Share

CHAPTER 2

Author: Mea
last update Petsa ng paglalathala: 2026-07-22 15:24:33

Pagkagising ko, umaga na pala.

Dali-dali akong bumangon nang mapagtanto kong male-late na ako sa klase.

Pagdating ko sa school, nakahinga ako nang maluwag dahil wala pa ang professor namin.

Maya-maya lang ay dumating na siya.

"May ia-announce ako," seryoso niyang sabi. "Tatawagin ko ang mga estudyanteng makakasama sa graduation."

Bigla akong kinabahan.

Sigurado akong hindi ako makakasali dahil kulang pa ang naibabayad ko sa tuition.

Isa-isang tinawag ng professor ang mga pangalan.

"Mea S. Valdez."

Nanlaki ang mga mata ko.

Dahan-dahan akong tumayo at hindi makapaniwala sa narinig ko.

"Sir... kasali po ba talaga ako?" tanong ko.

Napatingin siya sa akin.

"Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang pangalan mo?" sagot niya.

Pagkatapos ng klase, agad ko siyang nilapitan.

"Sir, hindi po ba sabi ninyo hindi ako makakagraduate ngayong taon dahil kulang pa po ang tuition ko?"

Ngumiti siya nang bahagya.

"May nagbayad na."

Para akong natigilan.

"Sino po?"

"Pasensya na, pero ayaw niyang ipaalam kung sino siya."

na pa isip Ako baka si papa oang nag bayad pero Hindi i

Hindi ko alam kung sino ang taong tumulong sa akin, pero buong puso akong nagpapasalamat sa kanya.

Kinabukasan, mas maaga akong pumasok sa klase. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari noong nakaraang araw. Habang nakaupo ako sa upuan ko, paulit-ulit kong iniisip kung sino kaya ang nagbayad ng tuition ko. Sinubukan kong tanungin ang mga kaklase ko, pero wala ring nakakaalam.

Makalipas ang ilang araw, natanggap ko ang graduation clearance ko. Doon ko tuluyang naramdaman na totoo na ang lahat. Napaluha ako habang hawak ang papel na iyon. Sa wakas, matutupad na rin ang pangarap kong makapagtapos.

Noong araw ng graduation, suot ko ang toga ko at hindi ko mapigilang mapangiti. Habang nakapila kami, naalala ko ang lahat ng hirap, puyat, at pag-aalala na pinagdaanan ko. Kung hindi dahil sa taong tumulong sa akin, baka hindi pa ako makasali kaya Malaki ang papa salamat ko sa kanya.

bigla ko na isip kahit gaano ka hirap ng Buhay laban lang

,

"Minsan, may mga taong tumutulong nang tahimik. Ang mahalaga, huwag mong kalilimutan ang kabutihang natanggap mo."

fast forward

Lumipas ang isang taon.

Nakatayo ako ngayon sa harap ng isang malaking kumpanya. Huminga ako nang malalim bago tuluyang pumasok.

"Ito na ang pagkakataon mo, Mea," bulong ko sa sarili ko. "Galingan mo."

Pagpasok ko, bumungad sa akin ang mahabang pila ng mga aplikante. Isa-isang tinatawag ang kanilang pangalan hanggang sa ako na ang sumunod.

Ngunit sa kasamaang-palad, hindi ako natanggap.

Panglima ko na itong inapplyan.

"Siguro malas lang talaga ako," mahina kong sabi habang naglalakad pauwi.

Habang naglalakad, biglang tumunog ang cellphone ko.

Lhea Calling...

"Hello?"

"Mea! Naghahanap ka pa rin ba ng trabaho?"

"Oo. Kakagaling ko lang sa interview."

"Subukan mong mag-apply dito. Naghahanap sila ng journalist. Feeling ko bagay sa'yo."send ko Sayo ang link ah.

"Sige! Pakisend na lang ng link."mahina ko Sabi.

