The boy beyond my cage
This story is very inspirational to us.
Akala ni Mea S. Valdez, habang-buhay na siyang mananatiling nakakulong sa mundong puno ng sakit, pagkawasak ng pamilya, at mga pangarap na unti-unting nawawala.
Ngunit isang simpleng sulyap sa tahimik niyang kaklase noong high school ang naging liwanag sa madilim niyang mundo.
Lumipas ang mga taon. Muli silang pinagtagpo ng tadhana—ngunit sa pagkakataong ito, hindi na bilang mga estudyante. Isa na siyang empleyado, at ang lalaking minsan niyang lihim na minahal ay isa nang matagumpay na CEO.
Ang hindi alam ni Mea...
Hindi lang pala siya ang may tinatagong nararamdaman noon.
Sa muling pagtatagpo nila, mabubuksan kaya ang mga damdaming matagal nilang ikinulong? O mananatili na lang silang bihag ng takot, hiya, at mga salitang hindi kailanman nasabi?
Minsan, ang taong magpapalaya sa'yo ay matagal nang naghihintay sa kabilang panig ng iyong hawla
Basahin
Chapter: chapter 4Kinabukasan... Pagbalik namin sa kumpanya, nagkataon na nagkita kami ni Lhiam sa lobby. Sabay kaming pumasok sa elevator. Pagkasara ng p***o, ngumiti siya sa akin. "Good morning, mahal." Napatingin agad ako sa CCTV sa loob ng elevator. "Shh... huwag nga. Baka may makarinig o makakita sa atin." Napangiti siya. "Tayo lang naman." Napailing na lang ako habang pinipigilan ang mapangiti. Bigla siyang tumawa, at nahawa na rin ako. Pagkabukas ng elevator, bago siya lumabas, bigla siyang nagsalita. "Ah, may nakalimutan pala ako." "Hmm?" "Pakidala naman sa office ko 'yung documents na nasa desk mo." "Sige po, Sir." Huminto siya sa paglalakad. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. "Anong tawag mo?" Natigilan ako. "H-Ha?" "'Ssss ...sir' po na utal ko sabi Unti-unti siyang lumapit. Dahil sa kaba, napaatras ako hanggang sa sumandal ako sa pader. Nanlaki ang mga mata ko. "Hala... hahalikan ba niya ako?" omg ito na ba ang pinakahihintay ko charot.mangyayari na ba Hala Hindi i
Huling Na-update: 2026-08-06
Chapter: CHAPTER 3Pagdating ko sa opisina, kumatok muna ako bago pumasok "Come in," malamig na sabi ni Sir Lhiam. Dahan-dahan akong lumapit sa mesa niya. "Sir, pinatawag n'yo po ako. May ipapagawa po ba kayo?" Tumango siya at itinuro ang isang tambak na dokumento sa taas ng mesa. "Pakiaayos ng mga documents na 'yan. Kailangan kong ma-review ang mga iyon bukas." Napatingin ako sa makapal na bunton ng folders. Tahimik kong sinimulan ang pag-aayos ng mga dokumento. Lumipas ang ilang oras. Hindi ko namalayang gabi na pala. Tahimik ang buong opisina. Habang inaayos ko ang huling folder, unti-unting bumigat ang mga talukap ng mata ko. Hindi ko na namalayang nakatulog pala ako sa mesa. Pagmulat ko ng mga mata, bahagya akong napabangon. Napatingin ako sa kabilang mesa. Nanlaki ang mga mata ko. Si Lhiam... Nakatulog din habang nakasandal sa kanyang upuan. Nakapatong pa ang isang folder sa mesa, tila hindi na rin niya kinayang labanan ang pagod. Tahimik ko siyang pinagmasdan.
