LOGINKABANATA 2: Should I?
Alas-sais na ng gabi nang muli akong pumasok sa opisina ni Mikael para i-upadate siya sa huling detalye ng dinner reservation niya. Naihanda ko na ang lahat. Ang restaurant, ang pribadong dining room, ang sasakyan, at maging ang mga bulaklak na hiniling ng pamilya Laurent. "Bianca." Napatingala ako. Kakalabas lamang ni Mikael mula sa kaniyang private dressing room. Nakasuot na siya ng isang perpektong itim na suit, puting polo at itim na kurbata. Maayos ang pagkakabutones ng manggas niya at nakasuklay paatras ang kaniyang maitim na buhok. Sandali akong natigilan. Talagang napakaguwapo niya. "Nakatitig ka ba sa akin?" Napabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang malalim niyang boses. Agad kong ibinaba ang tingin sa tablet ko. "Hindi po, sir." "Kung ganoon, bakit nakatayo ka lang diyan?" Umayos ako ng tayo. "Just finalizing your schedule, sir." "Handa na ba ang lahat?" "Opo, sir. Naghihintay na po ang sasakyan ninyo sa ibaba. Kumpirmado na rin ang reservation, at naabisuhan na ang pamilya Laurent tungkol sa pagdating ninyo." Kinuha niya ang relo mula sa mesa at isinuot iyon sa kaniyang pulsuhan. "Good." Iniabot ko ang folder sa kaniya. Kinuha niya iyon ngunit bago ako tuluyang makalayo, sandaling napunta sa mukha ko ang kaniyang mga mata. "Uuwi ka na?" "Opo, sir. Maliban na lang kung may kailangan pa kayo." Tiningnan niya ang kaniyang relo. "Kumain ka na ba?" Napakurap ako. Hindi ko inaasahan ang tanong na iyon. "Excuse me po?" "Your dinner, have you eaten?" Ilang segundo ko siyang tinitigan bago umiling. "Hindi pa po." "And why?" Halos matawa ako. Talaga bang tinatanong niya kung bakit? "I'm still working, Sir." Nanatiling walang ekspresyon ang kaniyang mukha. "Eat, you might get sick," at pagkatapos sabihin iyon ay naglakad na siya palabas ng room. Naiwan akong nakatayo roon. Napakaliit na bagay lang, isang simpleng paalala lang pero siguro kapag ilang taon mong natanggap ang puro utos mula sa isang tao, kahit ang pinakamaliit na pagpapakita ng malasakit ay nagiging napakahalaga. Pinanood ko siyang mawala sa likod ng pintuan, pagkatapos ay napangiti ako sa sarili. "Huwag kang tanga, Bianca," bulong ko. Mabait lang siyang amo kahit na mas madalas masungit at demanding, wala nang iba. Alas-siyete na nang tuluyan akong makarating sa elevator. Akmang pipindutin ko na ang button nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. "Bianca!" Paglingon ko, nakita ko si Mikael na naglalakad papunta sa akin habang hawak ang cellphone niya. "Sir?" "Sumama ka sa akin." Kumunot ang noo ko. "Saan po?" "Sa dinner." Napatitig ako sa kaniya. "Pero, sir, hindi po ako kasama sa guest list." "Kailangan kong ma-review ang mga dokumento bago ang meeting. Ikaw ang mas nakakaalam sa mga detalye." "Hindi ko na lang po ba puwedeng ipadala sa inyo?" Pinindot niya ang elevator button. "Hindi." Napabuntong-hininga ako ng mahina. "Sige po, sir." Bumukas ang elevator at sabay kaming pumasok. Tahimik kaming nakatayo sa loob. Naamoy ko ang pabango niya, isang mamahalin, panlalaki at pamilyar na amoy. Ayokong alam ko kung ano ang amoy niya, ayokong nakikilala ko siya kahit nasa gitna ako ng napakaraming tao. At higit sa lahat, ayokong ganoon pa rin ang reaksiyon ng puso ko sa tuwing napapalapit siya sa akin. "Bianca." "Yes, sir?" "Nakikinig ka ba?" Napatingala ako. "Pasensya na po. Ano po iyon?" Nagtatakang tumingin siya sa akin. "Tinanong ko kung dala mo ang mga dokumento." Agad kong itinaas ang tablet