LOGINHuminga ulit ako nang malalim at nagsimulang maglakad papasok sa main hall pagkatapos kong magpaalam at magpasalamat na rin sa kaniya. Ang interior ng building ay minimalist, puro puti at salamin, na lalong nagpadama sa akin ng seryosong atmospera ng lugar. Bawat corridor ay may mga digital displays ng mga gawa ng mga estudyante, at hindi ko mapigilang mamangha sa husay ng mga strokes at detalye ng mga gawa nila. Nang mahanap ko ang designated room para sa demo ay agad akong pumasok doon. Bumungad sa akin ang mahabang table na may mga high-end na pen tablets at monitor. Ang bawat station ay may sapat na distansya para sa privacy ng bawat artist. Naupo ako sa station 14 at inilabas ang bagong stylus na binigay ni Caleb. Napabuntong-hininga ako nang maramdam ko ang bigat nito sa kamay ko. Para bang ito ang nagsisilbing bigat ng sakripisyo niya, ang bigat ng pangarap ko, at ang bigat ng kagustuhan kong maipasa ito. Nagsimula ang proctor sa pagbibigay ng instructions. Ang theme para
Mahimbing pang natutulog si Caleb nang magising ako kinabukasan. Babangon na sana agad ako pero nang makita ko kung gaano kaamo ang natutulog niyang mukha, kusa na lang akong napatitig sa kaniya. Ito ata ang unang pagkatataon na makita siyang hindi nakakunot ang noo habang natutulog. Hmm… “Ang gwapo mo pa rin kahit mahirap ka na,” bulong ko habang pinagmamasdan ang pilantik ng mga pilikmata niya. Mula sa mga mata niya ay agad bumaba ang tingin ko sa labi niya nang kumurba ito ng pilyong ngiti. “I can hear you, Little kitten. And for the record, I’m not that poor yet,” paos niyang sabi bago dahan-dahang idilat ang mga mata. What the— “K-kanina ka pa gising?" nauutal kong tanong sabay iwas agad ng tingin. Sh*t! Nakakahiya! "Hindi naman,” aniya sa kalmado ng boses. Muntik na akong mapaigik nang basta na lang niya ako hinila palapit sa akin, pagkatapos ay isang mabilis na halik sa noo ang iginawad niya sa akin. “Morning, baby. How are you? May masakit ba sa'yo?” Sh*t! Sh
Pakiramdam ko ay biglang uminit ang paligid kahit malakas naman ang aircon sa loob ng kwarto. Isama mo pa ang mainit niyang hininga na tumatama sa leeg ko, nagmistulang kuryente na gumagapang sa buong sistema ko. “C-Caleb…” utal kong tawag sa kaniya, pasimpleng inilalayo nang kaunti ang leeg ko. “A-anong sabi mo?” Mahina siyang tumawa. Lalo pa niyang isiniksik ang kaniyang ilong sa balat ko at inamoy-amoy na ang bandang iyon. The hell?! “I want you to call me that again,” bulong niya, mas paos na ngayon. “The way you said it earlier… it almost made me want to give you back your phone, the company, and even my soul. Call me baby again, please…” Nakatatlong lunok na ako ng sariling laway para pakalmahin ang sarili ko. Ano ba naman ’tong ginagawa niya? Konti na lang talaga at sisigaw na ako. Hindi ko kinakaya! Kung bakit ko ba naman Kasi naisipang tawagin siyang baby. Ito tuloy! “A-ayoko nga!” pagmamatigas ko sabay siko nang mahina sa kaniya. “Sabi mo foul play ’yun, ’di ba? B-ba't
Napangisi ako nang palihim nang makita ang pamumula ng tainga niya. Mukhang nadali ko siya sa isang ‘Baby’ lang. Tumikhim ako at bahagyang nilapit sa kaniya ang mukha ko. "Baby—" "Stop!" madiin niyang putol sa akin na ikinagulat ko. Sa gulat ko ay muntik na akong mahulog sa kinauupuang kama. "I-I mean..." pautal-utal niyang bawi, hindi pa rin idinidilat ang mga mata habang ang kabilang kamay ay nakahawak pa rin sa dibdib niya na parang konti na lang ay aatakehin na siya sa puso. "I-I like it, but it's foul. It's definitely foul play, Lana." "Huh?" patay-malisya kong tanong, nagpipigil na ng tawa. "Bakit naman foul? Pero sige, kung ayaw mo n'un..." lumapit pa ako nang kaunti sa kaniya Hanggang sa halos madikit na ang labi ko sa tainga niya, saka bumulong ng, "...Daddy na lang?" "Oh, God..." bigo niyang sabi. Napapikit pa siya nang mas mariin at lalong humigpit ang hawak niya sa kaniyang dibdib. "Lana, please… I am warning you. Isang tawag pa ng ganiyan at makakalimutan kong ma
