Share

Chapter 5

Author: Jeorgette
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-10 20:10:35

CHAPTER 5

Matagal na nakatitig si Mika sa mensahe. Dalawang bagay ang malinaw sa kaniya. Una, may taong nakakaalam na nagsimula na siyang mag-imbestiga. Ikalawa, may koneksiyon ang taong iyon sa mga lihim ng pamilya Monteverde.

Kinuha niya ang screenshot, itinago ang numero, at ipinadala ang mensahe kay Atty. Teresa. Hindi nagtagal, sumagot ang abogado.

[Do not respond to the sender. Preserve all messages and avoid investigating alone. We need to establish the identity of this person before taking further action.]

Ibinaba ni Mika ang cellphone.

Isabel. Ilang taon na niyang pinaniniwalaang namatay ang kapatid sa isang aksidente sa sasakyan.

May burol. May kabaong. May mga bulaklak. May mga taong nakiramay. Ngunit ngayon, alam na niyang buhay ito.

Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit. Bakit nagawa ni Isabel na magtago? At bakit ito nakipagsabwatan sa lalaking pinakasalan niya?

Nang bumalik si Mika sa bulwagan, naroon si Adrian. Nakatayo ang isang kasambahay sa tabi nito, may hawak na tray ng kape.

"Saan ka galing?"

"Sa labas."

"Kanino ka nakipagkita?"

"Sa abogado."

Napatigil ang kasambahay. Hindi inalis ni Adrian ang tingin sa kaniya.

"Talaga bang nag-hire ka ng abogado?"

"Nagpakonsulta lang ako."

"Para saan?"

"Para malaman ang mga karapatan ko."

Mahigpit nitong hinawakan ang patungan ng wheelchair.

"May ginagawa kang hindi mo naiintindihan."

"Posible."

"Rafael ba ang naglagay ng mga ideyang iyan sa isip mo?"

Hindi sumagot si Mika.

"Alam mo bang wala siyang pakialam sa iyo?"

"Kung ganoon, bakit ka nag-aalala sa pakikipag-usap ko sa kaniya?"

Saglit na natigilan si Adrian. Nakita ni Mika ang pagbabago sa ekspresyon nito. Hindi nito inaasahang sasagot siya nang ganoon.

"May mga bagay na hindi mo kailangang malaman."

"Kung gayon, wala ka ring karapatang magalit kapag hinahanap ko ang mga sagot."

Lumapit ito nang bahagya.

"You're my wife."

"At hindi ako pag-aari mo."

Naging matigas ang mukha nito. Ngunit bago pa ito makapagsalita, tumunog ang cellphone ni Mika.

Isang mensahe mula kay Rafael.

[Teresa informed me that you received another message concerning Isabel. Are you safe?]

Nag-alinlangan siya bago sumagot.

[MIKA: Safe naman ako sa ngayon. May gusto sana akong itanong tungkol kay Isabel.]

Ilang segundo ang lumipas bago sumagot si Rafael.

[Call me.]

Lumabas si Mika sa maliit na veranda sa likod ng mansiyon bago tinawagan ang lalaki.

"Rafael?"

"Nakita ko ang mensaheng ipinadala mo kay Teresa."

"Alam mo bang buhay si Isabel?"

Tahimik ito sa kabilang linya. Pagkatapos ay sumagot.

"May dahilan para maniwala akong hindi naging tama ang opisyal na kuwento tungkol sa pagkamatay niya."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Sinabihan akong namatay siya bago makarating ang ambulansiya sa ospital."

Napahigpit ang hawak ni Mika sa cellphone.

"Pero?"

"May nakita akong ulat na nagsasabing halos tatlong oras siyang nasa ospital bago naitala ang kaniyang pagkamatay."

Parang tumagilid ang mundo sa paligid ni Mika.

"At hindi mo iyon sinabi sa akin?"

"Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niyon noon."

"Pero alam mong may mali."

"Oo."

"At nanahimik ka?"

Hindi agad sumagot si Rafael.