ko. "Opo, sir. Nandito po ang lahat." Tumango lang siya. Bumukas ang elevator at naglakad kami patungo sa naghihintay na itim na Mercedes. Binuksan ng driver ang likurang pintuan. "Good evening, sir." Naunang pumasok si Mikael. Akmang pupunta ako sa passenger seat nang magsalita siya. "Sumakay ka." Napatingin ako sa kaniya. "Sir?" "Just do it." Nag-alinlangan ako bago pumasok sa sasakyan. Umupo ako sa kabilang side at nag-iwan ng sapat na distansiya sa pagitan naming dalawa. Eight years ko na siyang kasama... Bakit naiilang pa rin ako sa kanya? Isa sa mga pinakaprestihiyosong restaurant sa lungsod ang pinuntahan namin. Naghihintay na ang pamilya Laurent nang dumating kami. Agad na lumapit ang isang magandang babae na nakasuot ng eleganteng red dress. "Mikael!" Lumapit siya sa lalaki at hinalikan ito sa pisngi. "You're late." "Traffic." Tumawa siya. "Or you're just too busy again at work, like usual?" "That's why we're here." Bahagyang nawala ang ngiti ni Victoria bago niya napansing nakatayo ako sa likuran ni Mikael. Doon ko lang din na-realized na pinapanood ko na sila. "Oh, Bianca," nasambit niya. "Good evening, Miss Laurent," magalang kong bati. "You're joining us?" "Para lang po sa mga business matters." "Of course." Muli siyang tumingin kay Mikael. "Shall we?" Sumunod ako sa kanila papunta sa pribadong dining room. Habang nagaganap ang hapunan, tahimik lamang akong nakaupo sa tabi ni Mikael at sinusuri ang mga dokumento sa tuwing kailangan niya ang mga detalye roon. Samantala, halos hindi maalis ni Victoria ang kamay niya sa braso ni Mikael. Tumatawa siya sa bawat paminsan-minsang biro nito, lumalapit kapag may sinasabi, at sinisigurong mapapansin ng lahat kung gaano sila kakomportable sa isa't isa. Hindi ko siya masisisi. Kung ako ang nasa posisyon niya, marahil ay ganoon din ang gagawin ko. Maya-maya, hinawakan ni Victoria ang kamay ni Mikael. "Darling, napag-isipan mo na ba ang napag-usapan natin noong nakaraang linggo?" Patuloy lamang si Mikael sa pagbabasa ng dokumento. "Not yet." "Hinihintay na ng mommy mo ang sagot mo." "I'll talk to her." Ngumiti si Victoria. "Good. I think it's time we made things official." Nanginig ang mga daliri ko sa pagkakahawak sa tablet. Gawing opisyal? Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin at nagpanggap na abala sa pagsusuri ng kontrata. Hindi ko na kailangang marinig ang kasunod, alam ko na kung ano ang ibig sabihin niyon. Darating ang araw na magpapakasal si Mikael Fuego, at ako ang sekretaryang malamang na mag-aayos ng kasal niya. Nakakatawa, hindi ba? Walong taon mong minahal ang isang tao, pero sa huli, ikaw pa ang mag-aayos ng pinakamahalagang araw ng buhay niya kasama ang ibang babae. "Bianca." Agad akong napaangat ng tingin. "Yes, sir?" "Okay ka lang ba?" Napakurap ako. "Y-yes, sir." "Hindi ka nakikinig." "Pasensya na po, just doing my job." At hindi ko trabahong pakinggan ang relationship plans nyo. Gusto kong sabihin iyon ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Ilang sandali niya akong pinagmasdan bago muling ibinalik ang tingin sa dokumento. Muli akong yumuko. Sa pagkakataong iyon, sinigurado kong hindi niya makikita ang ekspresyon ng mukha ko. Mag-aalas-diyes na nang tuluyan kaming makaalis sa restaurant. Nauna nang umuwi si Victoria kasama ang mga magulang nito habang may ilan pang tawag na kailangang sagutin si Mikael. Nakatayo ako sa tabi ng sasakyan habang tinitingnan ang mga natitirang email sa cellphone ko. "Bianca." "Sir?" "Get