I oversped my car just to get to the venue in time. It's almost 5PM, and Amorah's party is almost starting. Hindi na ako mapalagay at nanlalamig na sa pinaghalong takot at kaba sa kung ano'ng pwedeng mangyari. Habol-habol ko ang hininga kahit nasa sasakyan ako at 'di naman tumatakbo. Gusto na lang liparin ang daan patungo sa kanila dahil sa paminsan-minsang traffic.I still have an hour or more to explain to Amorah, her parents and friends about that fake news, before it spreads. It would be hard in their parts, especially, if the party's still on going and their visitors would know about it. They are close to us, so baka dahil sa kaugnayan namin ay masira ang imahe nila sa publiko. Pero kahit sila lang ang masabihan ko ng katotohanan, okay lang. I don't need to explain to everyone.Kahit si Amorah nga lang, ayos na sa'kin... Ang opinyon at sasabihin niya lang naman ang mahalaga para sa'kin.Hindi naman iyon totoo, at aayusin ko ito pagkatapos kong masabi sa kanila ang lahat nang 'di m
"It was sent from England..." imporma ni Zeke sa akin.I nodded once, nakapikit na hinihilot ang sentido."You should rest, dude. Our people are already looking for her there. I asked the others, by the way. Nakatanggap din sila ng sulat... l-lahat," si Andrei.My days were darker these days. Parang isang maliit na pagkakamali lang mananakit na ako o magwawala. Akala ko masosolb na lahat ng problema dahil sa mga ginawa ko... hindi pa pala. I'm getting impatient and frustrated. Hindi ko na alam ano pa ba ang gagawin para umuwi si Amorah sa akin.It's been a year...Hindi ba niya ako nami-miss? Dahil ako... kung hindi lang siya nagpaparamdam sa mga kaibigan sa pamamagitan ng liham, baka nabaliw na ako.She's been sending letters to her friends: Lia and Zeke, Yvonne and Andrei, Jia, and her parents. I understand that. They're precious to her. To us. Pero bakit... Walang akin? I mean, kahit kumustahin o banggitin man lang ako sa mga liham niya, hindi niya magawa?Is she angry with me? Did
Amorah's POV"That can't be, Dad! No, Ayo'ko!" bulyaw ko. Napatayo pa ako mula sa kinauupuan sa gulat at pagkadismaya sa narinig. I know I sound rude to them right now, but I just can't help it! I can't let this happen!"You will, Amorah Andrea Mateo, and that is final!" maawtoridad na utos ni Dad. Umalingawngaw pa ang malakulog niyang boses sa mansyon.And it was like a death sentence to me! Tila ako pinagkaitan ng hangin at nanginig ang katawan sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa. I have always been a good daughter to them, as far as I could remember. An obedient girl, at sunud-sunuran sa anumang pinag-uutos nila. Kaya bakit gano'n?How can they just marry me off to someone na hindi ko kilala at lalong-lalo na, hindi ko mahal?Nagmamakaawa kong nilapitan si Mommy na ngayo'y maluha-luha at bigong nanonood sa akin. I held her hands to beg, almost on my knees."Mom... please, ayo'ko. I'm only almost 21. And I still have dreams!" I said with tears on m
Conrad's POV "Dude, I think you should really move on. She's gone. Dead. Tanggapin mo na ang nangyari 3 years ago, and stop blaming yourself!" sermon na naman ng kaibigan ko. Kung hindi ko lang talaga ito matalik na kaibigan, at kung hindi lang malaki ang utang na loob ko sa pulis na'to, baka nasapak ko na. Ang kulit, e! Nasa VIP room kami nitong sikat na club. Hindi ako mahilig pumunta sa mga ganito, itong kaibigan ko lang talaga ang nagyayaya sa akin tuwing weekends. Nagka-clubbing din daw kasi ang binabantayan niyang anak ng boss niyang si Yvonne Ivory Salazar. Bodyguard siya nito. Most of the time, after work, nasa penthouse lang ako. Yakap-yakap ang mga lumang damit ng pinakamamahal ko, habang naglalasing at sinasariwa ang mga ala-ala naming dalawa. "You will never understand, dude. Easy to say, hard to do. I tried..." Tuluyan bumalong ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang kumawala. Hindi na ako nakapagsalita sa sikip ng dibdib. Tila may kung ano'ng bumara sa lalamunan k
