Share

The way you look at me
The way you look at me
Author: Arki

Prologue

"I don't want to marry someone!" she shouted at her parents. She's trying to explain her side to them, but it didn't make any sense. Kahit gaano pa siya magmakaawa rito, hindi na magbabago ang isip ng dalawa. 

She looked at her mom. Alam niyang maiintindihan siya ng ina niya lalo na't pinay ito at tinuruan siya nito na mag-tagalog kaya sanay na sanay na siya sa lengguwahe ng Pilipinas but her mom mouthed 'sorry'.

Napayuko nalang siya at tumakbo papunta sa kwarto niya at nagkulong. She cried in the whole day. Wala siyang pinapapasok sa kwarto niya then a plan came up in her mind. Mabilis niyang kinuha ang laptop niya at nag-chat sa kaibigan niyang nasa Pilipinas. Her family doesn't know that she has a friend in the Philippines. 

"Hoy babae! Tulala ka na naman." Someone spoke in front of me kaya napakurap ako sandali.

"What?"

"Kanina pa ako nagkukuwento rito pero 'di ka naman pala nakikinig. Iniisip mo na naman ang pamilya mo 'no?" I look away when hearing the word 'pamilya' from my bestfriend, Naomi. I sighed at naalala ang masayang araw na kasama ko ang pamilya ko.

"I missed them." It's been years na pala simula no'ng lumayas ako sa palasyo. Kumusta na kaya sila? Nag aalala kaya sila sa kalagayan ko? 

Naomi patted my shoulder and said, "pwede ka naman bumalik anytime kung kailan mo gusto." 

Mabilis akong umiling dito. Ayoko munang bumalik sa kinagisnan ko kasi alam kong itutuloy nila ang kasalan. "Alam mo naman kung bakit ako lumayas diba? Ayokong magpakasal sa hindi ko napupusuan."

"Oo na, ang hirap naman kasi ng sitwasyon mo. Hindi mo pa talaga kilala ang pakakasalan mo. Sanaol nalang sa buhay mo." 

Pareho kaming nakahiga sa kama at nagmumuni sa paligid. Bumangon naman siya bigla at nag-squat position sa higaan and put her index finger on her chin, thinking. "Let's go fun na lang kaya?" saad nito sabay tingin sa 'kin.

Ano kayang iniisip ng babaeng 'to? Bigla na lang kasi itong umalis sa higaan at pumunta sa cabinet ko at para bang may hinahanap.

"What are you doing?" I asked, but she ignored me and kept on searching for something in my closet. Babangon na sana ako nang bigla itong humarap sa 'kin at may dalang dress. 

"Charaaan! Wear it."

"No way! Where are we going first?" Lumapit ito sa 'kin at hinagis ang dress sa mukha ko. I glare at her. Medyo masakit 'yon sa mukha. 

"Sorry po kamahalan, pupunta po tayo sa lugar na may bar. Party! Party!" Tinignan ko lang ito na sumasayaw habang sinasabi ang katagang 'party'. 

She knows how much I hate the bar. Mausok at maraming tao ang naglalandian. Naalala niya pa ang unang punta niya sa bar, hindi niya akalain na gano'n pala ang bar na tinutukoy ng kaibigan niya. Hindi naman kasi siya nakapunta ng gano'ng lugar no'n kasi nasa palasyo lang siya at kung aalis man, maraming bawal na ipapahabilin ang amang hari sa kanya. 

Umiling lang ako kay Naomi at nagtalukbong ng kumot. Bigla ba naman 'tong sumampa sa kama at nagtatalon na para bang bata dahilan upang tingnan ko siya nang masama.

"PUPUNTA NA 'YAN! PUPUNTA NA 'YAN! 'DI AKO TITIGIL DITO PAG HINDI PUMUNTA SI CELINE! PUPUNTA NA 'YAN! PUPUNTA NA 'YAN YEEI..."

