Share

K4: Who?

Author: Serene Writes
last update publish date: 2026-11-13 07:04:25

KABANATA 4: Who?

"ANO?!" Napaatras ako nang halos mapasigaw si Chloe.

"Shhh! Hinaan mo ang boses mo!" suway ko sa kanya. 

Nasa pantry kami habang kinukwento sa kanya ang naging pag-uusap namin ni Mikael. Nakahawak siya sa magkabilang balikat ko habang nakatitig na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Sinabi mo sa kaniya?"

Tumango ako. "Oo."

"Na mahal mo siya?"

"Oo nga."

"At ano'ng ginawa niya?"

Napabuntong-hininga ako. "Hindi niya tinanggap ang resignation ko."

Nanlaki ang mga mata niya. "Wait! What?"

"Sinabi niyang rejected."

Ilang segundo siyang nakatitig sa akin bago napahawak sa noo nya. "Jusko, Bianca! Anong klaseng lalaki ba iyan?"

"Boss ko, natin."

"Alam ko! Pero hindi ba niya naiintindihan na hindi ka niya or tayo pag-aari?"

Napangiti ako nang bahagya. "Actually, iyon din ang sinabi ko."

"Good! At least may natitira ka pang utak sa katawan mo."

Napailing lang ako sa kaniya. 

"Ano? Totoo naman!" Umupo siya sa katapat kong silya at ibinaba ang hawak niyang kape. "Pero seryoso, Bi. Anong naramdaman mo nang sabihin mo sa kaniya?"

Saglit akong natahimik. Ano nga ba? Takot, hiya, panghihinayang, at higit sa lahat, sakit.

"Dapat masaya ako dahil nasabi ko na rin sa wakas."

"Pero?"

"Pero pakiramdam ko, lalo lang akong nasaktan." Hinawakan ni Chloe ang kamay ko. "Alam mo kung ano ang pinakamasakit? Na hindi man lang niya tinanong kung sino ang taong minahal ko. Hindi niya man lang tinanong kung bakit umabot ako sa puntong kailangan kong umalis."

"Pero tinanong ka niya kung may iba ka na."

"Ibang company."

Umirap siya. "Malay mo palusot niya lang yun." 

"At ano'ng ibig mong sabihin?"

Hindi agad nakasagot si Chloe saka sya bahagya siyang ngumiti. "Baka naman nagseselos."

Napatawa ako. "Please, don't."

"Why not? Hindi mo ba napansin? Hindi niya tinanggap ang resignation mo. Tinanong ka pa kung may iba ka na, at tinanong nya kung dahil ba sa engagement."

"Chloe, ikakasal na siya."

Nawala ang ngiti nito. "Ah, oo nga pala."

"At bukod doon, hindi naman ako basta-bastang empleyado lang sa kaniya. Ako ang personal secretary niya. Siyempre, mahihirapan siyang humanap ng kapalit ko."

"You're making excuses for him."

"Because that's the truth." Napahawak ako sa noo. "At ayokong umasa sa bagay na hindi naman sigurado."

Tahimik akong tinitigan ni Chloe. "Alam mo, Bi, minsan hindi mo kailangang malaman kung mahal ka rin ng isang tao bago ka magdesisyong piliin ang sarili mo."

Napangiti ako nang mapait. "Alam ko, pero sana mas madaling gawin iyon kaysa sabihin." 

Bandang alas-diyes y medya nang muli akong bumalik sa mesa ko. Abala ako sa pag-aayos ng mga dokumento nang tumunog ang intercom.

"Bianca, come in."

Kinuha ko ang tablet at tumayo. "Here we go again," bulong ko sa sarili. Kumatok ako nang dalawang beses bago pumasok. "Yes, sir?"

Nakatayo siya sa tabi ng kaniyang mesa habang may hawak na dalawang folder. "Sit."

"May kailangan po ba kayo?"

"Sit down, Bianca."

Wala akong nagawa kundi sumunod. Inilapag niya ang mga folder sa harap ko.

"I've reviewed your employment records."

Bahagya akong nagulat. "May problema po ba?"

"Wala." Binuksan niya ang unang folder at itinulak iyon palapit sa akin. "Your salary will be increased by thirty percent, effective immediately."

Nanlaki ang mga mata ko. "Sir?"

"Your position will also be upgraded. I want you to become my executive personal assistant."

Napatitig ako sa kaniya. Hindi ako agad nakapagsalita. "Executive personal assistant?"

"Yes."

"Pero personal secretary na po ako ninyo."

"I know."

"Then what's the difference?"

"Your responsibilities will expand. You'll accompany me to important business trips, handle my private appointments, and represent me in selected corporate functions."

Napakurap ako. "Mas marami po akong magiging trabaho."

"Obviously."

"At mas marami rin po akong oras na gugugulin sa inyo."

