Share

Chapter 5

3rd Person's POV

Buong umaga sa main office ng kumpanya si Conrad, dino-double check ang mga dokumentong nangangailangan ng approval at pirma niya.

Anak man sa labas, siya ang namamahala sa mga negosyo ng ama dahil na rin sa unang-una, siya ang tagapagmana ng multi-million businesses nito as stated in his grandfather's last will and testament. At pangalawa, ay dahil na rin sa taglay niyang karisma, sharpness, at angking kahusayan sa pagnenegosyo.

Mula nang malaman ng ama niyang competent siya sa larangan ng pag-aaral lalong-lalo na sa kursong kinuha niya na Bachelor of Science in Business Administration (BSBA) major in Business Economics, kahit wala siyang suportang nakukuha rito at nag-working student pa para lamang makapagtapos ng pag-aaral, idagdag pa ang gilas na ipinamalas niya noong nag-OJT sa kumpanya ng sarili niyang ama, na noon ay wala siyang kamalay-malay na ito mismo ang may-ari, ay ganoon na lamang ang pagnanais nitong ibigay sa kanya ang nararapat na posisyon sa negosyo ng pamilya.

At dahil na rin sa hindi na nagkaanak pa ng lalaki ang kanyang ama, at dalawang babae lamang ang naging anak nito sa asawa, ay pinilit siya nitong mamahala sa kumpanya kahit pa halos ikasira ito ng pamilya nito noon.

His father even used underhanded measures para lang mapa-oo siya nito at maging CEO ng kumpanya magpahanggang ngayon.

Nasa kalagitanaan siya ng pagbabasa ng mga dokumento, nang muling maalala ang pag-uusap nila ni Amorah dalawang linggo na ang nakalipas.

"Ano?! Okay ka lang? Adik ka, sir? Wag mo nga akong pag-trip-an! Dahil ba sa nakuha mo na'ng pagkab**e ko kaya iniisip mo'ng bibigay lang din ako sa gusto mo? Na pag inalok mo'ko ng kasal, ibibigay ko lang din 'to sa'yo ng paulit-ulit? Gano'n ba kababa ang tingin mo sa'kin?" asik ni Amorah sa kanya matapos niya itong alukin ng kasal.

Bahagya siyang nagulat sa pinaghalong inis at pait sa reaksyon nito, na tila ba na-offend sa 'di niya malamang dahilan sa kabila ng pamumula ng mga pisngi nito.

Hindi niya inasahan ang sagot ni Amorah kaya sandali siyang natigilan. At napaisip. Naroon man ang panlulumo at kirot sa kanyang puso sa tinuran nito, ay may parte sa puso niyang inasahan na ang ganitong reaksyon.

He knew he can't blame her after what he did 3 years ago.

Pero kahit na gano'n, hindi niya maiwasang magtaka rito. She seemed on guard, like he's a stranger to her, like how she was on their first meeting three years ago.

"N-no, babe. Seryoso ako. I..."

Agad niyang ginagap ang mga kamay nito na para bang sa pamamagitan noon ay mababatid nito na seryoso siya at makakaasa ito sa sinasabi niya.

Tinitigan niya ang nagtatakang mga mata ni Amorah. "I really wanna marry you. I know hindi mo na ako dapat pagkatiwalaan pang muli dahil sa mga nagawa ko noon, and I am begging for your forgiveness, Amorah. Please forgive me, babe. This time... please give me this one last chance para patunayan sa'yong totoo ang nararamdaman ko. I can't live without you..." himig pagmamakaawa niya kasabay ang pagbalong ng masaganang luha.

Nasaksihan niya ang pagbilog ng mga mata ni Amorah, pati na ang pag-awang ng mga labi nito na tila ba nasurpresa sa mga sinabi niya. Na para bang may nadiskubre itong lihim na ipinagbabawal ibahagi. Ngunit agad din nitong naitago iyon at pinakalma ang pagtitig sa kanya na para bang malik-mata niya lamang ang lahat.

