LOGIN
Hindi dapat marinig ni Mikaela Villanueva ang usapang iyon. Ngunit nang marinig niya ang pangalan niya mula sa bibig ng doktor, tuluyan nang nagbago ang lahat ng pinaniniwalaan niya tungkol sa kaniyang asawa.
Nakatayo siya sa labas ng isang examination room sa pribadong ospital sa Makati, hawak ang resulta ng kaniyang ultrasound.
Maayos ang tibok ng puso ng sanggol. Sa unang pagkakataon matapos ang siyam na beses na pagkawala ng kaniyang mga anak, naniwala siyang baka sa pagkakataong ito ay makauuwi na siya sa kanilang tahanan kasama ang isang batang matagal na niyang ipinagdarasal.
"Sigurado po ba kayong ligtas ang baby?" tanong niya sa doktor kanina.
Ngumiti ang lalaki at sinabing maayos ang resulta. Kailangan lamang niyang magpahinga, umiwas sa stress, at bumalik para sa regular na pagsusuri. Kaya naman nang maalala niyang naiwan niya ang medical folder sa silid, agad siyang bumalik upang kunin iyon. Ngunit bago pa niya mahawakan ang doorknob, narinig niya ang pamilyar na boses ng kaniyang asawa.
"Hindi puwedeng umabot sa panganganak ang pagbubuntis na ito."
Nanlamig ang mga daliri ni Mika.
Adrian.
Apat na taon na silang kasal, at halos limang taon nang naging sentro ng buhay niya ang lalaking iyon. Siyam na beses na niyang sinubukang bigyan ito ng anak, ngunit siyam na beses ding nauwi sa pagdurugo, operasyon at pagkawala ng kanyang anak.
"Pero maayos ngayon ang resulta ng pagsusuri," maingat na sagot ng doktor. "Walang nakikitang komplikasyon. Kung ipagpapatuloy natin ang plano ninyo, kailangan nating tiyaking walang magiging bakas."
"Gaya ng dati," malamig na tugon ni Adrian. "Naitala naman ang mga nauna bilang natural complications. Ayokong may magbago sa medical records."
Napahawak si Mika sa dingding. Biglang bumalik sa kaniyang alaala ang mga gabing nagigising siyang basang-basa ng dugo, ang mga pagkakataong bigla siyang nanghihina, at ang mga panahong wala si Adrian sa tabi niya dahil lagi itong may mahalagang lakad.
Hindi. Hindi maaaring iyon ang ibig sabihin ng naririnig niya.
"Paano naman ang asawa ninyo?" tanong ng doktor.
"Hindi niya kailangang malaman."
Muntik nang mabitawan ni Mika ang folder nang may isa pang tinig na sumagot mula sa loob.
"Sigurado ka bang hindi siya maghihinala, Adrian?"
Napatigil ang kaniyang paghinga.
Isabel.
Hindi maaari. Apat na taon nang patay ang nakatatandang kapatid niya. Siya mismo ang umiyak sa burol nito, nagdala ng mga bulaklak sa puntod, at ilang taon ding sinisi ang sarili dahil hindi niya ito nailigtas sa aksidente.
"Walang dapat ikabahala," sagot ni Adrian. "Hindi niya alam na buhay ka."
Parang gumuho ang sahig sa ilalim ng mga paa ni Mika. Dahan-dahan siyang sumilip sa siwang ng p***o. At doon niya nakita ang lalaking minahal at inalagaan niya sa loob ng maraming taon.
Nakatayo si Adrian. Wala itong wheelchair, wala din tungkod. Walang kahit anong palatandaan ng kapansanang dahilan kung bakit halos lahat ng pangangailangan nito ay personal niyang inaasikaso.
Sa tabi nito ay nakatayo si Isabel, buhay na buhay, maganda, at tila walang anumang nangyari sa nakalipas na apat na taon.
"At ang bata?" tanong ni Isabel.
