Share

CHAPTER 89

last update Last Updated: 2025-10-03 22:31:55

Pagkauwi sa kanyang suite, diretsong bumagsak si Arcturus sa sofa, ngunit hindi niya maikubli ang bigat sa dibdib. Sa bawat sulok ng isipan niya, si Cressida ang laman—ang pag-iwas ng mga mata nito, ang mga luha, at ang paraan ng pagtakas nito mula sa kanya.

Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa ng coat at ilang sandaling nakatitig lang doon. Para bang mabigat na hakbang ang mismong pagtawag, ngunit alam niyang hindi na siya pwedeng magpatumpik-tumpik.

Pinindot niya ang pangalan ni Su-hyuk sa contact list. Ilang ring lang, at narinig na niya ang boses ng kaibigan.

“Arc? What’s up, man? Medyo late ah.”

Humugot muna siya ng hininga bago sumagot.

“Su-hyuk, I need your help. Alam kong malapit ka sa mga tao sa fashion world. I want in. I need a way para… para makalapit ulit kay Cressida.”

Tahimik sandali sa kabilang linya, at saka narinig niya ang mahinang buntong-hininga ng kaibigan.

“So it’s about her. Alam ko namang darating tayo rito. Arc, hindi ba sinabi ko na sa’yo noon? Don’t chas
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Thorns Of Seduction   CHAPTER 90

    Hindi ko na alam kung ilang minuto na ang lumipas mula nang lumabas sa bibig ko ang katotohanan. Mahal ko pa rin siya.Tahimik si Evander sa kabilang side ng mesa. Tanging mahinang ingay ng mga tasa at malayong tawanan ng ibang tao sa café ang naririnig ko. Nakayuko ako, pinaglalaruan ang straw ng iced coffee ko. Para akong batang nahuli sa kasalanan.“Cress…” finally, narinig ko ang boses niya.Napatingin ako. Nakakunot ang noo niya, pero hindi galit. Mas mahirap pa—seryoso, puno ng bigat na parang kanina pa niya gustong sabihin.“You don’t have to explain,” he said, mababa ang tono, steady.“Evander…” halos bulong ko. “Knew… what?”“That you still love him.” His eyes didn’t leave mine. “I can see it every time someone mentions his name. The way your smile falters. The way you get lost in thought. I’ve known, Cress. For a long time.”Napakagat ako ng labi. “Bakit hindi ka nagsalita?”“Because it wasn’t my place.” Humugot siya ng malalim na hininga, saka dahan-dahang nagpatuloy. “And

  • Thorns Of Seduction   CHAPTER 89

    Pagkauwi sa kanyang suite, diretsong bumagsak si Arcturus sa sofa, ngunit hindi niya maikubli ang bigat sa dibdib. Sa bawat sulok ng isipan niya, si Cressida ang laman—ang pag-iwas ng mga mata nito, ang mga luha, at ang paraan ng pagtakas nito mula sa kanya.Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa ng coat at ilang sandaling nakatitig lang doon. Para bang mabigat na hakbang ang mismong pagtawag, ngunit alam niyang hindi na siya pwedeng magpatumpik-tumpik.Pinindot niya ang pangalan ni Su-hyuk sa contact list. Ilang ring lang, at narinig na niya ang boses ng kaibigan.“Arc? What’s up, man? Medyo late ah.”Humugot muna siya ng hininga bago sumagot.“Su-hyuk, I need your help. Alam kong malapit ka sa mga tao sa fashion world. I want in. I need a way para… para makalapit ulit kay Cressida.”Tahimik sandali sa kabilang linya, at saka narinig niya ang mahinang buntong-hininga ng kaibigan.“So it’s about her. Alam ko namang darating tayo rito. Arc, hindi ba sinabi ko na sa’yo noon? Don’t chas

  • Thorns Of Seduction   CHAPTER 88

    Arcturus.Naiwan si Arcturus sa malamig na hangin ng gabi, nakatingin sa pintuan kung saan tumakbo si Cressida. Ang pintig ng puso niya’y parang suntok sa dibdib, bawat segundo’y parang mabigat na paalala na muli na naman siyang iniwan.Hinabol niya ang hininga, pinilit pigilan ang sarili na sumunod pa. Ang bawat ugat sa katawan niya’y humihiyaw na tumakbo, na huwag hayaang mawala ulit si Cressida sa dilim, pero may boses sa loob niya na nagsasabing, No. Not this time. Huwag kang maging halimaw ulit.Pinikit niya ang mga mata. Ang alaala ng mga nakaraang taon ay parang multo na muling bumangon. Kung paano siya tuluyang nabaliw noong gabi na iniwan siya nito; kung paano niya pinilit itulak ang bawat bote ng alak at usok ng sigarilyo sa baga niya para lang hindi maalala ang mukha ng babaeng iyon.At ngayong muli niya itong nakita—ngayong narinig niya ulit ang boses nito, kahit puno ng luha’t poot—nararamdaman niya ang kakaibang paghila. Isang bagay na matagal na niyang tinanggihan pero

