LOGIN
KABANATA 1: Just me
"Where's my coffee, Bianca?" Napapikit ako sandali habang nakatingin sa hawak kong tablet. Alas-siyete y medya pa lamang ng umaga, pero tila katapusan na agad ng mundo para sa amo ko. Tiningnan ko ang relo sa kaliwang pulsuhan ko bago ibinaling ang tingin sa lalaking nakatayo sa likod ng napakalaki niyang mesa. "Magandang umaga rin po sa inyo, Mr. Fuego." Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha. Bahagyang nagdikit ang makakapal niyang kilay. "Ano'ng sinabi mo?" "Wala po, sir." Kaagad kong inilapag ang tablet sa mesa at iniabot sa kaniya ang hawak kong tasa ng kape. Maingat ko itong inilagay sa tabi ng kaniyang laptop. "Ang usual coffee ninyo. Black coffee, walang asukal at walang creamer. Gaya po ng nakasanayan ninyo." Kinuha niya iyon at humigop nang hindi man lang ako tinitingnan."You are five minutes late." Napatingin ako sa kaniya. Limang minuto. Walong taon na akong nagtatrabaho para sa lalaking ito, pero sapat na pala ang limang minutong pagkaantala para masira ang umaga niya. "Pasensya na po, sir. May aksidente kasi sa highway kaya-" "Kung ganoon, umalis ka nang mas maaga." Napadiin ang pagkakasara ng mga labi ko. Gusto ko siyang irapan at sagutin, pero syempre hindi ko ginawa. Sa halip ay... "Noted po, Mr. Fuego." Tumalikod na ako at akmang lalabas na nang muli niyang tawagin ang pangalan ko. "Bianca." Kaagad akong humarap. "Yes, sir?" "Where's the revised contract from Singapore?" "I already emailed it to you, Sir. Nag-print na rin ako ng kopya at inilagay sa folder ninyo. 9AM po ang meeting ninyo kay Mr. Anderson, kasunod ang board meeting ng 11AM. Nailipat na rin po sa 12:30PM ang lunch meeting ninyo kasama ang mga investors dahil mas maagang oras ang hiniling nila." Patuloy lamang siyang nakatingin sa akin. Naghintay ako kung may iba pa siyang ipag-uutos. "And your mother called last night, she's looking for you and she's asking me to remind you of your dinner with them on Sunday." Nagbago nang bahagya ang ekspresyon niya. "And what did you say?" "Nasa meeting pa po kayo." "Good." Tumango ako. "May iba pa po ba?" "Wala na. You can go." "Have a good morning, Mr. Fuego." Lumabas ako at marahang isinara ang malaking pintuan ng kaniyang opisina. And as usual, isa na namang araw ang kailangang harapin sa piling ng pinakamahirap na lalaking makatrabaho sa buong mundo. Si Mikael Alexander Fuego. Isang pangalan na sapat na para mapalingon ang sinumang babae. Sa edad na tatlumpu't lima, isa siya sa pinakabata at pinakamakapangyarihang bilyonaryo sa bansa. Siya ang presidente at CEO ng Fuego International Holdings, isang kumpanyang may malalaking negosyo sa real estate, hospitality, technology, at iba pang industriya. Mayaman, makapangyarihan, matalino at walang kaduda-dudang guwapo. At hindi madali ang pagiging secretary nya. Mayroon siyang presensiyang kayang magpatahimik sa isang buong conference room. Malalim ang kaniyang boses, bihirang magkaroon ng init ang kaniyang mga salita, at tila palaging naghahanap ng pagkakamali ang kaniyang mga mata. Ayaw niya sa mga taong incompetence, sa mga late, inconsistent, ayaw niyang nagkakamali. At higit sa lahat, ayaw niya sa mga taong sumasalungat sa kaniya. Alam ko ang lahat ng iyon dahil walong taon na akong nagtatrabaho para sa kaniya. Eight years, 2920 days na maagang paggising, paghahanda ng kaniyang schedule, pagsagot sa walang katapusang mga tawag, pag-aayos ng kaniyang mga meeting, pakikitungo sa mga business partner, at pagsigurado na maayos ang lahat sa buhay niya. I know his coffee, his choice of restaurant to do a dinner meeting. Alam kong hindi siya nag-aalmusal kapag maraming iniisip at kinukuskos niya ang pagitan ng mga kilay niya kapag sumasakit ang ulo. Alam ko ring mas gusto niyang manahimik kapag galit siya. Halos lahat ng bagay tungkol kay Mikael Fuego ay alam ko, maliban sa isang bagay... Kung ano ang pakiramdam nang mahalin niya. "Girl!" Napapitlag ako nang biglang may lumitaw sa tabi ng mesa ko. Paglingon ko ay nakita ko si Chloe, ang matalik kong kaibigan na may dalang dalawang tasang kape. "Good morning!" masigla niyang bati. "Ang ingay mo." "At ikaw naman, masyadong seryoso. O, para sa 'yo." Inilapag niya ang isang tasa sa