"Isa pang pagkakamali na kailangang itama."
"Hanggang kailan mo siya gagamitin?"
"Hanggang makuha ko ang kailangan ko."
Nang marinig iyon, tila may malamig na kamay na dumakma sa puso ni Mika. Hindi niya namalayang bahagyang gumalaw ang folder sa kaniyang mga kamay. Napatingin si Adrian sa pintuan sa hindi inaasahan, nagtagpo ang kanilang mga mata sa salamin ng kabinet.
"Mikaela?"
Bumukas ang p***o.
"Bakit ka nandito?"
Hindi agad nakasagot si Mika. Nakatingin lamang siya sa mga binti ng kaniyang asawa, sa lalaking ilang taon niyang tinulungan maligo, magbihis, at umupo sa wheelchair.
"Hindi ka..." Nanginginig ang kaniyang boses. "Hindi ka ba dapat nasa wheelchair?"
Hindi sumagot si Adrian. Sa halip, mabilis nitong inayos ang ekspresyon at lumapit sa kaniya.
"Umuwi na tayo. Pagod ka lang."
Umatras si Mika nang tangka nitong hawakan ang kaniyang braso.
"Buhay si Isabel."
Bahagyang ngumiti ang kapatid niya.
"Madali ka talagang maniwala, Mika."
Mas masakit pa iyon kaysa sa isang sampal.
"Bakit?" tanong niya. "Bakit ninyo ginawa sa akin ito?"
"Wala kang kailangang intindihin ngayon," malamig na sagot ni Adrian. "Ang mahalaga, kailangan nating ayusin ang pagbubuntis mo."
Napatingin siya sa hawak na ultrasound result.
"Maayos ang anak natin. Narinig ko ang tibok ng puso niya."
"Adrian, hindi ba masyadong maaga?" tanong ng doktor. "May panganib kung itutuloy natin ang procedure."
"Hindi ikaw ang magdedesisyon."
Naramdaman ni Mika na tila nawalan siya ng hangin.
"Kayo ang may gawa at dahilan ng pagkawala ng siyam kong anak?"
Walang sumagot. Hindi umimik si Adrian at hindi rin tumutol si Isabel. At sa katahimikang iyon, natagpuan ni Mika ang sagot sa tanong na ilang taon niyang kinatatakutan.
"Mga halimaw kayo, napakasama niyo!"
Biglang hinawakan ni Adrian ang kaniyang braso.
"Mag-ingat ka sa sinasabi mo."
"Pati ba ang mga anak ko? Sadyang pinatay ninyo sila?"
"Tumigil ka na, Mikaela."
Nang makawala siya sa pagkakahawak nito, mabilis siyang tumakbo palabas. Ngunit ilang hakbang pa lamang ay biglang sumakit ang kaniyang puson. Napahawak siya sa kanyang tiyan at biglang may mainit na likidong dumaloy sa kaniyang mga hita bago siya tuluyang bumagsak sa sahig.
Narinig niya ang sigaw ng nars at ang mga yabag ng mga taong nagmamadaling lumapit. Sa kabila ng sakit, nakita niyang lumuhod si Isabel sa tabi niya.
"Hindi mo dapat nalaman ang lahat ng ito," bulong nito.
Sinubukan ni Mika na abutin ang kapatid, ngunit wala na siyang lakas. Tumingin siya kay Adrian. Hindi na niya nagawang umiyak at wala na ding takot siyang naramdaman. Nakatayo lamang ito habang hinihintay ang sasabihin ng doktor.
"Doktor, kailangan nating ituloy ang procedure," malamig nitong utos.
At iyon ang huling narinig ni Mika bago tuluyang lamunin ng dilim ang kaniyang paningin.
Nagising si Mikaela nang biglang napaupo sa kama. Mabilis ang kaniyang paghinga. Kapwa kamay niya ang nakahawak sa tiyan habang pilit inuunawa kung bakit wala ang dugo, sakit, at mga taong huling nakita niya. Nasa kaniyang silid siya sa Monteverde residence sa Forbes Park.
