Share

Chapter 4

Napalagok ako ng sariling laway.

Nakaawang ang mga labi nina Lia at Yve habang natingin sa akin. Si Jia naman ay naniningkit na ang mga mata habang tila inuusisa ako ng mga titig.

Hot seat!

"Ano ba kaseng nangyari sa iyo, Amorah?" nag-aalalang tanong ni Lia nang makabawi sa pagkagulat.

"Sabi mo, sasabihin mo sa amin lahat pag nagkita ulit tayo. Spill it, girl! Sino ang kasama mo noong gabing iyon? May tinatago ka ba sa amin ha, Amorah?" sunod-sunod na tanong ni Jia.

Mukhang hindi talaga ako tatantanan ng mga ito hangga't hindi ako umaamin!

"W-Well, uhm... G-Ganito kasi 'yan..." nauutal kong simula. I looked away and bit my trembling lips. Aatakihin yata ako sa puso sa kaba!

Gosh, pa'no ko ba sasabihin sa kanila ang lahat? Tsaka, nasa classroom pa kami ngayon, baka may makarinig pa sa amin at mapahiya ako!

Tapos na kasi ang klase ng mga ito. They decided na hintayin na lang ako since dalawang oras na lang at uwian na rin namin. Nag-alala din kasi sila sa akin nang husto noong Friday.

"Kailangan ba talaga dito tayo mag-usap? Pwede bang... sa medyo private naman na lugar?" pabulong kong usal sa huli, pero hindi pa rin sila tumigil sa kakatitig sa'kin na para bang guilty ako sa kung anumang kasalanan.

"Mamaya. Club ulit tayo pero change club. Sama ka," kapagkuwa'y suhestiyon ni Lia.

Hay, salamat! Nakahinga ako do'n ng maluwag.

"Sige, sige. Yung tayo lang ha, as in... no boys and no drinks na!" paalala ko.

Yve rolled her eyes. "Oo na! Kung hindi ka lang siguro pinagkasundo ng parents mo para ikasal, hindi ka na siguro mag-aasawa," anito saka humalukipkip.

"Tumpak!" pagsang-ayon naman ni Jia.

Napailing na lang ako. Well, those were true. My original plan.

Sa nangyari ba sa akin 3 years ago, sisige pa ako?

Nagsibalikan na sa kani-kanilang upuan ang mga kaklase ko. I checked the time on my white signature wrist watch. Sampung minuto na lang pala at magsisimula na ang klase namin. Nasa hulihang upuan ako nakaupo, malapit sa bintana, kaya dito rin sa tabi ko nagsiupuan ang mga kaibigan ko hangga't wala pa raw ang bagong professor namin sa Business major.

I was busy looking through the window near me, kahit ang isip ko'y wala sa nakikita sa labas. I am thingking of someone. That stranger.

Ilang araw na ring bumabagabag sa isipan ko ang malungkot niyang mukha bago ko siya iniwan.

I sighed. I know I told him to forget about us pero mukhang ako itong hindi makalimot! Hindi ko alam... pero magmula noong gabing iyon ay lagi ko na siyang nakikita sa mga panaginip ko. Parang may kung ano rin sa kanya at 'di siya mawaglit-waglit sa isipan ko?

This is crazy!

I am crazy... for wanting more of him... and missing him like I'm under his spell.

I kept recalling kung saan ko siya nakita dati. Business partner kaya siya ni Daddy? Artista kaya siya, o modelo? Maybe I should ask my friends by describing him later para kahit papaano'y mabawas-bawasan din ang kakulitan nitong utak ko sa kakaisip kung ano'ng pangalan niya? At kung... kailan ko siya muling makikita?

Kaagad na nag-init ang pisngi ko sa naisip. Ano naman kaya ang sasabihin ko pag nagkita kaming muli?

A gasp almost escaped from my mouth when flashes of memories from that night flooded my head.

Oh my, para akong kinakabahan sa bilis ng tibok ng puso ko. Nakaramdam din ako ng namumuong kakaibang init sa katawan.

May lagnat ba ako? Pero wala naman to kanina?

Gosh. I can still feel his burning touches and how my body ached in desperation... from wanting all of him in me.

