Share

Chapter 28

Author: Aceisargus
last update Huling Na-update: 2025-07-09 23:37:41

Hindi makatingin ng diretso si Sereia kay Jasmine. Ewan niya pero mistulang dinumbol ng malakas ang puso niyang nang banggitin iyon ni Jasmine. Kaagad niyang naalala si Linux.

Napailong siya. Mabilis siyang umalis para pumasok sa kanyang kwarto.

‎Habang tinantanaw ni Jasmine ang kaibigan ay bigla siyang may naalala. Tumayo siya at sinundan ito sa kwarto.

‎"Sereia, natatandaan mo pa ba si Bryan?"

‎Kumunot ang noo ni Sereia sa narinig. Mabagal niyang tinipa ang switch ng ilaw. Pagkatapos niya ay lumingon siya kay Jasmine.

‎"Bakit?"

‎Ngumisi ulit si Jasmine. "Umuwi na siya. And guess what, he wants to meet you."

‎Tumango-tango lang si Sereia. "Ah, gano'n ba?"

‎Napabusangot si Jasmine. Muli siyang lumapit kay Sereia at pinaglaruan ang buhok nito.

‎"Bryan is quite good. Nagtataka talaga ako kung bakit ayaw mo sa kanya," pangungumbinsi pa ni Jasmine.

‎Iniwas ni Sereia ang kanyang mata. Hindi siya kumibo. Lumapit siya sa closet at kumuha ng damit.

‎Napahalukipkip si Jasmin
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 29- Stranger after five years

    Hindi na nagpaliguy-ligoy si Sereia. Binigay niya ang hand bag na may laman na damit. Nilapag niya ito sa mesa at binigay kay Dismund."Ito na po iyong damit mo. Maraming salamat sa pagtulong mo sa akin kagabi," sinserong sabi ni Sereia.Pahapyaw na sinulyapan ni Dismund si Linux na nasa kanyang tabi. Nang makita niyang malamig pa rin ito kung tumitig ay napangiwi siya. "What are you thanking for? It's my duty as a brother to help you." Then he fakely chuckled.Pagkatapos niyon ay tumayo siya. "Maiwan ko muna kayo. I need to go to the comfort room."Biglang tumayo si Sereia. "Kung ganoon ay aalis na rin ako. Naibigay ko na ang suit. Iyan lang naman talaga ang sadya ko rito."Umiling si Dismund. "No, no, I mean." He fakely chuckled. "You guys talk," he said then quickly got out of the VIP room.Napatiimbagang si Sereia. Umupo siya na nasa mesa lang nakatingin. Pagkatapos ay kinalikot niya ang hawakan ng bag na may laman na suit ni Dismund. Doon niya ibinuhos ang kanyang sama ng loob.

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 28

    Hindi makatingin ng diretso si Sereia kay Jasmine. Ewan niya pero mistulang dinumbol ng malakas ang puso niyang nang banggitin iyon ni Jasmine. Kaagad niyang naalala si Linux.Napailong siya. Mabilis siyang umalis para pumasok sa kanyang kwarto.‎Habang tinantanaw ni Jasmine ang kaibigan ay bigla siyang may naalala. Tumayo siya at sinundan ito sa kwarto.‎‎"Sereia, natatandaan mo pa ba si Bryan?"‎‎Kumunot ang noo ni Sereia sa narinig. Mabagal niyang tinipa ang switch ng ilaw. Pagkatapos niya ay lumingon siya kay Jasmine.‎‎"Bakit?"‎‎Ngumisi ulit si Jasmine. "Umuwi na siya. And guess what, he wants to meet you."‎‎Tumango-tango lang si Sereia. "Ah, gano'n ba?"‎‎Napabusangot si Jasmine. Muli siyang lumapit kay Sereia at pinaglaruan ang buhok nito.‎‎"Bryan is quite good. Nagtataka talaga ako kung bakit ayaw mo sa kanya," pangungumbinsi pa ni Jasmine.‎‎Iniwas ni Sereia ang kanyang mata. Hindi siya kumibo. Lumapit siya sa closet at kumuha ng damit.‎‎Napahalukipkip si Jasmin