  • Thorns Of Seduction   CHAPTER 87

    Cressida. Nanigas ang mga paa ni Cressida. Para bang hindi totoo ang lahat ng nasa harap niya. Ilang buwan na niyang tinuruan ang sariling huwag nang balikan ang nakaraan, huwag nang isipin ang lalaking minsang winasak ang kanyang mundo. Ngunit heto ito ngayon, nakatayo, nakatingin, binibigkas ang kanyang pangalan na parang ito lang ang salitang alam.“Cressida…”Ang tinig ni Arcturus ay parang muling gumuhit ng linya sa kanyang puso. Malamig ngunit puno ng bigat, pamilyar ngunit nakakapaso.Marahan siyang umatras, parang ang tanging paraan para makahinga ay ang lumayo rito kahit isang hakbang lang. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi siya makawala sa mga mata nito. Minsan na niyang minahal ang lalaking ito ng buo, minsan na rin niyang pinangakuang hindi na iiyak para dito.At ngayon, sa mismong gabing ito, kusang bumagsak ang luha sa kanyang pisngi.Hindi siya nagsalita. Wala siyang lakas para magsalita. Ang katawan niya’y nakatindig sa pagitan ng paglayo at paglapit, ng pagkamuhi

  • Thorns Of Seduction   CHAPTER 86

    Puno ng ingay at ilaw ang paligid. Sa bawat hakbang ni Cressida sa red carpet ng La Hermosa Escena de la Moda, ramdam niya ang bigat ng spotlight na nakatutok sa kanya. Ngumiti siya, bahagyang tumango sa mga kilalang mukha, at nagpa-picture sa ilang photographers. Sanay na siya sa ganitong eksena — sa mga tao, sa camera, sa mga tinging puno ng paghanga at inggit.Ngunit ngayong gabi, may kakaibang lamig na dumampi sa kanyang batok.Parang may matang nakamasid.Nilingon niya ang gilid ng crowd. Sa gitna ng mga flash at taong nag-uunahan, saglit na umagos sa kanyang paningin ang isang pamilyar na anyo. Matangkad, nakasuot ng itim na tuxedo, matikas ang tindig, at tila nakapako ang mga mata sa kanya.Sandaling tumigil ang tibok ng kanyang puso.Impossible… bulong niya sa sarili, pero hindi siya makagalaw.“Cressida, come! The designer’s waiting inside!” sigaw ng isa sa kanyang mga kaibigan, mahigpit na hinila ang kanyang braso. Bago pa niya maunawaan ang nakita, bigla siyang nabalot ng m

  • Thorns Of Seduction   CHAPTER 85

    Anim na buwan.Anim na mahabang buwan mula nang muling mabuo sa isip ni Arcturus ang imahe ni Cressida—ang ngiti nito, ang boses, at ang malamig ngunit malinaw na anyo ng mga mata nito na matagal niyang kinikimkim sa alaala.At ngayong gabi, tapos na ang paghihintay.Nakatayo siya sa loob ng maluwang na suite ng isang five-star hotel sa Paris, nakaharap sa malaking salamin. Nakasuot siya ng tailored black tuxedo na perpektong bumagay sa kanyang matipunong katawan. Ang kurbada ng kanyang panga ay mas lalong tumalim mula nang magsimula siyang ayusin ang sarili—mas kaunti na ang bisyo, mas disiplinado, mas determinado. Wala na ang anino ng lalaking nilamon ng alak at sigarilyo. Ang nasa harap ng salamin ngayon ay isang taong muling itinayo ang sarili, handang harapin ang mundo.Sa sofa, nakaupo si Su-hyuk, abala sa kanyang telepono. “The car will be here in twenty minutes,” aniya, saglit na tumingin kay Arcturus. “Ready ka na ba talaga?”Huminga si Arcturus nang malalim, inayos ang kanya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status