Agad kong kinastigo ang sarili bago malunod sa makamundong damdamin. Nakakahiya! Ano ba 'tong pumapasok sa isipan ko? Hapong tapat pa, at nasa klase pa ako! Sh*t!

Maya-maya lang ay nakarinig ako ng mga pagsinghap. Medyo maingay din sa labas ng classroom namin pero wala sa mga iyon ang aking atensyon.

Naramdaman ko ang mabilis na pagkalabit sa aking kanang balikat. Mukhang galing iyon kay Yve. Siya kasi ang katabi ko, pero 'di ko muna nilingon.

Nakakahiya kayang humarap nang pulang-pula ang mukha!

Agad na tumigil ang pagkalabit pero nasundan din agad iyon nang may kalakasan.

"Bakit ba?" naiinis kong tanong nang lingunin ko.

Ang manghang reaksyon ng mga kaibigan ko ang bumungad sa akin. Nakatingin sila sa harap. Sa may pisara. Sa pagtataka ay nilibot ko ng tingin ang mga kaklase ko, ngunit ganoon din ang reaksyon nila. Para silang nag-freeze, nakanganga pa!

So, napatingin na rin ako sa direkyon ng kanilang tinatanaw.

At ganoon na lamang ang aking pagtataka at pagkagulat sa aking nakita...

Bakit siya nandito?

Is he stalking me?

'Tsaka, anong ginagawa niya rito sa room namin?

I scanned his face in awe. Infairness, mas gumwapo siya ngayong clean-shaven na siya. Mas bumagay din sa kanya ang undercut hairstyle kaysa sa manbun niya noong nakaraan.

My heart skipped a beat when our eyes met. I swear, I saw him smirk that made my heart beat wild before he said something to us.

"Good afternoon, I am Mr. Conrad Monte de Ramos, your new Business Class professor and class adviser," napanganga kaming lahat sa gulat.

What? Professor namin siya?

No freaking way!!!

Nahilamos ko sa mukha ang mga palad sa inis at hiya.

Gosh, ang awkward nito. Sa lahat pa ng pwedeng maging professor namin, siya pa! At sa lahat pa ng lugar na pwede kaming magtagpo ulit, dito pa talaga sa school?!

He then explained na siya daw ang kapalit ni Mr. Sandoval dahil nga nag-retiro na ang may katandaang propesor namin. He is a new teacher in our university. Sabi pa niya, part-time teacher lang siya kaya kung may mga times man na wala siya sa office ay maaari namin siyang e-e-mail na lang at nangakong sasagutin agad ang concerns the next meeting.

Nagulat kami nang malamang sa magarang faculty, separate from other teachers, ang faculty niya- just like those with positions sa university namin.

"Uhmm... sir Conrad, pa'no po kung sobrang personal ng concerns namin? Like... alam n'yo na," tila nang-aakit na tanong ng kaklase kong si Agnes Santos.

Napailing ako sa tinuran nito. Hindi na nahiya, pati ba naman propesor namin?

Nakita kong napangiwi sa tanong nito halos lahat ng mga kaklase ko. Ewan ano'ng trip nito sa buhay pero ganoon talaga ang mga linyahan nito pag may bagong salta. I don't want to judge her, pero minsan, kahit ako ay naiilang din sa mga banat niya.

Conrad smiled politely then looked at me. Iyong ngiting banayad at masarap sa puso. My breath hitched.

"I'm sorry. I'm already taken," aniya nang hindi binibitawan ang pagtitig sa akin saka itinaas ang kaliwang kamay niyang may kulay gintong singsing sa ring finger.

Hindi ko alam kung bakit parang nadismaya ako. Hindi naman sa gusto ko na siya pero... basta, ewan kung bakit nalungkot ako bigla?

But seeing him smiling while proudly raising his hand seemed to me that he's really happy and in love with whoever he's with now.

Which got me thinking, para saan pala iyong pagluha at pakiusap niyang wag akong umalis last time kung happily in relationship naman pala siya?

Hay... ang sakit sa dibdib. Sabi ko na e, pag ganyan kaguwapo, malabo talagang hindi manloloko.