"Bitch," sabi ko rito at tumayo na sa higaan. Ano pa nga bang magagawa ko? Hilig na 'ata niya mag-bar pag weekends. Kinuha ko na ang damit na tinapon niya sa mukha ko kanina at nagbihis. At tuwang-tuwa naman ang bruha dahil nanalo na naman siya at napapayag ako sa gusto nito.

***

Nasa likod lang ako ni Naomi, nakasunod. Akmang papasok na sana kami sa loob ng bar nang bigla kaming hinarangan ng bouncer at sinimulan kaming tanungin. Akala siguro ng mga ito na minor pa kami. Sino ba namang hindi? Sa ganda naming 'to, mukha pa kaming 18-year-old below. 

Hindi nagtagal, nakapasok na rin kami sa lugar na kung saan ayoko sana balikan kaso itong si Naomi, gustong-gusto talaga pumunta rito.

"Ano ang gagawin natin dito?" I asks her. Nilibot ko ang paningin sa paligid at nandidiri ako sa nakikita ko. Yuck. May naghahalikan sa madilim na parte.

"Ano nga ba ang pinupuntahan ng mga tao sa bar? Edi magsaya! Yuhooo..."

Napatampal nalang ako sa noo dahil sa sagot ni Naomi. Minsan napaisip ako kung bakit ko ito naging kaibigan e'.

Mag-isa akong lumakad papunta sa counter, iniwan kasi ako ni Naomi. Pupunta lang daw ito sa comfort room upang magbawas. Bakit kaya hindi na lang nito ginawa 'yon no'ng nasa apartment pa kami? Feeling ko tuloy may ikikita 'yon, 'di lang sinasabi sa 'kin. Pangit ka-bonding parang hindi kaibigan. That bitch has a little secret!

Umupo na ako, at nasa harapan ko 'yong bartender na gumagawa ng mga inumin. Ganda ng moves ni kuya habang hinahalo 'yon, sumasayaw ba naman. Ngumiti ito sa 'kin dahilan upang makita ko ang mapuputi at pantay nitong ngipin. Ang gwapo ni kuya.

"What do you want to drink, beautiful?"

Napaiwas naman kaagad ako ng tingin. Beautiful? Naka-glasses nga ako ngayon e', 'di ko alam na magaling din pala mambola ang isang ito. Medyo ekis ka sa 'kin kuya.

"One glass of vodka martini."

"Alright!" Pinagmasdan ko ang paghalo niya sa in-order ko, at 'di 'yon inabot ng dalawang minuto bago niya matapos ang paggawa nito. 

"Here's your order, beautiful. Enjoy!" Kumindat naman ito sa 'kin bago nilagay ang baso sa harapan ko.

Sinimulan ko na ang pag inom habang nag-oobserba sa paligid. Hindi ko mapigilang mandiri sa mga taong naghahalikan sa loob. Nilibot ko pa lalo ang paningin ngunit wala akong Naomi na nakita. Ang tagal naman no'n sa comfort room. 

Mapapaisip ka nalang tuloy kung comfort room ba talaga ang pinuntahan nito. Isang oras na itong nawawala at hindi pa bumabalik ang bruha. Tagal naman niya matapos magbawas para namang isang sako ang binawas niya sa katawan.

Mauubos ko nalang 'ata itong vodka martini.

Nakakabagot maghintay sa kanya rito sa counter. Mabilis kong inubos ang alak at tumayo na. Hahanapin ko na lang ang bruha na 'yon kaysa naman tutunganga na lang ako rito.

Naglakad at sinimulan ko na ang paghahanap dito. Bakit kasi nakalimutan kong dalhin ang cell phone ngayon.

Sumiksik ako sa maraming tao. Hindi ko mapigilang mapa-mura nang may tumulak sa 'kin. Lumingon ako at tinignan kong sino ang tao na 'yon ngunit sa rami ba namang taong nandito sa bar, hindi ko na natukoy kung sino 'yon.

