LOGINHinihila ko ang maleta ko sa sementadong daan patungo sa mansion. Habang naglalakad, hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait. Ang layo ng lugar na ito sa Manila, animo'y sumasalamin sa distansya ko sa sarili kong pamilya.
Maliit pa lang ako ay alam ko na ang puwang ko sa pamilya namin, na dapat laging nasa likuran ako ni Liana. Kung may bagong manika, awtomatikong kan'ya iyon habang sa akin naman ay ang pinaglumaan na niya. Kung may pagkakamali kaming pareho, ako ang sesermonan at siya ang kukunsintihin. Ang kagaspangan ng ugali ni Liana ngayon ay dahil iyon sa mga magulang namin; hinubog nila iyon sa pamamagitan ng pag-spoil nila ng malala sa kaniya. Lahat ng layaw niya ay ibinibigay nila agad, bagay na hindi nila magawa sa akin hanggang ngayon. Kaya kahit ayaw ko sa pabor na ito ni Liana na magpanggap ako bilang siya, pumayag na ako dahil alam ko na isang hiling lang niya kina Mommy't Daddy na sa Japan na ako pag-aralin sa darating na pasukan, tiyak na papayag na sila. Ayaw nila kasi nang ako ang nakiusap. Kesyo, dagdag gastusin lang daw kahit kayang-kaya naman talaga nila dahil sa yaman nila. “Don’t worry, Lana. Pagkatapos nito, malaya ka na,” alo ko ulit sa sarili ko. Tumingin ako sa paligid. Sa kabila ng nakakainis na ipinakitang pag-uugali ng Caleb na iyon, hindi ko maitatanggi ang ganda ng Hacienda nilang ’to. Ang nagtatayugang mga puno ng mahogany, ang amoy ng sariwang damo, at ang dapit-hapong nagbibigay ng kulay ginto sa bawat sulok, ang sarap lang pagmasdan lahat. Napahawak ako sa bag ko kung saan nakatago ang sketch pad ko. Buti na lang at naisip ko itong dalhin. Puwedeng puwede ako mag-draw kung mainip ako rito. Iyon na kasi ang naging hobby ko noon pa, hanggang sa naging passion ko na. Pakiramdam ko'y sa bawat guhit ng lapis ko sa sketchpad ko, doon ko lang nararamdaman na may sarili akong mundo na hindi kayang kunin ni Liana. Nagpatuloy na ako sa paglalakad habang hila-hila pa rin ang maleta ko. Pagdating ko sa dulo ng driveway, bumukas ang naglalakihang pintong gawa sa narra. Sinalubong ako ng isang linyada ng mga katulong na nakasuot ng uniporme. Sa gitna nila ay isang matandang babae na may maayos na pagkakapusod ng buhok at seryosong mukha. Tingin ko'y siya ang mayordoma nila. "Magandang hapon, Senyorita Liana," bati ng matandang babae sa akin nang may bahagyang pagyuko. "Ako si Manang Ising, ang mayordoma rito. Kabilin-bilinan ni Senyorito Caleb na asikasuhin ang inyong pagdating." "Salamat po, Manang," sagot ko. Pilit kong itinatago ang pagod sa boses ko. "Huwag kayong mag-alala, bukas ng gabi pa ang dating ng mga magulang ni Senyorito mula sa abroad. Sa ngayon, pinapapahinga na muna kayo sa inyong kwarto dahil alam naming naging mahaba at nakakapagod ang naging byahe niyo mula sa Maynila," dagdag pa ni Manang Ising habang pinapakuha ang mga gamit ko sa ibang katulong. Gusto ko sanang itanong kung nasaan na si Caleb, pero mas nanaig ang antok ko. Halos sampung oras din ang naging byahe ko, kabilang na ang sa chopper at ang nakaka-stress na paglalakad sa initan. Iginiya ako ni Manang Ising sa isang malawak na kwarto sa ikalawang palapag ng mansion. Pagkapasok ko pa lang doon ay ang lambot ng kama ang agad na tumawag sa akin. Sa sobrang pagod ko, hindi na ako nakapagpalit ng damit. Pabagsak akong nahiga hanggang sa nakatulog na ako. Nagising ako sa isang malakas na katok. Napabalikwas ako at sandaling nalimutan kung nasaan ako. Pagbaling ko sa may balkonahe ay nakita kong madilim na sa labas. Ang tanging ilaw galing sa lampshade sa tabi ng kama ang nagbibigay ng kaunting liwanag sa kinaroroonan kong kuwarto. "Senyorita? Gising na po ba kayo?" boses ng isang batang maid mula sa labas ng pintuan. “Oo, gising na!" pasigaw kong tugon upang marinig niya. "Anong oras na ba?” tanong ko nang mapagbuksan ko siya ng pintuan. "Alas-otso na po ng gabi. Kanina pa po kayo pinapatawag ni Sir Caleb sa dining hall. Galit na po siya dahil ayaw niyang pinaghihintay siya sa pagkain." Agad akong dinalaw