Share

Chapter 34

Humagulgol si Yve pagkabigkas niyon ni Conrad. Takip-takip ang mukha ng kanyang mga palad. Hinagod ni Jia ang likod niya at may sinasabi na kung ano si Lia na sila lamang ang nakakarinig, bilang pang-aalo. Suminghap si Zeke saka nagtiim-bagang nang tapunan ng tingin si Yve, seryoso ang kanyang mukha, bakas sa mga mata ang awa para sa kaibigan.

Nagugulumihanan at nag-aalala, tumayo ako upang sana ay daluhan si Yve ngunit napahinto ako sa balak nang hawakan ako sa pala-pulsuhan ni Conrad.

Uminit ang magkabilang gilid ng aking mata nang lingunin siya at napansin na ganoon pa rin ang kanyang ekspresyon. Malungkot at tila pinagsakluban ng langit at lupa. Guilt washed over his face. Tinitigan ko siya nang mapansin na tila may gusto siyang sabihin. Hinintay ko iyon. Gusto kong maliwanagan sa mga nangyayari.

Binasa niya ang mga labi bago huminga ng malalim. Tila natangay ng binuga niyang hangin ang natitirang pasensya ng puso ko. Kumalabog ito at parang lalayasan na ang dibdib habang pinapa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status