Pamilyar ang bawat sulok—mula sa kulay-kremang kurtina hanggang sa malaking salamin sa tabi ng aparador. Ngunit nang mapansin niya ang kalendaryo sa mesa, napahawak siya rito.
Hunyo 18, 2022.
Nanlaki ang kaniyang mga mata.
"Hindi..."
Hinawakan niya ang sariling mukha. Wala ang mga bakas ng operasyon. Wala ang pagod na nakaukit sa kaniyang balat. Mas bata siya ng apat na taon.
Bumukas ang p***o.
"Ma'am Mika? Ayos lang po ba kayo?"
Si Aling Cora, ang matagal nang kasambahay ng pamilya.
"Ano'ng taon na, Manang?" agad niyang tanong.
Nagtaka ang matanda.
"Dalawang libo't dalawampu't dalawa po. Hunyo na, Ma'am."
Napatakip siya sa bibig. Bumalik siya at binigyan siya ng pagkakataong mabuhay muli. At hindi pa niya nararanasan ang siyam na beses na pagkawala ng kaniyang mga anak.
"Nasaan si Adrian?"
"Nasa ibaba po. May kausap sa telepono."
"Si Isabel?"
Saglit na umiwas ng tingin si Aling Cora.
"Wala naman po rito si Ma'am Isabel."
Unti-unting nabuo sa isip ni Mika ang katotohanang matagal nilang itinago sa kaniya. Ang kapatid na iniyakan niya at pinaniwalaang namatay ay hindi pala kailanman nawala o namatay.
Makalipas ang ilang minuto, pumasok si Adrian. Maayos ang buhok nito. Nakasuot ng mamahaling polo, at nakaupo sa wheelchair gaya ng pagkakakilala niya rito sa unang buhay.
"Good morning, sweetheart."
Napatingin si Mika sa mga kamay nito. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang sampalin ito at itanong kung ilang taon nitong pinaglaruan ang buhay niya.
Ngunit pinigilan niya ang sarili. Hindi pa ngayon.
"Good morning," mahinahon niyang sagot.
"Handa ka na ba? Tatawagan ko na ang doktor para sa treatment mo."
Pinilit niyang ngumiti.
"Gusto ko munang pumili ng sarili kong doktor. Magpapa-second opinion muna ako."
Nawala ang ngiti ni Adrian.
"Para saan pa?"
"Buhay at kalusugan ko ang nakataya rito, Adrian. Gusto kong maintindihan ang lahat bago ako sumailalim sa kahit anong procedure."
Matagal siyang tinitigan ng lalaki at pagkatapos ay bahagya itong ngumiti.
"If that’s what you want."
Tumango si Mika. Ngunit nang makalabas ito ng silid, agad niyang isinara ang p***o at inilabas ang kaniyang cellphone. Hindi niya alam kung bakit, ngunit may kutob siyang hindi lamang siya ang may alam sa mga lihim ng pamilyang Monteverde.
At hindi nga siya nagkamali. May pumasok na mensahe mula sa hindi kilalang numero.
[UNKNOWN NUMBER: Kung gusto mong mabuhay sa pagkakataong ito, huwag kang magtiwala kay Adrian Monteverde.]
Nanlamig ang kaniyang mga daliri at may sumunod pang mensahe.
[At huwag mong hanapin si Isabel sa puntod niya. Hindi siya namatay sa aksidenteng pinaniwalaan mo.]
Napahawak si Mika sa gilid ng mesa. Paano nalaman ng taong iyon ang tungkol sa kaniya? Mabilis siyang nag-type.
[MIKA: Sino ka?]
Ilang segundo ang lumipas bago dumating ang sagot.
[Isang taong nakakaalam kung ano ang nangyari sa siyam mong anak.]
