ALLISON'S POVPagkagising ko ay naramdaman ko nalang kaagad ang sakit ng ibaba ko. Nilibot ko ang paningin ko at nasa isang kwarto pala ako habang nakahiga sa kama. Nang tumingin ako sa sarili ko ay halos manlumo ako sa nakita ko, wala akong ni isang katiting na suot habang nakabalot ng kumot ang buong katawan ko. Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi at ang naalala ko lang ay kasama ko sila Jude, Jace, Karl at Rowan at pagkatapos nun ay may pinainom si Jace sa akin hanggang sa mahilo na ako nun at hindi ko na maalala pa ang kasunod na pangyayari.Hindi kaya? Umiling lang ako at hindi ko na mapigilang mapaiyak. Anong ginawa nila sa akin kagabi? Bakit wala akong maalala? At bakit nakahubad ako ngayon?"Gising ka na pala,"Nakita ko nalang na pumasok mula sa kwarto si Karl na may dalang tray ng pagkain. Pagkatapos nun ay inilapag niya ang tray sa bedside table saka ito umupo sa gilid ng kama habang nakatitig sa akin.I glared at him. "Anong ginawa niyo sa akin kagabi, Karl? Bakit
ALLISON'S POVKinabukasan ay nakipagkita ako kay Kenneth sa field ng school pagkatapos ng klase namin. Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon and at the same time ay nalulungkot rin dahil sa magiging desisyon ko. Ayoko nang dahil sa akin ay may buhay pang mawala kaya kahit labag sa kalooban ko ang gagawin kong ito ay wala akong ibang choice kundi tanggapin nalang ang kapalaran ko.Sana sa gagawin kong ito ay mapatawad pa rin ako ni Kenneth sa huli."Bakit bigla ka na lang nawala nung isang araw? At hindi ka pa pumasok kahapon? Ano na ba talagang nangyayari, Allison? May problema ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Kenneth at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at iniharap niya ako sa kanya.Yumuko naman ako at umiling. "Wala akong problema, Kenneth." Mahina kong sagot."Kung ganon, bakit gusto mo akong makausap ngayon? Ano bang importante mong sasabihin sa akin? Hindi mo ba alam na sa ikinikilos mo ngayon ay sobra na akong nag-aalala para sa'yo?" Nag-aalala niyang sabi.Pati sa pagh
THIRD PERSON'S POVSa paglipas ng isang buwan ay tila nabaliktad na ang mundo nina CJ at Kenneth at sa loob rin ng isang buwan ay maraming mga pagbabago ang nangyari sa buhay ni Allison. Tinotoo nga ni CJ ang sinabi niyang tuluyan na siyang magbabago para kay Allison dahil ngayon ay huminto na ito sa pagiging bully sa paaralan nila kasama sina Laurence at Gene at nagsisikap na rin itong mag-aral ng mabuti. Aakalain mo ba na sa loob lang ng isang buwan ay nangunguna na ngayon si CJ sa academics maging pati na rin sa sports? Talaga ngang malaki ang tulong na naibigay sa kanya ng kasintahan niyang si Allison dahil sobrang laki na ng ipinagbago ni CJ. Naging mas matured na rin itong mag-isip at nakikisalamuha na rin siya ng mabuti at maganda sa ibang mga tao lalo na sa paligid nila.Sa kabilang banda naman, kung ano ang ikinataas at ikinaganda ng takbo ng buhay ni CJ ay iyon naman ang ikinalugmok at ikinabagsak ni Kenneth. Simula nang makipaghiwalay sa kanya si Allison ay tila para bang n
ROBIN'S POV"Hindi ka na ba binibigyan ng sakit ng ulo ng kapatid ko?" Nakangiting tanong ko kay CJ habang umiinom kami dito sa sala ng bahay namin.Its already a midnight kaya tulog na rin sina Allison at Mama. Kaming dalawa nalang ni CJ ang gising dahil may pag-uusapan kaming importanteng bagay ngayon.Umiling naman si CJ at napangiti. "Nah, for the past 1 month, she's being nice to me and I think malapit na rin mahulog ang loob niya sa akin." He said.Kunwari naman ay nagulat ako sa sinabi niya. "Really? Then how about that Kenneth guy? Ginugulo pa rin ba niya si Allison?" Tanong ko.Sa sinabi ko ay tila nagdilim ang buong mukha ni CJ at napakapit ito ng mahigpit sa hawak niyang wine glass."That moron, he kissed Allison yesterday and I saw that Allison is kissing him back. Hindi na talaga ako makakapayag na malapitan pa niya ulit ang girlfriend ko. Alam mo naman na ginawa ko ang lahat para lang makuha ko si Allison at maging isang topnotcher sa school namin ngayon at maagaw ko ang
