FAZER LOGIN“Lana, no. Sasama ka na ngayon din sa'kin. Magtatapos ka pa ng pag-aaral at mamimili pa tayo ng mga gamit ni baby, 'di iba? Please, Lana. I’ll book a ticket now. If you want, I can even get a private jet so we can get back home faster—” “Caleb," putol ko na sa kaniya. Agad siyang natigilan at basta na lang natameme sa akin. Muling kumirot ang puso ko nang mapagmasdan ko na ang itsura niya. Ang dungis dungis niyang tingnan ngayon dahil sa pagkakagulo ng suot niya at ng buhok niya. "Pasensya na po kung napapunta pa kayo dito pero kung ayos lang po sa'yo, mag-uusap muna kami ng anak niyo,” baling ko sa Mommy niya. Napaayos ng tayo ang ginang, pagkatapos ay mariing sinipat si Caleb. Matagal bago niya tanguan ang pabor ko. Umalis siya at pumasok na rin sa kotse nila. Lumabas na ako ng gate at hinarap si Caleb, kaso agad niya akong sinunggaban ng yakap. “God, I nearly lost my mind looking for you at your school. Please, please, don’t do this to me again!” Lalo niyang hinigpitan ang
Mabilis na lumapit si Veronica kay Caleb at hinawakan ito sa braso para patayuin, pero marahas lang siyang tinabig ni Caleb."Don't touch me! I told you to leave me alone!" bulyaw pa ni Caleb sa kaniya. Namamaos na ang boses niya."Caleb, stop this! Look at yourself, you're making a scene! Nakakahiya!" maarteng sagot naman ni Veronica habang pinapagpagan ang sarili niyang damit. "You're acting like a child! Ano bang nakita mo sa babaeng 'yun at nagkakaganyan ka?”Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman habang nakatanaw sa kanilang dalawa. Umusog ako patagilid at pansamantalang tinago ang sarili sa gilid lang ng pintuan namin."Caleb, anak, let's go home." dinig ko pang alo ng Mommy ni Caleb. Nang sumilip ako ay nakita kong bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala pero nandoon pa rin ang awtoridad. Lumapit na rin siya kay Caleb at pilit itong itinayo. "This is enough. Baka wala naman d'yan si Lana. Umuwi na muna tayo. Please, don't humiliate yourself further.""No, Mom! La
"Lana! Mag-usap tayo! Alam kong nand'yan ka kaya please, lumabas ka na d'yan!" muling sigaw ni Caleb. Kitang kita ko kung paano siya ipagtulakan ng mga guards namin pero ayaw niya talagang magpaawat. Pinipilit niyang pumasok sa gate, ni hindi ininda ang hawak na b****a ng mga guard. “Huwag n'yo nga akong hawakan!" sigaw pa niya. Mariin akong napapikit nang makawala siya sa mga guards at may sinuntok siya sa kanila. Sa pagdilat ko ay muli na naman siyang nagapos, pero sa pagkakataong ito ay tumulong na rin ang driver at ilang tauhan ni Papa. "Lana! Si Caleb ’to! Lumabas ka na d'yan!” malakas niyang sigaw kahit pinagtutulungan na siyang ilayo sa gate. Napahawak ako sa dibdib ko nang sumikip ito ng dibdib, kasabay n'un ay ang munti kong paghikbi. Please. Sana umalis na lang siya! “L-Lana… h'wag mo naman ’to gawin sa'kin. Ang dami ko pang plano sa inyo ng baby natin… please…” Mas lalong nanikip ang dibdib ko nang nagsimula na siyang humikbi. Binitawan na siya ng mga guards pe
Naging mabilis ang mga sumunod na oras. Mula sa airport sa Japan hanggang sa paglapag ng private jet sa Manila, hindi ako kumikibo. Nakatingin lang ako sa kawalan, iniisip kung nasaan na si Caleb at kung gaano na siya kapraning ngayon sa paghahanap sa akin. Paglabas namin ng hangar, may naghihintay na sa aming mga itim na sasakyan. Huminto kami sa tapat ng isa sa mga ito, at doon ay hinarap ni Lucas si Daddy. "So, where do we go from here? I think it’s better if Lana stays at my place for the meantime. Mas mababantayan ko siya roon, and I have the best security for her and the baby," mungkahi ni Lucas. Ang boses niya ay puno ng kumpiyansa, tila ba selyado na ang usapan. Pero kinunutan siya ng noo ni Daddy bago niya ito agad inilingan. "No, Lucas. Thank you for the offer, and we appreciate everything you've done, but my daughter is coming home with us. Sa bahay namin siya tutuloy. I want her where I can see her every minute." "But Tito, it's safer—” "I said no. Dederetso kami sa
Nagkatinginan sina Mommy at Daddy. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalangan, pero nang makita nila ang determinasyon at ang mga luhang hindi tumitigil sa pag-agos sa mga mata ko, dahan-dahang tumango si Daddy. “Fine. Lucas will drive us there,” sabi ni Daddy sa mababang tinig. “Pero saglit lang. We have a flight to catch. Ayokong mag-abot pa kayo ng lalakeng ’yan dahil baka gumawa lang siya ng eksena.” Gumawa ng eksena… Ano namang eksena ang gagawin ng isang ’yun? Ah. Syempre magagalit dahil kahit ilang beses niyang ipinamukha sa akin kung gaano ka-toxic ang mga magulang ko, heto't sasama pa rin ako sa kanila. Hindi na lang ako sumagot kahit nagsisimula na akong mairita sa kanilang lahat. Pinunasan ko ang mga luha ko at kahit nanghihina'y pinilit kong makatayo. Inalalayan ako ni Mommy hanggang sa makalabas kami ng clinic. Pagdating sa parking lot, nandoon na si Lucas, nakasandal siya sa isang itim na SUV. Ang mukha niya ay walang mababakas na kahit anong emosyon. “Drive us to t
“You heard me, Lana? Kaya kong magpakatatay sa pinagbubuntis mong bata. Kaya ko dahil—” Hindi na natapos ni Lucas ang sasabihin nang titigan ko siya nang masama. “Anong pinagsasabi mo?” may diin kong tanong. "Are you out of your mind? Si Caleb ang ama ng pinagbubuntis ko!” asik ko at binitawan na ang kamay niya. Nanlalamig ang buong sistema ko sa biglaang galit na namutawi sa akin. “Hindi ako sasama sa’yo, tapos ang usapan!” Bigo niya akong inilingan habang nakatitig pa rin sa akin. “I expected you to say that. You’ve always been stubborn when it comes to my brother.” Sumandal siya sa kinauupuan at muling ibinalik ang pagiging kalkulado sa kaniyang mukha. “Good thing I invited them." Agad nangunot ang noo ko sa huli niyang litanya. “Them?” nagtatakang tanong ko. “Sino’ng—?” Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto. Awtomatiko akong napalingon doon, sabay natameme nang iluwa ng pinto ang dalawang taong hinding-hindi ko inasahang makikita ri