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 27- A lot of boys

    ‎"Sereia? Hey, ako 'to, si Dismund. Natatandaan mo naman siguro ako ano? Mahirap kalimutan ang kagwapuhan ko eh."‎‎Pinaikot ni Sereia ang kanyang mata. "Ilang taon tayo hindi nagkita, mayabang ka pa rin? Baka gusto mo magbago?"‎‎Napatawa si Dismund sa kabilang linya. "Hindi ko kailangan magbago dahil inborn na 'to. May maipagmayabang naman ako kaya okay lang. Gwapo naman talaga ako."‎‎Napabuntonghininga si Sereia sa narinig. "Mahangin, Dismund. Ano ba kasing gusto mo?"‎‎"Teka lang, ito naman oh. Galit na kaagad," nagtatampo pang saad ni Dismund.‎‎"Siraulo ka talaga. Ibababa ko na 'to," inis na wika ni Sereia.‎‎Akmang pipindutin na niya sana ang end button nang humabol sa pagsasalita si Dismund.‎‎"Teka lang kasi. Hindi ko pa nga nasabi kung anong sadya ko."‎‎Napabuga ng marahas na hangin si Sereia. "Ano ba kasi iyon?"‎‎"Ahm, nakauwi ka na ba?"Nalukot ang mukha ni Sereia sa narinig. "Bakit mo naman tinatanong?"‎‎"Hey, stop it. Seryoso na nga ako," ani pa ni Dismund.

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 26 - Brother in their eyes

    Pag-uwi ni Sereia sa boarding house ay nabungaran niya si Jasmine na nag-eepake ng gamit nito. Nakapkurap siya. ‎‎Pumasok siya sa boarding house. Mabagal niyang sinarado ang pinto habang pinagmamasdan ang kaibigan. Abala ito sa pag-aayos ng gamit nito sa pink na maleta.‎‎Kumunot ang noo ni Sereia. "Aalis ka?"‎‎Nag-angat ng tingin si Jasmine. Saglit siyang tumigil sa pagliligpit ng gamit nang makita niya si Sereia.‎‎"How's the party?" Jasmine asked.‎‎Bumagsak ang balikat ni Sereia. Umupo siya sa sofa at napabuntonghininga.‎‎"Okay lang naman," tamad na wika ni Sereia.‎‎Napataas ang kilay ni Jasmine sa narinig. Namewang siya. ‎‎"Aalis na nga ako, ganyan pa ang mukha mo?" may himig na pagtatampo na wika ni Jasmine.‎‎Pilit na ngumiti si Sereia. "Saan ka pala pupunta?"‎‎"Tsk." Tinabihan siya ni Jasmine. "Nakalimutan mo na ba? May trabaho na ako. Kailangan kong lumipat. Mas convenient sa akin ang manirahan sa mas malapit na boarding house sa pinagtatrabahuan ko. Nagkataon

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 25

    Nang marinig iyon ni Adriel ay napatiimbagang siya. Naikuyom niya ang kanyang kamay at binato ng hindi makapaniwalang tingin ang kanyang Mama.Napaismid siya. Manghang umiling-iling siya. Nahagip ng paningin niya ang mamahaling vase na nasa gilid ng kanyang kinatatayuan. Mabilis niya itong nilapitan.Ubod lakas na sinipa ni Adriel ang malaking antigo na vase dahilan upang mabasag ito. Kumalat sa sahig ang mga bubog nito. Ang iba pang piraso niyon ay sumalpok pa sa sofa dahil sa malakas ng pagkakasipa niya."Adriel!" Sigaw ni Anastasia.Ngumisi lang siya. Imbes na tumigil ay dinurog niya pa ang malalaking piraso ng vase. Inikot-ikot niya pa iyon habang tinapakan nang hindi pinutol ang pagtitigan nila ng kanyang Mama."Wala ka na talagang alam kung hindi mandaran at hawakan ang buhay ko. Ano? Hindi ka ba mapakali kung hindi mo napapaikot ang bawat sitwasyon sa buhay ko?" inis na saad ni Adriel."Watch your words, Adriel. I'm your—""Mom?" Si Adriel na ang nagdugtong sa sasabihin nito. U

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 24- Blocked

    "Why can't I get through? Binlock ka, Pre?"Napalitan ng madilim na emosiyon sa mukha ni Adriel. Mabilis pa sa alas kuwatro na nilapitan niya si Helios. Mabigat ang kanyang hakbang at nagsalubong ang kilay. Saka niya kinuha mula sa kamay nito ang kanyang selpon.Looking at the rejected call, he coldy said," why are you touching my phone?""What? I just did it because you're not in the mood," Helios answered. "Siya naman ang parati mo hinahanap kapag naiinis ka hindi ba? May problema ba roon?"Adriel clenched his jaw. "You contacted Sereia to comfort me or you contacted her just to annoy me? You know that I hate her. Why call her?"Hindi nakapagsalita si Helios. Namewang siya at tinitigan ang kaibigan.Muling tinignan ni Adriel ang kanyang selpon. Sinubukan niyang idial ang numero ni Sereia pero tama nga sinabi ni Helios. Hinawakan niya ng mariin ang selpon.Inagaw niya ang wine glass kay James. Binalibag niya ito sa gilid ng karaoke machine. Tumama iyon sa dingding. Nabasag iyon at na

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status