Share

CHAPTER 3

Author: Mea
last update Petsa ng paglalathala: 2026-07-27 11:32:25

Pagdating ko sa opisina, kumatok muna ako bago pumasok

"Come in," malamig na sabi ni Sir Lhiam.

Dahan-dahan akong lumapit sa mesa niya.

"Sir, pinatawag n'yo po ako. May ipapagawa po ba kayo?"

Tumango siya at itinuro ang isang tambak na dokumento sa taas ng mesa.

"Pakiaayos ng mga documents na 'yan. Kailangan kong ma-review ang mga iyon bukas."

Napatingin ako sa makapal na bunton ng folders.

Tahimik kong sinimulan ang pag-aayos ng mga dokumento.

Lumipas ang ilang oras.

Hindi ko namalayang gabi na pala.

Tahimik ang buong opisina.

Habang inaayos ko ang huling folder, unti-unting bumigat ang mga talukap ng mata ko.

Hindi ko na namalayang nakatulog pala ako sa mesa.

Pagmulat ko ng mga mata, bahagya akong napabangon.

Napatingin ako sa kabilang mesa.

Nanlaki ang mga mata ko.

Si Lhiam...

Nakatulog din habang nakasandal sa kanyang upuan. Nakapatong pa ang isang folder sa mesa, tila hindi na rin niya kinayang labanan ang pagod.

Tahimik ko siyang pinagmasdan.

"Napapagod din pala siya..." bulong ko sa sarili.

Akmang lalapit na sana ako para gisingin siya nang kusang bumukas ang kanyang mga mata.

Nagtagpo ang mga tingin namin.

Saglit na natahimik ang buong silid.

"Anong oras na?" mahina niyang tanong habang sinisilip ang relo niya

Napatingin ako sa wall clock.

"Alas-otso na po, Sir."

Napabuntong-hininga siya.

"Mukhang napasobra tayo sa trabaho."

"Hindi na kasi mahimbing ang tulog mo. Kaya hindi na kita ginising," mahina niyang sabi.

Napangiti ako nang bahagya.

"Pasensya na po, Sir."

"Tara na sumabay kana Sakin pa uwi

"Huwag na po, Sir. Magta-taxi na lang po ako."

Napatingin siya sa labas ng bintana.

"Late na."

"At hindi na ligtas ang bumiyahe nang mag-isa sa ganitong oras.

Wala na akong naisagot.

Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.

Tahimik kaming sumakay sa sasakyan

Habang nasa biyahe, walang ni isa sa amin ang nagsasalita.

Paminsan-minsan lang ay naririnig ang tunog ng makina at ang mahinang musika mula sa radyo.

Unti-unting bumagal ang takbo ng sasakyan.

Napahinto kami sa gilid ng kalsada.

Napatingin ako kay Lhiam.

"Sir... may problema po ba?"

Napabuntong-hininga siya habang

sinusubukang paandarin muli ang sasakyan.

"Mukhang nagkaaberya ang kotse.

Tahimik akong napatingin sa labas ng bintana.

Madilim na ang paligid.

At wala halos dumaraang sasakyan.

"Mukhang nagkaaberya ang sasakyan,"

kalmadong sabi ni Lhiam habang sinusubukang paandarin muli ang makina.

Hindi ko napigilang kabahan.

"Paano na po, Sir?"

Napatingin siya sa madilim na kalsada.

"Maghanap muna tayo ng matutuluyan. Mukhang wala nang dumaraang taxi sa ganitong oras."

Tahimik akong tumango.

Ilang minuto kaming naglakad hanggang sa may matanaw kaming maliit na kubo na may ilaw.

Nagkatitigan kami.

"Subukan natin doon."

Lumapit kami at kumatok.

Lumabas ang isang matandang lalaki.

"Magandang gabi po," magalang na bati ni Lhiam.

"Magandang gabi rin. Ano'ng maitutulong ko sa inyo?"

"Nasiraan po kasi kami ng sasakyan. Maaari po ba kaming makituloy kahit isang gabi lang?"

Ngumiti ang matanda.

"Oo naman. Tuloy kayo."

