Share

K3: Other ways

Author: Serene Writes
last update publish date: 2026-11-13 07:02:34

KABANATA 3: Other ways 

"Ulitin mo nga ang sinabi mo." Malamig ang boses ni Mikael, ngunit may kung anong kakaiba sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin. Hindi siya gumagalaw, hindi rin niya inaalis ang mga mata niya sa akin.

Samantalang ako, pakiramdam ko ay unti-unting nawawala ang lakas ng mga tuhod ko. I did it. Nasabi ko na ang bagay na walong taon kong pilit ikinukubli at ngayon ay wala na akong paraan para bawiin iyon.

"Sir-"

"Hindi kita tinatanong kung anong tawag mo sa akin, Bianca." Bahagya siyang lumapit. "Gusto kong ulitin mo ang sinabi mo."

Nagkuyom ang mga kamao ko upang humugot ng lakas ng loob. "Sa tingin ko po, malinaw naman ang sinabi ko."

"Really?"

"Y-yes, sir."

"Look at me... Straight in the eyes," utos niya. 

Napatingin na ako sa kaniya.

Nasa harapan ko ang lalaking walong taon kong minahal nang tahimik. Ang lalaking naging sentro ng halos lahat ng araw ko. Ang lalaking kabisado ko ang bawat kilos, bawat ugali, at bawat pagbabago ng ekspresyon. Pero sa sandaling ito ay para akong isang estrangherang hindi niya kilala.

"Wala na po akong kailangang ipaliwanag."

Bahagyang kumunot ang noo niya. "You're resigning because you're in love with someone?" malamig ang tono niya. 

Napakurap-kurap ako at napailing. "Hindi po iyon ang sinabi ko."

"Then what exactly did you mean?"

Hindi niya na-gets? Wait! Is it a confession gone wrong? Shit! 

Huminga ako ng malalim. "Ang ibig ko pong sabihin, gusto ko nang magkaroon ng sariling buhay. Gusto kong subukan ang ibang bagay. Gusto kong magtrabaho sa lugar kung saan hindi ko kailangang umikot ang buong mundo ko sa iisang tao lang."

"At sino ang taong iyon?"

Napatitig ako sa kaniya. Hindi ba niya talaga naiintindihan o sadyang ayaw lang niyang tanggapin? Is it his way of rejecting me? 

"Sir, hindi na mahalaga iyon."

"Para sa akin, mahalaga."

Napatawa ako nang mapait. "Really, Sir?" Nasa tono ko ang di makapaniwala. 

Bahagyang nagdilim ang kaniyang mga mata. "What's that supposed to mean?"

"Wala po."

"Bianca."

"Please, Mr. Fuego. Huwag na nating pahabain ang usapang ito."

Napatingin siya sa resignation letter na nasa mesa at pagkatapos ay kinuha niya iyon. Binuksan niya ang sobre at mabilis na binasa ang nilalaman. Ilang segundo siyang tahimik saka muling nagkomento. "Thirty days' notice?"

"Opo. Susundin ko po ang nakasaad sa kontrata ko."

"Eight years."

"Excuse me?"

"Walong taon kang nagtatrabaho sa akin. At ngayon, bigla ka na lang aalis?"

Hindi ko alam kung bakit parang may kirot akong naramdaman sa tono niya. Hindi ko naman inaasahang magiging madali para sa kaniya ang pagtanggap sa desisyon ko, pero hindi ko rin inaasahang magiging ganito ang reaksyon at mararamdaman niya.

"Hindi naman po biglaan, sir. Matagal ko na itong pinag-iisipan."

"Kailan?"

"Matagal na po."

"How long?"

Napayuko ako dahil hindi ko na siya magawang tingnan ng diretso. "Matagal na."

Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa amin bago niya inilapag ang papel sa mesa. "Rejected."

Napatingin uli ako sa kaniya, gulat. "Sir?"

"Hindi ko tinatanggap ang resignation mo."

"Pero-"

"May trabaho ka pang kailangang tapusin."

Napasinghap ako. "Mr. Fuego, hindi po ba puwedeng pag-usapan natin ito nang maayos?"

"We are discussing it."

"Hindi po. Ipinag-uutos ninyo lang sa akin ang gusto ninyong mangyari."

Bahagyang tumaas ang kaniyang kilay. "Are you arguing with me?"

"Sa tingin ko po, may karapatan naman akong ipaliwanag ang sarili ko."

Tinitigan niya ako nang ilang segundo bago bahagyang napaatras. "Fine! Explain."

Napahinga ako nang malalim. "Pagod na po ako."

Natigilan siya. "Pagod?"

"Opo. Pagod na akong maging laging available. Pagod na akong unahin ang trabaho bago ang sarili ko. Pagod na akong kanselahin ang mga personal kong plano dahil may bigla kayong kailangang gawin. At higit sa lahat, pagod na akong magpanggap na wala lang sa akin ang lahat."

Hindi ako makapaniwalang nasasabi ko ang mga iyon. Walong taon akong nanahimik, walong taon kong pinili ang pag-unawa sa kaniya kaysa sa sarili ko, at ngayon ay para akong isang sirang gripo na hindi na kayang pigilan ang mga salitang matagal nang naiipon sa dibdib ko.

"Bianca..."

Umiling ako. "Please, sir. Hayaan na ninyo akong umalis."

Hindi siya sumagot. Kinuha niya ang resignation letter at muling isinuksok sa sobre.

"We'll talk about it later."

"Sir-"

"That's all."

At gaya ng nakasanayan, siya na naman ang nagdesisyon kung kailan matatapos ang usapan namin, pero sa pagkakataong ito, hindi na ako sumunod agad.