harap ko. Ngumiti ako. "Thank you." Nagtatrabaho si Chloe sa marketing department. Hindi tulad ko, may pribilehiyo siyang makatrabaho ang mga taong marunong ngumiti. Sumandal siya sa mesa ko at sumulyap sa direksiyon ng opisina ni Mikael . "So, kamusta ang paborito nating ice prince ngayong umaga?" Napabuntong-hininga ako. "Ganoon pa rin." "Let me guess, may reklamo na naman?" "5 minutes." Kumunot ang noo niya. "Limang minuto ng ano?" "Pagka-late ko." Nanlaki ang mga mata niya bago siya humalakhak. "Nagbibiro ka ba?" "Sana nga." "Walong taon na, Bianca! Walong taon! Hindi ka pa rin ba nasasanay sa ugali niyan?" Humigop ako ng kape. "Sa kasamaang-palad, oo." "Kung ganoon, bakit hindi ka pa rin umaalis diyan?" Natigilan ako. Isang simpleng tanong, pero hindi ko alam kung paano sasagutin. Bakit nga ba naroon pa rin ako? Dahil ba sa sahod? Dahil sa magandang oportunidad sa trabaho Dahil nasanay na ako sa posisyon ko? O dahil may iba akong dahilan na matagal ko nang pilit itinatago at tinatanggi sa sarili ko? Ibinaba ko ang tingin sa mga dokumentong nasa mesa. "Dahil magaling ako sa trabaho ko." Matagal akong tinitigan ni Chloe. "Hindi iyan ang sagot na hinihintay ko." "Kung ganoon, huwag ka nang magtanong." Umikot ang mga mata niya. "Fine! Pero seryoso, Bella. Twenty-nine ka na. Maganda ka, matalino at may achievements na rin. Puwede kang magtrabaho kahit saan. Puwede ka ngang magtayo ng sarili mong negosyo kung gugustuhin mo." Napatawa ako nang mahina. "Hindi lahat ng tao ay may privilege na pumili kung ano ang gusto nila." "Totoo naman. Pero karapat-dapat ka ring maging masaya at you have the privilege to do so." Hindi ako sumagot. Dahil ang kaligayahan ay isa sa mga bagay na matagal ko nang hindi inaasahan, lalo na kung ang pag-uusapan ay ang lalaking nasa likod ng pintuan ng kaniyang opisina. "Bianca, come here." Agad akong tumayo nang marinig ang boses ni Mikael mula sa intercom. Kinuha ko ang tablet at naglakad patungo sa kaniyang opisina at iniwan si Chloe. "Yes, sir?" Nakatayo siya malapit sa malalaking salaming bintana. Nakalagay ang isang kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon habang hawak naman ng isa ang cellphone. "I-cancel mo ang appointment ko kay Mr. Richardson ngayong hapon." Tiningnan ko ang tablet ko. "May dahilan po ba, sir?" Ibinaba niya ang tawag at inilapag ang cellphone sa mesa. "May iba akong pupuntahan." "Should I reschedule it?" "Tomorrow." "Anong oras po?" "Whenever." Napatingin ako sa kaniya. "Sir, babalik na po kasi sa London bukas ng gabi si Mr. Richardson. I suggest na bago magtanghalian natin siya bigyan ng oras." Dahan-dahan siyang humarap sa akin. "Then do it, quit asking. You know your jpb." Napayuko ako nang bahagya. "Yes, Sir." Tumango ako kahit hindi ko mapigilang mainis. Minsan talaga iniisip ko kung paano niya napapatakbo ang isang kumpanyang nagkakahalaga ng bilyon-bilyon kung wala siya lagi sa mood. "May iba pa po ba?" "Meron. Ihanda mo ang mga dokumento para sa dinner ngayong gabi." "Ngayong gabi po?" Tumango siya. "With who po?" "I'm meeting the Laurent." Natigil ang mga daliri ko sa paggalaw sa screen. Laurent? Kilala ko ang apelyidong iyon, dahil kilala iyon ng halos lahat ng tao sa business world. Ang Laurent Group ay isa sa pinakamalalaking investment companies sa bansa. Kilala rin ang anak nilang si Victoria Laurent bilang isa sa pinakamagagandang socialite sa lungsod, at ayon sa mga kumakalat na usap-usapan sa opisina, ilang buwan na raw silang nagkikita ni Mikael . "May partikular po bang dress code para sa dinner, sir? Anything that I can prepare for you?" tanong ko habang pilit na pinananatiling maayos ang boses. "Formal." "Mag-isa po ba kayong pupunta?" Tumingin siya sa akin. "Why?" Umiling agad ako. "Wala po. Kinukumpirma ko lang ang mga kailangang i-prepare." "It's Victoria." Pinilit kong ngumiti. "Okay, sir." "Siguraduhin mong maayos ang lahat. Ayokong magkaroon ng anumang pagkakamali ngayong gabi." "Of course, sir." Tumalikod ako bago pa niya mapansin ang bahagyang pagbabago sa ekspresyon ko. Victoria Laurent. Maganda, mayaman, sopistikada, at kabilang sa mundong ginagalawan ni Mikael. Hindi tulad ko. Ako lang si Bianca Reyes, ang sekretaryang naghahanda ng kaniyang