I know kasalanan ko rin kung bakit kahit papaano ay umasa ako at nadala sa mga salita niya.

Well, this may be a lesson to me na huwag talagang umasa sa mga salita lang.

Na-realize ko tuloy na tama pala ang naging desisyon kong manatiling single hangga't kaya ko o pag bumalik na ang mga ala-ala ko.

Narinig ko ang dismayadong komento ng mga classmates kong babae at binabae habang parang nagsasaya ang mga lalaki.

Maging sina Jia, Yve at Lia ay halatang nadismaya din sa nalaman.

Teka, bakit nga pala nandito pa sila?

"Hoy, alis na kayo. Sa parking lot n'yo na ako hintayin," pabulong kong pagtataboy sa kanila.

Nakita kong kumibot ang kilay ng tatlo, "Saka na girl, minsan na nga lang tayo makakita ng ganyan ka-hot e, paaalisin mo pa kami!" ganting bulong Jia.

"Oo nga! Dito muna kami. Ang gwapo day, makalaglag panty!" patiling bulong ni Lia. Napailing na lang ako.

"Parang pamilyar siya, girls. Isa kaya siya sa mga kaibigan ni Andrei?" Si Yve habang titig na titig kay sir Conrad, mukhang seryoso talaga siya sa sinabi at tila nag-iisip pa.

Nagkatinginan kaming tatlo sa turan nito.

Tinampal ko siya sa braso para maagaw ang atensyon. "Hoy, may Andrei ka na kaya alis na! Gwapo din naman iyong kaibigan natin, ah. Ganyang-ganyan din ang datingan! Baka magselos na naman iyon," pabulong na pagtataboy ko sa kanya.

Tumango naman sina Jia at Lia bilang pagsang-ayon.

Yes, our boy friends o barkadang mga lalaki are that competent when it comes to looks and hotness. Minsan din silang naging hearthrob noong highschool and college days nila dito sa school.

Andrei looked like the badboy type version of a hearthrob pero sobrang gentleman niya at matalino. While Zeke, Lia's older brother, looked like the playboy and the happy go lucky type, pero noong highschool and senior highschool days niya lang daw s'ya ganoon. He has changed na daw kasi. He's in France right now.

"Hayaan n'yo 'yon. Walang kami 'no, so free akong tumingin-tingin sa kahit na sino lalo na pag ganyan ka-hot!" kinikilig na tugon ni Yve.

Parang nag-iba ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Para akong nainis, na nasaktan kahit wala namang masama do'n- wait... nagseselos ba ako?

Imposible!

Wala naman sigurong na-i-in love sa isang gabi lang, 'di ba?

Napasinghap ako nang may mapagtanto. Maagap kong tinakpan ng kamay ang bibig sa hiya nang makitang napansin iyon ng ilan sa mga kaklase kong nakaupo malapit sa akin, lalo na ng mga kaibigan ko.

Nagtanong pa ang mga ito kung ano'ng nangyari pero umiling lamang ako bilang sagot.

Napaisip ako...

So, kung taken na siya, ibig sabihin... may asawa na siya? May singsing siya, right? So he's married nga?

Oh my, what have I done? Ayo'kong maging home wrecker! Patay ako sa asawa niya pag nagkataon!

I pressed both sides of my face using my palm. Napabuga ako ng hangin sa napagtanto.

This is so not good!

Sana talaga hindi magbunga ang ginawa namin sa gabing iyon. Kung magkakaanak man ako, gusto ko, ako lang ang babae sa buhay ng magiging ama ng mga anak ko- walang kahati o kung anumang sagabal.

He went directly on discussing the topics he prepared for today.

Nakita kong nagsi-alisan na ang mga estudyanteng kanina pa nagsitaasan ang mga leeg sa kakasilip sa room namin, nakiki-marites kung sino ang bago at gwapo naming propesor. Dumating na rin siguro ang professors nila o 'di kaya'y nagsiuwian na.

Ang mga kaibigan ko naman, hindi nagpatinag. Nanatili lang sila sa loob ng classroom at nakinig pa sa lecture ni sir.