"Mr. Fuego..." Huminto siya at tiningnan lang ako. "Kung hindi ninyo tatanggapin ang resignation ko, maghahanap po ako ng ibang paraan."

"What does that mean?"

"Magre-resign po ako nang naaayon sa batas at sa kontrata ko. Hindi ko po kailangan ng pahintulot ninyo para magkaroon ng sariling buhay."

Natigilan siya. At bago pa niya ako mapigilan, tuluyan na akong lumabas ng kaniyang opisina.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Woman Behind His Success    K4: Who?

    KABANATA 4: Who? "ANO?!" Napaatras ako nang halos mapasigaw si Chloe."Shhh! Hinaan mo ang boses mo!" suway ko sa kanya. Nasa pantry kami habang kinukwento sa kanya ang naging pag-uusap namin ni Mikael. Nakahawak siya sa magkabilang balikat ko habang nakatitig na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko."Sinabi mo sa kaniya?"Tumango ako. "Oo.""Na mahal mo siya?""Oo nga.""At ano'ng ginawa niya?"Napabuntong-hininga ako. "Hindi niya tinanggap ang resignation ko."Nanlaki ang mga mata niya. "Wait! What?""Sinabi niyang rejected."Ilang segundo siyang nakatitig sa akin bago napahawak sa noo nya. "Jusko, Bianca! Anong klaseng lalaki ba iyan?""Boss ko, natin.""Alam ko! Pero hindi ba niya naiintindihan na hindi ka niya or tayo pag-aari?"Napangiti ako nang bahagya. "Actually, iyon din ang sinabi ko.""Good! At least may natitira ka pang utak sa katawan mo."Napailing lang ako sa kaniya. "Ano? Totoo naman!" Umupo siya sa katapat kong silya at ibinaba ang hawak niyang kape. "Pero seryo

  • The Woman Behind His Success    K3: Other ways

    KABANATA 3: Other ways "Ulitin mo nga ang sinabi mo." Malamig ang boses ni Mikael, ngunit may kung anong kakaiba sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin. Hindi siya gumagalaw, hindi rin niya inaalis ang mga mata niya sa akin.Samantalang ako, pakiramdam ko ay unti-unting nawawala ang lakas ng mga tuhod ko. I did it. Nasabi ko na ang bagay na walong taon kong pilit ikinukubli at ngayon ay wala na akong paraan para bawiin iyon."Sir-""Hindi kita tinatanong kung anong tawag mo sa akin, Bianca." Bahagya siyang lumapit. "Gusto kong ulitin mo ang sinabi mo."Nagkuyom ang mga kamao ko upang humugot ng lakas ng loob. "Sa tingin ko po, malinaw naman ang sinabi ko.""Really?""Y-yes, sir.""Look at me... Straight in the eyes," utos niya. Napatingin na ako sa kaniya.Nasa harapan ko ang lalaking walong taon kong minahal nang tahimik. Ang lalaking naging sentro ng halos lahat ng araw ko. Ang lalaking kabisado ko ang bawat kilos, bawat ugali, at bawat pagbabago ng ekspresyon. Pero sa sandaling

  • The Woman Behind His Success    K2: Should I?

    KABANATA 2: Should I? Alas-sais na ng gabi nang muli akong pumasok sa opisina ni Mikael para i-upadate siya sa huling detalye ng dinner reservation niya. Naihanda ko na ang lahat. Ang restaurant, ang pribadong dining room, ang sasakyan, at maging ang mga bulaklak na hiniling ng pamilya Laurent."Bianca."Napatingala ako. Kakalabas lamang ni Mikael mula sa kaniyang private dressing room. Nakasuot na siya ng isang perpektong itim na suit, puting polo at itim na kurbata. Maayos ang pagkakabutones ng manggas niya at nakasuklay paatras ang kaniyang maitim na buhok.Sandali akong natigilan. Talagang napakaguwapo niya."Nakatitig ka ba sa akin?"Napabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang malalim niyang boses. Agad kong ibinaba ang tingin sa tablet ko."Hindi po, sir.""Kung ganoon, bakit nakatayo ka lang diyan?"Umayos ako ng tayo. "Just finalizing your schedule, sir.""Handa na ba ang lahat?""Opo, sir. Naghihintay na po ang sasakyan ninyo sa ibaba. Kumpirmado na rin ang reservation, at n

  • The Woman Behind His Success    K1: Just Me

    KABANATA 1: Just me"Where's my coffee, Bianca?"Napapikit ako sandali habang nakatingin sa hawak kong tablet. Alas-siyete y medya pa lamang ng umaga, pero tila katapusan na agad ng mundo para sa amo ko. Tiningnan ko ang relo sa kaliwang pulsuhan ko bago ibinaling ang tingin sa lalaking nakatayo sa likod ng napakalaki niyang mesa."Magandang umaga rin po sa inyo, Mr. Fuego."Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha. Bahagyang nagdikit ang makakapal niyang kilay. "Ano'ng sinabi mo?""Wala po, sir."Kaagad kong inilapag ang tablet sa mesa at iniabot sa kaniya ang hawak kong tasa ng kape. Maingat ko itong inilagay sa tabi ng kaniyang laptop. "Ang usual coffee ninyo. Black coffee, walang asukal at walang creamer. Gaya po ng nakasanayan ninyo."Kinuha niya iyon at humigop nang hindi man lang ako tinitingnan."You are five minutes late."Napatingin ako sa kaniya. Limang minuto. Walong taon na akong nagtatrabaho para sa lalaking ito, pero sapat na pala ang limang minutong pagkaantala para masira

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status