Nagtagis ang bagang nito. Nawala ang kanina'y banayad nitong mga titig at napalitan ng nag-aalab na galit.

Hindi niya maintindihan pero may kung ano'ng kakaiba sa mga tingin nito. Na parang... hindi ito ang Amorah na nakilala niya.

Gayon pa man ay ipinagpatuloy niya ang pagsuyo sa dalaga sa pag-asang bibigyan siya nito ng isa pa'ng pagkakataon... isa pa'ng pagkakataon sa pag-iibigan nilang naudlot tatlong taon na ang nakalipas.

He looked at her intently, like he's speaking to her soul. "I promise to hold on to our love tighter, hinding-hindi na kita iiwan kahit kailan. Hindi na ako papayag na mawalay sa iyong muli," pangako pa niya.

Hinintay niyang sumagot si Amorah ngunit hindi ito umimik, bagkus, ay nagbaba lamang ito ng tingin saka lumingon sa ibang direksyon na para ba'ng nagpipigil lamang na umiyak at nasasaktan na nang husto.

Tila sinaksak ng paulit-ulit ang puso niya sa nasaksihan, lalo na nang maramdaman niyang mukhang hindi siya pagbibigyan nito. He tried swallowing to somehow clear his throat from the lumps that seemed to suffocate him.

"R-remember this ring, babe?" binitawan niya ang mga kamay nito saka inangat ang kaliwang kamay upang ipakita ang simpleng gintong singsing na suot-suot niya.

Tumingin naman doon si Amorah, halatang nilalabanan pa rin ang pag-agos ng luha. Watching her in those ached his heart, lalo na't napagtanto niya sa mga sandaling iyon na hindi iyon luha ng kaligayahan kundi sa sakit at pait ng nararamdaman. Pero imbis na panghinaan ng loob ay pinagpatuloy niya lang ang totoong pakay. Kung bakit niya dinala doon sa faculty si Amorah.

"Isinuot mo sa akin ito three years ago, noong sinagot mo ako- and it was the best day of my life! Hindi nga ako makapaniwalang sasagutin mo ako noon kahit sa layo ng estado natin sa buhay. Sana... Sana nasa iyo pa rin ang kapares nitong singsing, babe."

Muli niyang pinagsiklop ang mga kamay nila. Mangiyak-ngiyak niyang pinagmasdan ang mga ito.

It felt surreal and satisfying. Walang pagsidlan ang saya niya habang inaalala ang araw na opisyal silang naging magkasintahan hanggang noong isang gabing naangkin niya ito.

Ilang sandali pa ay nilagay niya ang mga palad nito sa kanyang pisngi. He inhaled, and let himself feel the softness, fragrance and warmth of her hands. Napapikit siya sa sarap ng pakiramdam. He felt like he's finally home and at peace just by her touch.

Paano pa kaya pag nakasama na niya ito?

Pakiramdam niya'y panaginip lamang ang lahat. Kumawala ang hikbi na kanina pa niya pinipigilan at tuluyang bumuhos ang luha, this time, ay dahil sa magkahalong tuwa at pangungulila.

"P-Please don't ever l-leave me again, my love. M-My life was more than m-miserable without you. H-Hindi ko na alam ang gagawin pag nawala ka ulit. You are my everything-"

Gulat at kinakabahan siyang napamulat dahilan kaya nabitin sa ere ang sasabihin pa niya sa narinig.

She just chuckled sarcastically! She just mocked him! Like she found him funny or what?

Napatanong siya sa sarili kung saang parte sa sinabi niya ang tila 'di mapaniwalaan nito. But when he saw the sadness and anger dripping like acid in her beautiful eyes, he then realized... na napakabaliw niya para isipin pang pagbibigyan pa siya nito. Na kahit sa mga nagawa at nasabi niya noon ay mahal pa rin siya ni Amorah.