ALLISON'S POVDahil matagal na rin mula nang huling bumisita ako kina Papa at Tita Merly ay napag-isipan kong dalawin sila ngayon. Sa dami kasing nangyari nitong mga nakaraang buwan ay hindi ko na rin masyadong nakakausap sina Papa at alam kong miss na miss na nila ako.Nagpaalam muna ako kay CJ na dadalawin ko sina Papa sa tinitirhan nila at pumayag naman siya. Nagpresinta pa siyang ihahatid niya ako papunta doon pero tumanggi ako at sinabi kong 'yung driver nalang namin ang maghahatid sa akin. Medyo tumutol pa siya nung una pero pumayag rin naman siya kalaunan.Nang makarating na ako sa bahay nila Papa ay kaagad namang sumalubong sa akin si Enzo na mukhang kakarating lang mula sa school nila dahil naka uniform pa siya."Ate Alli? Mabuti at dumating ka na." Nakangiting bungad niya sa akin at pinagbuksan ako ng gate nila.Napangiwi naman ako dahil kahit 17 years old palang si Enzo ay mas matangkad na ito kaysa sa akin. Namana niya ang height niya kay Papa na isang Vietnamese na dito n
CJ's POVAko na nga siguro ang pinakadesperadong lalake sa mundo. I did many stupid things para lang makuha ko si Allison and its worth it. I really love her too much na umabot na sa puntong kaya kong makapanakit o makapatay ng tao huwag lang siyang maagaw ng iba sa akin.I know that she doesn't love me at alam ko na hanggang ngayon ay si Kenneth pa rin ang mahal niya pero sigurado naman ako na balang araw ay matututunan niya rin akong mahalin pabalik katulad ngayon na okay na kami.Ngayon ay kakatapos ko lang magpractice ng basketball kasama sina Laurence at Gene. Umupo kami sa isang bench para magpahinga."How are you and Allison, bro? Mukhang effective talaga 'yung ginawa mong plano, ah? Ngayon ay nabaliktad na ang mundo niyong dalawa ni Kenneth at ikaw na ang nasa pwesto niya. Kahit si Allison naagaw mo na rin sa kanya." Nakangising sabi ni Laurence habang sinisintas nito ang sapatos niya.Ngumiti lang naman ako at nagkibit-balikat. "
THIRD PERSON'S POV"Manong, pwede bang banggain mo ng bisekleta 'yung magandang batang babaeng papatawid? Hindi mo naman kailangang lakasan 'yung pagbangga sa kanya, ang papalabasin mo lang ay kunwari ako ang tutulong sa kanya." Sabi ng batang si Kenneth sa matandang lalakeng nakabiskleta na naglalako ng binatog sa daan.Gulat na gulat naman ang matandang lalake sa sinabi ni Kenneth. Anong mayroon sa utak ng batang ito at ganito ang hinihinging pabor nito sa kanya?"Hijo, okay ka lang ba? Bakit ko naman babanggain 'yang magandang batang 'iyan para lang mapalabas na tutulungan mo siya? Nababaliw ka na yata." Umiiling na sabi ng matanda.Kaagad namang naglabas ng isang libong piso si Kenneth mula sa bulsa ng suot niyang jumper suit at ipinakita ito sa matanda."Kapag sinunod mo 'yung sinabi ko ay ibibigay ko sa'yo 'tong isang libo. Ano, Manong. Deal?" Pangungumbinsi pa ni Kenneth.Napalunok naman ang matandang lalake at tinitigan a
Warning: (SPG)ALLISON'S POVSobrang dami ng iniisip ko ngayon lalo na't nung mismong araw na nakausap ko si Enzo. He's right, I need to think for myself now. Alam ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magagawang mahalin si CJ pabalik dahil si Kenneth pa rin ang mahal ko. Its unfair to him kung magiging girlfriend niya pa rin ako kahit hindi ko siya mahal. I know that he doesn't deserve to be hurt pero mas lalo lang siyang masasaktan kung patuloy pa rin siyang umaasa sa akin. 1 month is enough and I need to let go CJ.Its already 10pm at nandito ako ngayon sa bar. I need to refresh and unwine my mind para sa mga desisyon na pinag-iisapan at gagawin ko. While I was drinking my tequila sa bar counter ay may lalaking lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. Laking gulat ko nalang nang si Kenneth iyon.He's wearing a black jacket with black t-shirt underneath and pants habang nakabrush-up naman ang itim niyang buhok. He's looking handsome and great ton