ng kaba. Hindi puwedeng unang tungtong ko palang dito ay masira na ang imahe ng kakambal ko. Kabilin-bilin pa naman n'un na huwag akong gagawa ng kapalpakan dito. “Sabihin mong pababa na ako." Mabilis akong pumasok muli sa kuwarto upang ayusin ang nagulong buhok. Naglagay na rin ako ng kaunting lip tint base sa ayos lagi ni Liana. Kung puwede lang na maglagay din ako ng blush on ay ginawa ko na kaso baka magalit na talaga ang lalaking ’yun. "Exactly thirty minutes late," bungad ni Caleb sa akin, ni hindi man lang siya nag-aangat ng tingin mula sa kanyang wine glass. "Pasensya na, nakatulog ako dahil sa pagod sa byahe," sagot ko habang nauupo sa tapat niya. Ibinaba niya ang hawak niyang baso at sa wakas ay tumingin sa akin. "Sa bahay na ito, ang oras ko ang sinusunod. Kung magiging asawa kita, kailangang masanay ka sa disiplina ko.” Kumunot ang noo ko. "Asawa? Akala ko ba napipilitan ka lang din sa kasunduang ito?" "Napipilitan?" he let out a dry, short laugh. "Sinong nagsabi sa'yo na napipilitan ako? I don't do things I'm forced to do, Liana. Tanggap ko ang kasal na ito dahil kailangan ko ng asawa, at ikaw ang pinili ng pamilya ko. But don't think that because I accepted this, I'll be a prince charming to you.” Okay… hula ko lang naman ang parteng akala ko ay napilitan din siya sa kasunduang ito katulad ni Liana. Pero grabe, ang gaspang talaga ng pag-uugali ng isang ’to! Dapat si Liana ang nandito, e. Mukhang magkakasundo pa naman sila. "I'm not looking for a prince charming," matapang kong sagot. "Pero hiling ko na sana may konting respeto tayo sa isa't isa.” Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa pwesto ko. "Respeto? You'll get it when you earn it." Yumuko siya, inilapit ang mukha sa akin, sapat na para maamoy ko ang bango niyang nahaluan ng kaunting alak. "Kahit gaano pa kasama ang ugali mo na nababalitaan ko, magiging asawa pa rin kita. I own this place, and soon, I’ll own your time, too. Huwag mo na uli akong paghihintayin.” Hindi ako nakaimik."Lana! Mag-usap tayo! Alam kong nand'yan ka kaya please, lumabas ka na d'yan!" muling sigaw ni Caleb. Kitang kita ko kung paano siya ipagtulakan ng mga guards namin pero ayaw niya talagang magpaawat. Pinipilit niyang pumasok sa gate, ni hindi ininda ang hawak na batuta ng mga guard. “Huwag n'yo nga akong hawakan!" sigaw pa niya.Mariin akong napapikit nang makawala siya sa mga guards at may sinuntok siya sa kanila. Sa pagdilat ko ay muli na naman siyang nagapos, pero sa pagkakataong ito ay tumulong na rin ang driver at ilang tauhan ni Papa. "Lana! Si Caleb ’to! Lumabas ka na d'yan!” malakas niyang sigaw kahit pinagtutulungan na siyang ilayo sa gate. Napahawak ako sa dibdib ko nang sumikip ito ng dibdib, kasabay n'un ay ang munti kong paghikbi. Please. Sana umalis na lang siya! “L-Lana… h'wag mo naman ’to gawin sa'kin. Ang dami ko pang plano sa inyo ng baby natin… please…”Mas lalong nanikip ang dibdib ko nang nagsimula na siyang humikbi. Binitawan na siya ng mga guards pero halo
Naging mabilis ang mga sumunod na oras. Mula sa airport sa Japan hanggang sa paglapag ng private jet sa Manila, hindi ako kumikibo. Nakatingin lang ako sa kawalan, iniisip kung nasaan na si Caleb at kung gaano na siya kapraning ngayon sa paghahanap sa akin. Paglabas namin ng hangar, may naghihintay na sa aming mga itim na sasakyan. Huminto kami sa tapat ng isa sa mga ito, at doon ay hinarap ni Lucas si Daddy. "So, where do we go from here? I think it’s better if Lana stays at my place for the meantime. Mas mababantayan ko siya roon, and I have the best security for her and the baby," mungkahi ni Lucas. Ang boses niya ay puno ng kumpiyansa, tila ba selyado na ang usapan. Pero kinunutan siya ng noo ni Daddy bago niya ito agad inilingan. "No, Lucas. Thank you for the offer, and we appreciate everything you've done, but my daughter is coming home with us. Sa bahay namin siya tutuloy. I want her where I can see her every minute." "But Tito, it's safer—” "I said no. Dederetso kami sa