Masakit man tanggapin, ngunit alam niya sa sariling kasalanan niya ang lahat. At pag 'di nagtagumpay ang plano niya sa dalaga ngayong nagkita silang muli, ay hindi na niya alam ang gagawin pa sa buhay.

Muli niyang naramdaman ang pait at paninikip sa dibdib. Tila malalagutan na siya ng hininga sa sikip ng kanyang lalamunan. Hindi siya makahinga nang maayos. At kung wala lang ang dalaga sa harap niya ay baka kanina pa siya umiyak dahil sa lahat ng napagtanto at sa reaksyon ni Amorah sa alok niya.

Takot siyang ipakita iyon dahil baka hindi rin niya mapigilan ang sarili at daanin ang lahat sa santong paspasan!

Naiwan sa ere ang kamay niya nang marahas nitong binawi ang mga kamay nito. Tinulak pa nito ang kanyang dibdib at kahit na hindi iyon kalakasan ay napaatras siya sa gulat at lungkot na dulot ng ginawa nito.

He silently watched her move away from him. Bawat kilos nito'y katumbas ng 'di mabilang na punyal na parang sumasaksak sa kanyang puso.

"A-Amorah... B-Babe..." garagal niyang pigil saka nanlabo ang paningin sa namuong bagong luha. Tuluyang nagsilandasan ang mga ito nang makitang tila walang naririnig si Amorah at dali-dali pang kinolekta ang mga gamit. Naglakad ito papunta sa pinto para umalis na.

Parang pinipiga na sa sakit ang puso niya habang pinapanood na lumalayo ang tanging babaeng minahal niya. Pipigilan niya sana itong muli ngunit kusa itong huminto.

"Sana nga... sana ganoon lang kasimpleng ayusin ang lahat!" anito na puno ng hinanakit.

"B-Babe..." his voice broke upon desperation.

"Can I say something, SIR?" tanong nito, emphasizing the last word. Tuluyan itong humarap sa gawi niya, bravely blinking back her tears. The coldness in her eyes made him shiver. "Please don't ever mention anything about us again... Utang. na. loob. You may know me... but not everything. Not even a single fu***ng thing of what happened to me these three years!"

Nanlumo siya. Nanginig ang kanyang kamay at bibig sa narinig. She's right. He has no idea what she has gone through, yet, here he is, suddenly asking her to accept him once again. To accept the love that almost killed her. To accept him even after everything.

Masakit, pero may parte sa kanyang nanggagalaiti at sinisisi ang mga nagsabing wala na si Amorah kung kaya't hindi niya ito nakasama sa mga panahong iyon.

"I-I'm sorry, babe, th-they said you're-"

Napatigil siya nang makitang tuluyang bumuhos ang luha nito sa mata. Muli itong nag-iwas ng tingin saka marahas na pinagpupunas ang mga luhang sunod-sunod na nagsilandasan na para bang kinamumuhian nito sa mga likidong ayaw paawat sa pagdaloy.

Gusto niyang yakapin at patahanin ito sa kanyang mga bisig ngunit natatakot siyang baka lalo lamang itong magalit at lumayo sa kanya. Sinisi niya ang sarili... sino pa ba'ng dapat?

Tingin niya'y nagpipigil pa nga ito sa nararamdaman. She's bravely stopping her tears ngunit tila ayaw pang humupa ng mga luha nito. He just worriedly looked at her, thingking if... she hates him that much at mas pinipili pa nitong magmukhang matapang sa harap niya imbis na magsumbong sa nararamdaman, tulad ng nakasanayan niya rito noong may problema silang magnobyo.

"B-babe, please 'wag kang umiyak..." humakbang siya palapit nang 'di na matiis ang luhaang minamahal. Pero itinaas lang ni Amorah ang kamay bilang pagpigil sa binabalak niya.

"Huwag ka na lang b-bumalik sa buhay ko, p-please. T-Tama na... Baka kasi hindi ko na k-kayanin. Hindi n-na... Hindi na ako ang dating Amorah na minahal mo... H-Hindi na babalik ang dating Amorah na kilala mo kaya... kalimutan mo na ako..."