in." Binuksan ko ang p***o at umupo sa dati kong puwesto. Ilang minuto kaming walang imikan. Dumaraan ang mga ilaw ng lungsod sa madilim na salamin ng sasakyan, at paminsan-minsang nasisinagan ang mukha ni Mikael. Nakatingin siya sa cellphone niya habang seryosong nagbabasa ng kung ano. Inilihis ko ang tingin ko. Hindi ko na dapat iniisip ang tungkol sa kaniya. Marahil ay panahon na para tanggapin kong sapat na ang walong taon, kailangan ko na ng buhay sa labas ng opisina. Isang buhay na hindi umiikot kay Mikael Fuego. "Bianca." Bahagyang humarap ako sa kaniya. "Yes, sir?" "Bukas ihanda mo ang mga kinakailangang dokumento para sa announcement ng engagement namin." Parang may kung anong bumagsak sa dibdib ko. Sinubukan kong panatilihing normal ang ekspresyon ko. "Engagement announcement po?" Sa wakas ay tumingin siya sa akin. "Yes. Gusto ng mom ko na gawing opisyal na sa susunod na buwan." Dahan-dahan akong tumango. "Understood, sir." "What's wrong?" "Wala po." "Then what's with that look?" Pinilit kong ngumiti at umiling. "Congratulations, Mr. Fuego." Matagal niya akong tinitigan. Sa hindi ko malamang dahilan, hindi siya agad sumagot. "That's all?" Nagtataka ko siyang tiningnan. "Ano pong ibig ninyong sabihin?" "Wala." Muli siyang bumaling sa bintana. Napatingin ako sa sarili kong mga kamay. Congratulations... Mapait ang salitang iyon para sa akin. Halos alas-onse na nang makarating kami sa mansiyon ng mga Fuego. Naunang bumaba si Mikael, sumunod ako habang hawak ang mga dokumentong dala niya mula sa restaurant. "Sir, ito po ang mga kontrata para sa meeting ninyo bukas. I know you want to read it before the meeting." Kinuha niya ang mga iyon mula sa kamay ko. "Thank you." Tumango ako. "Good night, Mr. Fuego." Akmang tatalikod na ako nang muli niya akong tawagin. "Bianca." Lumingon ako. "Yes?" Nakatayo siya sa ilalim ng maiinit na ilaw sa entrada ng mansiyon. Hindi pa rin mabasa sa mukha niya ang kaniyang iniisip. "Have a good enough sleep." Napangiti ako nang bahagya. "Thank you, sir." "Good night." "Good night." Naglakad ako patungo sa sasakyang maghahatid sa akin pauwi. At sa unang pagkakataon sa loob ng walong taon, naisip ko kung ano ang mangyayari kung bigla na lamang akong hindi pumasok. Mapapansin kaya niya? Hahanapin kaya niya ako o wala man lang itong magiging epekto sa kaniya? Umiling ako. Nakakatawa na umasa pa ako ng kung ano mula sa isang lalaking wala namang ipinangako sa akin. I'm just his secretary, nothing else. I should stop thinking the what ifs... Or to hope for something. At bukas, gigising ako, maghahanda ng kape niya, mag-aayos ng schedule niya, at tutulong sa paghahanda ng engagement niya sa ibang babae. Gaya ng lagi kong ginagawa. Pero sa pagkakataong ito, hindi na ako sigurado kung hanggang kailan kakayanin ng puso ko. *KINABUKASAN* "Good morning, Mr. Fuego." Pumasok ako sa opisina ni Mikael habang dala ang paborito niyang kape at isang folder na naglalaman ng bago niyang schedule. Nakaupo na siya sa likod ng kaniyang mesa at may binabasa sa laptop. Inilapag ko ang kape sa tabi niya. "Your coffee, sir." Tumango siya nang hindi iniaangat ang tingin. Binuksan ko ang tablet ko at nagsimulang basahin iyon kahit di siya nakatingin sa akin. "Ang una ninyo pong meeting ay 9am. May conference call kayo sa Singapore ng 10:30am, kasunod ang lunch meeting kasama ang mga board members. Tumawag din po kaninang umaga ang mommy ninyo tungkol sa announcement ng engagement. Pati po yung na-postpone na meeting