Napangiti ako sa sobrang ginhawa.

"Kaso..." sabi ng matanda habang kinakamot ang ulo niya.

"Isa na lang ang bakanteng kuwarto."

Napatingin ako kay Lhiam.

"Mag-asawa ba kayo?"

oo Sabi ni Lhiam

"H-Hindi po."Sabi ko nag katingin kami dalawa

Napatawa ang matanda.

" bagay na bagay kayong dalawa."

Bigla akong napayuko sa hiya.

Samantalang si Lhiam...

Tahimik lang, ngunit halatang naiilang din.

ok lang sa ba inyo Isa nalang ang kwarto.

ok lang po ,Sabi ni lhiam.

"Teka... dito na ba magsisimula ang love story

namin?" bulong ko sa sarili ko.

"Kanina, akala pa ng matanda mag-asawa kami. Ngayon, iisang kuwarto pa ang tutuluyan namin."

Napabuntong-hininga na lang ako.

Wala naman kaming ibang pagpipilian.

Pagkatapos ibigay sa amin ang susi, tahimik kaming nagtungo sa kuwarto.

Pagpasok ko, agad kong napansin ang iisang kama sa gitna ng silid.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Hala... iisang kama lang?"

Bago pa ako makapagsalita, nauna na si Lhiam.

"Sa sofa na lang ako matutulog."

Napatingin ako sa maliit na sofa.

"Sir... ako na lang po ang matutulog doon."

Umiling siya

"Hindi.

"Ikaw ang matulog sa kama."

"Pero, Sir—"

"Huwag ka nang makipagtalo."

Wala na akong nagawa kundi tumango.

Kinabukasan...

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.

Pakiramdam ko ay parang may katabi ako.

Paglingon ko...

Nanlaki ang mga mata ko.

Si Lhiam.

Nakahiga siya sa kabilang dulo ng kama, mahimbing pa ang tulog.

Napabangon ako sa gulat.

"Teka... bakit nandito siya?"

Parang naramdaman niya ang paggalaw ko.

Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata.

Nagtagpo ang mga tingin namin.

Pareho kaming natigilan.

"S-Sir..."

napaupo rin siya.

"Sandali..."

Napatingin siya sa maliit na sofa.

Bigla akong tumayo at dali-daling lumabas ng kuwarto.

Hindi ko mapigilan ang malakas na tibok ng puso ko. Pakiramdam ko, baka marinig niya ito anumang oras.

Napahawak ako sa magkabila kong pisngi

"Hala... bakit namumula ako?" bulong ko sa sarili.

Maya-maya, naglakad-lakad muna ako sa labas

Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin para kumalma.

Habang naglalakad, hindi ko pa rin maiwasang mag-isip.

"Bakit kami magkatabi paggising ko?

"Paano nangyari iyon?

Sa sobrang ganda ng tanawin at presko ng hangin, naisipan ko munang manatili roon.

Ilang sandali pa, may narinig akong mga yabag na papalapit.

Paglingon ko...

Si Lhiam.

"Nandito ka lang pala," sabi niya. "Kanina pa kita hinahanap.

Bahagya siyang napangiti.

"At saka... pasensya na tungkol sa nangyari kagabi. Hindi ko rin alam kung paano ako napunta roon."

Ngumiti ako nang bahagya.

"Okay lang po, Sir."

Sandali kaming natahimik.

"Babalik na po ba tayo?" tanong ko.

Umiling siya

"Bukas na tayo aalis. Magpahinga ka muna.

Napagod tayo kahapon."

Tumango ako.

"Opo, Sir.

"Halika," sabi niya. "Hindi ka pa yata

nakakapag-breakfast."

Pagbalik namin sa kubo, sinalubong kami ng matandang may-ari.

"Hijo, hija, halika na. Sumabay na kayo sa amin sa almusal. Wala rin naman kaming ibang kasama."

Habang kumakain, masayang nakipagkuwentuhan si Lhiam sa matandang may-ari.

Paminsan-minsan ay tumatawa siya.

Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan.

Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti nang ganoon.

Hindi pala siya laging seryoso.

Mas lalo pala siyang gwapo kapag totoong masaya.