Tuluyang kumawala ang mga hikbi sa labi nito. Humahagulgol at patakbo nitong nilisan ang faculty niya.

He heaved out a heavy sigh after reckoning what happened that day.

"Amorah... What am I going to do?" natanong niya habang nakatingin sa kawalan.

Isinandal niya ang likod sa kanyang office chair sa pagod. Minasahe ang noo saka pumikit upang pagpahingahin ang kanyang mga matang kulang-kulang sa pagtulog dahil sa kakaisip kay Amorah.

Litong-lito siya. Tila ba may ibang kahulugan ang mga salitang binitawan noon ni Amorah ngunit hindi niya matukoy kung ano.

Nagtagpo nga muli sila tulad ng inaasam-asam at pinapangarap niya noon pero hindi naman niya ito mapormahan o makausap man lang ng maayos sa takot na baka tuluyan na siya nitong layuan.

Napangiti siya ng mapait sa naisip, saka nagmulat muli ng mga mata. Napatingala siya at malungkot na nagbuntong-hininga.

Ilang saglit pa'y umayos siya ng pag-upo. Itinungkod niya ang mga siko sa mesa saka pinagsiklop ang mga kamay habang nag-iisip.

Natigilan siya nang mapatanong... Paano niya kaya maaangking muli ang puso ni Amorah gayong mula noong alukin niya ito ng kasal ay iniiwasan na siya nito? Napakamot na lamang siya sa batok.

"Heard you cancelled your wedding with Sam. Found anyone more interesting?" usisa ni Alejandro nang may himig panunudyo.

Muli nitong sinarado ang glass door ng opisinang binuksan at naglakad palapit sa tapat niya.

Bigla na lamang itong sumusulpot kaya hindi na siya nasurpresa rito. It is still his father's company, technically.

Sandali lamang niya itong tiningnan nang walang kaemo-emosyon saka inayos ang folders ng mga papeles na kanyang pinirmahan kanina.

"I told you she is nothing to me. And I just feel like cancelling it, nothing else," tugon niya saka itinuon ang atensyon sa checklist na hiningi sa sekretarya kanina. "Why are you here, by the way?" tanong niya habang nasa papel pa rin ang mga mata.

"Just checking on my own son. You know I always worry about you... being so, so busy with your work. No women. No vacation. Just work. Paano ako magkakaapo sa iyo niyan?" mahina itong tumawa ngunit may himig ng pag-aalala sa boses. "Can I buy you a drink, son?"

He put the checklist down, and sighed. Alam niyang ibig lamang bumawi ng ama sa mga taon na hindi sila nagkasama. Sadyang mahirap lang talaga para sa kanya na paniwalaan ang mga intensyon nito lalo na at isa ito sa mga naging dahilan ng pagkaletse-letse ng maayos nilang relasyon ni Amorah.

"I can't. I have a class 2 hours from now."

He checked the time with his black signature wrist watch, then stood up.

"Actually, I have to go now."

"You really teach in that university?" tila hindi makapaniwalang tanong nito ngunit wala siyang pakialam. Naglakad na siya palabas ng opisina. "Do you really love school that much at kailangan mo pang magturo kahit kaliwa't kanan na ang business empires natin? Do you even take a rest?"

Nangunot ang noo nito sa pagtataka at pag-aalala ngunit wala pa rin siyang isinagot. Papabukas na sana siya ng glass door ng opisina nang muli itong magtanong...

"Have you found someone special there kaya ka nagtuturo roon?"

Sandali siyang natigilan nang sumapul ang hula nito, ngunit ayaw niyang magpahalata at malaman nitong buhay pa si Amorah dahil baka masira na naman ang plano niya.

"None of your business," sagot niya saka humarap sa ama nang may malamig na ekspresyon sa mukha. "Shall I drive you home?"