Pagkauwi ko, agad kong binuksan ang laptop at sinubukan mag apply

Hindi ko masyadong inasahan ang magiging resulta.

Makalipas ang ilang oras, nakatanggap ako ng email.

Congratulations! You have passed the initial screening. You are invited for the final interview tomorrow at 9:00 A.M.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Hala... totoo ba 'to?"

I can't believe it.

sa wakas makakapag trabaho na Ako.

Hindi ko napigilang mapatalon sa sobrang tuwa.

Agad kong tinawagan si Lhea.

"Lhea! Nakapasa ako sa initial screening!"

really ? "Told you! Congratulations! Pero huwag ka munang kampante. Galingan mo sa final interview." ahh good luck!!

Napangiti ako.

"Oo. Ito na yata ang hinihintay kong pagkakataon."

Maaga akong nagising dahil ngayon ang araw ng final interview ko. Sa sobrang excited ko, halos hindi na ako mapakali.

Pagdating ko sa kumpanya, agad Ako pumunta kung saan gaganapin ang interview.

"Good morning, Ma'am. Sandali lang po at hintayin ninyo ang tawag sa pangalan ninyo."

Tumango ako at umupo sa waiting area. Habang hinihintay ang turn ko, hindi ko mapigilang kabahan. Tahimik akong nagdasal na sana ay maayos ang lahat.

Makalipas ang ilang minuto, narinig ko rin ang pangalan ko.

"Ms. Mea Valdez, you may come in now."

Tumayo ako at huminga nang malalim.

"Kaya mo 'to, Mea," bulong ko sa sarili ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang p***o.

Ngunit pagpasok ko pa lang...

Nanlaki ang mga mata ko.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

Si Lhiam.

Nakaupo siya sa gitna ng mahabang mesa, suot ang itim na suit, habang tahimik na nakatingin sa mga dokumentong nasa harap niya.

Unti-unti niyang itinaas ang kanyang tingin.

Nagtagpo ang mga mata namin.

Pakiramdam ko ay biglang huminto ang mundo ko.

"Teka... bakit siya nandito?" tanong ko sa isip ko.

panaginip ko lang kaya ito Nakita ko siya ulit Ngayon.

"Ang tagal na naming hindi nagkita... bakit ngayon pa? At higit sa lahat... bakit siya ang mag-iinterview sa akin?"

Bigla akong kinabahan.

Nanginig ang mga kamay ko, ngunit pilit kong pinakalma ang sarili.

"Bahala na..." bulong ko.

Hindi ko alam kung interview ba ang haharapin ko...

O ang lalaking matagal ko nang sinusubukang kalimutan. simula noon Hindi na kami nag kita nangako Ako sa Sarili ko na kakalimutan ko nalang siya .

Habang nasa kalagitnaan ng interview, hindi ko mapigilang kabahan.

Hindi dahil sa mga tanong...

Kundi dahil si Lhiam ang isa sa mga interviewer.

Sa tuwing nagtataas ako ng tingin, nahuhuli ko siyang seryosong nakatingin sa akin. Hindi ko

alam kung iniinterview ba niya ako o binabasa ang bawat reaksyon ko.

Matapos ang interview, ngumiti ang isa sa mga panel.

"Thank you, Ms. Valdez. Tatawagan na lang po namin kayo para sa resulta."

Tumango ako at magalang na nagpasalamat bago lumabas ng conference room.

Pagkalabas ko, napabuntong-hininga ako.

"Hay salamat... tapos na rin."

Lumipas ang ilang araw.

Habang nag-aalmusal ako, biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello, Ms. Mea Valdez?"

"Yes, speaking."

"Congratulations! You are officially hired. Maaari na po kayong pumasok bukas para sa inyong first day."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Hala... natanggap ako!"

Hindi ko mapigilang mapangiti.

Pero maya-maya, naalala ko ang isang tao.

"Sa dami ng kumpanyang puwede kong pasukan... bakit doon pa kung saan nagtatrabaho si Lhiam?"

Napailing na lang ako.