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakasubsob sa mga tuhod ko habang iyak pa rin nang iyak. Ang t*nga t*nga niya! Sobrang t*nga niya! Dahil lang sa akin binitawan na niya Ang lahat?! Ako na niloko siya't basta na lang nawala bigla?! Wala siyang kasing-t*nga! Suminghot ako at pinigilan ang sarili na mapahagulgol pa lalo. Pagkatapos ay tumayo ako sabay pinunasan ang mga luha ko na kumalat na sa pisngi ko. Hindi ako pwedeng maupo lang dito. Tumingin ako sa paligid ng kwarto hanggang sa mahagip ng mata ko ang bintanang nakaharap sa garden. Mabilis akong lumapit doon at binuksan. Sa lakas ng hangin na pumasok ay saglit pa akong napayakap sa sarili. Hindi ito masyadong mataas dahil nasa unang palapag lang naman ang kwartong kinaroroonan ko. Kaya kung tatalon ako mula rito pababa sa lupa, hindi ko iyon ikamamatay. Sumilip ako sa labas. Walang tao. Siguro ay nasa sala siya o sa kusina, binabantayan ang pinto ng kwarto kung mabubuksan ko ito. Maingat kong itinaas ang isang binti ko Hangg
“Hindi pwede,” mariin niyang tugon, hinawakan muli ako sa magkabilang balikat. “Lana, listen to me. It’s done. The papers are signed, the assets are transferred. Even if you talk to Lucas now, nothing will change. He has what he wants, and I have what I need.” “What you need? Caleb, you need your life back! Valderama ka rin!” buong tapang kong sabi kahit nanginginig na ang buong katawan ko sa halo-halong emosyon. “Hindi ako papayag na maging pabigat sa’yo habambuhay dahil lang sa maling desisyon mo. Hindi ko masisikmura na habang nag-aaral ako rito sa Japan, ikaw naman ay walang-wala dahil sa katangahan mo!” “I am not a martyr. Stop making it sound like I’m suffering,” aniya sa mababang tono. “I chose this. I chose to be with you over a pile of cold cash and a company that almost killed my soul for three years. Don't you dare call my choice a mistake.” “Mali, Caleb! Maling-mali! Ni hindi mo man lang ako tinanong!” muli kong bulyaw sa kaniya. “Mali na basta-basta ka na lang nagdesis
Hindi ko alam kung paano kami nakatulog pagkatapos noon. Pero kinabukasan ay hindi na ako nahirapang gumising dahil bago pa man tumunog ang alarm ko sa phone ay naramdaman ko na ang paggalaw ng katabi ko. Pagdilat ko, saktong bumangon din si Caleb. Ang unfair lang kasi ang ayos ayos pa rin ng muk
"Let’s get some rest. We're leaving early tomorrow," he murmured again, his voice laced with exhaustion. Tumango lang ako at mas isiniksik ang sarili ko sa kaniya. Kinabukasan ay maaga kaming nagising. We had a quick breakfast in almost complete silence, pero hindi ito katulad kahapon. It was more
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Naupo siya at walang alinlangang binuksan ang mensahe ni Marco. Isang marahas ulit na singhap ang napakawalan niya nang mag-scroll siya nang mag-scroll sa conversation namin ni Marco. "So... you're still considering his offer?" mahinahon niyang tanong makalipa
"Marco, hey. Long time no see," pilit kong tugon, kunwaring ’di narinig ang tanong ni Caleb. “Hindi ka na rin active sa social media mo. Ang dami kong chat sa’yo," tugon ni Marco. "Pasensya na, hindi na kasi ako masyadong nag-o-online," palusot ko habang pasimple kong sinisilip ang reaksyon ni