"That's part of the job."

Napatingin ako sa kaniya nang hindi makapaniwala. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa.

"Sir, hindi po ba ninyo naiintindihan?"

"What?"

"Ang dahilan kung bakit ako aalis ay dahil gusto ko nang magkaroon ng oras para sa sarili ko. Tapos bibigyan ninyo ako ng posisyong mas marami pang responsibilidad?"

"With a higher salary."

"That doesn't change anything."

Bahagyang sumikip ang kaniyang panga. "Everyone wants a promotion, Bianca."

"Pero hindi po lahat ng tao ay pera lang ang kailangan."

Natigilan siya. Muli akong tumingin sa folder at binasa iyon. Malaki ang halagang nakasulat sa kontrata, sapat para makapag-ipon ako, makatulong sa pamilya ko, at makapagsimula ng sariling negosyo. Pero hindi naman pera ang kulang sa akin. Time and peace of mind. At ang pagkakataong matutong mamuhay nang hindi naghihintay sa isang lalaking hindi naman ako kayang piliin.

"Thank you for the offer, sir," mahinahon kong sabi. "Pero hindi ko po ito matatanggap."

"Why?"

"Dahil gusto ko nang umalis."

"Bianca, you're making a mistake."

Ngumiti ako nang bahagya. "Posible po. Pero mas gugustuhin kong magkamali habang sinusubukan kong maging masaya kaysa manatili sa isang lugar na unti-unti akong nauubos."

Matagal niya akong tinitigan, pagkatapos ay isinara niya ang folder.

"You're dismissed."

Tumayo ako. "Thank you, sir."

Ngunit bago pa ako makalabas, narinig ko siyang muling nagsalita.

"Bianca."

Napahinto ako. "Yes?"

"Have you ever considered that leaving might not be the only solution?"

Napalingon ako. "Ano po ang ibig ninyong sabihin?"

Saglit siyang natahimik. Then he said, "Nothing. Go back to work."

Napailing ako nang bahagya. Minsan talaga napakahirap intindihin ng lalaking ito.

Alas-sais na ng gabi nang tuluyan akong makaalis sa opisina. Pagod na pagod ako. Buong araw akong abala sa mga dokumento, meeting, at kung anu-anong utos ni Mikael, pero kahit gaano ako kaabala, hindi ko maiwasang maalala ang naging usapan namin kanina.

Lalo na ang huling sinabi niya. "Have you ever considered that leaving might not be the only solution?" 

May solusyon pa nga ba rito sa nararamdaman ko bukod sa pag-alis? Napailing ako habang naghihintay ng elevator. 

"Bianca?"

Napalingon ako. Nakita ko si Ethan Fuego, ang nakababatang kapatid ni Mikael. Nakasuot siya ng simpleng polo shirt at maong, at may malapad na ngiti sa kaniyang mukha.

"Good evening, Sir Ethan."

"Uy! Uuwi ka na?"

"Opo. Kayo po bakit nandito? Gusto ninyo sabihan ko si Sir Mikael?"

"No need, may meeting ako kay Kuya. By the way, kumusta na siya?" 

Napatango ako. It's probably a personal meeting kaya hindi ako ang nag-set ng schedule. 

"Gaya pa rin po ng dati."

Tumawa siya. "Meaning, masungit pa rin?"

"Medyo."

"Medyo lang?"

Pareho kaming natawa. Sa magkapatid, si Ethan ang mas madaling pakisamahan. Hindi siya kasing seryoso ni Mikael at marunong siyang makipagbiruan sa mga empleyado.

"Sayang naman, akala ko magbabago na siya."

"Bakit naman po?"

"Wala lang."

Tiningnan niya ako nang ilang segundo. "You're leaving?"

Natigilan ako. "Paano ninyo nalaman?"

"May narinig ako."

Napabuntong-hininga ako. "Mabilis talaga kumalat ang balita rito."

"So totoo nga, you're resigning?"

Tumango ako. "Oo."

"Why?"

Hindi ako agad nakasagot. "Personal reasons."

Bahagya siyang tumango. "Well, that's sad."

Napangiti ako. "Marami naman pong kayang pumalit sa akin."

"Maybe, but I doubt Kuya will agree."

Napatingin ako sa kaniya. "Alam ninyo na po?"

"That he rejected your resignation?"

Napabuntong-hininga ako. "Yes."

Tumawa siya nang mahina. "That's so like him."

"Sir Ethan, huwag na po nating pag-usapan."

"Okay, okay. I won't."

Bago tuluyang bumukas ang elevator, bahagya siyang yumuko at bumulong. "By the way, Bianca."

"Yes?"

"Do you know how important you are to him?"

"Ano po?"

"Kuya has never allowed anyone to handle his personal affairs except you."