Habang nakaupo ako, tahimik kong pinagmamasdan ang napakagandang tanawin. Sariwa ang hangin at sobrang peaceful ng paligid.

Maya-maya, lumapit si Lhiam at umupo sa tabi ko.

"Ang ganda ng view dito, no?" sabi niya habang nakatingin sa malayo.

"Oo nga po, Sir," nakangiti kong sagot.

Dahil matagal ko na siyang kilala, hindi na ako gaanong naiilang sa presensya niya.

Tahimik lang kaming dalawa.

Maya-maya, siya ang unang nagbukas ng usapan.

"Naalala mo pa ba noong high school tayo?"

Napatawa ako.

"Of course. Ikaw kaya 'yung pinakatahimik sa buong klase."

Napangiti siya.

"Ikaw rin naman. Pero mas madaldal ka nang kaunti kaysa sa'kin."

Pareho kaming natawa habang inaalala ang mga nakakatawang memories noong high school.

Bigla siyang natahimik.

"Mea..."

Napalingon ako sa kanya.

"Hmm?"

Huminga siya nang malalim.

"May gusto akong sabihin sa'yo."

Napakunot-noo ako.

"Ano po 'yon, Sir?"

Diretso siyang tumingin sa mga mata ko.

"Mea... I've liked you since high school."

Nanlaki ang mga mata ko.

Pakiramdam ko, huminto ang mundo ko.

"Tama ba ang narinig ko?" bulong ko sa sarili.

"Sir... huwag po kayong magbiro."

Umiling siya.

"I'm serious."

"Matagal na kitang gusto. Noon pa... pero hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa'yo."

"Hanggang sa muli tayong nagkita."

"At ayoko nang palampasin ulit ang pagkakataong ito."

Hindi ako makapagsalita.

Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Unti-unti siyang lumapit sa akin.

Hindi ko alam kung bakit, pero hindi rin ako makagalaw.

Magkalapit na ang mga mukha namin.

Halos ilang pulgada na lang ang pagitan ng aming mga labi.

Napapikit ako.

Ngunit bago pa man tuluyang magdikit ang aming mga labi...

Dahan-dahan akong umiwas.

"Sir..."

"Hindi pa po ako handa."

Tahimik siyang napangiti.

"I'm sorry."

"I got carried away."

"Hindi po ako galit."

"Nagulat lang po ako."

"I understand."

"I'll wait... hanggang sa maging handa ka."

"But..."

Huminga ako nang malalim.

"I like you too."

"Since high school."

Nanlaki ang mga mata ni Lhiam.

"Totoo ba?"

Tumango ako habang nakangiti.

"Oo."

Sa isang iglap, tumayo siya at marahan akong niyakap.

Mahigpit... pero puno ng pag-iingat, na para bang natatakot siyang masaktan ako.

"Thank you..."

Mahina niyang bulong.

"Akala ko habang-buhay ko na lang itatago ang nararamdaman ko."

Bahagya akong ngumiti.

Dahan-dahan siyang lumayo upang makita ang mukha ko.

"I love you, Mea."

"And I promise..."

"I'll never leave you."

"I'll be with you in your happiest moments..."

"And even on your darkest days."

"When you feel like giving up..."

"Let me be the person who reminds you to keep going."

"You don't have to carry everything alone anymore."

"Because from now on..."

"You have me."

Unti-unti akong napangiti habang pinipigilan ang pagtulo ng luha.

Sa unang pagkakataon...

Pakiramdam ko...

May taong handang piliin ako araw-araw.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The boy beyond my cage    CHAPTER 3

