Share

Chapter 142

Author: Sienna Fox
last update publish date: 2026-09-29 22:21:27

Sa pagkakataong ito hindi pinagbigyan ni Arabella ang gusto ng bata.

“Okay na po ako, kahit hindi na ako magpalit ng damit pwede pa rin naman kitang samahan. Hindi ba gusto mong ipakita sa akin ang maliit mong kabayo? Halika na.”

“Oh, sige po tara na po.” sagot ng bata.

Pagdating nila sa horse stable, inilabas ng staff ang maliit na kabayo ni Callie. Isa itong purong puting pony, napakalambot at makinis ng bahalahibo nito at sa ilalim ng sikat ng araw ay kumikislap na parang perlas.

Napakaga
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 147

    Malamig siyang tinitigan ng lalaki, biglang umangat ang isang mapangasar na ngiti sa gilid ng labi nito. Napansin ni Arabella ang pangungutya sa mga mata ni Nathaniel kaya bahagyang kumunot ang noo niya. Ano bang ibig sabihin nito?Ilang sandali lang, lumapit si Valentina kay Nathaniel at malambing na kumapit sa braso nito. “Babe, anong tinitingnan mo?”Nang yumuko si Valentina sa direksyon kung saan naka tingin ang lalaki, agad niyang nakita sina Lhanze at Arabella. Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Samantala, ibinaba ni Arabella ang kanyang tingin at iniwas na lang ang mga mata. “Tara na,” sabi ni Lhanze. Bahagyang tumango ang babae. “Hmm.”Sabay silang naglalakad patungo sa unahan, ngunit hindi nagtagal ay may nakasalubong silang mga kakilala kaya naman muli silang napahinto upang makipag kwentuhan. Samantala, nanatiling nakasabit ang braso ni Valentina sa braso ni Nathaniel habang magkasama silang bumababa sa hagdan. Ang suot ni Valentina ay isang puting f

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 146

    Bago mag-alas-siyete ng gabi, naihatid na ni Arabella si Callie sa bahay nito. Ayaw pa sanang umuwi ni Callie at ilang beses pa itong kumaway kay Arabella bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Nang makauwi sila Arabella at Joshua ay halos alas-otso na ng gabi. Pagpasok nila ng bahay, dumiretso sila sa sala. Nandoon din si Lhanze. Nasa byahe sila pauwi nang makatanggap ng tawag ang babae mula sa kuya niya, sinabi nito na nasa bahay nila si Lhanze. Kinabukasan ay pupunta ng manila ang magulang ni Lhanze, kaya ngayong araw ay pumunta siya sa bahay nila Arabella para sunduin si Quinn at ang anak nito. Pero hindi agad sila pinaalis ng mag-asawa hangga’t hindi sila kumakain ng hapunan. Bandang alas-tres pa lang ng hapon nang dumating si Lhanze sa bahay nila, at saka lang niya nalaman na wala pala roon si Arabella. “Professor.” magalang na bati ni Arabella. Bahagyang ngumiti si Lhanze bilang tugon, saka pinagmasdan ang dalawang sabay na dumating. Lumapit si Joshua sa sofa at kumporta

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 145

    Mabilis na binawi ni Nathaniel ang kanyang tingin sa dalawa at agad niyang pinasok ang kanyang sasakyan sa loob ng bahay. Samantala, minaneho naman ni Arabella ang kanyang sasakyan palabas ng village.Napatingin si Joshua sa babae, at marahang nagtanong. “Sa tingin mo ba, alam na niya kung sino ka?”Kalmadong nakatingin si Arabella sa daan. “Hindi ko alam, kung wala naman siyang sinabi isipin na lang nating wala pa rin siyang alam.”Kanina pa man, tila may hinala na si Irish tungkol sa kanya. Paano pa kaya si Nathaniel na matalino at mapagmasid. Mahal na mahal nito si Callie. At least, sa puso nito kapag pinagkumpara si Callie at Valentina walang duda na uunahin pa rin nito ang kanyang anak. Ngayon naman na siya ang gusto ng bata, hindi naman ito humahadlang. Para kay Arabella, sapat na makasama niya si Callie at magkaroon siya ng pagkakataong makita at alagaan ang bata sa mga susunod na araw. Hindi na nagtanong pa si Joshua, alam niyang alam ni Arabella ang ginagawa niya. “By t