kape tuwing umaga at nagsisiguro na hindi siya nahuhuli sa kahit anong appointment. Wala akong karapatang magselos. Pero mukhang hindi kailanman natutong makinig sa katwiran ang puso ko.KABANATA 4: Who? "ANO?!" Napaatras ako nang halos mapasigaw si Chloe."Shhh! Hinaan mo ang boses mo!" suway ko sa kanya. Nasa pantry kami habang kinukwento sa kanya ang naging pag-uusap namin ni Mikael. Nakahawak siya sa magkabilang balikat ko habang nakatitig na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko."Sinabi mo sa kaniya?"Tumango ako. "Oo.""Na mahal mo siya?""Oo nga.""At ano'ng ginawa niya?"Napabuntong-hininga ako. "Hindi niya tinanggap ang resignation ko."Nanlaki ang mga mata niya. "Wait! What?""Sinabi niyang rejected."Ilang segundo siyang nakatitig sa akin bago napahawak sa noo nya. "Jusko, Bianca! Anong klaseng lalaki ba iyan?""Boss ko, natin.""Alam ko! Pero hindi ba niya naiintindihan na hindi ka niya or tayo pag-aari?"Napangiti ako nang bahagya. "Actually, iyon din ang sinabi ko.""Good! At least may natitira ka pang utak sa katawan mo."Napailing lang ako sa kaniya. "Ano? Totoo naman!" Umupo siya sa katapat kong silya at ibinaba ang hawak niyang kape. "Pero seryo
KABANATA 3: Other ways "Ulitin mo nga ang sinabi mo." Malamig ang boses ni Mikael, ngunit may kung anong kakaiba sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin. Hindi siya gumagalaw, hindi rin niya inaalis ang mga mata niya sa akin.Samantalang ako, pakiramdam ko ay unti-unting nawawala ang lakas ng mga tuhod ko. I did it. Nasabi ko na ang bagay na walong taon kong pilit ikinukubli at ngayon ay wala na akong paraan para bawiin iyon."Sir-""Hindi kita tinatanong kung anong tawag mo sa akin, Bianca." Bahagya siyang lumapit. "Gusto kong ulitin mo ang sinabi mo."Nagkuyom ang mga kamao ko upang humugot ng lakas ng loob. "Sa tingin ko po, malinaw naman ang sinabi ko.""Really?""Y-yes, sir.""Look at me... Straight in the eyes," utos niya. Napatingin na ako sa kaniya.Nasa harapan ko ang lalaking walong taon kong minahal nang tahimik. Ang lalaking naging sentro ng halos lahat ng araw ko. Ang lalaking kabisado ko ang bawat kilos, bawat ugali, at bawat pagbabago ng ekspresyon. Pero sa sandaling
KABANATA 2: Should I? Alas-sais na ng gabi nang muli akong pumasok sa opisina ni Mikael para i-upadate siya sa huling detalye ng dinner reservation niya. Naihanda ko na ang lahat. Ang restaurant, ang pribadong dining room, ang sasakyan, at maging ang mga bulaklak na hiniling ng pamilya Laurent."Bianca."Napatingala ako. Kakalabas lamang ni Mikael mula sa kaniyang private dressing room. Nakasuot na siya ng isang perpektong itim na suit, puting polo at itim na kurbata. Maayos ang pagkakabutones ng manggas niya at nakasuklay paatras ang kaniyang maitim na buhok.Sandali akong natigilan. Talagang napakaguwapo niya."Nakatitig ka ba sa akin?"Napabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang malalim niyang boses. Agad kong ibinaba ang tingin sa tablet ko."Hindi po, sir.""Kung ganoon, bakit nakatayo ka lang diyan?"Umayos ako ng tayo. "Just finalizing your schedule, sir.""Handa na ba ang lahat?""Opo, sir. Naghihintay na po ang sasakyan ninyo sa ibaba. Kumpirmado na rin ang reservation, at n
KABANATA 1: Just me"Where's my coffee, Bianca?"Napapikit ako sandali habang nakatingin sa hawak kong tablet. Alas-siyete y medya pa lamang ng umaga, pero tila katapusan na agad ng mundo para sa amo ko. Tiningnan ko ang relo sa kaliwang pulsuhan ko bago ibinaling ang tingin sa lalaking nakatayo sa likod ng napakalaki niyang mesa."Magandang umaga rin po sa inyo, Mr. Fuego."Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha. Bahagyang nagdikit ang makakapal niyang kilay. "Ano'ng sinabi mo?""Wala po, sir."Kaagad kong inilapag ang tablet sa mesa at iniabot sa kaniya ang hawak kong tasa ng kape. Maingat ko itong inilagay sa tabi ng kaniyang laptop. "Ang usual coffee ninyo. Black coffee, walang asukal at walang creamer. Gaya po ng nakasanayan ninyo."Kinuha niya iyon at humigop nang hindi man lang ako tinitingnan."You are five minutes late."Napatingin ako sa kaniya. Limang minuto. Walong taon na akong nagtatrabaho para sa lalaking ito, pero sapat na pala ang limang minutong pagkaantala para masira