Bagot ang mukhang tumalikod na ako. Saktong pagtalikod ko, nakabunggo ako ng isang nilalang dahilan upang mahulog ang hawak-hawak niyang cellphone at marinig ko ang pagbasag no'n nang tumama ito sa sahig.

So clumsy, Celine.

Napapikit nalang ako sa sobrang katangahan, ba't kasi 'di ka tumitingin sa dinadaanan mo self?

Mabilis kong kinuha ang nabasag na cellphone. Sinuri ko pa ang kabuuan nito, basag talaga 'yong screen. Patay. Mamahalin pa naman 'to kasi may ganito rin ako sa palasyo.

"Here's your phone, I didn't mean to bumped you and I apologize." Inabot ko rito ang basag na phone habang nakayuko. 

"Do you think your sorry is enough? My phone is worth high value, you can't even afford it," may diin na sabi nito.

Napataas tuloy ang isang kilay ko sa narinig. Anong akala nito na hindi ko alam na mahal 'to? And what? Did he mentioned that I cannot afford the phone? Pwede ko ba 'tong sampalin ng maraming cell phone? 

Nakayuko pa rin ako at pilit na pinipigilan ang sarili sa pagsabog.

"What? Pay the damage brat." Kumulo naman kaagad ang dugo sa katawan ko nang marinig ang tinawag niya sa 'kin. 

Nasaan ka na ba Naomi? Baka magkasala ako at mapatay ko ang isang 'to. For pete's sake! I'm not brat!

Sa pagkakataon na 'to, tinaas ko na ang tingin at tinignan ang lalaking 'to. Saglit naman ako napatigil nang dumapo ang tingin ko sa kanyang mata na nakatingin din sa 'kin ngayon habang kunot ang noo. Hindi dahil maganda ang mata niya ngunit ramdam ko ang pagka-misteryoso nito.

"What are you staring at?" Umiwas naman kaagad ako ng tingin nang magsalita ulit ito.

"I don't have enough money to pay the damage, pwede bang ibang paraan na lang?" Naalala ko lang kasi na hindi pala ako nakatira ngayon sa palasyo at lalong hindi ko pwedeng gamitin ang card na meron ako at baka maging dahilan 'yon upang ma-trace up nila ang kinaroroonan ko.

"See? You can't afford it. You owe me, see you next time." Nilagpasan na ako nito, naamoy ko pa ang mabago nitong perfume. Lol. 

Sinundan ko 'to ng tingin hanggang sa umupo na ito sa isang lamesa. May kasama itong dalawang lalaki at parehong may kandong na babae. Sa isang tingin mo palang sa kanila, malalaman mo na kaagad na mataas ang antas ng mga 'to sa lipunan.

May tumapik naman sa balikat ko dahilan upang harapin ko 'to. "Hoy babae! Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap."

Sinamaan ko 'to ng tingin. Bruhang ito, ako nga itong kanina pa naghahanap sa kanya. Nakabunggo pa tuloy ako ng isang masungit na nilalang.

"Gaga ka, hinahanap din kita kasi antagal mo sa pinuntahan mo. Wala ka naman sa comfort room ng pinuntahan kita, sa'n ka ba pumunta?" I asks. Still glaring at her.

Ngumiti naman ito sa 'kin nang alinlangan bago sumagot, "chika ko sa 'yo pag-uwi natin. Let's go home na."

Himala at maaga itong uuwi. Tumango na lang ako sa kanya at nagsimula na kaming lumakad papalabas ngunit bago 'yon, sinulyapan ko muna ang lalaki. Napansin kong nakatingin lang ito sa basag nitong cell phone. Bigla naman itong lumingon at tumingin sa kinaroroonan ko dahilan upang ako'y magulat. Baka magbago pa ang isip nito at ngayon ako singilin. Hinawakan ko na ang kamay ni Naomi at tumakbo palabas.

See? You can't afford it. You owe me, see you next time.

You owe me, see you next time.

See you next time.

See you next time.

Jusko. Walang next time na magaganap. Sisiguraduhin ko 'yan.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Autumn Astrea
nice one bespren.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status