"Wala na... ito na ang pagkakataong matagal kong hinihintay. Hindi ko ito puwedeng palampasin."

kinabukasan...

Maaga akong pumasok. Suot ang paborito kong blazer, huminga ako nang malalim bago pumasok sa opisina.

"Welcome to the team, Ms. Valdez."

Ngumiti ako.

"Thank you"

"Halika, ipapakita ko sa'yo ang newsroom. Mamaya ay ipakikilala ka rin namin sa team."

Habang iniikot ako ng ka-team ko sa iba't ibang departamento ng kumpanya, pilit kong inaalala ang mga pangalan ng bawat opisina.

Abala kami sa pag-uusap nang bigla kaming may makasalubong.

Nanlaki ang mga mata ko.

Si Lhiam.

Pakiramdam ko'y biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Hindi... bakit ngayon pa?" bulong ko sa isip ko.

Gusto ko sanang umiwas ng tingin, pero huli na.

Palapit na siya.

"Good morning, Sir," magalang na bati ng kasama ko.

Bahagyang tumango si Lhiam bilang tugon bago dumaan sa harap namin.

Hindi man lang siya nagsalita.

Pero sapat na ang isang tingin niya para lalo akong kabahan.

Pagkaalis niya, kunwari'y inosente akong nagtanong.

"Sino po 'yong lalaki?"

Napatingin sa akin ang kasama ko.

"Ha? Hindi mo siya kilala?"

Umiling ako.

"Siya si Mr. Lhiam Dale Velmont."

"Siya ang CEO ng kumpanyang ito... at nag-iisang tagapagmana ng Velmont Group."

Para akong natulala.

"Teka... CEO siya?"

"Ibig sabihin... siya ang may-ari ng kumpanyang pinasukan ko?"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o lalo lang kakabahan.

Makalipas ang ilang minuto, lumapit ang isa sa mga staff.

"Attention everyone! May meeting po tayo sa conference room after fifteen minutes."

Napalunok ako.

"Meeting?"

"Ibig sabihin... makakaharap ko na naman siya?"

Napabuntong-hininga ako.

"Gusto ko siyang iwasan..."

"Pero mukhang hindi na posible."

malas Naman ang unang araw Ako.

Pagkatapos ng meeting, isa-isang nagsilabasan ang mga empleyado.

Nag-ayos muna ako ng mga gamit ko bago tumayo.

Akmang lalabas na sana ako nang marinig ko ang boses niya.

"Ms. Valdez."

Napahinto ako.

Dahan-dahan akong lumingon.

Si Lhiam.

Tahimik lang siyang nakatingin sa akin.

"Long time no see, Mea."

Hindi ko alam kung bakit, pero parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Kamusta ka na?" tanong niya.

"Naaalala mo pa ba ako?"

Saglit akong natulala.

Tama ba ang narinig ko?

Ang CEO ng kumpanyang ito...

Naaalala pa rin ako?

bakit niya Ako tinatanong kung bakit ko Siya Kilala.

"O-oo naman," nahihiya kong sagot.

Malaki na rin ang nag Bago no Isa kana Ngayon CEO.

Bahagya siyang ngumiti.

"Buti naman."

Sandaling natahimik ang buong silid.

Pagkatapos ay muli siyang nagsalita.

Habang abala ako sa pag-aayos ng mga papeles, bigla kong narinig ang boses ni Sir Lhiam.

"Ms. Valdez."

Agad akong napalingon.

"Pwede mo bang dalhin ang mga documents na ito sa opisina ko? Wala kasi ang secretary ko.

Kaka-resign lang niya."

Tinuro niya ang isang folder na nasa mesa.

"May pupuntahan lang ako sandali. Pakiiwan na lang sa desk ko."

"Opo, Sir," mabilis kong sagot.

Pagkaalis niya, maingat kong kinuha ang mga dokumento at dinala na sa opisina.

fast forward...

Lumipas ang ilang linggo.