Amorah's POV NAGISING akong parang mabibiyak na sa sakit ang ulo ko. Hindi lang iyon, pati buong katawan ko ay sobrang sakit din! Para akong pagod na pagod at ang bigat ng buo kong katawan na hindi ko maintindihan, especially between my thighs. Sapo-sapo ko pa ang aking ulo dahil hindi ko halos maigalaw ito. Unti-unti kong iminulat ang mabibigat kong mga mata saka nilibot nang tingin ang aking paligid. This room... wait, where am I? At ganoon na lamang ang pagbilog ng aking mga mata nang mapagtantong hindi ko kwarto itong hinihigaan ko ngayon. And what's worse? Ramdam kong hindi ako nag-iisa dahil sa mga brasong mahigpit na nakapulupot sa aking katawan. I even think na braso rin nitong katabi ko ang unan-unan kong matigas na bagay! "What happened?!" halos gusto ko nang isatinig sa taranta, takot at kaba. Halos dinig ko na ang pagtambol ng puso ko. Natatakot ako... Na naiiyak... pero ayaw kong gumawa ng ingay dahil baka magising pa kung sinuman itong katabi ko at baka kung ano pa
Napalagok ako ng sariling laway. Nakaawang ang mga labi nina Lia at Yve habang natingin sa akin. Si Jia naman ay naniningkit na ang mga mata habang tila inuusisa ako ng mga titig. Hot seat! "Ano ba kaseng nangyari sa iyo, Amorah?" nag-aalalang tanong ni Lia nang makabawi sa pagkagulat. "Sabi mo, sasabihin mo sa amin lahat pag nagkita ulit tayo. Spill it, girl! Sino ang kasama mo noong gabing iyon? May tinatago ka ba sa amin ha, Amorah?" sunod-sunod na tanong ni Jia. Mukhang hindi talaga ako tatantanan ng mga ito hangga't hindi ako umaamin! "W-Well, uhm... G-Ganito kasi 'yan..." nauutal kong simula. I looked away and bit my trembling lips. Aatakihin yata ako sa puso sa kaba! Gosh, pa'no ko ba sasabihin sa kanila ang lahat? Tsaka, nasa classroom pa kami ngayon, baka may makarinig pa sa amin at mapahiya ako! Tapos na kasi ang klase ng mga ito. They decided na hintayin na lang ako since dalawang oras na lang at uwian na rin namin. Nag-alala din kasi sila sa akin nang husto noong Fr
3rd Person's POV Buong umaga sa main office ng kumpanya si Conrad, dino-double check ang mga dokumentong nangangailangan ng approval at pirma niya. Anak man sa labas, siya ang namamahala sa mga negosyo ng ama dahil na rin sa unang-una, siya ang tagapagmana ng multi-million businesses nito as stated in his grandfather's last will and testament. At pangalawa, ay dahil na rin sa taglay niyang karisma, sharpness, at angking kahusayan sa pagnenegosyo. Mula nang malaman ng ama niyang competent siya sa larangan ng pag-aaral lalong-lalo na sa kursong kinuha niya na Bachelor of Science in Business Administration (BSBA) major in Business Economics, kahit wala siyang suportang nakukuha rito at nag-working student pa para lamang makapagtapos ng pag-aaral, idagdag pa ang gilas na ipinamalas niya noong nag-OJT sa kumpanya ng sarili niyang ama, na noon ay wala siyang kamalay-malay na ito mismo ang may-ari, ay ganoon na lamang ang pagnanais nitong ibigay sa kanya ang nararapat na posisyon sa negosy
3rd Person's POV Tuwang-tuwa na pinagmamasdan ni Amorah ang mga bata na masayang naglalaro sa isang bakanteng lote. Nakaupo siya 'di kalayuan sa mga ito kung kaya't kitang-kita at damang-dama niya ang kasiyahan ng mga bata sa paglalaro. 17 years old na siya pero hindi pa niya kailanman naranasang maglaro nang ganoon kalaya at kasaya. Strikto kasi ang parents niya at bahay-school lamang ang routine mula pagkabata. Kahit noong nag-high school n siya ay ganoon pa rin ang kanyang routine. Nakakalabas lamang ng bahay pag pinagpaalam at sinusundo ng mga kaibigan. Tuwing summer vacation, o sa tuwing sa tiyahin sa Cebu siya inihahabilin ng mga magulang, dahil sa business trips ng mga ito, lamang siya nakakaranas na umalis ng malayo sa bahay. Nakaramdam siya ng inggit sa mga tawa at halakhak ng mga naglalaro. Napapaisip kung ano ang pakiramdam makapaglaro kasama ang maraming tao. "Gusto mo rin ba'ng... maglaro ng agawan base?" tanong ng binatang katabi niya. Nakaupo silang dalawa sa mal