"May mga bagay akong hindi ko naimbestigahan noon. Isa na roon ang nangyari kay Isabel."

Napalunok si Mika.

"Nasaan siya ngayon?"

"Hindi ko alam."

"Kung gayon, bakit mo ako tinutulungan?"

"May mga tanong din akong gustong masagot."

Napatitig siya sa hardin. Hindi pala siya ang nag-iisang taong may hinahanap na katotohanan.

"May isa pa akong gustong malaman," sabi niya.

"Ano iyon?"

"May alam ka ba tungkol sa Room 709 sa St. Catherine's Medical Center?"

Biglang tumahimik ang lalaki. Napansin iyon ni Mika.

"Rafael?"

"Saan mo narinig ang tungkol sa kuwartong iyan?"

May kakaibang bigat sa boses nito.

"May nagpadala sa akin ng mensahe."

"Anong eksaktong sinabi?"

Ikinuwento niya ang babala tungkol sa siyam niyang anak at ang utos na imbestigahan ang medical records ng Room 709. Nang matapos siya, narinig niya ang malalim na paghinga ni Rafael.

"Mikaela, huwag kang pupunta roon nang mag-isa."

"Bakit?"

"Dahil hindi lamang fertility treatments ang maaaring itinatago nila sa ospital na iyon."

"Anong alam mo?"

"Magsimula tayo sa pagkuha ng opisyal na records. Huwag kang magpadala sa mga hindi kilalang numero."

"At kung may alam kang hindi mo sinasabi sa akin?"

"Kung may makumpirma ako, sasabihin ko."

Hindi lubos na nasiyahan si Mika sa sagot.

Ngunit wala siyang ibang mapagpipilian sa ngayon.

"Kung gayon, gusto kong malaman ang lahat."

"Malalaman natin."

Pinatay niya ang tawag. Makalipas ang ilang minuto, bumalik si Mika sa kaniyang silid. Binuksan niya ang mensahe mula sa hindi kilalang numero. May bagong notification.

[Kung gusto mong malaman ang totoong nangyari kay Isabel, kailangan mong makita ang original hospital admission log. Huwag kang maniwala sa kopyang ibinigay sa pamilya.]

May kalakip itong larawan ng isang lumang dokumento. Pinalaki ni Mika ang imahe. Malabo ang ilang bahagi, ngunit nababasa pa rin niya ang petsa at oras ng admission. Nandoon ang pangalan ng ospital.

St. Catherine's Medical Center. At sa ibabang bahagi ng dokumento ay may nakasulat na tatlong salitang nagpahinto sa kaniyang paghinga.

TRANSFERRED ALIVE.

Napahawak siya sa bibig. Buhay si Isabel nang ilipat ito mula sa ospital. Kung ganoon, saan ito dinala? At bakit sinabi sa kaniyang namatay ito?

Mabilis niyang kinuhanan ng screenshot ang larawan, ngunit bago pa niya maipadala iyon kay Atty. Teresa, biglang naglaho ang mensahe. Sinubukan niyang buksan muli ang conversation.

Deleted.

Nanginginig ang kaniyang mga daliri habang nakatitig sa cellphone. Hindi na simpleng hinala ang lahat. May isang taong sadyang nagbibigay sa kaniya ng impormasyon. At tila alam nito ang bawat hakbang na ginagawa niya.

Biglang tumunog ang kaniyang telepono. May papasok na tawag. Napatingin siya sa caller ID. Halos mahulog ang cellphone sa kaniyang mga kamay.

ISABEL VILLANUEVA.

Ang pangalan ng babaeng apat na taon niyang iniyakan. Ang kapatid na pinaniwalaan niyang namatay. Ang babaeng nakita niyang nakatayo sa tabi ng kaniyang asawa bago siya namatay.

Muling tumunog ang cellphone ng tatlong beses. Dahan-dahang sinagot ni Mika ang tawag.

"Hello?"

Ilang segundo ang lumipas bago nagsalita ang kabilang linya.

"Mika?"

Napapikit siya. Kilala niya ang boses na iyon. Hindi niya kailangang makita ang mukha nito upang makilala.