Infairness, magaling siyang magturo at hindi nakakaantok dahil sa mga relatable examples niya. May sense of humour din kaya napapatawa niya kami paminsan-minsan. Halatang experienced businessman na kahit ang sabi niya ay bago pa lang daw s'ya sa field.

Nakaka-amaze kung gaano niya ka-master ang topic at kung gaano ka-witty ang mga sagot niya sa tuwing may mga tanong ang mga kaklase ko. Feeling ko tuloy, para akong highschooler na nagkaka-crush sa teacher ko. Nakaka-inspire talaga matuto pag ganito kasarap kausap at ka-relatable ang teacher.

Halos lahat yata ng nahahagip ng mga mata niya ay parang matutunaw na sa kilig.

Ahem, oo, pati ako 'no, pero ayo'kong magpantasya sa taken na dahil alam kong masasaktan lang ako.

Tulad ngayon.

"May I know who's the class representative?" tanong niya pagkatapos ng lecture. Nasa isang papel ang mata niya, masterlist yata namin.

Nagtinginan kaming lahat, inaalala kung sino sa amin ang representative ng subject niya. Iba-iba kasi ang class rep every subject kaya medyo nakakalito minsan.

"Si Miss Amorah po, sir Conrad!" sagot ng kaklase kong si June.

Namilog ang mga mata ko sa narinig.

Teka, ako ba 'yon? Malamang! Walang ibang Amorah dito e, ako lang! Kastigo ko rin sa sarili.

Napasinghap ako sa naalala.

Nagpresenta nga pala ako noong maging class rep for sir Sandoval kasi matanda na si sir at naawa ako sa kanya. Napakamot na lamang ako sa anit kahit walang makati. D*mn!

Tumikhim si sir Conrad at nangingiting nag-angat ng tingin sa akin. "Come with me to my office. Now. Miss Amorah Andrea Mateo."

Napalunok ako ng sariling laway. Parang nanlambot ang mga tuhod ko sa sinabi niya. Ewan kung utos o lambing ba iyon, pero... ang sarap sa tenga ng pagkabigkas niya ng pangalan ko.

Wait lang, di ba separate raw ang faculty n'ya from other teachers? Does that mean... pag sumama ako sa kanya do'n, kami lang dalawa sa iisang kwarto?

"No!" sigaw ko sabay tayo sa naisip.

Napatingin sa akin lahat pati mga kaibigan ko sa gulat.

Narinig kong nagtanong si Jia kung okay lang ba ako, pero pinili kong wag nang sumagot sa hiya at ilang. Napakagat na lamang ako ng ibabang labi saka yumuko.

"Y-yes, s-sir Conrad. I'm sorry for that."

Our class ended.

Bago ko nilisan ang classroom ay sinabi ko sa mga kaibigan na hintayin na lamang ako sa parking lot. Pumayag naman sila at C-in-ongratulate pa nga ako dahil ang swerte ko raw.

I just rolled my eyes at them na ikinatawa lang nila.

Nakayuko lang ako habang nakabuntot kay sir. Grabe, ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam... kanina kasi panay ang hiling kong makita siya, pero ngayon... Ughh!

This may not be the first time I'll be alone with him... pero ang intimate kasi no'ng una naming pagtatagpo.

"Aray!" impit ko nang may mabangga akong tila pader sa tigas at lapad.

"Sorry, are you okay?" may himig pag-aalalang tanong niya.

Nag-angat ako ng tingin, sapo ang noo'ng natamaan. Agad na sumalubong sa akin ang mapupungay niyang mga mata.

Una na akong nagbaba ng tingin nang mapansing tila hinahatak ako palapit sa may-ari niyon. Mahirap na.

Sa dibdib niya pala ako bumangga. Hindi ko kasi namalayan ang paghinto niya sa paglalakad dahil nakayuko lang ako, dahil na rin siguro sa lalim ng iniisip ko.

Ang tangkad niya talaga. 5'7 ang height ko pero hanggang baba lang niya ako.

Tinanguan ko s'ya bilang sagot. Pinihit niya ang doorknob ng faculty at binuksan ang pintuan nang bahagya. Tinuro niya ang loob kaya ako na ang naunang pumasok.