    Pagdating ko sa opisina, kumatok muna ako bago pumasok "Come in," malamig na sabi ni Sir Lhiam. Dahan-dahan akong lumapit sa mesa niya. "Sir, pinatawag n'yo po ako. May ipapagawa po ba kayo?" Tumango siya at itinuro ang isang tambak na dokumento sa taas ng mesa. "Pakiaayos ng mga documents na 'yan. Kailangan kong ma-review ang mga iyon bukas." Napatingin ako sa makapal na bunton ng folders. Tahimik kong sinimulan ang pag-aayos ng mga dokumento. Lumipas ang ilang oras. Hindi ko namalayang gabi na pala. Tahimik ang buong opisina. Habang inaayos ko ang huling folder, unti-unting bumigat ang mga talukap ng mata ko. Hindi ko na namalayang nakatulog pala ako sa mesa. Pagmulat ko ng mga mata, bahagya akong napabangon. Napatingin ako sa kabilang mesa. Nanlaki ang mga mata ko. Si Lhiam... Nakatulog din habang nakasandal sa kanyang upuan. Nakapatong pa ang isang folder sa mesa, tila hindi na rin niya kinayang labanan ang pagod. Tahimik ko siyang pinagmasdan.

  • The boy beyond my cage    CHAPTER 2

    Pagkagising ko, umaga na pala. Dali-dali akong bumangon nang mapagtanto kong male-late na ako sa klase. Pagdating ko sa school, nakahinga ako nang maluwag dahil wala pa ang professor namin. Maya-maya lang ay dumating na siya. "May ia-announce ako," seryoso niyang sabi. "Tatawagin ko ang mga estudyanteng makakasama sa graduation." Bigla akong kinabahan. Sigurado akong hindi ako makakasali dahil kulang pa ang naibabayad ko sa tuition. Isa-isang tinawag ng professor ang mga pangalan. "Mea S. Valdez." Nanlaki ang mga mata ko. Dahan-dahan akong tumayo at hindi makapaniwala sa narinig ko. "Sir... kasali po ba talaga ako?" tanong ko. Napatingin siya sa akin. "Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang pangalan mo?" sagot niya. Pagkatapos ng klase, agad ko siyang nilapitan. "Sir, hindi po ba sabi ninyo hindi ako makakagraduate ngayong taon dahil kulang pa po ang tuition ko?" Ngumiti siya nang bahagya. "May nagbayad na." Para akong natigilan. "Sino po?" "Pasen

  • The boy beyond my cage    CHAPTER 4

    Dairy ni Lhiam the reason why ,paano niya na gustohan siya mea dahil simple lang siya babae.ito ang tipong babae na gusto niya sa Isang babae at Nakita niya LAHAT sa katangian ni mea. National high campus, 18th of August on the afternoon under acasia tree, my world change completely of her presence. While I was busy sight seeing of our campus she passed by and directly told me, scaper! why are staying here alone during class hour? I was shocked and didn't get to answer her. she continued walking towards our school building, and I don't know why and what but was attracted by her simple presence. While she's walking towards the school her hair seems to like dancing with the wind and couldn't explain what I'm feeling that day... ‎ ‎And yes I feel admiration, admiration of her looks, her attitude, her hair, just everything about her. at the age of 13 she was my first crush!. ‎ ‎As I come home I couldn't stop thinking of her, her face is still in my mind, her voice, and I,

  • The boy beyond my cage    Chapter 1

    ‎Nakatulala akong nakaupo sa cashier habang hinihintay ang susunod na customer. Alas-dos medya na ng hapon, at sa ganitong oras ay medyo walang customer ,kaya nagkakaroon ako ng pagkakataong makapagpahinga.‎By the way, isa akong cashier sa isang convenance stores‎Matapos akong grumadweyt ng Senior High School, napilitan muna akong huminto sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay. Nagdesisyon akong magtrabaho upang makapag-ipon para sa tuition fee ko sa kolehiyo.‎‎Akala ko makakaipon ako.‎‎Pero mali pala ako.‎‎Sa dami ng gastusin at mga pangangailangan naming magkakapatid, wala ring natitira sa sahod ko. Kailangan ko ring magpadala ng pera sa mga kapatid ko kaya hindi ko nagawang mag-ipon.‎‎Ako ang panganay sa aming tatlong magkakapatid.‎‎Matagal nang hiwalay sina Mama at Papa. Si Mama ay nagtatrabaho sa ibang bansa, habang si Papa naman ay mayroon nang sariling pamilya.‎‎napilitan akong isantabi muna ang pangarap kong makapag-aral ng kolehiyo.‎‎Habang wala pa ring custom

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status