Masuk3RD PERSON'S POV"Flowers for you." nahihiyang lumapit si Simon kay Fiona at iniabot dito ang bouquet ng bulaklak.Gaya niya ay nahihiya naman iyong tinanggap ni Fiona at pasimpleng inamoy."T-Thank you. Have a seat." aniya na inilad ang kamay sa sofa.Naupo naman sa mahabang sofa si Simon habang si Fiona naman ay naupo sa single couch sa harapan niya."A-Anong g-ginagawa mo dito?" tanong niya rito kahit pa alam naman niya ang pakay nito sa kaniya.Nang marealized niya ang kaniyang kalutangan ay napapikit siya ng mariin. Gusto niyang kaltukan ang sarili!Napangiti naman si Simon ng makita ang cute na reaction ni Fiona."G-Gusto ko sanang umakyat ng ligaw, sayo. K-Kung okay lang sana sayo?" kibit-balikat na tugon ni Simon sa kaniya.Hindi naman malaman ni Fiona ang kaniyang isasagot. Ito ang unang pagkakataon na niligawan siya ng isang lalaki.Hindi naman kasi siya pormal na niligawan noon ni Travis. Ang kanilang relasyon ay kanila lamang napag-usapan at napagkasunduan ngunit walang l
3RD PERSON'S POV"Fiona, anak may bisita ka." imporma ni Felomina sa kaniyang anak nang pumasok siya sa silid nito.Simula ng madischarge ito sa ospital ay hiniling niya na muli itong manatili sa kaniyang poder.Kasalukuyang kasama ni Fiona sa kaniyang silid si Terra na kaniyang pinupusudan ng buhok.Kahit hindi pa sila nagkaka-ayos ni Avery ay hindi naman niya idinadamay ang kaniyang mga pamangkin sa alitan na namamagitan sakanila ng ina ng kambal. Sa katunayan ay aliw na aliw siya sa mga ito lalo na kay Terra na sobrang lambing at bibo.Sino ba namang hindi lalambot sa batang sobrang giliw at napakalambing?Lagi itong nakadikit sa kaniya at talaga namang napaka clingy!Itinigil niya ang pagpupusod sa pamangkin at nilingon ang kaniyang ina na nakatayo sa pintuan."Sino po, Mommy?" nagtataka niyang tanong.Sino naman kaya ang bibisita sa kaniya, eh wala naman siyang kaibigan maliban kay Avery?"Isang gwapong manliligaw." masayang imporma sa kaniya ni Felomina.Nagsalubong naman ang ka
3RD PERSON'S POV“About sainyo? Hindi dahil buntis siya ay may rason ka na para balikan siya. Hindi ka nga naging ama sa panganay nyo, sa sumunod pa kaya?” palatak ni Luis.Tiim bagang siyang tinitigan ng mataman ni Travis.“Inaamin kong may pagkakamali ako at kapabayaan noon, pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na ako pwedeng bumawi sa mag-iina ko. I am still his husband, Luis, at buntis siya sa pangatlo naming anak.”Napaglapat ni Luis ang kaniyang mga labi. Tila punyal ang mga salita ni Travis na humiwa sa kaniyang puso.Kanina lang, nang marinig niyang buntis na naman si Avery at malamang si Travis ulit ang ama ay parang nilalamukos ang kaniyang puso.Nangako si Avery sa kaniya na oras na maghiwalay ang dalawa ay bibigyan siya nito ng pagkakataong makapasok sa puso nito ngunit lingid sa kaalaman niya ay meron na pala ulit namamagitan sa dalawa.Muling ibinigay ni Avery rito ang kaniyang pagkababae sa kabila ng mga ginawa nito sa kaniya. Patunay lamang na mahal pa rin talaga ni A
3RD PERSONS POV Itinaas ni Travis ang kaniyang kanang kamay bilang panunumpa habang nakatingala kay Avery. "I promised." Tumango-tango naman si Avery kasabay ng paglapit nito sa kaniya. Pinatayo siya nito at kusang yumakap sa kaniya. Marupok na kung marupok pero ayaw na niyang magmatigas pa. Alam niya sa sarili niya ang totoong sinisigaw ng kaniyang puso at iyon ay si Travis pa rin. Siguro nga ang kaniyang pagbubuntis ang naging daan para hindi matuloy ang kanilang pinaplanong paghihiwalay. Ang totoo ay ipinagpapasalamat niyang hindi natuloy ang kanilang annulment dahil hindi naman talaga siya handang makipaghiwalay kay Travis. Kahit paulit-ulit niyang kumbinsihin ang kaniyang sarili na ito ang nararapat para sa kanilang dalawa ay hindi naman talaga ito ang nais ng puso niya. Isa sa dahilan kung bakit siya matamlay ay dahil nalulungkot siya sa tuluyan nilang paghihiwalay ni Travis. Sa ilang araw na hindi niya ito nakita dahil hindi na ito umuuwi sa condo unit niya ay nakaramda
AVERY'S POV "Travis, a-ano bang nangyayari sayo?" naguguluhan ko siyang tininulak palayo sa akin ngunit maagap naman niyang hinawakan ang isa kong kamay. Nag-umpisa na ring manubig ang kaniyang mga mata bagay na hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganon? "Avery, I know we agreed that I would set you free, but please forgive me if I change my mind again and withdraw our annulment. I have made up my mind. This time, I want to stay by your side until you give birth. I want to make up for everything. I will not leave you anymore, even if you push me away multiple times." Natigilan ako sa kaniyang sinabi. "Until I gave birth?" kunot noo kong tanong sa kaniya. Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya! + Ngumiti naman siya at tumango-tango. "Yeah, magkakababy na ulit tayo." turan niya. Nanlamig bigla ang buo kong katawan. "Travis what are you talking about?" hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. binitawan niya ang kamay ko at ibinigay sa akin ang envelope na nakaipit sa ka
3RD PERSON'S POV “Troy, may problema tayo...” lapit ni Mark sa kaniya. Kasalukuyan siyang nasa kaniyang opisina nang puntahan siya ni Mark. Kunot noo niyang ihininto ang pagbabasa sa dokumentong hawak at tiningala ang partner. “Bakit, anong problema, bro?” “Napatunayan sa korte na si Natalia ay may sakit sa pag-iisip kung kaya hindi siya maaaring dalahin sa Koreksyunal, sa halip pinag utos ng hukuman na dalahin siya sa isang Mental facility na naaayon sa Revised Penal Code (Article 12) at Mental Health Act of 2018 (RA 11036).” imporma ni Mark sa kaniya. Napabuntong hinanga si Troy at pinagsalikop ang mga kamay na nakapatong sa lamesa.. “Wala tayong magagawa kundi sundin ang batas. Kinakailangan na lamang natin siguraduhin na hindi makakalabas ang babaeng iyon sa Mental.” tugon niya. “Aabisuhan ko na rin si Travis at Avery patungkol dito.” ani Mark sa partner niya. “Mabuti pa nga para maging aware sila.” tugon naman ni Troy. “Sige, dyan ka na. Dadaan ko na lang si Travis sa k