Nagkatinginan sina Mommy at Daddy. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalangan, pero nang makita nila ang determinasyon at ang mga luhang hindi tumitigil sa pag-agos sa mga mata ko, dahan-dahang tumango si Daddy. “Fine. Lucas will drive us there,” sabi ni Daddy sa mababang tinig. “Pero saglit lang. We have a flight to catch. Ayokong mag-abot pa kayo ng lalakeng ’yan dahil baka gumawa lang siya ng eksena.” Gumawa ng eksena… Ano namang eksena ang gagawin ng isang ’yun? Ah. Syempre magagalit dahil kahit ilang beses niyang ipinamukha sa akin kung gaano ka-toxic ang mga magulang ko, heto't sasama pa rin ako sa kanila. Hindi na lang ako sumagot kahit nagsisimula na akong mairita sa kanilang lahat. Pinunasan ko ang mga luha ko at kahit nanghihina'y pinilit kong makatayo. Inalalayan ako ni Mommy hanggang sa makalabas kami ng clinic. Pagdating sa parking lot, nandoon na si Lucas, nakasandal siya sa isang itim na SUV. Ang mukha niya ay walang mababakas na kahit anong emosyon. “Drive us to t
“You heard me, Lana? Kaya kong magpakatatay sa pinagbubuntis mong bata. Kaya ko dahil—” Hindi na natapos ni Lucas ang sasabihin nang titigan ko siya nang masama. “Anong pinagsasabi mo?” may diin kong tanong. "Are you out of your mind? Si Caleb ang ama ng pinagbubuntis ko!” asik ko at binitawan na ang kamay niya. Nanlalamig ang buong sistema ko sa biglaang galit na namutawi sa akin. “Hindi ako sasama sa’yo, tapos ang usapan!” Bigo niya akong inilingan habang nakatitig pa rin sa akin. “I expected you to say that. You’ve always been stubborn when it comes to my brother.” Sumandal siya sa kinauupuan at muling ibinalik ang pagiging kalkulado sa kaniyang mukha. “Good thing I invited them." Agad nangunot ang noo ko sa huli niyang litanya. “Them?” nagtatakang tanong ko. “Sino’ng—?” Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto. Awtomatiko akong napalingon doon, sabay natameme nang iluwa ng pinto ang dalawang taong hinding-hindi ko inasahang makikita ri
Hindi ako nakapagsalita agad. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang makumpirma kong siya nga ito. Ang makita muli ang pamilyar na mukha ni Lucas ay nagdulot ng kakaibang kaginhawaan sa akin. Nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin ay maingat akong naupo sa kama, pagkatapos ay basta na lang siya niyakap nang mahigpit sa bewang. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at hinayaan ang sarili kong mamahinga na muna sa bisig niya. He chuckled, his chest vibrating against my cheek then patted my head gently. “Alright, alright. I know you missed me that much, Lara. Don’t get too emotional now.” Doon na ako nahimasmasan. Mabilis akong kumalas sa yakap at sinamaan siya ng tingin habang pinapahid na ang luha sa mga mata ko. “Kapal mo! Sino’ng nagsabing namiss kita? Nagulat lang ako!” “Really? Kung makayakap ka kasi, akala mo limang taon tayong hindi nagkita,” biro niya sabay upo sa silya sa tabi ng kama. Kinuha niya ang mansanas na nasa side table at sinimulang balatan iyon nang n
Kinaumagahan, parang wala namang nagbago sa ikot ng mundo namin, maliban sa katotohanang mas naging praning si Caleb sa bawat galaw ko. Habang nag-aayos kasi ako para sa pagpasok sa university, nakasandal lang siya sa pinto ng banyo, bitbit ang isang baso ng gatas at isang mansanas. “Lana, how are you feeling? Do you feel lightheaded? May masakit ba sa’yo?” pang-limang ulit na yata niyang tanong simula nang magising kami. “Okay lang nga ako,” sagot ko, sinusubukang ituon ang atensyon sa pag-a-apply ng makeup sa mukha ko. “But you threw up twice earlier. And you looked so pale,” nag-aalala niyang giit. “Maybe you should skip classes today? I can call the university and tell them you’re sick.” Nilingon ko na siya. “No. Kasisimula pa lang ng semester kaya ayokong um-absent,” mariin kong sabi bago dinampot ang bag ko sa tabi. Kahit nahihilo pa rin ako nang kaunti, pinilit kong maglakad nang diretso. Sa biyahe patungo sa university, wala siyang ibang ginawa kundi ang magbilin nang m