Unti-unti na akong nasasanay sa trabaho bilang journalist. Araw-araw ay halos tambak ang mga articles at reports na kailangan kong tapusin.

Habang abala ako sa pagsusulat, bigla akong tinawag ng manager.

"Mea, pwede kitang makausap sandali?"

Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"May kailangan po ba kayo, Sir?"

"Nag-resign kasi ang secretary ni Sir Lhiam.

Habang naghahanap pa kami ng permanenteng papalit, ikaw muna ang pansamantalang tutulong sa kanya."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Ako po?"

Tumango siya.

"Napansin namin na maayos kang magtrabaho at responsable ka. Naniniwala kaming kakayanin mo."

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Wala na ba talagang ibang puwede?"

Napangiti ang manager.

"Ikaw ang napili."

Wala na akong nagawa kundi tanggapin ang bagong assignment.

"Bakit ako pa?" bulong ko sa sarili ko.

"Hay naku... bahala na."

Maya-maya, nakatayo na ako sa harap ng opisina ng CEO.

Huminga ako nang malalim bago kumatok.

Tok... tok...

"Come in."

Dahan-dahan kong binuksan ang p***o.

Nakaupo si Lhiam sa kanyang swivel chair habang abala sa pagbabasa ng mga dokumento.

Hindi man lang siya agad tumingin sa akin.

"Good morning, Sir."

Dahan-dahan niyang itinaas ang tingin niya.

Pagkakita sa akin.

Ako po ang magiging temporary secretary niyo sa Ngayon kaya nandito po Ako Ngayon. Sabi ko

tiningnan niya lang Ako ng malamig.hindi man lang nag salita.

maghanda kana may meeting Tayo pupuntahan.

Habang nasa biyahe kami, walang nagsasalita sa aming dalawa.

Tanging tunog ng makina ng sasakyan ang maririnig.

Sa sobrang kaba ko, nakalimutan kong mag-almusal.

At doon nagsimula ang problema.

Grrr...

Napapikit ako.

"Huwag ngayon..." bulong ko sa isip ko.

Pero tila hindi nakikinig ang tiyan ko.

Grrr...

Napayuko ako sa sobrang hiya.

Makalipas ang ilang minuto, biglang ipinarada ni Lhiam ang sasakyan sa harap ng isang mamahaling restaurant.

Napatingin ako sa kanya.

"Sir... bakit po tayo huminto?"

Kalmado lang siyang sumagot.

"Hindi ka pa kumakain, 'di ba?"

Natigilan ako.

"P-Po?"

"Bago tayo pumunta sa meeting, kumain ka muna."

"S-Sir... okay lang po ako".

"Hindi ka makakapagtrabaho nang maayos kung gutom ka."

Pagkatapos sabihin iyon, nauna na siyang bumaba ng sasakyan.

Naiwan akong nakaupo, tulala.

"Grabe... narinig pala niya."

Pero hindi ko alam kung kikiligin ba ako o mahihiya.

Tahimik lang siya habang ako naman ay kain nang kain. Wala na akong pakialam. Ang importante, busog na busog ako at ang dami ng nakain ko.

"Sir, bakit hindi po kayo kumain?" tanong ko habang bahagyang yumuyuko sa hiya.

"Busog ako. Kumain ka lang diyan," malamig niyang sagot.

Tumango na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi ko namalayan na naubos ko pala lahat ng inorder.

"Naku... nakakahiya naman," bulong ko sa sarili habang pasimpleng umiinom ng tubig.

Hindi ko alam kung napansin niya, pero parang may bahagyang ngiti akong nakita sa gilid ng labi niya. Sandali lang iyon kaya inisip kong baka namalikmata lang ako.

Pagkatapos naming kumain, tahimik kaming lumabas ng restaurant at sumakay ulit sa sasakyan.

Ilang minuto ang lumipas bago niya tuluyang binasag ang katahimikan.

"May isang meeting pa tayo.

"Opo, Sir," maikli kong sagot.