ninyo-" "I-postpone mo ang lahat." Natigil ako at mula sa tablet ay nabalik ang tingin ko sa kaniya. "Excuse me po?" Sa wakas ay inangat niya ang mukha. "Postpone the important, cancel the less." "Any reason, sir?" Isinara niya ang laptop at sumandal sa kaniyang upuan. "Kailangan kitang makausap." Napakurap ako. "Tungkol saan po?" "Sa resignation mo." Biglang nanlamig ang buong katawan ko. Napatitig ako sa kaniya, iniisip kung tama ba ang pagkakarinig ko. "Sa resignation ko?" Tumango siya. "Yes." Dahan-dahan kong inilapag ang tablet sa mesa. "Paano ninyo-" "Nasa mesa ko ang resignation letter mo." Sinundan ng mga mata ko ang direksiyon ng kaniyang tingin, at naroon nga ang isang puting sobre na may pangalan ko. Ang resignation letter na inihanda ko kagabi na balak ko sanang isumite bago matapos ang buwan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "Sir, maipapaliwanag ko po-" "Then explain." Diretso ang tingin niya sa akin. "Bakit ka aalis, Bianca?" Napalunok ako. Sa loob ng walong taon, palagi kong alam kung ano ang sasabihin sa lalaking ito. Alam ko kung paano sagutin ang mga tanong niya, kung paano unahan ang mga kailangan niya, at kung paano pakalmahin ang galit niya. Pero ngayon ay wala akong mahanap na tamang salita. "Sir, may deadline po kasi ako sa-" Bahagyang nanigas ang panga niya. "Don't change the topic." "Pero Sir-" "Look at me and tell me 'why are you leaving?" Dahan-dahan kong itinaas ang mukha ko. Nagtagpo ang mga mata namin at sa unang pagkakataon sa loob ng walong taon, nagpasiya akong huwag nang magsinungaling. "Dahil sa tingin ko, panahon na para mabuhay naman ako para sa sarili ko, Mr. Fuego." Napuno ng katahimikan ang buong silid. Matagal niya akong tinitigan na para bang ngayon lamang niya narinig ang pagsasalita ko nang ganoon. Pagkatapos ay tumayo siya. "Dahil ba ito sa engagement?" Isang malakas na pintig ang naramdaman ko sa dibdib ko. Pinilit kong ngumiti. "Bakit naman po?" Naglakad siya palibot sa kaniyang mesa at huminto sa harap ko. "Bianca." "Yes, sir?" "Look at me." Sinunod ko siya. Matiim niyang pinagmasdan ang mukha ko. "May iba ka na ba?" Halos matawa ako. May iba? Kung alam lang niyang wala namang naging iba. Na ang dahilan kung bakit ako aalis ay nakatayo mismo sa harapan ko. "Are you considering other offers from other companies? I know you received a lot, it's impossible not to have a single company having interest in you based on your profile with my company. So, have you?" Huminga ako nang malalim. "Wala po, sir." "Kung ganoon, bigyan mo ako ng isang magandang dahilan kung bakit dapat kong tanggapin ang resignation mo." Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya. "Dahil hindi ko na kayang gugulin ang buhay ko sa pagmamahal sa isang taong hinding-hindi naman ako mamahalin pabalik." Biglang nagbago ang ekspresyon niya. He's speechless. Habang ako ay hindi alam kung dapat ko bang pagsisihan ang pagtatapat ko ng nararamdaman sa kanya.KABANATA 4: Who? "ANO?!" Napaatras ako nang halos mapasigaw si Chloe."Shhh! Hinaan mo ang boses mo!" suway ko sa kanya. Nasa pantry kami habang kinukwento sa kanya ang naging pag-uusap namin ni Mikael. Nakahawak siya sa magkabilang balikat ko habang nakatitig na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko."Sinabi mo sa kaniya?"Tumango ako. "Oo.""Na mahal mo siya?""Oo nga.""At ano'ng ginawa niya?"Napabuntong-hininga ako. "Hindi niya tinanggap ang resignation ko."Nanlaki ang mga mata niya. "Wait! What?""Sinabi niyang rejected."Ilang segundo siyang nakatitig sa akin bago napahawak sa noo nya. "Jusko, Bianca! Anong klaseng lalaki ba iyan?""Boss ko, natin.""Alam ko! Pero hindi ba niya naiintindihan na hindi ka niya or tayo pag-aari?"Napangiti ako nang bahagya. "Actually, iyon din ang sinabi ko.""Good! At least may natitira ka pang utak sa katawan mo."Napailing lang ako sa kaniya. "Ano? Totoo naman!" Umupo siya sa katapat kong silya at ibinaba ang hawak niyang kape. "Pero seryo