Huling Na-update: 2026-07-27
Chapter: CHAPTER 2Pagkagising ko, umaga na pala. Dali-dali akong bumangon nang mapagtanto kong male-late na ako sa klase. Pagdating ko sa school, nakahinga ako nang maluwag dahil wala pa ang professor namin. Maya-maya lang ay dumating na siya. "May ia-announce ako," seryoso niyang sabi. "Tatawagin ko ang mga estudyanteng makakasama sa graduation." Bigla akong kinabahan. Sigurado akong hindi ako makakasali dahil kulang pa ang naibabayad ko sa tuition. Isa-isang tinawag ng professor ang mga pangalan. "Mea S. Valdez." Nanlaki ang mga mata ko. Dahan-dahan akong tumayo at hindi makapaniwala sa narinig ko. "Sir... kasali po ba talaga ako?" tanong ko. Napatingin siya sa akin. "Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang pangalan mo?" sagot niya. Pagkatapos ng klase, agad ko siyang nilapitan. "Sir, hindi po ba sabi ninyo hindi ako makakagraduate ngayong taon dahil kulang pa po ang tuition ko?" Ngumiti siya nang bahagya. "May nagbayad na." Para akong natigilan. "Sino po?" "Pasen
Huling Na-update: 2026-07-22
Chapter: CHAPTER 6Dairy ni Lhiam the reason why ,paano niya na gustohan siya mea dahil simple lang siya babae.ito ang tipong babae na gusto niya sa Isang babae at Nakita niya LAHAT sa katangian ni mea. National high campus, 18th of August on the afternoon under acasia tree, my world change completely of her presence. While I was busy sight seeing of our campus she passed by and directly told me, scaper! why are staying here alone during class hour? I was shocked and didn't get to answer her. she continued walking towards our school building, and I don't know why and what but was attracted by her simple presence. While she's walking towards the school her hair seems to like dancing with the wind and couldn't explain what I'm feeling that day... And yes I feel admiration, admiration of her looks, her attitude, her hair, just everything about her. at the age of 13 she was my first crush!. As I come home I couldn't stop thinking of her, her face is still in my mind, her voice, and I, wh
Huling Na-update: 2026-07-18
Chapter: Chapter 1Nakatulala akong nakaupo sa cashier habang hinihintay ang susunod na customer. Alas-dos medya na ng hapon, at sa ganitong oras ay medyo walang customer ,kaya nagkakaroon ako ng pagkakataong makapagpahinga.By the way, isa akong cashier sa isang convenance storesMatapos akong grumadweyt ng Senior High School, napilitan muna akong huminto sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay. Nagdesisyon akong magtrabaho upang makapag-ipon para sa tuition fee ko sa kolehiyo.Akala ko makakaipon ako.Pero mali pala ako.Sa dami ng gastusin at mga pangangailangan naming magkakapatid, wala ring natitira sa sahod ko. Kailangan ko ring magpadala ng pera sa mga kapatid ko kaya hindi ko nagawang mag-ipon.Ako ang panganay sa aming tatlong magkakapatid.Matagal nang hiwalay sina Mama at Papa. Si Mama ay nagtatrabaho sa ibang bansa, habang si Papa naman ay mayroon nang sariling pamilya.napilitan akong isantabi muna ang pangarap kong makapag-aral ng kolehiyo.Habang wala pa ring custom
Huling Na-update: 2026-06-30
Chapter: THE BOY BEYOND MY CAGENakatulala akong nakaupo sa cashier habang hinihintay ang susunod na customer. Alas-dos medya na ng hapon, at sa ganitong oras ay medyo kaya nagkakaroon ako ng pagkakataong makapagpahinga. By the way, isa akong cashier sa isang convenance stores Matapos akong grumadweyt ng Senior High School, napilitan muna akong huminto sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay. Nagdesisyon akong magtrabaho upang makapag-ipon para sa tuition f*e ko sa kolehiyo. Akala ko makakaipon ako. Pero mali pala ako. Sa dami ng gastusin at mga pangangailangan naming magkakapatid, wala ring natitira sa sahod ko. Kailangan ko ring magpadala ng pera sa mga kapatid ko kaya hindi ko nagawang mag-ipon. Ako ang panganay sa aming tatlong magkakapatid. Matagal nang hiwalay sina Mama at Papa. Si Mama ay nagtatrabaho sa ibang bansa, habang si Papa naman ay mayroon nang sariling pamilya. napilitan akong isantabi muna ang pangarap kong makapag-aral ng kolehiyo. Habang wala pa ring c