Bago pa siya makapagtanong muli, may huling mensaheng pumasok.
[Kung gusto mong malaman kung sino ang tunay na pumatay sa kanila, hanapin mo ang medical records ng Room 709.]
Napatingin si Mika sa cellphone. Sa unang pagkakataon, hindi niya kailanman tinanong kung bakit Room 709 ang laging ginagamit para sa kaniyang mga fertility procedures.
Ngayon, mayroon siyang apat na taon upang malaman ang katotohanan. At sisimulan niya iyon sa araw na ito.
KABANATA 6Ang Tawag Mula sa PatayNapatitig si Mikaela sa pangalang kumikislap sa screen ng kaniyang cellphone.Isabel Villanueva.Ilang segundo siyang hindi nakagalaw. Hindi maaari. Nakita na niya ang pangalan ng kapatid sa death certificate nito. Dumalo siya sa burol, umiyak sa harap ng kabaong, at sa loob ng maraming taon ay namuhay sa paniniwalang hindi na niya ito muling makikita.Ngunit ngayon, ang pangalan nitong iyon ang tumatawag sa kaniya.Nanginginig ang mga daliri niyang sinagot ang tawag.“Hello?”Walang sumagot.“Hello? Sino ito?”Isang mahinang paghinga ang narinig niya mula sa kabilang linya. Pagkatapos ay isang tinig ng babae ang marahang bumulong.“Mika?”Halos tumigil ang tibok ng puso niya.“Isabel?”Biglang naputol ang tawag.“Hello? Isabel!”Mabilis niyang tinawagan muli ang numero, ngunit hindi na ito matawagan. Ilang sandali siyang nakatitig sa cellphone, pilit na hinahabol ang sariling paghinga.Boses iyon ng kapatid niya. Sigurado siya. Kahit ilang taon na a
CHAPTER 5Matagal na nakatitig si Mika sa mensahe. Dalawang bagay ang malinaw sa kaniya. Una, may taong nakakaalam na nagsimula na siyang mag-imbestiga. Ikalawa, may koneksiyon ang taong iyon sa mga lihim ng pamilya Monteverde.Kinuha niya ang screenshot, itinago ang numero, at ipinadala ang mensahe kay Atty. Teresa. Hindi nagtagal, sumagot ang abogado.[Do not respond to the sender. Preserve all messages and avoid investigating alone. We need to establish the identity of this person before taking further action.]Ibinaba ni Mika ang cellphone.Isabel. Ilang taon na niyang pinaniniwalaang namatay ang kapatid sa isang aksidente sa sasakyan.May burol. May kabaong. May mga bulaklak. May mga taong nakiramay. Ngunit ngayon, alam na niyang buhay ito.Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit. Bakit nagawa ni Isabel na magtago? At bakit ito nakipagsabwatan sa lalaking pinakasalan niya?Nang bumalik si Mika sa bulwagan, naroon si Adrian. Nakatayo ang isang kasambahay sa tabi nito, may hawak
Kinabukasan, maagang nagising si Mika. Ilang beses niyang sinuri ang cellphone hanggang sa makita ang mensaheng ipinadala ni Rafael. May pangalan at contact details iyon ng isang abogado.Atty. Teresa Lim.Kasunod nito ang maikling mensahe.[She is independent. You can speak to her directly. Don't use anyone connected to the Monteverde family.]Agad niyang tinawagan ang numero at hindi nagtagal ay may sumagot."Good morning. Atty. Teresa Lim speaking.""Good morning, Attorney. Ako po si Mikaela Villanueva. Ibinigay po sa akin ni Mr. Rafael Monteverde ang inyong contact number.""Yes, Mrs. Monteverde. I was informed that you need legal assistance regarding your medical records.""Yes, Attorney. Maaari po ba tayong magkita?""Of course. Are you available at ten-thirty this morning?""Yes. Thank you."Pagkatapos ng tawag, matagal na nakatitig si Mika sa kaniyang cellphone.Isang maliit na hakbang. Ngunit sa unang pagkakataon, siya mismo ang nagdesisyon kung ano ang gagawin sa buhay niya.