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 144

    Hindi pa kailanman nakita ni Irish si Arabella noon, pero syempre alam niyang nagkaroon ng ganitong babae sa buhay ni Nathaniel. Alam niyang hindi ito gusto ng mga Monteverde, maging si Nathaniel ay ayaw din sa kanya. Dati iniisip niya na ang isang babaeng gumamit ng surrogate arrangement para lang makapasok sa isang mayamang pamilya ay tiyak na gagawin ang lahat para manatili sa tabi ni Nathaniel.Kahit gaano pa kasakit, malamang ay kakapit ito sa position nito bilang asawa ni Nathaniel. Pero ang hindi niya inaasahan na iba pala si Arabella, matapos nitong ipanganak ang nag-iisang anak na babae ng mga Monteverde agad siyang umalis. Maaari sana nitong gamitin ang bata para mas patatagin ang posisyon niya. Ngunit bigla na lamang siyang nawala ng parang bula, ni bakas ay hindi rin siya nag-iwan. Sa totoo lang, dahil doon ay hindi niya maiwasang magkaroon ng ibang tingin dito. Bahagyang tumawa ang kanyang asawa. “Baka tama nga ang pakiramdam ko.”Nanlaki ang mga mata ni Irish. “Kung

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 143

    Nang mapansin ni Julius na ayaw nang magsalita ni Nathaniel tungkol dito, hindi na siya muling nagtanong pa. Samantala, ang dalawang bata naman ay nakaramdam na ng gutom.Dinala nina Arabella at Yrish ang dalawang bata sa indoor lounge area para magpahinga. Nakahanda na roon ang mga meryenda para sa kanila. Pinapakain ni Callie si Arabella ng cake, kumagat naman ang babae sa iniaalok ng bata. Saka niya marahang hinaplos ang maliit nitong ulo, tinitigan niya ang namumulang pisngi ng kanyang anak at malumanay na sinabi,“Ikaw na ang kumain Callie, hindi pa naman ako nagugutom.”Nakaupo sila sa tapat ni Yrish na nakangiti silang pinagmamasdan. “Close talaga kayong dalawa ano?”Bahagyang ngumiti si Arabella. “Hehe hindi naman masyado, mahilig lang talaga ako sa mga bata.”Sa msa sandaling nagkwentuhan sila ni Yrish kanina, napansin niyang parang nagmula ito sa isang edukado at kagalang-galang na pamilya.Maging sa paraan ng pagsasalita nito ay kapansin-pansin ang magandang pagpapalaki

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 142

    Sa pagkakataong ito hindi pinagbigyan ni Arabella ang gusto ng bata. “Okay na po ako, kahit hindi na ako magpalit ng damit pwede pa rin naman kitang samahan. Hindi ba gusto mong ipakita sa akin ang maliit mong kabayo? Halika na.”“Oh, sige po tara na po.” sagot ng bata. Pagdating nila sa horse stable, inilabas ng staff ang maliit na kabayo ni Callie. Isa itong purong puting pony, napakalambot at makinis ng bahalahibo nito at sa ilalim ng sikat ng araw ay kumikislap na parang perlas. Napakaganda nito, agad na lumapit si Callie at niyakap ang ulo ng pony.“Hi Pearl, namiss mo ba ko? Dinalaw kita ngayon.”Tila tuwang-tuwa rin si Pearl nang makita ang maliit nitong amo, paulit-ulit nitong tinatapakan ang lupa gamit ang mga paa nito. Hinawakan ng bata ang renda ni Pearl at dinala ito papunta sa riding area habang nakasunod sa tabi niya si Arabella.Kakatanggap lang ni Nathaniel ng isang tawag tungkol sa trabaho kaya naman hindi pa ito nakasunod, mabuti na rin iyon. Sa ganitong paraan, m

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 2

    Mabuti na lamang at napansin siya ng isang nurse, na agad siyang inalalayan pabalik sa loob ng ospital.Ayon sa doktor, naapektuhan lamang ang sanggol dahil sa labis na stress at emosyon.Matapos humupa ang pananakit ng kanyang tiyan, pinayagan siyang makauwi.Mag-isa siyang nagmaneho pabalik sa ka

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 1

    Anim na buwan nang buntis si Arabella at kasalukuyan siyang nasa ospital para sa routine check-up niya. Malungkot siya dahil hindi siya nasamahan ng kanyang asawang si Nathaniel dahil may mahalaga daw itong aasikasuhin.Pagkalabas pa lang niya ng ospital, natigilan siya nang makita niya ang pamilya

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 7

    Nang marinig ni Joyce ang mga sinabi ni Arabella ay bigla siyang tumayo at mariin na hinampas ang lamesa.“Arabella!” Ngunit wala nang pakialam ang babae rito, tuluyan na siyang tumalikod at umalis. Pag balik niya sa kanyang lamesa, inilabas niya ang kanyang pocket mirror at tiningnan ang maliit n

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 6

    “Tapusin mo ang financial analysis ng bagong project bago mag tanghalian.”Bumalik si Arabella sa kanyang mesa.Kahit inilipat siya sa sekretarya bilang isang ordinaryong empleyado, marami pa ring trabahong hindi naman sakop ng posisyon niya ang pinapagawa sa kanya ni Joyce. Wala naman siyang magaw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status