Pagdating namin sa kumpanya, sabay kaming pumasok. Halos lahat ng empleyado ay napapatingin sa amin. Ang iba ay

nagbubulungan pa.

"Sino kaya 'yung kasama ni Sir?"

"Bagong secretary yata."

"Ang swerte naman niya."

Naririnig ko ang ilan sa mga usapan nila kaya mas lalo akong nailang.

Bigla namang huminto si Sir Lhiam at lumingon sa akin.

"Huwag mong pansinin ang sinasabi nila. Gawin mo lang ang trabaho mo."

Nagulat ako. Parang nabasa niya ang iniisip ko.

"Opo, Sir."

Pagpasok namin sa conference room, isa-isa niya akong ipinakilala.

"She's Mea Valderis, my temporary secretary. I expect everyone to cooperate with her."

Lahat sila ay ngumiti at bumati sa akin.

"Welcome to the company, Miss Mea."

"Thank you po," nahihiya kong sagot.

Natapos ang meeting nang maayos. Habang palabas ako ng conference room, bigla akong nadulas dahil hindi ko napansin ang basang sahig.

Napapikit na lang ako, handa nang bumagsak.

Ngunit bago pa ako tuluyang tumama sa sahig, may isang matibay na bisig ang mabilis na sumalo sa akin.

Pagdilat ko, nakita ko ang seryoso niyang mukha. Magkalapit na magkalapit kami.

"Mag-ingat ka," mahina niyang sabi.

Mabilis akong umiwas at namula ang buong mukha ko.

"P-Pasensya na po, Sir..."

Hindi na siya nagsalita. Tahimik lang niya akong binitawan saka naglakad palabas.

Habang nakatingin ako sa papalayong likod niya, hindi ko mapigilang mapangiti.

"Bakit parang iba ang pakikitungo niya sa akin?" bulong ko sa sarili.

Hindi ko alam... pero pakiramdam ko, ito pa lang ang simula ng mga pagbabagong darating sa buhay ko.

Fast Forward...

Habang nakaupo ako sa desk ko, hindi ko

maiwasang mapaisip.

"May gusto na ba talaga ako kay Sir Lhiam?"

Napabuntong-hininga ako.

Siguro dahil sa araw-araw kaming magkasama...

O baka dahil sa bawat simpleng pag-aalala niya sa akin.

Mabilis akong umiling.

"Hindi puwede, Mea."

"Hanggang crush ka lang. Hanggang doon lang."

bawal niya Malaman na may gusto ka sa kanya nakakahiya.

Napailing ako at marahan pang pinukpok ang sarili kong ulo.

"Ano ba'ng iniisip mo?"

"Mea!"

Napatingin ako sa tumawag.

Si Anna, ang isa kong katrabaho.

"Bakit?" tanong ko.

"Pinapatawag ka ni Sir Lhiam sa opisina niya."

Natigilan ako.

"A-Ako?"

Tumango siya.

"Oo. Kanina ka pa niya hinahanap."

Kinabahan ako bigla.

pag dating ko kumatok Ako Muna Bago pumasok .

sir pinatawag niyo po Ako ,may kailangan po ba kayo ipagawa

oo meron,dyan sa desk

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The boy beyond my cage    CHAPTER 3

    Pagdating ko sa opisina, kumatok muna ako bago pumasok "Come in," malamig na sabi ni Sir Lhiam. Dahan-dahan akong lumapit sa mesa niya. "Sir, pinatawag n'yo po ako. May ipapagawa po ba kayo?" Tumango siya at itinuro ang isang tambak na dokumento sa taas ng mesa. "Pakiaayos ng mga documents na 'yan. Kailangan kong ma-review ang mga iyon bukas." Napatingin ako sa makapal na bunton ng folders. Tahimik kong sinimulan ang pag-aayos ng mga dokumento. Lumipas ang ilang oras. Hindi ko namalayang gabi na pala. Tahimik ang buong opisina. Habang inaayos ko ang huling folder, unti-unting bumigat ang mga talukap ng mata ko. Hindi ko na namalayang nakatulog pala ako sa mesa. Pagmulat ko ng mga mata, bahagya akong napabangon. Napatingin ako sa kabilang mesa. Nanlaki ang mga mata ko. Si Lhiam... Nakatulog din habang nakasandal sa kanyang upuan. Nakapatong pa ang isang folder sa mesa, tila hindi na rin niya kinayang labanan ang pagod. Tahimik ko siyang pinagmasdan.