"Isabel?"

May mahinang tawa sa kabilang linya.

"Matagal na tayong hindi nag-uusap, kapatid."

Napahigpit ang hawak ni Mika sa cellphone.

"Patay ka na."

Natahimik ang kabilang linya. Pagkatapos ay bumulong si Isabel.

"Kung ganoon, sino ang nakita mong nakatayo sa tabi ni Adrian?"

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Wife Who Refused to Die   Chapter 6

    KABANATA 6Ang Tawag Mula sa PatayNapatitig si Mikaela sa pangalang kumikislap sa screen ng kaniyang cellphone.Isabel Villanueva.Ilang segundo siyang hindi nakagalaw. Hindi maaari. Nakita na niya ang pangalan ng kapatid sa death certificate nito. Dumalo siya sa burol, umiyak sa harap ng kabaong, at sa loob ng maraming taon ay namuhay sa paniniwalang hindi na niya ito muling makikita.Ngunit ngayon, ang pangalan nitong iyon ang tumatawag sa kaniya.Nanginginig ang mga daliri niyang sinagot ang tawag.“Hello?”Walang sumagot.“Hello? Sino ito?”Isang mahinang paghinga ang narinig niya mula sa kabilang linya. Pagkatapos ay isang tinig ng babae ang marahang bumulong.“Mika?”Halos tumigil ang tibok ng puso niya.“Isabel?”Biglang naputol ang tawag.“Hello? Isabel!”Mabilis niyang tinawagan muli ang numero, ngunit hindi na ito matawagan. Ilang sandali siyang nakatitig sa cellphone, pilit na hinahabol ang sariling paghinga.Boses iyon ng kapatid niya. Sigurado siya. Kahit ilang taon na a

  • The Wife Who Refused to Die   Chapter 5

    CHAPTER 5Matagal na nakatitig si Mika sa mensahe. Dalawang bagay ang malinaw sa kaniya. Una, may taong nakakaalam na nagsimula na siyang mag-imbestiga. Ikalawa, may koneksiyon ang taong iyon sa mga lihim ng pamilya Monteverde.Kinuha niya ang screenshot, itinago ang numero, at ipinadala ang mensahe kay Atty. Teresa. Hindi nagtagal, sumagot ang abogado.[Do not respond to the sender. Preserve all messages and avoid investigating alone. We need to establish the identity of this person before taking further action.]Ibinaba ni Mika ang cellphone.Isabel. Ilang taon na niyang pinaniniwalaang namatay ang kapatid sa isang aksidente sa sasakyan.May burol. May kabaong. May mga bulaklak. May mga taong nakiramay. Ngunit ngayon, alam na niyang buhay ito.Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit. Bakit nagawa ni Isabel na magtago? At bakit ito nakipagsabwatan sa lalaking pinakasalan niya?Nang bumalik si Mika sa bulwagan, naroon si Adrian. Nakatayo ang isang kasambahay sa tabi nito, may hawak

  • The Wife Who Refused to Die   Chapter 4

    Kinabukasan, maagang nagising si Mika. Ilang beses niyang sinuri ang cellphone hanggang sa makita ang mensaheng ipinadala ni Rafael. May pangalan at contact details iyon ng isang abogado.Atty. Teresa Lim.Kasunod nito ang maikling mensahe.[She is independent. You can speak to her directly. Don't use anyone connected to the Monteverde family.]Agad niyang tinawagan ang numero at hindi nagtagal ay may sumagot."Good morning. Atty. Teresa Lim speaking.""Good morning, Attorney. Ako po si Mikaela Villanueva. Ibinigay po sa akin ni Mr. Rafael Monteverde ang inyong contact number.""Yes, Mrs. Monteverde. I was informed that you need legal assistance regarding your medical records.""Yes, Attorney. Maaari po ba tayong magkita?""Of course. Are you available at ten-thirty this morning?""Yes. Thank you."Pagkatapos ng tawag, matagal na nakatitig si Mika sa kaniyang cellphone.Isang maliit na hakbang. Ngunit sa unang pagkakataon, siya mismo ang nagdesisyon kung ano ang gagawin sa buhay niya.