Tatlong katamtamang lakas ng katok sa pinto ang narinig ni Conrad.

"Come in."

Dahan-dahang iniluwa ng pinto ang napakagandang dilag na sinadya niya talagang utusan upang dalawin siya nito sa opisina. Hindi matanggal-tanggal ang mga titig at ngiti niya rito habang papalapit sa kanya. Amoy na amoy niya ang mamahaling pabango nito na tila bumagay rin sa kagandahang taglay.

She looks so cute and tempting, pero pinipigilan niya ang sariling hawakan ito at halikan. Dadahan-dahanin niya muna ang panliligaw hanggang sa matanggap siya nito nang lubusan.

She smiled when their eyes met. It was the formal one, yet, he felt contented.

Buo na naman ang araw niya!

Nginitian niya ito nang malapad. Pakiramdam niya'y para siyang high school na hindi makapaghintay na lapitan ni crush sa mga oras na iyon!

Nang tuluyang makapasok ay muling umagaw sa atensyon ni Amorah ang kasimplehan at kalinisan ng faculty ni Conrad kahit hindi iyon kalakihan.

Amoy na amoy niya ang nakahahalina, at pinaghalong natural at panlalaking pabango ng propesor sa buong kwarto na siyang lalong nagpapabilis ng kabog ng kanyang puso sa tuwing pumupunta sa lugar na iyon. Dagdag pa ang paninitig nito na lalo lamang nagpapainit sa kanyang mga pisngi.

Naglakad siya palapit sa mesa ni Conrad. Alam niyang nakasunod ang mga mata nito sa kanya kaya minsan ay naaasiwa siya at nako-conscious sa sarili. But at least, kahit papaano ay naka-adjust na siya sa paraan ng pagtitig nito na para bang pati puso at kaluluwa niya ay tinatanaw nito.

She might not be so comfortable with it pero ewan at lihim pa rin siyang kinikilig lalo na sa tuwing napapangiti ito sa bawat pagtatama ng kanilang mga mata.

Nahagip ng mga mata niya ang kulay itim at heavily tinted na sliding glass door sa kanan ng propesor.

"Kwarto kaya iyon tulad ng sa office ni Daddy?" Sa isip ni Amorah.

Napansin ni Conrad ang direksyon ng mga mata niya kaya binuksan ang sliding glass door nang malapad saka bumalik sa pagkakaupo.

Namangha siya nang makitang kwarto nga iyon na parang suite sa ganda!

"Hindi ko naman sinabing buksan mo," pabulong na himutok ni Amorah nang makabawi sa pagkamangha.

Nilapag niya sa mesa ang mga papel na inutos ng propesor.

"I know you're curious, babe, so I opened it."

She internally rolled her eyes and bit her lower lip to suppress her giddy feeling.

Tila nasasanay na ang tenga niya sa pagtawag nito sa kanya ng 'Babe'. Ngunit may mga minsan ding napapakagat siya sa ibabang labi upang pigilan ang kilig at kakaibang kiliti sa tiyan, tulad na lamang ngayon. Useless din kasi ang pagsaway niya rito dahil hindi rin naman ito nakikinig.

Lihim siyang kinikilig at napapangiti dito ngunit ayaw niyang bigyan ng pansin ang nararamdaman para kay Conrad.

Nagiging eksperto na nga siya sa pagtatago ng damdamin para dito.

"By the way, sir, I mean... C-Conrad, so far kumpleto ang nagpasa ngayon ng assignment. Complete attendance din kanina, so-" naputol ang sasabihin niya sa paghikab. Napatingin sa kanya ang propesor sa napansin. "I think tapos na ang tungkulin ko kaya-"

"Tired?" may pag-aalalang tanong nito sa kanya.

Bago pa siya makasagot ay napasunod ang tingin niya rito nang bigla itong tumayo at naglakad. Nagwala ang puso niya nang natantong unti-unti itong lumalapit sa kanya hanggang sa halos magdikit na ang mga katawan nila sa lapit.