KABANATA 3: Other ways "Ulitin mo nga ang sinabi mo." Malamig ang boses ni Mikael, ngunit may kung anong kakaiba sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin. Hindi siya gumagalaw, hindi rin niya inaalis ang mga mata niya sa akin.Samantalang ako, pakiramdam ko ay unti-unting nawawala ang lakas ng mga tuhod ko. I did it. Nasabi ko na ang bagay na walong taon kong pilit ikinukubli at ngayon ay wala na akong paraan para bawiin iyon."Sir-""Hindi kita tinatanong kung anong tawag mo sa akin, Bianca." Bahagya siyang lumapit. "Gusto kong ulitin mo ang sinabi mo."Nagkuyom ang mga kamao ko upang humugot ng lakas ng loob. "Sa tingin ko po, malinaw naman ang sinabi ko.""Really?""Y-yes, sir.""Look at me... Straight in the eyes," utos niya. Napatingin na ako sa kaniya.Nasa harapan ko ang lalaking walong taon kong minahal nang tahimik. Ang lalaking naging sentro ng halos lahat ng araw ko. Ang lalaking kabisado ko ang bawat kilos, bawat ugali, at bawat pagbabago ng ekspresyon. Pero sa sandaling
KABANATA 2: Should I? Alas-sais na ng gabi nang muli akong pumasok sa opisina ni Mikael para i-upadate siya sa huling detalye ng dinner reservation niya. Naihanda ko na ang lahat. Ang restaurant, ang pribadong dining room, ang sasakyan, at maging ang mga bulaklak na hiniling ng pamilya Laurent."Bianca."Napatingala ako. Kakalabas lamang ni Mikael mula sa kaniyang private dressing room. Nakasuot na siya ng isang perpektong itim na suit, puting polo at itim na kurbata. Maayos ang pagkakabutones ng manggas niya at nakasuklay paatras ang kaniyang maitim na buhok.Sandali akong natigilan. Talagang napakaguwapo niya."Nakatitig ka ba sa akin?"Napabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang malalim niyang boses. Agad kong ibinaba ang tingin sa tablet ko."Hindi po, sir.""Kung ganoon, bakit nakatayo ka lang diyan?"Umayos ako ng tayo. "Just finalizing your schedule, sir.""Handa na ba ang lahat?""Opo, sir. Naghihintay na po ang sasakyan ninyo sa ibaba. Kumpirmado na rin ang reservation, at n
KABANATA 1: Just me"Where's my coffee, Bianca?"Napapikit ako sandali habang nakatingin sa hawak kong tablet. Alas-siyete y medya pa lamang ng umaga, pero tila katapusan na agad ng mundo para sa amo ko. Tiningnan ko ang relo sa kaliwang pulsuhan ko bago ibinaling ang tingin sa lalaking nakatayo sa likod ng napakalaki niyang mesa."Magandang umaga rin po sa inyo, Mr. Fuego."Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha. Bahagyang nagdikit ang makakapal niyang kilay. "Ano'ng sinabi mo?""Wala po, sir."Kaagad kong inilapag ang tablet sa mesa at iniabot sa kaniya ang hawak kong tasa ng kape. Maingat ko itong inilagay sa tabi ng kaniyang laptop. "Ang usual coffee ninyo. Black coffee, walang asukal at walang creamer. Gaya po ng nakasanayan ninyo."Kinuha niya iyon at humigop nang hindi man lang ako tinitingnan."You are five minutes late."Napatingin ako sa kaniya. Limang minuto. Walong taon na akong nagtatrabaho para sa lalaking ito, pero sapat na pala ang limang minutong pagkaantala para masira