Napakunot ang noo ko. "Trabaho ko naman po iyon."

"Exactly."

Ngumiti siya. "Good night, Bianca."

"Good night."

Pumasok ako sa elevator at bago pa tuluyang magsara ang p***o, nakita ko siyang nakangiti pa rin. Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaiba sa paraan ng pagkakasabi niya ng mga salitang iyon.

***

Nasa loob na ako ng apartment ko nang tuluyan kong maibaba ang sarili sa sofa. Pagod na pagod ako. Tinanggal ko ang sapatos ko at marahang minasahe ang mga paa.

"Finally," bulong ko sa sarili ko. 

Tahimik ang buong apartment. Walang tumatawag, nag-uutos, naghihintay ng report. Walang Mikael Fuego. Napangiti ako. Siguro ganito ang pakiramdam kapag tuluyan na akong nakapag-resign. 

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang isang folder ng mga lumang larawan. May mga larawan ako kasama ang mga kaibigan ko, pamilya, at ilang larawan mula sa mga company events. Ngunit nang mapunta ang daliri ko sa isang partikular na larawan, natigilan ako. Larawan namin ni Mikael. Kuha iyon noong nakaraang Christmas party ng kumpanya. Nakatayo siya sa likuran ko, habang nakangiti naman ako sa camera. Hindi niya ako tinitingnan sa larawan. Nakatingin siya sa isang tao sa kabilang bahagi ng silid, pero kahit ganoon ay masaya ako noong gabing iyon, dahil iyon ang unang pagkakataong pumayag siyang makipag-picture sa akin nang hindi nagrereklamo.

Napatawa ako nang mahina. "Ang babaw mo talaga, Bianca."

Huling titig sa picture namin bago ko iyon tuluyang pinatay. 

Mali ito. Hindi na dapat ako mag-ipon ng mga dahilan para mag-stay sa kumpanya, dapat kong kinokolekta ay ang mga rason upang hindi na magbago pa ang isip ko. 

Nawala ako sa malalim na pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko nang makita ang pangalan sa screen.

MIKAEL FUEGO

Napaupo ako nang tuwid. Bakit na naman kaya siya tumatawag? Alas-onse na ng gabi, tapos na ang work hours ko. May emergency ba sa kumpanya o may nakalimutan na naman siyang dokumento? Ayoko sanang sagutin, kaso baka importante. 

Huminga ako nang malalim bago sagutin ang tawag. "Hello, sir?"

Ilang segundo ang lumipas bago ako nakarinig ng boses mula sa kabilang linya. "You're still awake."

Napakurap ako. "Yes, sir. May kailangan po ba kayo?"

"Have you eaten?"

Napatingin ako sa pagkain sa mesa. "Opo. Kumain na po ako."

"Good."

Naghintay ako ng susunod niyang sasabihin, ngunit ilang segundo ang lumipas at wala pa rin.

"Sir?"

"Hmm?"

"May kailangan po ba kayo?"

Muli siyang natahimik, pagkatapos ay narinig ko ang malalim niyang paghinga.

"About your resignation..."

Napapikit ako. Ito na naman kami.

"Sir, maaari po bang bukas na natin pag-usapan?"

"No."

Napabuntong-hininga ako. "Mr. Fuego, alas-onse na po ng gabi."

"I know what time it is."

"Kung ganoon-"

"Do you really want to leave?"

Natigilan ako. Ito ang unang pagkakataon na tinawagan niya ako nang hindi tungkol sa trabaho, at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pakiramdam ko sa loob ng walong taon, ngayon lang siya nagkaroon ng pakialam sa akin... Just when I'm leaving. 

Sa ilang beses nya akong tinanong kanina, sa hindi ko maintindihang dahilan ay parang mas mahirap iyong sagutin kaysa sa lahat ng mga tanong niya kanina.

"Opo," tanging nasabi ko sa mababang tono, hindi kasing taas ng kumpyansa ko kanina. 

"Why?"

Huminga ako nang malalim. "Dahil kailangan ko na pong piliin ang sarili ko." Paulit-ulit lang kami rito. 

Ilang segundo siyang walang imik, makaraan ang ilang segundo ay muli siyang nagsalita. 

"Bianca."

"Yes, sir?"

"Who is he?"

Napakunot ang noo ko. "Who?"

"The man you love."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako agad nakasagot at bago pa ako makapagsalita, idinugtong niya ang isang tanong na tuluyan nang nagpakirot sa puso ko. 

"Is he the reason you're leaving me?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Woman Behind His Success    K4: Who?