Suminghap siya at tiningala si Conrad. "O-Okay lang. Tapos na rin naman ang klase- ah!" napatili siya nang bigla siyang binuhat nito na parang bride at dinala sa loob ng kwarto. Sinubukan niyang magpumiglas ngunit talagang ayaw siya nitong ibaba.

"Rest for a bit," utos nito nang ilapag siya nang maayos sa malambot na kama.

"Hindi na. Sa bahay na ako magpapahinga-" humikab siyang muli, medyo naluha pa.

Napaisip siya kung bakit napapadalas yata ang pagiging antukin niya kahit sa klase. Hindi naman siya nagpupuyat, at wala rin siyang maalalang maaaring dahilan kaya ipinagkibit-balikat na lang niya.

"Salamat pero..." tinangka niyang umupo ngunit pinigilan ni Conrad ang mga balikat niya kaya napahiga siyang muli.

"I said rest," mariing utos nito.

Napanguso siya at tiningnan ng masama ang binata, "Ayo'ko nga, baka ano na naman ang gawin mo sa akin habang tulog!" makahulugang saad niya saka inilayo ang tingin dito.

Nilibot niya ng tingin ang buong kwarto upang pigilan ang pagpasok ng kung anu-anong ideya sa kanyang isipan. Katulad sa labas niyon ay simple lamang ang disenyo nito pero magandang tingnan. Minimalist.

Muli siyang humikab. Tila hinihila na siya ng antok lalo na't ang amoy ni Conrad ang pumupuno sa buong kwarto. The smell is so inviting and relaxing to her. Like it has been her home.

"Bakit, gusto mo ba'ng... may mangyari ulit sa atin?" he suddenly said then smirked.

Naeeskandalo siyang napabalikwas ng tingin kay Conrad. Ramdam niya ang pag-init ng kanyang mga pisngi sa hiya.

"A-At sa tingin mo papayag ako? Ano k-ka, sinuswerte? For I know, ilang babae na ang dinala mo rito!"

Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, naiinis siya na nahihiya pero kinikilig! Maging siya ay nalilito sa nararamdaman.

Conrad's boyish grin while amusedly looking at her made her feverish that it made her knees tremble. Gwapong-gwapo siya rito, at ayaw man niyang aminin sa sarili ay nadadala na siya sa mga patingin-tingin at pangiti-ngiti nito.

"Alam mo, uuwi na lang talaga ako bago mo pa ako anuhin-" aniya at akmang babangon na ngunit muli na namang pinigilan ni Conrad ang kanyang mga balikat kaya napahiga siyang muli.

"Hey, calm down. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo, okay?"

Tumahimik na lamang siya at parang batang sinusundan ng tingin ang bawat galaw nito, naninigurado.

Inayos nito ang unan niya saka siya kinumutan. Hindi na siya nag-react nang mapansing tila pinagsisilbihan siya nito ngayon, na parang sanay na sanay ito sa ginagawa.

Muli siyang nakaramdam ng kiliti sa puso. Napaisip kung ganito rin ba ito noong sila pa.

Pinakiramdaman niya ang malambot niyang higaan at unan, pati ang malamig na kwarto na dumagdag sa bigat ng talukap ng kanyang mga mata. Dala ng antok ay napapikit siya.

"Ikaw pa lang ang dinala ko rito, babe. At wala akong ibang dadalhing babae rito kundi ikaw lang. At kung may... mangyari man sa atin, gusto kong nakapagpahinga ka nang mabuti dahil papagurin kita buong magdamag," dinig niyang sabi ni Conrad.

Hinalikan pa siya nito sa noo ngunit hindi na siya nakapag-react pa dahil tuluyan na siyang nilamon ng antok.

MarieCar_Gerebise

Proverbs31:[25]She is clothed with strength and dignity, and she laughs without fear of the future.[30]Charm is deceptive, and beauty does not last;     but a woman who fears the lord will be praised.

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status