  • The boy beyond my cage    CHAPTER 2

    Pagkagising ko, umaga na pala. Dali-dali akong bumangon nang mapagtanto kong male-late na ako sa klase. Pagdating ko sa school, nakahinga ako nang maluwag dahil wala pa ang professor namin. Maya-maya lang ay dumating na siya. "May ia-announce ako," seryoso niyang sabi. "Tatawagin ko ang mga estudyanteng makakasama sa graduation." Bigla akong kinabahan. Sigurado akong hindi ako makakasali dahil kulang pa ang naibabayad ko sa tuition. Isa-isang tinawag ng professor ang mga pangalan. "Mea S. Valdez." Nanlaki ang mga mata ko. Dahan-dahan akong tumayo at hindi makapaniwala sa narinig ko. "Sir... kasali po ba talaga ako?" tanong ko. Napatingin siya sa akin. "Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang pangalan mo?" sagot niya. Pagkatapos ng klase, agad ko siyang nilapitan. "Sir, hindi po ba sabi ninyo hindi ako makakagraduate ngayong taon dahil kulang pa po ang tuition ko?" Ngumiti siya nang bahagya. "May nagbayad na." Para akong natigilan. "Sino po?" "Pasen

  • The boy beyond my cage    CHAPTER 4

    Dairy ni Lhiam the reason why ,paano niya na gustohan siya mea dahil simple lang siya babae.ito ang tipong babae na gusto niya sa Isang babae at Nakita niya LAHAT sa katangian ni mea. National high campus, 18th of August on the afternoon under acasia tree, my world change completely of her presence. While I was busy sight seeing of our campus she passed by and directly told me, scaper! why are staying here alone during class hour? I was shocked and didn't get to answer her. she continued walking towards our school building, and I don't know why and what but was attracted by her simple presence. While she's walking towards the school her hair seems to like dancing with the wind and couldn't explain what I'm feeling that day... ‎ ‎And yes I feel admiration, admiration of her looks, her attitude, her hair, just everything about her. at the age of 13 she was my first crush!. ‎ ‎As I come home I couldn't stop thinking of her, her face is still in my mind, her voice, and I,

  • The boy beyond my cage    Chapter 1

    ‎Nakatulala akong nakaupo sa cashier habang hinihintay ang susunod na customer. Alas-dos medya na ng hapon, at sa ganitong oras ay medyo walang customer ,kaya nagkakaroon ako ng pagkakataong makapagpahinga.‎By the way, isa akong cashier sa isang convenance stores‎Matapos akong grumadweyt ng Senior High School, napilitan muna akong huminto sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay. Nagdesisyon akong magtrabaho upang makapag-ipon para sa tuition fee ko sa kolehiyo.‎‎Akala ko makakaipon ako.‎‎Pero mali pala ako.‎‎Sa dami ng gastusin at mga pangangailangan naming magkakapatid, wala ring natitira sa sahod ko. Kailangan ko ring magpadala ng pera sa mga kapatid ko kaya hindi ko nagawang mag-ipon.‎‎Ako ang panganay sa aming tatlong magkakapatid.‎‎Matagal nang hiwalay sina Mama at Papa. Si Mama ay nagtatrabaho sa ibang bansa, habang si Papa naman ay mayroon nang sariling pamilya.‎‎napilitan akong isantabi muna ang pangarap kong makapag-aral ng kolehiyo.‎‎Habang wala pa ring custom

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status