    KABANATA 4: Who? "ANO?!" Napaatras ako nang halos mapasigaw si Chloe."Shhh! Hinaan mo ang boses mo!" suway ko sa kanya. Nasa pantry kami habang kinukwento sa kanya ang naging pag-uusap namin ni Mikael. Nakahawak siya sa magkabilang balikat ko habang nakatitig na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko."Sinabi mo sa kaniya?"Tumango ako. "Oo.""Na mahal mo siya?""Oo nga.""At ano'ng ginawa niya?"Napabuntong-hininga ako. "Hindi niya tinanggap ang resignation ko."Nanlaki ang mga mata niya. "Wait! What?""Sinabi niyang rejected."Ilang segundo siyang nakatitig sa akin bago napahawak sa noo nya. "Jusko, Bianca! Anong klaseng lalaki ba iyan?""Boss ko, natin.""Alam ko! Pero hindi ba niya naiintindihan na hindi ka niya or tayo pag-aari?"Napangiti ako nang bahagya. "Actually, iyon din ang sinabi ko.""Good! At least may natitira ka pang utak sa katawan mo."Napailing lang ako sa kaniya. "Ano? Totoo naman!" Umupo siya sa katapat kong silya at ibinaba ang hawak niyang kape. "Pero seryo

  • The Woman Behind His Success    K3: Other ways

    KABANATA 3: Other ways "Ulitin mo nga ang sinabi mo." Malamig ang boses ni Mikael, ngunit may kung anong kakaiba sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin. Hindi siya gumagalaw, hindi rin niya inaalis ang mga mata niya sa akin.Samantalang ako, pakiramdam ko ay unti-unting nawawala ang lakas ng mga tuhod ko. I did it. Nasabi ko na ang bagay na walong taon kong pilit ikinukubli at ngayon ay wala na akong paraan para bawiin iyon."Sir-""Hindi kita tinatanong kung anong tawag mo sa akin, Bianca." Bahagya siyang lumapit. "Gusto kong ulitin mo ang sinabi mo."Nagkuyom ang mga kamao ko upang humugot ng lakas ng loob. "Sa tingin ko po, malinaw naman ang sinabi ko.""Really?""Y-yes, sir.""Look at me... Straight in the eyes," utos niya. Napatingin na ako sa kaniya.Nasa harapan ko ang lalaking walong taon kong minahal nang tahimik. Ang lalaking naging sentro ng halos lahat ng araw ko. Ang lalaking kabisado ko ang bawat kilos, bawat ugali, at bawat pagbabago ng ekspresyon. Pero sa sandaling

  • The Woman Behind His Success    K2: Should I?

    KABANATA 2: Should I? Alas-sais na ng gabi nang muli akong pumasok sa opisina ni Mikael para i-upadate siya sa huling detalye ng dinner reservation niya. Naihanda ko na ang lahat. Ang restaurant, ang pribadong dining room, ang sasakyan, at maging ang mga bulaklak na hiniling ng pamilya Laurent."Bianca."Napatingala ako. Kakalabas lamang ni Mikael mula sa kaniyang private dressing room. Nakasuot na siya ng isang perpektong itim na suit, puting polo at itim na kurbata. Maayos ang pagkakabutones ng manggas niya at nakasuklay paatras ang kaniyang maitim na buhok.Sandali akong natigilan. Talagang napakaguwapo niya."Nakatitig ka ba sa akin?"Napabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang malalim niyang boses. Agad kong ibinaba ang tingin sa tablet ko."Hindi po, sir.""Kung ganoon, bakit nakatayo ka lang diyan?"Umayos ako ng tayo. "Just finalizing your schedule, sir.""Handa na ba ang lahat?""Opo, sir. Naghihintay na po ang sasakyan ninyo sa ibaba. Kumpirmado na rin ang reservation, at n

  • The Woman Behind His Success    K1: Just Me

    KABANATA 1: Just me"Where's my coffee, Bianca?"Napapikit ako sandali habang nakatingin sa hawak kong tablet. Alas-siyete y medya pa lamang ng umaga, pero tila katapusan na agad ng mundo para sa amo ko. Tiningnan ko ang relo sa kaliwang pulsuhan ko bago ibinaling ang tingin sa lalaking nakatayo sa likod ng napakalaki niyang mesa."Magandang umaga rin po sa inyo, Mr. Fuego."Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha. Bahagyang nagdikit ang makakapal niyang kilay. "Ano'ng sinabi mo?""Wala po, sir."Kaagad kong inilapag ang tablet sa mesa at iniabot sa kaniya ang hawak kong tasa ng kape. Maingat ko itong inilagay sa tabi ng kaniyang laptop. "Ang usual coffee ninyo. Black coffee, walang asukal at walang creamer. Gaya po ng nakasanayan ninyo."Kinuha niya iyon at humigop nang hindi man lang ako tinitingnan."You are five minutes late."Napatingin ako sa kaniya. Limang minuto. Walong taon na akong nagtatrabaho para sa lalaking ito, pero sapat na pala ang limang minutong pagkaantala para masira

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status