Share

Chapter 11

ALLISON'S POV

Mukha yatang hindi maganda na ipinakilala ko ngayon si Kenneth sa mga bestfriends ko dahil nag-away at nagkasagutan pa sila. Maging pati sina Jace at Karl ay nagalit na rin sa akin. Hindi ko tuloy maintindihan kung tama ba itong naging desisyon ko o talagang hindi lang maintindihan ng mga bestfriends ko na may boyfriend na ako at hindi na nila kailangang maging overprotective pa sa akin?

Tahimik lang ako habang nagmamaneho si Kenneth pauwi ng bahay namin. Nakita ko kung paano niya kausapin ang mga kaibigan ko at aaminin kong medyo nayabangan ako sa ginawa niyang iyon. Hindi ko naman siya makausap tungkol doon dahil baka maoffend lang siya sa sasabihin ko. Normal lang naman siguro na nagiging ganito si Kenneth dahil girlfriend na niya ako at nagseselos lang siya kila Jude, Jace, Karl at Rowan dahil malapit ako sa kanila.

Tama naman ako, hindi ba?

"Sigurado ka bang bestfriends mo lang 'yung mga 'yon? It looks like na may gusto silang lahat sa'yo lalo na 'yung Jace at Karl
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status