  • The Wife Who Refused to Die   Chapter 3

    Si Rafael Monteverde. Kahit mula sa malayo, kapansin-pansin ang tahimik na awtoridad sa bawat kilos nito. Hindi ito nagmamadali, ngunit tila lahat ng tao sa paligid ay kusang nagbibigay-daan.Walang pagkakahawig sa nakababatang kapatid nitong si Adrian.Kung ang alindog ni Adrian ay laging nakalaan para sa mga taong nais nitong manipulahin, ang presensiya naman ni Rafael ay hindi nangangailangan ng pagpapanggap.Sa dati niyang buhay, bihira silang magkaroon ng pagkakataong makapag-usap nang personal. Bihira itong umuwi sa mansiyon. At kapag naroon man, kadalasan ay hindi ito nakikihalubilo sa pamilya.Ang alam lamang niya, dati itong isa sa pinakamakapangyarihang negosyante ng Monteverde Holdings bago biglang talikuran ang mundo ng negosyo at manirahan sa isang monasteryo sa Baguio. Walang nakakaalam kung bakit. Ngunit isang bagay ang palaging napapansin ni Mika.Hindi kailanman nagsasalita si Adrian tungkol sa kapatid nito nang walang bahid ng pagkainis. At may dahilan siya upang man

  • The Wife Who Refused to Die   Chapter 2

    Hunyo 18, 2022Hindi nakatulog nang maayos si Mika. Paulit-ulit niyang binasa ang mga mensaheng natanggap niya mula sa hindi kilalang numero. Hindi niya alam kung sino ang nagpadala o kung bakit nito alam ang tungkol sa siyam niyang anak.Ngunit isang bagay ang malinaw. Hindi aksidente ang nangyari sa kaniya. At kung may taong nakakaalam ng katotohanan, kailangan niyang mahanap ito.Itinago niya ang mga screenshot at ang numero ng nagpadala bago bumangon sa kama. Nang tumingin siya sa salamin, nakita niya ang dating sarili—ang babaeng naniniwalang ang pagiging mabuting asawa ay nangangahulugang laging umiintindi, laging nagpaparaya, at laging sumusunod. Hindi na niya iyon gustong balikan pa.Nang muling tumuktok si Aling Cora, sinabihan siya nitong naghihintay na ang pamilya sa ibaba."Pinababa na po kayo ni Don Emilio."Huminga nang malalim si Mika."Okay, Manang. Pababa na ako."Sa dining, nakaupo na ang pamilya Monteverde. Sa kabisera ng mahabang hapag ay naroon si Don Emilio Monte

  • The Wife Who Refused to Die   Chapter 1

    Hindi dapat marinig ni Mikaela Villanueva ang usapang iyon. Ngunit nang marinig niya ang pangalan niya mula sa bibig ng doktor, tuluyan nang nagbago ang lahat ng pinaniniwalaan niya tungkol sa kaniyang asawa.Nakatayo siya sa labas ng isang examination room sa pribadong ospital sa Makati, hawak ang resulta ng kaniyang ultrasound.Maayos ang tibok ng puso ng sanggol. Sa unang pagkakataon matapos ang siyam na beses na pagkawala ng kaniyang mga anak, naniwala siyang baka sa pagkakataong ito ay makauuwi na siya sa kanilang tahanan kasama ang isang batang matagal na niyang ipinagdarasal."Sigurado po ba kayong ligtas ang baby?" tanong niya sa doktor kanina.Ngumiti ang lalaki at sinabing maayos ang resulta. Kailangan lamang niyang magpahinga, umiwas sa stress, at bumalik para sa regular na pagsusuri. Kaya naman nang maalala niyang naiwan niya ang medical folder sa silid, agad siyang bumalik upang kunin iyon. Ngunit bago pa niya mahawakan ang doorknob, narinig niya ang pamilyar na boses ng

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status