Ngunit ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang bigla niya akong niyakap at binuhat nang paharap sa kanya. Napayakap na lamang din ang mga binti ko sa baywang niya, maging ang mga kamay ko'y awtomatiko ding napayakap sa kanyang leeg sa bilis ng mga pangyayari.

Manlalaban na sana ako nang bigla niya akong idiin sa pintuan, matapos iyong isara, at siniil ng maaalab na mga halik.

Sa gulat ay hindi agad nag-sink in sa utak ko ang nangyayari. At ewan, kung paano, pero kusa na lamang tumugon ang mga labi ko sa gusto niya. Hanggang sa... nakapikit ko nang dinadama ang sarap na dulot niya.

Nakakabaliw.

Nakakataka.

Pero gustong-gusto ko!

Kung hindi lang kailangan huminga ay baka hindi pa naghiwalay ang mga labi namin.

Pareho kaming hingal na hingal.

Nang magmulat ay nakangiti siyang nakatingin sa akin- tila naluluha sa saya, habang ako ay naguhuluhan pa.

Wait, he's taken, Amorah!

What are you doing?

"Babe-"

"W-What are you... t-trying to do?" nauutal kong tanong sabay tulak sa matigas niyang dibdib.

Hindi siya sumagot, ngunit agad na rumehistro ang lungkot sa mga mata niya. Mabagal na gumalaw ang buto sa kanyang lalamunan. At ewan kung bakit pero... naiiyak siya?

Iniwas ko ang tingin. "A-Ano'ng kailangan mo at p-pinapunta mo ako dito, s-sir Conrad?" nauutal kong tanong.

Sh*t! Bakit ang sakit sa dibdib?

"Just Conrad, babe. Pwede mo rin akong tawaging babe tulad ng dati."

Nagtataka ko siyang tiningnan.

"W-What? Ano'ng tulad nang dati?"

Nababaliw na yata, sayang!

"I know you're still mad at me, babe. But I won't buy it if you say you don't remember. Unless... sinasadya mong hindi maalala."

Kumibot ang kilay ko sa narinig at tiningnan siya nang diretso sa mga mata. "Excuse me? Wait lang sir ha," panimula ko pero biglang naalala ang awkward naming porma. "P-Pwede ba'ng ibaba mo muna ako?"

Sumunod naman siya. Para siyang natauhan sa sinabi ko. Umatras siya nang kaunti pero ang lapit pa rin namin sa isa't-isa.

Tiningala ko siya. "With all due respect, sir Conrad. Bakit ba babe ka nang babe sa'kin? Hindi ba't taken ka na? 'Tsaka, ano'ng pinagsasabi mong sinasadya kitang hindi maalala, e iyong gabing iyon naman talaga tayo unang nagkita?"

Kumunot ang noo niya, na para bang may narinig na hindi kapani-paniwala. Kasabay no'n ang pagguhit ng sakit at pait sa kanyang mga mata.

He then heaved out a sigh. "Yes, I am taken," kapagkuwa'y tugon niya habang seryosong nakatitig sa aking mga mata.

Inilayo ko ang tingin sa kanya. Sana pala hindi ko na lang tinanong! Ang sakit pala sa dibdib marinig mismo sa kanya ang katotohanan. Pero ano pa ba'ng magagawa ko?

"S-See?" Sh*t, bakit ako naiiyak? "Taken ka naman pala, so bakit mo pa ako ginugulo?" tumikhim ako.

Ang sakit pala sa lalamunan magpigil ng nararamdaman.

Inabot niya ang pisngi ko. Napapikit na lamang ako nang haplusin niya iyon. It was so warm and gentle... like it was consoling my feelings, yet, I could feel something more- pero ayaw kong magpatangay.

Tama na 'to. Ayaw ko nang masaktan pa nang husto.

Hanggang dito na lang to, self. He's taken. He's already taken! Paalala kong muli sa sarili.

Kinuha niya ang mga kamay ko kaya napatitig ako sa malalalim at mapupungay niyang mga mata.

"I'm taken... only if you marry me, Amorah."

MarieCar_Gerebise

3 John 1:2 Beloved, I pray that all may go well with you and that you may be in good health, as it goes well with your soul.

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status