Huling Na-update: 2026-06-29
Chapter: Chapter 3Kinabukasan, maagang gumising ang buong paligid ng penthouse. Ang dating payapa at mainit na kapaligiran ay napalitan ng bigat at pag-iingat matapos ang nangyari kagabi. Kahit na nandiyan pa rin si Zavier sa tabi ko, hindi maalis ang kaba sa dibdib ko. Ang mga salitang narinig namin sa intercom ay tila paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. “Good morning,” bati ni Zavier habang dahan-dahang hinahaplos ang aking buhok. Pero sa halip na ang karaniwang ngiti, seryoso pa rin ang kanyang mukha. “Don’t worry. I already ordered extra security around the building. No one gets in or out without my permission.” Tumingin ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. “Do you think it’s safe to stay here? What if they really know who I am?” “Sa ngayon, ito ang pinakaligtas na lugar. Pero may isang bagay na kailangan nating harapin ngayon,” sagot niya, at naramdaman ko ang bahagyang paghigpit ng hawak niya sa akin. “My mother is on her way up. She called five minutes ago saying she has something imp
Huling Na-update: 2026-06-15
Chapter: Chapter 2Matapos ang mahabang oras ng pagpapahinga, dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ang silid ay pinaliligiran pa rin ng mainit na liwanag na galing sa paglubog ng araw, at ang katahimikan ay napupuno lamang ng mahinang huni ng hangin mula sa malalaking bintana.Naramdaman ko pa rin ang bigat ng braso ni Zavier na nakabalot nang mahigpit sa aking bewang, at ang init ng kanyang katawan na tila ayaw akong bitawan kahit saglit.“Are you awake already?” tanong niya sa mababa at magandang boses habang dahan-dahang hinihimas ang aking balikat.Lumingon ako sa kanya at nahuli ko siyang nakatingin sa akin nang may ngiting puno ng kasiyahan. Parang may kakaibang kislap sa kanyang mga mata na hindi ko pa nakikita noon—hindi lang pagnanasa, kundi isang uri ng pagmamay-ari at lambing.“Medyo lang. Akala ko mananaginip lang ako sa lahat ng nangyari kanina,” sagot ko habang pinaglalaruan ang dulo ng kanyang daliri.Zavier bahagyang natawa, ang tunog nito ay parang musika sa pandinig ko. Umanga
Huling Na-update: 2026-06-15
Chapter: Chapter 1Note: This story contains mature themes and is intended for adult readers only. Reader discretion is advised.Nakatayo ako sa tapat ng malaking pintuan ng pinakamalaking penthouse sa tuktok ng gusaling kilala sa buong lungsod bilang sentro ng kapangyarihan at yaman. Ang puso ko ay mabilis na tumitibok, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa kaba at sa kakaibang init na dahan-dahang kumakalat sa buong katawan ko. Ang pangalang nakaukit sa gintong plaka sa tabi ng pinto ay sapat na para malaman ng sinuman kung sino ang nasa loob Zavier. Ang taong tinatawag ng lahat na isa sa pinakamayaman at pinakakinatatakutang negosyante sa buong bansa.Bago pa man ako makapagtaas ng kamay para kumatok, kusang bumukas ang pinto. Sa harap ko ay nakatayo ang isang lalaking may matalim na tingin, nakasuot ng simpleng putting damit na parang gawa sa pinakamagandang tela. Ang kanyang mga mata ay tila nagsusuri sa bawat pulgada ng aking katawan, at sa bawat segundong nakatingin siya sa akin, parang unti-unti
Huling Na-update: 2026-06-15