sama na ng tingin niya sa akin hahaha! ang ganda ganda ng mga sinabi niya tungk
HIS POV"When I met her, that was the moment I told to myself "I already found my better half" while looking at her from afar. She just simply brushing her hair using her fingers and I just couldn't help myself from staring at her for a minute or two. That moment I want to approach her and say "Hey beautiful girl, can I get in into your world?" I don't care if I became weird or corny here but that's just how I met her. She got all of my attention without even trying or giving an effort. And from that moment until here today, I've never seen nothing like her. "Narinig ko ang hiyawan ng mga tao matapos kong magkwento.Napatingin ako sa babaeng pinakamamahal ko at nakangiti lang siyang pinagmamasdan ang mga tao na natutuwa sa kwento ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigilang hindi mapatitig sa kaniya. Kulang na kulang pa ang mata ko para lang ma-capture lahat ng kagandahan niya.Never kong hinilin
Kabanata 62 "Sino o may gusto ka bang maging kamukha?" Kalmadong tanong sa akin ni Doc. Umiling iling naman ako at bahagyang ngumiti. "Ikaw na ang bahala, basta ang gusto ko lang ay hindi na ako makikilala nina Rue. Gusto ko na maging malaya," tugon ko na ikinatango tango naman ni Kiyoshi. Iniharap niya sa akin ang computer screen kung saan nandoon ang mukha ko at mga adjustment na gagawin niya. He explained it very well, even the procedures. Tumango ako matapos niyang nagpaliwanag. Napangiti ako sa kaniya dahil hindi ko alam na ito pala ang propesyon niya. I judge him easily dahil akala ko madaldal lang talaga siya na tao. Bigla kong
"Ako."Kitang kita ko sa mata ni Pierre ang pagkagulat. Hindi kaagad siya nakapagsalita matapos kong sabihin na ako ang magpaparetoke.Oo ako. Ito na lang ang nakikita kong paraan para matapos na ang lahat ng ito. Hindi ako papayag na ako ang masisisi sa krimeng sila naman talaga ang gumawa. Oo mayaman sila kaya kayang kaya nilang takpan lahat ng bahong pwedeng lumabas tungkol sakanila pero paano naman akong mahirap lang?Hindi ko kayang pagbayaran ang krimeng hindi ko ginawa. Alam kong kahit anong tago ang gawin ko hindi ako makakawala sa kanila kaya ito na lang ang tangi kong naiisip. At oo aware rin ako na mahal ang magparetoke pero ako na ang bahalang makipag usap. Im not going to use my Profession to manipulate, hypnotize o ano makikipag usap ako bilang pasyente."B-bakit mo naman naisipang magparetoke?" Nagugulahang tanong ni Pierre."May natanggap akong text
“Oo dahil pakiramdam ko may utang na loob ako sayo.”Sakto namang red light kaya nakahinto lahat ng sasakyan. Napatingin siya sa akin.“Utang na loob? Dahil ako yung humabol sa lalaki?” nagtataka niyang tanong. Tumango naman ako. Nakita kong nawala ang ngiti niya sa labi na kanina pa naguhit doon.“Alam mo habang tumatanda ako natutunan kong h’wag humingi ng kapalit sa mga bagay na binigay ko o ginawa ko kasi ginawa ko ‘yon ng bukal sa loob at walang hinihintay na kapalit. Hindi ko sinasabing wag kang tumanaw ng utang na loob pero lagi mo rin iisipin na hindi lahat ng tao humihingi ng kapalit. Hindi masamang suklian ang kabutihang ginawa nila sayo pero para bayaran sila eh gagawa ka rin ng mabuti sa kanila pero labag naman sa loob, edi sana hindi mo na lang ginawa. Where’s the sincerity there?”Nagulat ako dahil bigla siyang sumeryoso. Prankster ba ‘tong lalaki na ‘to? Joker? O baka may mul
Kahit mainit nag abang na lang ako ng dadaang taxi baka meron naman, sadyang hindi ko lang natyempuhan na may mga pasahero ring nag aabang.Inabot na ako ng limang minuto sa pag-aantay hanggang sa may humintong puting kotse sa tapat ko. Kulay taxi naman sana siya pero malinis ang kotse at walang kung anong sulat. Private car yata ito.Nag-abang ako sa pagbaba niya ng bintana.Again, nagulat na naman ako sa kung sino ang sakay ng kotseng nasa harapan ko.Napapikit pikit ako dahil baka kamukha lang pero parang siya talaga. Pinagmasdan ko ang loob ng kotse at mukhang ito nga ang nasakyan ko kanina.Hindi ko namalayang nakalabas na pala siya ng kotse at pinagbuksan na ako ng pinto. Napatingin ako sa kaniya.“Hindi magandang nabibilad, lalo na ang babaeng katulad mo.” Nanatili lang ang titig ko sa kaniya hanggang sa ngumiti siya na parang close na close kami.Bakit siya nandito? Hindi ba siya umalis nung binababa niya ako sa ta