Si Rafael Monteverde. Kahit mula sa malayo, kapansin-pansin ang tahimik na awtoridad sa bawat kilos nito. Hindi ito nagmamadali, ngunit tila lahat ng tao sa paligid ay kusang nagbibigay-daan.Walang pagkakahawig sa nakababatang kapatid nitong si Adrian.Kung ang alindog ni Adrian ay laging nakalaan para sa mga taong nais nitong manipulahin, ang presensiya naman ni Rafael ay hindi nangangailangan ng pagpapanggap.Sa dati niyang buhay, bihira silang magkaroon ng pagkakataong makapag-usap nang personal. Bihira itong umuwi sa mansiyon. At kapag naroon man, kadalasan ay hindi ito nakikihalubilo sa pamilya.Ang alam lamang niya, dati itong isa sa pinakamakapangyarihang negosyante ng Monteverde Holdings bago biglang talikuran ang mundo ng negosyo at manirahan sa isang monasteryo sa Baguio. Walang nakakaalam kung bakit. Ngunit isang bagay ang palaging napapansin ni Mika.Hindi kailanman nagsasalita si Adrian tungkol sa kapatid nito nang walang bahid ng pagkainis. At may dahilan siya upang man
Hunyo 18, 2022Hindi nakatulog nang maayos si Mika. Paulit-ulit niyang binasa ang mga mensaheng natanggap niya mula sa hindi kilalang numero. Hindi niya alam kung sino ang nagpadala o kung bakit nito alam ang tungkol sa siyam niyang anak.Ngunit isang bagay ang malinaw. Hindi aksidente ang nangyari sa kaniya. At kung may taong nakakaalam ng katotohanan, kailangan niyang mahanap ito.Itinago niya ang mga screenshot at ang numero ng nagpadala bago bumangon sa kama. Nang tumingin siya sa salamin, nakita niya ang dating sarili—ang babaeng naniniwalang ang pagiging mabuting asawa ay nangangahulugang laging umiintindi, laging nagpaparaya, at laging sumusunod. Hindi na niya iyon gustong balikan pa.Nang muling tumuktok si Aling Cora, sinabihan siya nitong naghihintay na ang pamilya sa ibaba."Pinababa na po kayo ni Don Emilio."Huminga nang malalim si Mika."Okay, Manang. Pababa na ako."Sa dining, nakaupo na ang pamilya Monteverde. Sa kabisera ng mahabang hapag ay naroon si Don Emilio Monte
Hindi dapat marinig ni Mikaela Villanueva ang usapang iyon. Ngunit nang marinig niya ang pangalan niya mula sa bibig ng doktor, tuluyan nang nagbago ang lahat ng pinaniniwalaan niya tungkol sa kaniyang asawa.Nakatayo siya sa labas ng isang examination room sa pribadong ospital sa Makati, hawak ang resulta ng kaniyang ultrasound.Maayos ang tibok ng puso ng sanggol. Sa unang pagkakataon matapos ang siyam na beses na pagkawala ng kaniyang mga anak, naniwala siyang baka sa pagkakataong ito ay makauuwi na siya sa kanilang tahanan kasama ang isang batang matagal na niyang ipinagdarasal."Sigurado po ba kayong ligtas ang baby?" tanong niya sa doktor kanina.Ngumiti ang lalaki at sinabing maayos ang resulta. Kailangan lamang niyang magpahinga, umiwas sa stress, at bumalik para sa regular na pagsusuri. Kaya naman nang maalala niyang naiwan niya ang medical folder sa silid, agad siyang bumalik upang kunin iyon. Ngunit bago pa niya mahawakan ang doorknob, narinig niya ang pamilyar na boses ng







