ANMELDENPagdating ko sa opisina, kumatok muna ako bago pumasok "Come in," malamig na sabi ni Sir Lhiam. Dahan-dahan akong lumapit sa mesa niya. "Sir, pinatawag n'yo po ako. May ipapagawa po ba kayo?" Tumango siya at itinuro ang isang tambak na dokumento sa taas ng mesa. "Pakiaayos ng mga documents na 'yan. Kailangan kong ma-review ang mga iyon bukas." Napatingin ako sa makapal na bunton ng folders. Tahimik kong sinimulan ang pag-aayos ng mga dokumento. Lumipas ang ilang oras. Hindi ko namalayang gabi na pala. Tahimik ang buong opisina. Habang inaayos ko ang huling folder, unti-unting bumigat ang mga talukap ng mata ko. Hindi ko na namalayang nakatulog pala ako sa mesa. Pagmulat ko ng mga mata, bahagya akong napabangon. Napatingin ako sa kabilang mesa. Nanlaki ang mga mata ko. Si Lhiam... Nakatulog din habang nakasandal sa kanyang upuan. Nakapatong pa ang isang folder sa mesa, tila hindi na rin niya kinayang labanan ang pagod. Tahimik ko siyang pinagmasdan.
Pagkagising ko, umaga na pala. Dali-dali akong bumangon nang mapagtanto kong male-late na ako sa klase. Pagdating ko sa school, nakahinga ako nang maluwag dahil wala pa ang professor namin. Maya-maya lang ay dumating na siya. "May ia-announce ako," seryoso niyang sabi. "Tatawagin ko ang mga estudyanteng makakasama sa graduation." Bigla akong kinabahan. Sigurado akong hindi ako makakasali dahil kulang pa ang naibabayad ko sa tuition. Isa-isang tinawag ng professor ang mga pangalan. "Mea S. Valdez." Nanlaki ang mga mata ko. Dahan-dahan akong tumayo at hindi makapaniwala sa narinig ko. "Sir... kasali po ba talaga ako?" tanong ko. Napatingin siya sa akin. "Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang pangalan mo?" sagot niya. Pagkatapos ng klase, agad ko siyang nilapitan. "Sir, hindi po ba sabi ninyo hindi ako makakagraduate ngayong taon dahil kulang pa po ang tuition ko?" Ngumiti siya nang bahagya. "May nagbayad na." Para akong natigilan. "Sino po?" "Pasen
Dairy ni Lhiam the reason why ,paano niya na gustohan siya mea dahil simple lang siya babae.ito ang tipong babae na gusto niya sa Isang babae at Nakita niya LAHAT sa katangian ni mea. National high campus, 18th of August on the afternoon under acasia tree, my world change completely of her presence. While I was busy sight seeing of our campus she passed by and directly told me, scaper! why are staying here alone during class hour? I was shocked and didn't get to answer her. she continued walking towards our school building, and I don't know why and what but was attracted by her simple presence. While she's walking towards the school her hair seems to like dancing with the wind and couldn't explain what I'm feeling that day... And yes I feel admiration, admiration of her looks, her attitude, her hair, just everything about her. at the age of 13 she was my first crush!. As I come home I couldn't stop thinking of her, her face is still in my mind, her voice, and I,
Nakatulala akong nakaupo sa cashier habang hinihintay ang susunod na customer. Alas-dos medya na ng hapon, at sa ganitong oras ay medyo walang customer ,kaya nagkakaroon ako ng pagkakataong makapagpahinga.By the way, isa akong cashier sa isang convenance storesMatapos akong grumadweyt ng Senior High School, napilitan muna akong huminto sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay. Nagdesisyon akong magtrabaho upang makapag-ipon para sa tuition fee ko sa kolehiyo.Akala ko makakaipon ako.Pero mali pala ako.Sa dami ng gastusin at mga pangangailangan naming magkakapatid, wala ring natitira sa sahod ko. Kailangan ko ring magpadala ng pera sa mga kapatid ko kaya hindi ko nagawang mag-ipon.Ako ang panganay sa aming tatlong magkakapatid.Matagal nang hiwalay sina Mama at Papa. Si Mama ay nagtatrabaho sa ibang bansa, habang si Papa naman ay mayroon nang sariling pamilya.napilitan akong isantabi muna ang pangarap kong makapag-aral ng kolehiyo.Habang wala pa ring custom







